“You’ve made me
stronger by breaking my heart, you ended my life and made a better one start.
You’ve thought me everything from falling in love to letting go of a lie… Cause
you’ve made me stronger baby by saying goodbye.”
Sinasabayan ni Jamie ang tugtog mula sa kanyang Ipod habang abala
rin sya sa pag-aayos sa kanyang sarili. It’s a Sunday at araw ng kanyang
paggala. Mula nang maghiwalay sila ni Ralph ay nagging gala day niya ang
Sunday. Sometimes she goes alone, minsan naman ay kasama ang kapatid nya o kaya
ay mga friends nya. But this time, she’ll go alone.
Bago lumabas ng apartment ay tiningnan nya muna ang sarili sa
salamin at nang makuntento na sya sa ayos nya ay umalis na sya agad. Magsisimba
muna sya bago pupunta sa mall.
Habang nasa simbahan ay hindi sya mapalagay. Ewan ba niya pero
feeling nya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Medyo inilinga nya ang
tingin pero wala naman syang napansin. Guni-guni mo lang yan Jamie.
Natapos ang mass at nagpunta na sya sa mall. Manood sya ng sine
mag-isa!
Nasa loob na sya ng sinehan at maayos na ang pwesto nya nang
mapansin ang ibang manonood. Di pa kasi nagsisimula ang palabas kaya nakabukas
pa mga ilaw sa loob. Naalala nya tuloy iyong mga panahong kasama nya si Ralph
na nanonood ng sine. Oh how she missed him so much. Pero naisip nyang walang
kwenta ang mamiss nya ito dahil hindi man lang sya namimiss nito. Hindi nya
tuloy maiwasan ang malungkot.
Patay na ang ilaw sa loob. HUdyat na magsisimula na ang palabas.
Wala man lang syang nabiling pagkain dahil nawala iyon sa isip nya kanina.
Ganoon kasi sya pag gumagala. Wala sa sarili at okupado ni Ralph ang isip nya.
Nagsisimula pa lang ang palabas nang may tumabi sa kanya. Hindi na
sya nag-abalang tapunan ito ng tingin at pinagpatuloy lang nya ang panonood.
“Kanina pa ba ‘to nagsimula, Miss?” dinig nyang tanong ng isang
boses mula sa tabi nya. Oh kay gandang boses. Sa isip nya. Napalingon sya sa katabi.
“Hindi naman, kakasimula pa lang,” sagot nya. Nakangiti ang lalaki
at kahit medyo madilim ay kitang-kita nya ang angking kagwapuhan nito.
“You like? Wala ka yatang dalang food eh,” alok nito ng dala
nitong popcorn.
“Ha? Salamat na lang. Busog pa ako,” pagsisinungaling nya kasabay
naman ng pag-ingay ng kanyang tyan. Gutom naman talaga sya. Tinamad lang syang
lumabas kanina nang makapwesto na sya ng maayos.
Tumawa ang lalaki pero mahina lang iyon. Tama lang para hindi
madisturbo ang ibang manonood. Napahiya tuloy sya dito dahil nabuking sya nito.
“Sige na kumuha ka lang. Share tayo, marami naman ‘to eh. Saka wag kang mag-alala. Walang lason ‘to.”
Ngumisi pa ito pagkasabi nyon.
“Thanks, nakakahiya naman sa’yo.”
Feeling nya ay pinamulahan na sya. Buti na lang at madilim noon.
Hindi nalang nya inisip kung nakakahiya man ang maki-share rito. Mukhang mabait
naman kasi ito at makapagkakatiwalaan. At kailangang magkalaman ang tyan nya
kahit papaano.
Nawala na sa palabas ang attention nya. Pakiramdam nya kasi ay
tinititigan sya ang lalaki. At nang lingunin nya ito ay hindi nga sya
nagkamali. Nakatingin ito sa kanya! For the secong time ay napahiya na naman
sya. Pero hindi pa rin ito nag-iwas ng tingin.
“Have we me before? You look so familiar.” Tanong nito.
“Style mo bulok! Tseh!” Inirapan nya ito.
Pagkatapos ng palabas ay agad syang lumabas. Akala nya pa naman ay
okay ang lalaking iyon. Iyon pala parang nagpapalipad-hangin lang. Ngunit
hindi na mabura sa isip nya ang gwapong mukha nito. Sayang at hindi man lang
nya nalaman ang pangalan nito.
Lalabas na sana sya ng mall para umuwi nang marinig nya ulit ang
boses na iyon. HUminto sya para lingunin ang tumatawag sa kanya. Napatanga sya
sa nakita.
He’s more handsome with the lights on! He’s tall, moreno… and..
damn! He looks hot!
“hey! Don’t look at me like that Miss,” nakangiting sabi nito nang
makalapit na sa kanya.
“Kapal!” Mataray nyang sagot. “What do you want?” Tanong naman nya
na nagtataray pa rin.
“You left this.” Sabay abot ng isang pouch sa kanya.
Gosh! It’s her pouch! Ang tang mo talaga jamie! Buti nalang
tanga ka! This time
kinilig na sya. Ang gwapo naman kasi ng kumakausap sa kanya. She can’t help
herself from smiling.
“Hindi ka pa kumakain di ba? Kain tayo, treat ko.” yaya nito.
“Sige,pero KKB na lang. Nakakahiya sa’yo.”
“I insist. Let’s go.” sabay hila ng kamay niya.
Ang kasama nya ang humila sa kanya papunta sa food court. Di na
rin lang sya tumanggi na ito ang
magbabayad ng kakainin nila. Pinagmasdan nya ito habang nakapila ito para
umorder ng pagkain. Tinitigan nyang maigi ang mukha nito. She wondered kung
saan nya nakita ang mukhang iyon. Parang nakilala na nya ito noon. Hindi pa rin
naman kasi nya alam ang pangalan nito dahil nahihiya sya maunang magtanong.
Ilang sandali pa pagkatapos nitong maka-order ay dumating na rin
ang kanilang pagkain.
“Let’s eat Jamie.” Sabi nito.
“You know me?” Gulat na tanong nya.
“With all my heart. Come on let’s eat. And oh by the way, I’m
Merick.” Nakangiting sabi nito.
Merick? Inalala nya ito. And finally she remember! Pero…
“Hey! Hindi ka ba nasasarapan sa pagkain?”
“Merick…” mahinang tawag nya rito. She can’t believe she’s with
him.
“Iiwan kita dito pag umiyak ka! Ubusin mo na yang food mo.”
Inubos nga nya iyon. Pagkatapos ay nagtungo sila sa park malapit
rin lang sa tinutuluyan nyang apartment. Still, she can’t believe na kasama nya
ito. Tahimik ang palagid. Nakatingin ito sa dagat at sya naman ay nakatitig
lang sa mukha nito habang binabalikan ang nakaraan sa isip nya.
She was 10 year old that time and he was 12. Merick was her
friend. Her only friend na iniwan nya noong naghihirap ito at nakakipaglaban sa
sakit nito.
15 years ago… at the hospital.
“Jamie,please don’t leave.” Naiiyak na pagpipigil sa kanya ni
Merick. He has been a brother and a very best friend to her. But seeing
him lying there, parang gugustuhin nya na lang mamatay ito kaysa makita itong
nahihirapan sa sakit nito.
Sa batang isip nya ay naisip na nya ang ganoon. Nahihirapan kasi
syang makita ang kaigan na nagkakaganoon. Hindi sya makapagsalita habang hawak
pa rin nito ang kamay nya.
He’s sick at hindi nya alam kung ano iyon. She heard the doctor
told Merick’s parents that her friend is dying. Hindi nya alam kung ano ang
gagawin nya. Hanggang sinabi sa kanya ng parents nyang lilipat na sila ng
bahay. Ayaw man nya ay mas mabuti na rin siguro iyon para hindi na nya makitang
mawala si Merick. Hindi nya kakayanin iyon.
“Lilipat na kami ng house Merick. I can’t visit you anymore.” sabi
nya habang pinipigilan ang pag-iyak.
“I want you to be here Jamie… until my last second. Jamie, I –”
“I have to go Merick…Naghihintay na sila mommy sa labas. I’ll pray
for you.” Iyon lang at mabilis syang lumabas ng kwarto nito at nagpaalam na rin
sya sa pamilya nito.
Pagkalipat nila ng bahay ay wala na syang nabalitaan tungkol dito.
Pinilit nalang nyang kalimutan ito dahil nauuwi sa pag-iyak ang pag-iisip nyang
mawawala ang kanyang kaibigan na lihim nyang minamahal.
“hindi ko alam kung paano nangyari Jamie, but I lived. Magaling
lang siguro yung doctor na humawak sakin. Natanggal yung tumor malapit sa utak
ko and here I am now. Alive as ever.” Nakatingin pa rin ito sa dagat. Tuluyan
na ngang tumulo ang luha mula sa mga mata nya.
“I’m sorry I left you before. I was weak. Naduwag akong samahan ka
noon. Natatakot akong makita kang ma…ma-”
“It’s okay now Jamie. That was one reason kung bakit ako andito
ngayon kasama mo. It gave me the strength and courage to live. At saka mga bata
pa tayo noon.”
She was crying and he hugger her. Anong klase syang kaibigan at
nagawa nyang iwan ito noon. Hindi man lang nya ito kinumusta noon dahil pinutol
nya talaga ang kung ano mang ugnayan nila.
“I’m so sorry Merick… I’m so sorry…” napahagulhol na sya.
“Ano ba Jamie, wag ka ng umiyak. Okay na iyon.”
Pero hindi sya tumigil. Pinangko sya nito.
“Hey! Put me down! Mabigat ako!” saway nya dito. Pero tumawa lang
ito at ibinaba sya.
“Akala ko di ka pa titigil… Ihahagis na lang sana kita sa dagat.”
Nagkatawanan na lang sila nito.
“I missed you Jamie.”
Napangiti sya dito. Nagkwentuhan sila at naikwento nito na mula pa
pala paglabas nya ng apartment ay sinusundan na sya nito. Naikwento naman nya
rito ang tungkol kay Ralph at ang pagiging bigo nya sa pag-ibig.
Hindi iyon ang huli nilang pagkikita dahil nasundan pa iyon at
nasundan pa. Walang nagbago sa kaibigan nya. Mabait pa rin ito at maalaga. Just
like the old time. At dahil sa regular nilang pagkikita ay muling nabuhay ang
damdamin nya para dito na matagal na nyang kinalimutan, She loved him ever since
but hindi nito alam iyon.
“I love you Jamie.”
Natigilan sya sa pagtawa nang marinig iyon. Nagkukwentuhan kasi
sila tungkol sa mga kalokohan nila noon kaya ganoon na lang pagtawa nya. They
wew at the same place nung una silang nagkita muli. Nakatitig ito sa kanya at
ganoon din sya dito. Parang tumatalons a tuwa ang puso nya nang mga sandaling
iyon. He loves her too!
“I love you Jamie… Ever since nagkakilala tayo. You already had a
special place in my heart kahit bata pa man tayo noon. I though that I will die
without letting you know how much I love you. I will love you until mylast
breath Jamie.”
“Merick… I love you too. Natakot ako noong sabihin sayo. Kasi nga
bata pa tayo. I wasn’t so sure about the feeling. And i thought little sister
lang ako para sayo. I love you but i was stupid for leaving you before when you
needed me. I love you Merick and I promise I’ll never leave you again.”
Without any other words, he claimed her lips. He kissed her slowly
and gently. At that very moment, she already forgotten about Ralph. Ralph is
out of her system anymore. For her, there’s only Merick, and no other. She
willingly responded to his kiss. And then they hugged each other. It seemed
that there’s no letting go.
She was very happy having him. Tila wala na syang mahihiling pang
iba. Until one night, without hesitations, she gave herself to him. Naiyak pa
sya pagkatapos sa sobrang saya. Mahal na mahal nya si Merick.
Until one day, they were at the park again. Napansin nyang tila
balisa ito. Kakaiba ang kinikilos nito. She held his hand at nanlalamig iyon.
Hindi nya tuloy maiwasan ang mag-alala para dito.
“Are you okay” nag-aalalang tanong nya dito.
“I’m always okay when I’m with you jamie. Cause it’s your love
that’s keeping me alive now.” Nakangiting sagot nito. Pero hindi nya iyon
maintindihan. Pakiramdam nya ay meron itong hindi sinasabi sa kanya.
“Hindi na kita iiwan Merick.” Then they kissed.
One night ay hindi sya mapakali. hindi sya makatulog. She reached
for her phone and dialed merick’s number.
The subscriber cannot be reached. Please try your call later.
Bigla syang kinabahan. Saka naman tumunog ang cellphone nya. Hindi naka-register ang number na tumatawag
pero sinagot nya iyon.
“Yes, it’s me Jamie… Tita? oh bakit po kayo napatawag?… What???
I’m coming!”
Mabilis pa sa alas kwatro na bumangon sya at nagbihis. Ang ina ni
Merick ang tumawag and told her na isinugod sa hospital si Merick. Abot langit
ang kaba nya. She wants to be there for him. Pagdating nya sa hospital ay
sinalubong sya ng mahigpit na yakap ng ina ni Merick. Ano
bang nangyari sayo merick?
Nasa isang private room na ito sa ospital na iyon. Silang dalawa
lang and andun dahil bumili pa ng makakain nila ang ina nito.
Nang mga sandaling iyon ay mahimbing itong natutulog. He looked
sick pero hindi pa rin maitatago ang kagwapuhan nito. She touched his face.
From his forehead down to his cheeks. She let her finger slid on the tip of his nose down to his
lips. Ilang butil ng luha ang pumatak mula sa mata nya.
“Kiss me Jamie.” Mahinang sambit nito pero tama lang para marinig
nya. Gising pala ito.
“I love you Merick…” sabi nya and granted his request. She kissed
with gentleness and full of compassion. Still she tried to keep herself from
crying. With his eyes close, he responded to her kiss. Then it ended. Napatingin
na lang sya sa mukha nito. And there he is, sleeping like a baby. Inayos nya
ang ang pagkakakumot nito. At bago sya umuwi, she gave him a smack on his lips.
I lang linggo na ring nasa hospital si Merick. Lagi syang andoon
para dito. Umuuwi lang sya pag gabi at bumabalik ng maaga. At kapag ganoong
wala sya sa harap nito ay doon nya inilalabas ang luhang pinipigilan pagkaharap
nya ito. Bumalik ang takot nyang mawala ito. Bakit kailangang si Merick pa ang
magkasakit ng ganoon?
Isang umaga ay nagising sya ng maaga kesa inaasahan dahil sa tunog
ng kanyang cellphone. May tumatawag sa kanya at si Merick iyon. Sabi nito ay
pumunta sya sa park ng hospital at naghihintay daw ito doon. He sounded like
he’s okay.
Masaya syang marinig ang boses nito. Ang gaan sa pakiramdam.
Naghanda sya agad para makarating doon ng mas maaga. He wants to witness the
sunrise with her.
Pagdating doon ay nakita nyang nakaupo ito sa isang bench with a
bouquet of roses in his hands. Nang tuluyan na syang makalapit dito ay hinagkan
nya ito sa labi.
“For you…” sabay abot ng bulaklak sa kanya.
“Thanks… buti umabot ako. Hindi pa sumisikat ang araw.” Umupo sya
sa tabi nito.
“Jamie?”
“Hmmm?” tinitigan nya ito. Nakatingin lang ito sa kawalan.
“Sa tingin ko di na ako magtatagal, baka maya-maya, bukas o sa
makalawa–”
“Don’t say that Merick.”
“Ayaw mang sabihin nila mama pero nararamdaman ko na iyon. Jamie,
I’m setting you free. I love you so much and you deserve to be happy. Ayokong
matali ka pa saki, eh hindi na rin naman pala magtatagal ang buhayko. I thought
i was okay until that night na inatake ulit ako. Itinago nila mama sakin ang
totoo. Para daw mamuhay ako ng normal. Pero ang totoo ay mamatay pa rin ako
dahil sa sakit na ito.” Tumigil ito sa pagsasalita at hinawakan ang kamay nya.
“Wag kang magsalita ng ganyan. Andito lang ako at hindi kita iiwan
Merick.” Naiiyak na sya pero pinipigilan nya pa rin iyon.
“Jamie, I’m sorry I can’t be with you physically for so long
anymore. I’m so sorry…You see… I’m dying…” tuluyan ng umiyak ito. Parang
dinudurog ang puso nya sa pag-iyak nito. He was hopeless.
“Merick, loving you was my choice. There’s nothing to be sorry about.
I choose to be here with you until the end cause I love you so much.” Napansin
nyang sumisikat na ang araw.
“Look…” sabi nya sabay turo sa papasikat na araw. Sabay nilang
pinanood ang ganda nyon.
“It’s beautiful Jamie… just like you. Thank you.”
“I’m more than happy being here with you.” nakangiting sabi nya.
“I love you Jamie.”
“I love you too Merick.”
They kissed and then he held her hand. Mahigpit ang hawak nito sa
isang kamay nya at niyakap sya nito. And the way he done that made her cry. She
knew he was ready to… die. Tuluyan na nyang pinakawalan ang luhang kanina pa
nya pinipigilan. He rested his her at her shoulder habang yakap siya nito. Lalo
pa syang naiyak nangmaramdaman nyang lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kamay
nya at bumigat ang pagkakasandal ng ulo nito sa balikat nya. Kung kanina ay
nararamdaman pa nya ang init ng hininga nito, this she can’t feel it anymore.
She took a deep breath and hugged him tight. Hindi na ito
makakaganti sa yakap nya. Isinubsob na lang nya ang mukha sa balikat nito at
napahagulhol, She can’t help it this time.
Umiiyak pa rin sya nang maramdaman nya na may tumapik sa likod
nya. It was Merick’s mom. May mga kasama na ito upang tumulong na kargahin ang
walang buhay na na katawan ni Merick.
“I love you so much… and I will miss you. Thank you for loving me…
You’ll be in my heart forever Merick.” bulong nya bago nya ito pakawalan mula
sa mahigpit nyang pagkakayakap rito.
Sinundan na lang nya ng tanaw ang mga taong nagdala ng katawan ni
Merick papasok sa loob ng hospital. He chose to be with her until the end.
Napatingin na lang sya sa araw na bagong sikat pa lang. Then she felt the wind.
She felt Merick’s still around.
“I love you Merick. May you rest in peace.” bulong niya sa hangin
at hinayaang mag-unahan ang luha sa pagpatak mula sa mga mata nya. Her heart
seems to be torn into pieces. Hindi pa nya magawang tumayo. Wala na ang
lalaking minahal nya ng sobra at minahal sya ng sobra.
A little more second she stood up. Hindi magiging masaya si Merick
kung patuloy syang malulungkot. Merick wants her to be happy. So she had to
accept it. Merick’s gone.
END
an ganda nito pwamise.... kaka iyak :,(
ReplyDeleteaww, oo nga. agree. :(
ReplyDelete:( iyak na tayo.. namimiss ko na si merrick... (parang existent lang?)
ReplyDeletetama! haha. akala ko tuloy true story na. :D
Delete