KYRA
Hindi ko pa man inaangat ang ulo ko... alam ko ng si Lemuel ang tumabi sakin. Alam na alam kona ang amoy ng pabango nya. Ewan ko pero sobrang sakit ang nararamdaman ko. Nang dahil sa halik nayunna wala lang pala sa kanya nanliit ako sa sarili ko.
Kanina nang itinulak ko sya, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Ngayon andito sya. Ano na naman kaya ang kailangan nya? Sasaktan na naman nya ba ako? Sasabihan ng mga salitang ayaw kong marinig?
Sasabihin nyang hindi nya ako gusto at kailan man ay hindi sya magkakgusto sakin? Sasabihin na naman ba nyang ang drama ko kanina? Ano? Ano na naman ang kailangan nya?
Mabilis ang tibok ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan na sa kabila ng nararamdan kong galit eh mahal ko pa rin siya. Tama, mahal ko na siyakaya ako nagkakaganito.
Hindi ko iaangat ang mukha dahil ayaw kongmakita nyang namamaga ang mata ko....
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Kyra... mahal kita..." mahina ang boses na sabi nito pero tamang-tama lang para marinig ko. Nabigla ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Wala akong masabi. Pagkatapos ng mga ginawa nya? Pag-ignora sakin at pagsabi ng mgasalitang masakit para sakin?
"Anong kalokohan na naman ba yan Lemuel?" tanong ko ulit na hindi pa rinnag-aangat ng mukha. Ayokong makita muna ang pagmumukha nya, lalo na ngayong nagsisimula namang manloko ito.
"Hindi ito isang kalokohan Kyra... I love you... totoo ang sinasabi kong to.."
"Bakit mo sinasabi sakin yan? Asan na yung pinsan ko? diba magkasama pa lang kayo kahapon? Wag mo na nga akong paikutin Lemuel.."
"Maniwala ka sakin Kyra..."parang nagsusumamo angtinig nito at napilitan akong mag-angat ng mukha.
"Magbigay ka ng dahilan kung bakit dapat kong paniwalaan ang sinasabi mo?" bakit parang umaasa na naman ako. Ito naman talaga ang gusto kong marinig diba? ang gusto kong malaman? Ang nararmdamn nya?? pero ang tanong, ito ba ang totoong nararamdaman nya?
"Kyra," sabinito pero hindi humaharap sakin diretso ang tingin kaya iniyuko ko ulit ang ulo ko habang nakikinig sa kanya. "noon pa man obvious na talaga ang pagpapapansin mo sakin. Napag-usapan ngbuong campus at nalaman ng Mama ko. Pinilit kong baguhin yun. Gusto kong kalimutan mo ang nararamdaman mong pagkagusto sakin at tumigil na sa pagpapansin." dagdag nito.
Napatingin ulit ako sa kanya at seryoso na rin ang tono ng pagsasalita nito.
"Nalaman ni Mamaang tungkol sa'yo at gusto nyang ligawan kita. Pero hindi ko ginawa yun. Ayokong isipin mong ginawa ko yun dahil sa utos ng mama ko. Kyra, noon pa man gustoni mama ng mayaman na manugang." tumigil ito sa pagsasalita at nagpatuloy..
"Tinago ko ang totoo kong nararamdaman para sa'yo, i don't want my mother to take advantage with that. Pero kanina, Kyra, natakot ako... Laging sinasabi nila na baka mahuli ang lahat at magsawa ka sakin.Kaya, ngayon kung maniniwala ka man o hindi, at least nasabi ko na sa'yo ang totoo."
"Pero bakit mo pa pinipigilan Lemuel?" tanong ko at naiyak Bakit nga kaya? Dahil lang ba sa mama niya?
"Kyra, gusto kong mahalin mo ako sa panahong karapatdapat na ako sa'yo. Yung kahit ang ibang tao eh wala ng maisusumbat pa sakin. Si mama, ayokong gamitin ka nya."
"Ehh.. gago ka pala eh.. mahal mo ko tapos pinipigilan mo?" naiba ang pakiramdam ko. Feel ko naman na totoo ang sinasabi sakin ni Lemuel. Nararamdaman ko yun. Humarap siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Kyra, gustuhin ko mang maging tayo . Pero parang hindi pa yata ngayon yun eh..."
"Gago ka talaga, bakit naman hindi??? Gusto mo bang hintayin ko pang maging mayaman ka?" biro ko. At napangiti na ako...
Kahit kailan talaga madaling bumigay ang puso ko, lalo at taong mahal ko na ang nagsusumamo.
LEMUEL
Hindi ko alam at kinakabahan ako. Papaniwalaan kaya ni Kyra ang lahat ng sinabi ko? Totoo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Kanina ko naramdaman ang napakatinding takot na baka mawala sya sakin at maging huli na ang lahat para sa amin.
"Gago ka talaga, bakit naman hindi??? Gusto mo bang hintayin ko pang maging mayaman ka?" biro nito. Sa sinabi nyang yun, parang iyon ay isanghdyat na naniniwala na sya sakin. Bahala na si Mama at wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.
"Kung kaya mong hintayin na yumaman ako...." sagot ko naman sa kanya. Nakangiti na sya. Masaya na ako. Nawala ang kabang kanina ay narramdaman ko.
"Ayokong maghintay ng wala kang sinasabi sakin Lemuel.... Unang kita ko pa lang sa'yo sabi ko na sa sarili kong ikaw na ang lalaking gusto kong makasama forever. At sabi ko sa sarili ko, kung hindi man ikaw ang magiging para sakin, ay gagawin ko ang lahat para ikaw lang talaga ang maging para sakin."
"I love you Kyra."
"I Love you too Lemuel."
Niyakap ko sya ng mahigpit at muli sa parehong lugar, where i first kissed her and tasted the sweetest lips for the first time.. well naulit yun nga naman yun. But at this time, we already both know that we love each other....
Hindi rin namannaging huli ang lahat para kay Lemuel. Buti na lang at ginawa nya rin angmatagal ng dapat nyang ginawa.
Naging magkasintahan si KYRAat LEMUEL. Pero, nagsisikap pa rin si Lemuel na matupad ang gusto nya. Ang yumaman sya at para walang masabi ang ibang tao.
Maraming nagsabi ng masama. Oportunista si Lemuel, pinapaasalang si Kyra pero ang dalawa ay walan pakialam. Bakit pa? Hindi na importante ang sasabihin ng iba na wala namang kwenta. What is important is what they really feel.
Nagsumikap si Lemuel, hindi naman kasi sya ang klase ng lalaking umaasa sa kgwapuhan. Naging sikat na basketball player, at dahil nga gwapo rin ay naging sikat na model.
Aba, si Kyra naman, masayang-masaya para sa boyfriend nya. Kahit hindi man pantay ang yaman nila, pantay naman ang pag-iibigang nararamdaman nila para sa isa't-isa.
..........................................end..............................................
gawa ka naman ng horror.
ReplyDeletehindi ko keri yun eh... hehehe
ReplyDeletemaganda.. Keep it up!!
ReplyDeletelove it!
ReplyDeletetapos mo na rin to??? hahaha!!! thanks lai.. matapos mong mabasa ang lahat dito eh try mo na rin lang magbasa sa sites na sa bandang kanan nitong page... marami ding stories dyan.. :D
Deletetalaga? tapos ko na nga lahat. akala ko pa naman wala na ako mababasa. meron pa naman pala sa iba. hehe
Deleteganda...thanks!!!
ReplyDelete