KYRA
Kanina lang ang saya-saya ko habang nakikipagkwentuhan sa kanya kahit parang hindi naman siya interesadong makipag-usap sakin. Nakaupo kong mag-isa dahil iniwan nyana ako. I wiped my tears and then kinuha ang cellphone ko. Magpapasundo na ako.
But nagbago ang isip ko. Tumayo ako at maglalakad-lakad na muna. Para naman gumaan muna ang lob ko before ako umuwi.
Natanong ko sa isip ko kung bakit kaya ganun si Lemuel? Sobra na ba ang ginagawa ko. Madilim na ang paligid. Gabi na kasi. Naglalakad ako mag-isa at hindi ko alam kung saan ang punta ko.
Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Ngayon lang ako naglakad sa lugar na ito ng mag-isa. Gosh! Baka makidnap ako. Grabe ang nadarama kong kaba. At nanginginig na ang katawan ko sa takot ng biglang...
Krriinnggggg!!!!!!! maytumunog na cellphone! Sh*t! cellphone lang pala, naku baka ng mga kidnappers yun. Kaya binilisan ko ang paglalakad habang palingon-lingon kung saan nanggaling ang tunog. May gumagalaw sa banda doon at parang may tao.
"Bulaga!!!!"
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!" malakas kong tili attatakbo na sanang bigla akong hawakan ng hindi ko pa alam kung sino.
"OA ka talaga kahit kailan.! Ako langto!" si Lemuel. Muntik na akong patayin sa sobrang kaba.
"Sh*t!!!" sabi ko habang nasa dibdib ang mga kamay at kinakalma ang sarili at " Gago ka pala eh!!!" sabi ko sabay dapo ng suntok sa mukha ni Lemuel. Normal reaction lang naman siguro yun diba?
"Ano ba? Ako nga lang to eh!" sigaw nito sakin.
"Wag mo akong masigawsigawan ha! Dahil ikaw ang may kasalanan sakin!" ewan pero galit ako. Kalma na Kyra... kumalma ka na...
"Sorry! Hindi ko naman sinasadyang gulatin ka eh!!!"
"Gago ka naman pala eh!!! Alam mo bang sa yaman kong to ay maraming gustong kumidnap sakin???" ano ba namang pumasok sa utak ko at nasabi ko yun. Hayyy...
"Sorry na nga eh! Ihahatid na kita sa inyo..."
"Teka nga... diba sabi mo uuwi ka na?? Bakit andito ka pa? Sinusundan mo ako no???" nakalma rin ang dibdib ko at nagawa ko ng magbiro ulit at inisin naman si Lemuel bilang ganti ko.
"Ambisyosa ka talaga! Umuwi na tayo..." sabi nito at biglang hinawakan ang kamay ko at hinila ako nadala na rin lang ako.
"Sabi ko na nga eh... gusto mo rin ako... pahawak-hawak ka pa sa kamay ko..." panunukso ko at binitawan nya agad ito. Kainis! Sana hindi ko nalang sinabi yun. Ang sarap ng feeling kung ganun.
"Bakit ba lagi mong sinasabing may gusto ako sa'yo? Hindi ka ba nahihiya?" tanong nya sakin na kunot ang noo pero gwapo pa rin.
"Tinatanong pa ba yan??? Obvious naman kasing gusto mo ako eh..." biro ko langyun. Pero hindi ko pinahalata at seryoso kong sinabi. Malay ko, baka may effect. Natahimik ito at bakit naman kaya???? Nakakilig talaga. Ngayon ay naglalakad na kami palayo ng park at papunta sa amin. Suggest ko kasing maglakad nalang. Bahala na manakit ang paa ko basta mas mahaba ang oras na makasama ko si Lemuel.
"Sorry nga pala sa sinabi ko kanina ha.. " sabi nito at napatingin ako sa kanya. Siya naman ay diretso sa linalakaran namin ang tingin. Nag-sosorry siya??
"Bakit ka naman nagsosorry? Sinabi mo lang naman ang totoo diba? Anong masama dun?" Sabi ko at balik sa daan ang tingin. Nag-uusap kami na walang tinginan sa isa't-isa habang naglalakad.
"Itigil mo na lang kasi ang pagpapapansin mo. Masyado talagang obvious eh. Napag-uusapan na tuloy tayo sa school natin."
"Ehh. anong pakialam nila? Wag mong isipin ang sinasabi nila..."
"Kyra, hindi mo kasi naiintindihan eh. Pag ganyan ka ng ganyan sa akin at maging malapit tayo sa isa't-isa, iba ang iisipin ng iba sa atin.. Lalo na sa akin dahil iniisip nilang ginagamit lang kita dahil mayaman ka."
Hindi ako nakasagot. Ganun na ba ang naging epekto sa kanya ng mga ginagawa ko. Ako pala ang may kasalanan sa kanya.
"Sorry kung yun na pala ang iniisip ng iba dahilsa ginagawa ko. Yan ba ang dahilan kaya hindi mo ako pinapansin?"
LEMUEL
"Sorry kung yun na pala ang iniisip ng iba dahilsa ginagawa ko. Yan ba ang dahilan kaya hindi mo ako pinapansin?" seryosong tanong niya sakin pero diretso pa rin ang tingin ko sa dinadaanan.
Hindi ako makasagot dahil hindi naman talaga yun ang talagang dahilan. Wala rin naman akong pakiaalam sa sasabihin ng iba.
Katahimikan na ang namagitan sa amin matapos ang tanong niyang yun. Malapit na naming marating ang subdivision na kung saan siya nakatira.
"Malapit na tayo Kyra." sabi ko sa kanya.
"Oo nga, tumuloy ka kaya muna sa loob." anyaya nito.
"Salamat nalang pero uuwi na ako agad, baka kasi hinahanap na ako sa amin eh."
Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng malaking gate ng bahay nila.
"Salamat pala sa paghatid mo sakin ha. Ingat ka sa pag-uwi mo."
"Sige, mauna na ako. Kalimutan mo nalang ang gabing to." tatalikod na sana ako ng bigla nya akong tinawag ulit.
"Lemz!" tawag nito at lilingon na sana akong ng naramdaman ko nalang ang labi nya sa pisngi ko. "Goodnight, Ingat ka. Masaya ako at nakasama kita ngayon sana sa susunod ulit." tatalikod na rin sana ito pero hindi ko na talaga kayang pigilan pa kaya hinawakan ko ang braso nya at naharap na sya sa akin.
Then i kissed her na tinugunan rin nya. Hindi ko alam kung first kiss nya ako pero sa tingin ko ay ako nga ang first kiss nya. Natauhan ako at itinigil na ang ginagawang kapangahasan. "I'm sorry. Kalimutan mo nalang yun." sabi ko at tumalikod agad bago pa ako hindi makapagpigil ulit.
Kalimutan? Paano ko kaya kakalimutan ang gabing ito na ngayon lang ako nakadama ng sobrang kakaiba para sa isang babae. Sh*T!! Naramdaman ko ang pagwawala ng aking alaga. Kaya mabilis akong naglakad para makauwi at kinalma ang sarili. Wag naman dito.
Kakaiba ang naging epekto ng halik na yun sa akin. Hindi mawal sa isip ko ang malambot na labi ni Kyra. Maging ang kamay nito. Siguradong walang trabaho sa bahay. Paano nga kaya makakalimutan ang gabing ito?
Pagkalabas ng subdivision ay nakasakay agad ako ng tricycle at samalat ay kumalma na rin ang pakiramdam ko. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bahay at inaabangan na pala ako ng aking Mama. Diretso akong pumasok at sunod naman ito ng sunod sakin gaya ng lagi nya ginagawa pag may gusto itong malaman.
"Niligawan mo na ba?" tanong agad nito.
"Niligawan? Bakit ko naman liligawan yun? Gusto mo magkaroon ng loka-lokang daughter-in-law?" kunot noong tanong ko rin.
"Di bale ng loka-loka Lemuel, basta mayaman. Kailangang magkagusto sya sa'yo."
"Ma, impossible ngang magkagusto sakin yun!" naiinis kong sagot. Nagtataas na ako ng boses dahil hindi ko na mapigilan ang inis ko.
"Hindi impossible yun anak. Gwapo ka at obvious naman na may gusto sa'yo yun ah... Hindi mo ba napansin kanina?"
"Hindi! Dahil wala talagang gusto sakin yun. Ganun lang talaga ang babaeng yun."
"Makinig ka sakin Lemuel! Liligawan mo ang babaeng yun!"
"Oo na!!!" sabi ko nalang para matahimik na at pumasok na agad sa kwarto ko at nag-lock ng pinto.
Nakakainis! Bakit naman kasi kailangan pang makilala ng Mama ko si Kyra. Ano kaya ang iniisip ng babaeng yun dun sa ginawa ko. Wala sannang ibang isipin yun. Wag nya sanang bigyan ng kahulugan yun.
Walang nangyari at bukas ay hindi ko na iisipin yun. Walang nangyari. Walang nangyari. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Dahil walang dahilan para isipin ko pa yun.
PREVIOUS NEXT
No comments:
Post a Comment