KYRA
Ano kaya talaga ang problema ng Lemuel na yun?
Isang hapon nagyaya ako kay Pat na mamasyal kami after ng klase namin. And nasorpresa ako sa aking nakita. Si Lemuel kasama angisang may edad ng babae. Pero maganda naman para na nga lang nyang nanay. Naisip ko tuloy. Kaya siguro hindi ako pinapansin ni Lemuel kasi mahilig ito sa mga matrona. Gosh.. kinilabutan ako dun ah.
"Girl, ano nya yun??? Sugar mommy?" naiintrigang tanong ko kay Pat na nagtataka rin.
"Ikaw naman, baka nanay nya. Hindi naman siguro ang tipo ni Lemuel ang pumapatol sa mga matrona noh.." sagot naman nito.
"Mommy nya?" nakangiting sabi ko. May naiisip na naman ako.
"Tara girl, lapitan natin." sabi ko at hinila agad si Pat at linapitan namin si Lemuel na hindi kami agad napansin dahil nakatalikod sila sa amin.
"Lemz!" tawag ko sa kanya at sabay silang lumingon ng babaeng kasama nito. Hmmm.. Magandang matanda ah... Nabigla si Lemuel nang makita ako at ewan kung bakit. Parang natatakot itong ipakilala ang kasama na ngayo'y nakangiti sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya agad sa akin na ang mukha at titingin sakin at titingin sa kasama nya.
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng mamasyal?" tanong ko naman at si Pat ay hindi na nagsasalita. Iniisip yata kung ano ang pinaplano ko. Nasa likod ko ito at parang gusto na akong hilain palayo.
"Classmate ka ba ni Lemuel iha??? Ako pala ang mama nya..." sabi nito na nakangiti. So mother nga niya. Well, kailangan yatang magpakilala na ako sa aking future mother-in-law.
"Ahh.. opo, classmate ako ni Lemuel... ako nga pala si..." naputol ang sasabihin ko dahil sumingit agad si Lemuel.
"Trisha... Classmate ko po sya Ma, Trisha, mama ko." agad na sabi nito. Trisha? Nakalimuta na ba nya ang pangalan ko?
"Hindi po Trisha ang pangalan ko. Kyra Mendez po." pagpapakilala ko at nasapo ni Lemuel ang noo nito. Bigla namang nag-iba ang ngiti ng Mama niya. Parang feeling close agad at bumeso pa sakin.
"Ikinagagalak kong makilala ka Kyra, lagi kang ikinikwento sakin ni Lemuel... Totoo nga talagang maganda ka." sabi nito sakin. Hindi na maipinta ang mukha ni Lemuel at ako man ay nagtataka sa sinasabi ng ginang.
"Ma, dalian na natin kasi naghihintay na si Papa. May lakad pa kayo diba?" paalala ni Lemuel sa ina.
"Oh.. sige, mauna na ako, samahan mo na itong dalawang dalaga at baka mapagtripan pa sila ng kung sinu-sinong loko-loko dyan." sabi nito at kinuha ang dalang plastikbag ni Lemeul. Galing pala sila sa palengke.
"loko-loko nga yang babaeng yan eh.." bulong nito sa sarili pero narinig ko pa rin.
"Anong sabi mo?" tanong ng ginang na hindi yata narinig ng maayos ang sabi ng walang hiya nitong anak.
"Wala Ma... sige, samahan ko na sila."
Umalis na ang Mama ni Lemuel at sinundan ko nalang ito ng tingin. Aba, mabait nga naman si Lord at parang siniset-up pa kami nito ni Lemuel. Nagpaalam kasi si Pat na uuwi na baka hinahanap na siya sa kanila at naiwan kaming dalawa ni Lemuel.
Naglibot-libot na muna kami sa park at ewan ko kung ano ang nakain nito at hindi ito umalis pagkaalis ng ina. Baka gusto nya rin akong makasama. Napahagikhik ako sa inisip kong yun.
"Sobra naman yang pagkakilig mo, hindi mo ba talaga mapigilan at ipinapahalata mo pa sakin?" mayabang na sabi nito.
"Tsee! ang kapal mo rin pala ano? Crush mo rin naman pala ako." biro ko sa kanya.
"Mahiya ka nga! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo noh na masyadong obvious!" sabi nito. Ouch!!! ganun ba talaga ako ka-obvious? Nahurt ako dun ah...
"eto naman... Mahiya ka nga rin, sinabi ko bang gusto kita?"
Hindi na ito sumagot pa. Nagpatuloy lang kamu sa paglalakad at malapit na kami sa isang ice cream parlor. Bumili kami at nagpatuloy sa pamamasyal. Gosh.. parang kami pero hindi pala. Sana laging ganito. Nilibre nya ako kahit hindi naman ako nagrequest. Siguro nagpapaka-gentleman lang.
"Bakit nga pala may pa-Trisha2x ka pang sinabi kanina sa Mama mo? Ayaw mo bang makilala nya ang kanyang future daughter-in-law?" biro ko and at last nakita ko ring ngumiti ang napakagwapo kong crush.
"Ganyan ka ba talaga magbiro? Parang totoo.."
"Gusto mong totohanin natin?" tanong ko at tumawa ng malakas.
"Loko-loko ka talaga. Ayoko lang makilala ka ng Mama ko kasi nakakahiya ka."
"Ouch naman... grabe ka ha... hindi ko na carry yang mga pinagsasabi mo sakin."
Napagod rin kami sa kakalakad at umupo kami sa nakita naming bench. Wala namang masyadong tao ngayon sa park. Parang sinadya ng pagkakataon. At least kahit ngayon lang parang hindi umatake ang allergy ni Lemuel.
LEMUEL
Hindi naman siguro masamang kahit minsan ay pagbigyan ko ang aking sarili. Masaya naman kausap si Kyra. Mapagbiro at hindi madaling mapikon.
"Bakit nga pala may pa-Trisha2x ka pang sinabi kanina sa Mama mo? Ayaw mo bang makilala nya ang kanyang future daughter-in-law?" tanong nito at napangiti ako. Gusto ko ngang matawa pero pinipigilan ko ang emosyon ko. Mahirap ng mahulog sa babaeng to.
"Ganyan ka ba talaga magbiro? Parang totoo.." tanong ko sa kanya.
"Gusto mong totohanin natin?"
"Loko-loko ka talaga. Ayoko lang makilala ka ng Mama ko kasi nakakahiya ka." biro ko naman sa kanya.
"Ouch naman... grabe ka ha... hindi ko na carry yang mga pinagsasabi mo sakin." sagot nito.
Umupo kami sa isang bakanteng bench. Para kaming magkasintahan nito. Tanging dasal ko lang ay walang ibang makakita sa amin na kilala ko.
"Close ba kayo ng mama mo?" tanong nito sa akin at tumingin ako sa kanya.
"Hindi. Lagi nga kaming nag-aaway eh. Ayoko kasing dinidiktahan nya ako sa mga gagawin ko." sagot ko sa tanong nito. Sumasagot na lang ako sa mga tanong nya. Para naman hindi masabi nitong wala akong sense kausap. Okay naman talagang kausap si Kyra. Kaya, ewan kung bakit naging open ako bigla sa kanya. Magaan langtalaga ang loob ko pero andun pa rin ang pagpipigil.
"Aysuss... pero pumayag ka naman ng sabihin nyang samahan ako... Ayaw pa kasing aminin eh.."
"Anong gusto mong aminin ko? Na ayoko sa'yo? At kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo?" diretsahan kong sabi dito. Pero hindi totoo yun. Gusto ko lang tumigil na sya sa gingawa nyang pagpapapansin sa akin.
"Hindi naman yun eh... gusto ko lang aminin mo kung bakit ganya ka." pahayag nito at iniyuko ang ulo. Wag naman sana mangyari ang iniisip ko.
"Ganito talaga ako eh..." saad ko at tumayo. Nakayuko pa rin ang ulo ni Kyra at nang tumingin na ito sakin ay umiiyak ito. Bakit? Nasaktan ko ba sya? Sh*t!! bakit ba kasi kailangan ko pang maging ganito sa kanya eh.
"Umuwi na tayo. Ihahatid na kita."
"Wag na kaya ko na mag-isa..."
"Hindi, ihahatid kita, bka ano pang mangyari sayo... Patayin ako ng konsenxa ko."
"Magpapasundo na lang ako."
"Bahala ka na nga. Uuwi na ako..." sabi ko at mabilis na naglakad palayo. Pero ilang metro lang ang layo ko kay Kyra ay nagtago ako sa likod ng halaman. Hihintayin ko pa rin makauwi ito. Hindi nga lang ako magpapakita. Mula sa pinagtataguan ay binabantayan ko lang ito. At nang tumayo ito at nagsimulang maglakad ay sinundan ko ito nang patago. Gusto ko lang siguraduhing ligtas ito.
No comments:
Post a Comment