I Knew We're Meant To Be: Chapter 12


KYRA



Nakakainis pero nalulngkot ako. Wala lang ba talaga kay Lemuel yung kiss na yun? Parang sinadya nga rin nyang hindi ako pansinin kanina. Hindi ko na talaga alam kung anong gusto nyang mangyari....


Nagriring ang phone ko at si Pat ang tumatawag...


"Hello Kyra?"


"Oh..Pat,bakit?"


" exgirlfriend pala ni Lemuel yung girl kanina..."


"Pinsan ko yun pero hindi ko alamna ex-grilfriend nya yun... Hindi ko naman kasi akalain nayung steph na sabi sakin noon ng lalaking inutusan kong imbestigahan si Lemuel,eh yung pinsan ko pala... sa tingin mo? Nagkabalikan kaya sila?"



"Ehhh.. bakit hindi mo pa-imbestigahan ulit???? "


"Ayoko na... parang sinasadya na nyang ipakita sakin ang mga babae nya eh... ayoko na sa kanya...."



"Girl??? sumusuko ka na??/"


"Ehhh..anong gagawin ko? Sabi nga nya kagabi nakalimutan ko nalang yung kiss na...."
late na para bawiin ang sabihin ko.


"Whaattt? Nagkiss kayo??? Hindi mo naman sinabi sakin kanina yan ah..."


"Baka kasi mag-isip ka ng masama... then malamanpa ng iba, then isipin ni Lemuel na ipinagkalat kong hinalikan nya ako..."



"sya ang humalik sa'yo?????"


"Over namanyang reaction mo girl.. kalimutan na natin yun.. tapos na yun eh..."


"Gago naman pala yung Lemuel na yun eh... Hinalikan ka for what?? Wala lang??? Aba girl..."


"Pat... bukas nalang ta'yo mag-usap.... inaantok na ako ehhh.."
pagsisinungaling ko....


"Ahhh.. ganun ba... sige... see you tomorrow nlang.. Pabayaan mo na si Lemuel..walang kwenta naman pala yun..."


Nawala na si Pat sa kabilang linya. Heto naman ako at tulala.


Kakalimutan ko na tong feelings ko sa kanya.... pero paano? kay ko bang hindi sya pansinin at hindi pagmasdan sa tuwing maypagkakataon????


Hindi pa talaga ako inaantok dahil gulong-gulo ako.... Kinuha ko ang aking notebook at lapis... nagsulat ako... at eto ang nasulat ko.


Gusto kita

Heto lang ako sa tabi-tabi

Pasulyap-sulyap lang sayo

habang ikaw ay tumatambay

kasama ang barkada mo

sa t'wing nakikita kita

araw ko'y talagang sumisigla

kinikilig ako

sa t'wing tinititigan kita sa mata

na para bang ika'y nakatitig rin sakin

kahit di pala

"Feeler" man kung tawagin

alam kong ika'y may gusto rin sakin

bakit di pa aminin

wag mo na akong paghintayin

gusto kita2x

gusto kita noon pa

pero bakit ngaba

parang ako'y di mo nakikita

heto na naman ako

nagpapapansin na naman sa'yo

hanggang kailan ko nga ba

gagawin ang lahat ng ito

sa t'wing nakikita kita

ako'y laging natataranta

kinakabahan ako

sa t'wing napapansin kita

na para bang ika'y lalapit sakin

kahit di pala.

KSP man kung tawagin

gusto ko lang tumingin ka sakin

nang mapansin mo rin na gusto kita

talagang wala ng pag-asa

ang puso kong umaasa

dahil sa dami ng may gusto sa'yo

imposibleng mapansin mo pa ako

kaya heto ako sa tabi-tabi

pasulyap-sulyap nalang sa'yo....



Bukas Lemuel magbabago na ako....



LEMUEL



Ano kaya ang effect kay Kyra nung ginawa ko kahapon?


Nasagot ang tanong ko nang pagpasok ko sa first subject namin na classmate ko siya ay tahimik lang ito. Bakit naman kaya? Nasaktan ko ba ito? titigilan na kaya nya ako?


Puno rin ng tanong ang isip ko. Pero meron rin akong pagsisising nararamdaman. Kung alam lang sana ni Kyra na unti-unti n akong na-iinlove sa kanya. Pero hindi rin nya pwedeng malaman.. saka nalang siguro.....


Sa loob ng isa't kalahating oras ay hindi man lang lumingon sakin si Kyrana dati nyang ginagawa. Yun na ba ang resulta ng ginawa ko kahapon?


Natapos ang klase at naglabasan na ang mgastudyante. Natanggap ko rin ang text sakin ni Brandon na may meeting ang varsity kaya patakbo akong lumbas nang hindi ko sinasadyang madaganan si Kyra at nahulog ang gamit nito.


"Sh*t! Ano ba? Hindi ba pwedeng magdahan-dahn sa paglabas?!!" galit yatang saad nito na nakatalikod parin sakin. tutulungan ko sana syang pulutin ang gamit nya pero nang makita nya ako ay nagtagpo ang kilay nya. Parang galit na galit talaga. Pero bakit? Dahil ba kahapon


"Sorry, hindi ko naman sinasadya.. Nagmamadali lang ako."
sabi ko sa kanya ayluluhod na sanapara kuninrin ang ibang nahulog nyang gamit pero pero itinulak nya ako.


"Hindi ko kailangan ang tulong mo!" dali-daling kinuha ang ibang gamit at mabilis na naglakad. Natigilan ako sa inasal ni Kyra. Nagbago na siya.


"Pasensya ka na Lemuel dun sa kaibigan ko. May problema kasi yun eh..." paghihingi ng paumanhin ni Pat para sa kaibigan. At sumunod na rin ito kay Kyra.


Bakit ganun? Anong problema ni Kyra? Hindi naman siguro ako.


"Lemuel!!! Bilisan m na dyan! Tayo na..." tawag sakin ni Brandon.


Ngmeeting kami na wala doon ang isip ko. Teka... bakit ako nagkakaganito? Noon naman gusto kong hindi na magpapansin sakin si Kyra pero ngayong nangyari na ang gusto koeh parang may kulang pa rin...


AaaRRRgggHHHH!!!! at nasuntok ko ang armchair na syan umagaw ng attention ng iba.


"May problema ba Lemuel???" tanong ng coach namin na syangnagpi-preside ng meeting.


"Wala po coach...."
deny ko.


Natapos ang meeting na wala man lang akong alam kung anong pinag-usapan. Lunchbreak na. Kumain kami at pagkatapos ay pumunta sa tambayan. Inaasahan kongmakikita ko si Kyra sa laging pwesto nito sa canteen pero bigo ako. Wala doon si Kyra. Kaht si Pat wala din. Iba ang naka-upo dun. Ang alam ko kasilaging pinapa-reserve ni Kyra yung place na yun. At dahil sa ma-impluwensya ang pamilya nila ay napagbibigyan ito.


Pero ngayon, nasan sya?


Natapos ang araw na yun, Im still puzzled sa ipinakitang ugali kanina ni Kyra. Pagdating ko naman sa bahay ay nag-aabang ang Mama kong wala ng ibang magawa kundi ang diktahan ako kung sino ang babaeng dapat kong ligawan.


"Ano Lemuel,girlfriend mo na ba siya?" salubong na tanong nito sakin.


"Ma, ano ba? Hindi mo ba talaga ako titigilan dyan? Patawarin nyo ako pero hindi ko magagawa ang gustonyo! Hindi kasing kapal ng mukha nyo ang mukha ko! Ang another thing, wag nyo akong gawing intrumento sa pagiging oportunista nyo!"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot at lumabas na agad ng bahay.. pero narining ko pang nagsalita si papa.


"Sabi ko naman sa'yo hayaan mo na eh." dinig kong sabi ni papa.


Saan ako pupunta ngayon? Ayoko munang umuwi ng bahay. Buti na lang at nasa bulsa ko ang aking cellphone at pera. Idi-nial ko ang numebr ni Ulysses. Nagring at ilang sandali ay sumagot na ito.


"Ano insan? Napatawag ka?"


"Ulysses, pwdeng sa inyo muna ako matulog ngayong gabi lang?"
paki-usap ko sa kanya.


"Walang problema,punta ka nalang dito."


"Cge, papunta na ako dyan."


"Sige, bye."


Natpos ang tawag. Gusto ko rin namang makapag-isip at makatipid ay naglakad na ako papunta sa subdivision na tinutuluyan ni Ulysses.


Papalapit na ako sa subdivision ng biglang umusbong ang matinding kaba. PAtuloy akong naglakad. Alam kong madadaanan ko ang bahay nila Kyra bago kina Ulysses. Kaya siguro ganito katindi ang kabang nararamdaman ko.


Binilisan ko ang aking paglalakad ng natigilan ako sa nakita. Si Kyra, nasa labas ng gate nila at nakaupo sa ligid ng kalsada. Kung titingnan siya parang isang simpleng tao lang.


Yun ang talaga ang nagustuhan ko sa kanya. Sa kabila kasi ng pagiging sobrang mayaman ng pamilya nito ay hindi ko kailanman nabalitaan sa campus na mayabang at mata-pobre ito.


Habang papalapit at mas lalo akong kinakabahan. Dadaan lang baako sa harap nito? Hindi ako nito makikita kung dadalangan ko ang paglalakad.Nakayuko kasi ang ulo nya at parang tulog. Ewan ko. Sa halip na daanan lang ay iba ang ginawa ko.


Tumabi ako sa kanya pero hindi man lang ito nag-angat ng ulo para tumingin sakin o para man lang makilala kung sino ang tumabi sa kanya.

"anong kailangan mo?"parang walang emosyon na tanong nito. Hindi man lang talaga inaalam kung sino ang kinakausap nya. Pero bakit parang apektado ako. Nasasaktan ako.



No comments:

Post a Comment