I Knew We're Meant To Be: Chapter 8


KYRA



"Aminin mo na kasing hinihintay mo rin ang tawag ko..."
biro ko sa kanya. Natatawa na nga rin ako sa sinasabi ko pero pinipigilan ko lang. Nakakatuwang inisin si Lemuel. Ewan ko talaga kung bakit parang allergy sya sakin.


"Hindi ka naman masyadong nagpapapansin ano? Ano bang kailangan mo sakin at napatawag ka? Inaaksaya mo ang oras ko at isa pa inaantok na ako!" parang irita na na sagot nito.


"Ang aga pa matutulog ka na??? Yan ba ang sekreto mo kaya tall, moreno and nevermind ka? Naks naman! Baka maging gwapo ka na nyan at mainlove na ako sa'yo...."
biro ko ulit. Pero parang halong totoo yun. smile.gif


"Nevermind huh? Bakit ka nagpapapansin kung nevermind naman pala?" tanong nito. Weeh.. nagtatanong na sya at parang gusto ng makipag-usap. Nakakakilig. Ngayon lang talaga ako nagkaganito. Kaya dapat maging tayo lemuel!! hahahaha.


"Hoy! Ano? Iniisip mo na ba ang gwapo kong mukha kaya hindi ka na makapagsalita dyan?" sabi nito. Aba! Marunong naman palang bumanat eh!! I like it!


"Awtz.. Bat mo alam? Naku naman, nakakahiya sa'yo.."


"Nahiya ka pa nyan? Sige, matutulog na ako. Wala akong ganang makipag-usap. Bye." yun lang at nawala na sya sa kabilang linya. Pero naiwan akong nakangiti habang hawak-hawak pa rin ang cellphone ko.


Hindi agad ako nakatulog ng gabing yun. Iniisip ko pa rin siya. Bakit kaya masyado syang mailap sakin?? Wala naman akong ginawang masama ah... pero ah basta! Itutuloy ko lang ang pangungulit ko sa kanya.


Lunes na.....


Maaga akong pumasok pero mas maaga si Pat. Pagdating ko sa classroom namin ay andun na ito at hinihintay na rin ang pagdating ko.


"Hi Girl!" bati ko sa kanya sabay lagay ng aking bag sa upuan ko at umupo.


"Pangalan mo ang hot topic ngayon sa b uong campus girl.." salubong na sabi nito sakin na ikinabigla ko rin. Ako? Hot topic? Gosh.. bakit naman at paano? Anong meron? Ang dami kong tanong dahil wala akong alam na pwedeng maging dahilan.


"Bakit naman? Paano ako naging sikat?" biro ko.


"Usap-usapan kasi na isang Mendez daw obvious na naghahabol kay Lemuel. Nagpapansin at kung ano-ano pa."


"Asus... yun lang pala... Eh anong pakialam nila? Sila rin naman ahh nagpapapansin kay Lemuel."


"Eh nang malaman naman kasi nilang Mendez ka pala dun na nagsimula ang chika. Insecure yata sila sa'yo at natatakot na baka hindi na sila pansinin ni Lemuel."


"Naku naman... hayaan mo na sila girl.. Kaya nga ako dito nag-aral kasi ayaw kong isiping mayaman ang pamilya ko."


Wala na akong magagawa kung yun ang sasabihin ng iba. Basta para sakin, isa rin lang akong ordinaryong studyante at teenager na nagkakagusto sa isang gwapong si Lemuel. Haaayyyy.... Yakap ko ang sarili ng paglingon ko sa pinto ay pumasok si Lemuel at tumingin sakin. Ngumiti ako pero binawi agad nito ang tingin. Hmmmp! Kainis!






LEMUEL




Lunes na naman at classmate ko ngayo sa first subject si Kyra. Habang kumakain ay puro na naman salita si Mama. Walang tigil sa kakasabi sa akin na dapat maging girlfriend ko si Kyra.


"Basta Lemuel... kailangang hindi ka maunahan ng iba sa Kyra na yun. " sabi nito bago pa ako umalis ng bahay. Tumango na lang ako para matapos kunwari ang usapan. Wala sa plano ko ang ligawan ang Kyra na yun. Gusto ko sya pero hindi ko sya liligawan lalo na kung ganito pa rin mag-isip ang Mama ko.


"Lemz! Ano? Tinawagan ka na ba ni Kyra? Sabi sakin ni Ulysses humingi daw ngnumber mo sa kanya eh. Usap-usapan na nga sa buong campus na nililigawan ka ng isang Mendez!" sabi nito sakin pagkadaan ko sa kanila at sabay kaming pumunta sa school.


"Ano? Paano naman kumalat yan?" nabigla kong sagot. Bakit kailangan pang kumalat sa buong school? First year pa lang kami pero ganito na agad ang usap-usapan. Mas lalong hindi ako pwedeng magkagusto sa Kyra na yun dahil baka isipin ng iba na gagamitin ko lang sya.


"Naikwento ko kasi sa varsity tapos naman ewan ko na kung sino sa varsity ang nagsabi sa iba. Ok lang yan insan! Si Kyra naman yung mapapahiya eh.. Kawawa naman yun, siguradong titigilan ka na nun."


Nabigla ulit ako sa sinabing yun ni Brandon. Titigilan na ako ni Kyra sa pangungulit? Sa pagpapapansin nito? Paano na makukompleto ang araw ko?


Pagpasok ko ng classroom namin ay nandun na si Kyra. Tiningnan ko ito pero nang tumingin rin ito sakin ay umiwas ako at umupo na sa pwesto ko.


Nung hapong yun ay nagyaya na naman si Ulysses sa bahay nila at hindi namin ito matanggihan.


"Lemz! obvious na na gusto ka ni Kyra kaya wag mo ng pakawalan yun.. Ligawan mo na." pamimilit ulit ni Ulysses.


"Di ba sabi ko sa'yo ayoko?"



"Ikaw rin, baka magsawa at mapagod sa pagpapapansin yang si Kyra."



No comments:

Post a Comment