I Knew We're Meant To Be: Chapter 11


KYRA



Nakatulala pa rin ako. Kanina matapos yung ginawa ni Lemuel naiwan akong nakatayo at parang wala sa sarili. Sinadya ko naman talagang mag-goodbye kiss sa kanya at hindi ko naman inasahan yun ginawa nya. Bakit nya ginawa yun?


"Sige, mauna na ako. Kalimutan mo nalang ang gabing to," huling sabi nya kanina bago sya umalis.


Naloloka na rin ba siya? Hindi ko yata kayang kalimutan ang ginawa niya. Hayyy... Yun pala ang kiss. Parang sanay na sanay na sya ah. Kahit papaano, masaya na ako kasi siya ang first kiss ko.


Nakatulog na lang ako sa kakaisip sa kanya.


"Kyra... bumangon ka na dyan at may pasok ka pa." dinig kong pukaw sakin ng yaya ko at itinabon ang kumot sa mukha ko.


"Yaya.. mamaya na...pwede namang ma-late eh..."



"Nku!! Kyra, dalaga ka na..tumayo ka na jan."


Hindi na ako nagsalita at bumangon nalang. Hindi rin naman ako titigilan ni yaya hanggang hindi ako babangon kaya hindi rin ako makakbalik sa pagtulog. Naghanda na ako para makapasok sa school.


...............................................................


.............................


"Ky! Ano, kumusta ang date nyo ni Lemuel kahapon?" nakangiting tanong salubong na tanong sakin ni Pat. Naabutan nya akong naglalakbay ang isipan.


"Hui girlll hindi mo ba ako papansinin? Kumusta ba ang date nyo?" hininaan na nito ang boses.


"Sinong may sabi na nagdate kami? Ikaw talaga."
Ngumiti na ako. Tumabi na sya sakin at nagkwentuhan muna kami habang hinihintay ang professor namin.


"Eh.. magkasama kayo kagabi eh.. then kayo lang dalawa. Date na yun."


"Hindi date yun... Pasyal lang saka kwentuhan."



"Date o pasyal at kwentuhan pareho na rin yun girl... sige na.. anong nangyari?


Hindi ko agad ito sinagot. Kahit ako na-eexcite na ikwento sa kanya ang nangyari pero bak iba angisipin nitokaya edited na ikinwento ko sa kanya. Buti na lang at natapos koang kwento bago dumating ang guro namin.


"Mamaya ulit ha." sabi nito bago nag-focus ng kanyang attention sa klase. Tumango nalang ako at nakinig na rin sa discussion.


Lunchbreak.... as usual nasa canteen... sa dating pwesto kung saan kitang-kita si Lemuel.


"Hindi ka pa rin talaga nagsasawa sa kakatitig dyan sa lalaking yan..." mahinaang boses na sbi ni Pat atsumubo ng pagkain. Ako naman, halos hindi makakain sa kakatitig at kakaisip sa kanya.


"Mahal ko na yata siya girl..."



"Sus.. mahal mahal ka dyan. Mahal na ang mga bilihin ngayon." tumigil ito sandali at nagpatuloy. "Well, mayaman naman kasi kayo at parang wala kang alam kung gaano na kamahal ang bilihin. Anoba to...Si Lemuel pala yung topic." dagdag nito.



"I'm not joking Pat... alam mo kasi kagabi, iba na talaga yung feelings ko para sa kanya."



"Hindi lahat ng iba ang feelings eh love na... Kumain ka na nga dyan at baka maglka-ulcer ka pa dahil sa love love mong yan."


Pero wala talaga akong gana. Nakatitig lang ako kay Lemuel at parang wala rinito sarili. Pareho kaya kami ng iniisip?


That kiss.. does it mean something????? Bakit gusto nyang kalimutan na lang?


Tapos na kaming maglunch and we decided na sa lobby na tumambay. Mabuti na rin yun para makaiwas sa kakatitig kay Lemuel.


Pero, pasaway talaga ang tadhana, nasa lobby na nga kami ay paparating naman si Lemuel. Nakatitig ako sa kanya at nagulat ako ng makita ang napa-cute nyang ngiti. Nakakakilig! Nag-smile na sya sakin ngayon! Sabi ko na nga eh, may gusto rin sya sa akin...


Napangiti na rin ak Habang mas papalapit a sya sakin ay as bumibilis ang tibok ng puso ko. Mas lumalapad ang ngti ko. Si Pat man ay parangnatutulala rin.


Ayan na siya!!!!


"Lemuel!!" dinig kong tawag sa kanya mula sa likod ko. Boses babae. Napalingon ako at nakita ang isang magandang babae. Late na ng marealize kong si Steph pala. Ang aking mabait na pinsang hindi ko nga lang close. Magkakilala pala sila ni Lemuel.


Akala ko sakin siya lalapit. Dinaanan nya lang ako. Para akong ghost! Kainis!! Napahiya ako sa sarili ko dun ah...


"Okay lang yan girl." bulong ni Pat sabay tapik sa likod ko. sad.gif


"Akala ko sakin sya lalapit eh... Kainis yun ah!"
inis na saad ko.





LEMUEL




Bago matulog ay inisip ko kung ano ang gagawin ko para hindi mag-isip ng kung ano si Kyra tungkol sa ginawa ko. Bakit pa kasi ginawa ko yun eh... Nag-beep ang cellphone ko at inaasahan kong si Kyra ang nagtext pero nagkamali ako. Si Steph lang pala. Ex-girlfriend ko na kahit papaano ay nagustuhn ko rin at medjo minahala na rin yata.


Mabait kasi si Steph, maganda at matalino. Sexy at talented pa. Nagbreak kami dahil pareho naming hindi nararamdam ang love "daw" para sa isa't-isa. Well at least, hindi tulad ng iba na kahit ramdam nilang hindiko sila gusto ay pinagpipilitan pa ang sarili. Angela for example.


"How are u Lemuel?" text nito sakin. Hindi ako agad nakareply dahil iniisi ko kung ano ang irereply ko. Pero mag-ttype na sana ako ay tumatawag na ito.

"Hello Steph? Napatawag ka?"
tanong ko agad.


"Kinikumusta lang kita. Parang kinalimutan mo na kasi ako." sagot nito sa malambing na tono. Sweet rin naman talaga si Steph.


"Naku! Makakalimutan ba naman kita? Okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka na? I've heard may bago ka ng boyfriend..."


"Yeah... marami nga kayong similarities eh. How about you? May bagong pinapaligawan na naman ba ang mama mo?"


"Yeah..." pag-amin ko. Simula rin naman kasi ng magbrek kami ni Stph, we remained friends. Parang bestfriend na rin. Kaya ayoko na ring magsekreto sa kanya. "I think you already heard about it... kaya nga siguro naalala mo ako eh."


"Yeah, nalaman ko from Ulysses. Nakatagpo ko kasi siya kanina nang palabas na ako ng restaurant. So who's that girl?"


"Nagtatanong ka pa. Alam mo na diba?"
pagkasabi ko ay natawa ang nasa kabilang linya.


"Lemuel, hindi nya sinabi sakin ang pangalan. Sabi nya kasidapat sa'yo na daw manggaling yun. And i'mso excited to know who she is,.."


"Bakit ka naman naeexcite? Pareho na lang sya sa mga babaeng gusto ni mama para sakin noon."



"No, i think she's different. Sabi kasi sakin ni Ulysses parang gusto mo siya pero pinipigilan mo daw. Nagtataka nga sya kung bakit eh. Pati ako nagtataka rin. Bakit kaya? Sino ba sya? Tell me Lemuel, come'on" pamimilit pa nito.


"Kyra Mendez. I know you know her."


"Of course I know her!!!!" surprised ang tinig na saad nito. "She's my cousin!!" dagdag pa nito na syang ikinagulat ko rin.


"Whhaatttt? Cousin Hindi ko alam yun ah."


"Hindi naman kasi kami close, but i know she's good."


"I need your help steph."



"Yeah sure... Ano yun?"


Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Tumutol ito sa una pero pumayag na rin sa huli. Kinabukasan...


Mula sa tambayan namin ay nakikita ko si Kyra. Tulala itoat parang nakatingin rin sakin. Siguro iniisip nya yung kagabi. dapat mabura na yun sa isip nya. At dapat ay kalimutan na lang nya ang nararamdaman nya para sakin. I'm very sorry Kyra, pero ayoko lang namas lumalala pa ang lahat. I don't want to fall in love with you.


Bakit kasi pinipigilan ko pa eh......


Nakita kong tumayo na sina Kyra at Pat, siguro papasok na sila. Nagpaalam ako sa kapwa varsity. Tinext ako ni Steph na nakita na nito si Kyra at tumatambay sa lobby. Nakita ko a rin ito at tamang-tama ang pagtingin nya sakin. Nasa likod na nya si Steph at ngumiti ako.


Siguro iniisip na nya na sa kanya ako lalapit at sya nginingitian ko. Gusto ko ring pagalitan angsarili dahilsa ginagawa ko.


"Lemuel!!"dinig kong tawag sakin ni Steph at linapitan ko ito. Sinadya kong hindiman lang tapunan ng tinginsi Kyra at Linapitan na agad si Steph.


"Ano? May effect ba?" bulong niSteph sa kin at hinapit ang beywang nya. Wala lang sa amin yunkasi drama lang yun.


Gusto kong magselos si Kyra. Magalit siya sakin at kanit ano pa. Dapat wala syang makitang mabuti sakin. Dapat makita nyang babaero ako.


Arrrrgghhhh!!!!!!!!!!


"Ewan ko. Siguro. Dapat talagasteph kalimutan na nya ang nararamdaman nya sakin." bulong ko rin dito.


"Mahirap yata ang gusto mong gawin nya Lemuel."


"Ayoko lang naman isipin nyang gagamitinko lang sya eh."



"Hindi ny naman siguro iisipin yun."


"Saka na lang siguro pag-pantay na kami.."


"Matagal pa yan... Sige ka...pag yan napagod sa paghihintay. Ewan ko lang sa'yo"


Pareho kayong lahat ng sinasabi... Tayo na nga.."



No comments:

Post a Comment