KYRA
Pagkalabas ko ng bahay ay hindi ko inasahan ang aking makikita. Si Lemuel! And instead na sa kabilang kalye ako mag-jogging ay doon ako sa madadaanan ko si Lemuel. Kalalabas lang nito sa bahay ni Ulysses. Nakangiti ako na papalapit sa kanya at ewan kung bakit parang hindi ito masaya na nakita ako.
"Hi Lemz!" nakangiting bati ko sa kanya. Lumapit ako pero lumalayo ito.
"Pwede wag kang lumapit masyado sakin???" sabi agad nito. Kumunot ang noo ko. Nakapagtataka naman. Hindi naman ako mabaho ah.. Baka siya! Napangiti ako.
"Bakit naman? Mabaho ba ako? Wala naman akong nakakahawang sakit ah??"
"Basta wag kang lumapit sakin!" ano bang problema niya?
"Siguro may tinatago ka no??? Hindi ka pa naliligo at mabaho ka? Kaya ayaw mong lumapit ako sayo?" biro ko at tumawa ng malakas. Hindi ko rin naman kasi mapigilan dahil kung makaiwas ito ay daig pa ang may nakakahawang sakit.
"Bahala ka na nga dyan!" sabi nito at agad na tumakbo sa maling daan dahil hindi doon ang daan palabas ng subdivision.
"Uuwi ka yata?? Pero hindi dyan ang daan palabas!" sigaw ko. At tumigil ito. At tumakbo ito pabalik pero medyo malayo sakin. Umiiwas pa rin. Nakakatawa naman ang lalaking yun. Weird.
Sinundan ko lang ng tingin si Lemuel habang tumatakbo ito palayo. Biglang bumukas ng gate at iniluwa nito si Ulysses.
"Nakita mo bang lumabas si Lemuel?" tanong nito. At Lumapit sakin. Amoy alak ito.
"Oo.. tumakbo na pauwi. Lumayo ka nga kasi ang baho mo!" reklamo ko at inilayo na rin mismo ang sarili sa kanya.
"Bakit ka ba nandito? Siguro inaabangan mo akong lumabas noh?"
"Yuckss!! Mahiya ka nga!! Mabaho!!" mataray kong sabi at nag-jog na papalayo.
Kaya naman pala umiiwas si Lemuel dahil ayaw nitong maamoy ko na amoy-alak siya. Goshh.. baka may gusto rin sya sakin at ayaw nyang ma-turn-off ako. Natawa ako sariling iniisip ko. Nagpatuloy na ako sa pag-jojogging..
Nung gabing yun ay isang unexpected visitor ang dumating. Si Ulysses. Yes, ang walang hiyang si Ulysses. May dala pa itong flowers at chocolate. Ano ba naman to??
"Hi Kyra, pacenxa na kanina ha?? Nag-inuman kasi kami kagabi ng mga pinsan ko. Eto nga pala para sa'yo"
"Naks naman!!! Marunong ka pala nito??? Hindi ba nahawa ang bulaklak sa baho mo? sayang naman..." biro ko.
"Eto naman... mukha pa ba akong mabaho???"
"Joke lang... upo ka.." tinanggap ko ang dala niya. Well, parang nagbago ang ihip ng hangin dahil bigla akong bumait sa lalaking ito ngayon. Kailangan ko siya para mapalapit sa crush ko.
"Anong nakain mo kanina???" tanong nito. Nagtaka tuloy ako. bakit ganun ang tanong nya?
"Bakit naman?" nagtatakang sagot ko.
"Parang mabait ka ngayob eh... May kailangan ka sakin noh??? Kailangan mong katawan ko no?" biro nito.
"Gago ka pala eh! Umuwi ka naalang kaya???" inis na bulyaw ko sa kanya.
"Joke lang... pero may kailangan ka no? Kaya ka mabait sakin."
"Ulysses... diba pinsan mo si Lemuel?? Pwede bang humingi ng number nya???" walang hiya hiyang tanong ko dito. At nabigla ako ng tumawa ito. Nakakainis! hindi ko naman kasi dating ginagawa to eh!!
"Sabi ko na nga gusto mo ang pinsan ko eh!!!! No problem... bibigyan kita ng number nya but for 1 condition"
"What's the condition?" agad na tanong ko. Gusto ko na talagang makuha ang cell number ni Lemuel.
"One million for his number." seryosong sagot nito.
"Umuwi ka na nga!!! Wala kang kwentang kausap!" inis na sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako nito.
"Eto naman, di mabiro... eto oh.." at sinabi nya sakin ang number ni Lemuel. Naeexcite na akong i-contact sya. pero kailangan ko munang pakisamahan ng maayos si Ulysses baka naman kasi isipin nitong ginamit ko lang sya.
LEMUEL
Kainis talaga yung babaeng yun! Nagawa pang mang-asar. Sakay ang tricycle pauwi sa amin ay naabutan ko ang mama na nasa labas ng bahay at sigurado akong ako ang hinihintay nito.
"Tumawag si Ulysses, tinatanong kung dumating ka na." agad na sabi nito sa akin.
"Ehh.. dumating na nga ako. Yun lang ba ang sinabi? Bat ganyan kayo makatingin?" tanong ko. May iba kasi sa pagtingin ni mama sakin. Prang may gusto na naman itong gawin ko. Ang manligaw sa babaeng gusto nya para sakin.
"May sinabi sakin si Ulysses tungkol sa isang babaeng may gusto daw sa'yo."
"Sinong babae? Naniwala ka naman dun.!" sagot ko at pumasok na ng bahay. Nasa kusina si papa at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Yung nagngangalang Kyra Mendez..? Aba Lemuel! Wag mong ignorahin ang babaeng yun dahil mayaman ang pamilya nila!" nakakainis! Bakit ba kailangan malaman pa ng mama ang tungkol kay Kyra. walang hiyang Ulysses talaga yun.
"Classmate ko lang si Kyra at walang gusto sakin yun. Ang arte nga nun at tinatarayan ako. Hindi ako pinapansin." pagsisinungaling ko. Sunod lang ng sunod si Mama sakin habang pilit kong lumalayo para maiwasan ang mga sasabihin pa nito.
"Gusto kong ligawan mo sya Lemuel! Siya na ang hinihintay natin!"
"Hinihintay mo lang!" sagot ko at pumasok na agad ako sabanyo para makaligo na at mahimasmasan at mawalang ang amoy ng alak sa katawan.
"Hayaan mo na kasi yang anak mo kung sino ang gusto nyang ligawan... Hindi naman tayo naghihirap ah... Hindi na natin kailangan ng mayaman na manugang..." narinig kong sabi ng papa ko sa kanya. Buti na lang nakaiwas rin ako.
Nung gabing yun ay biglang tumawag sa cellphone ko si Ulysses. Ano na naman kaya ang kailang nito?
"Ohh, napatawag ka?" tanong ko agad.
"Lemz... pasenxa na ha.. naibigay ko ang number mo kay Kyra eh... Sabi ko sayo diba may gusto sa'yo yun. Pumayag ka na kasi sa pustahan natin."
"Ayoko nga eh... Bakit mo ba sinabi kay Mama ang tungkol kay Kyra? Kilala mo naman yun diba? Hindi na naman ako titigilan un!"
"Easy ka lang insan! Hintayin mo nalang baka mag-text o tumawag si Kyra. Sige, may gagawin pa ako."
"Bahala ka! Magpapalit na ako ng sim card!"
"Cellphone at telephone number ang ibinigay ko sa kanya. Sigurista eh.."
"Walang hiya ka talaga Ulysses!" inis na sabi ko.
"Cge, bye. Pacenxa na."
At nawala na sa kabilang linya si Ulysses. Bakit puro nakakainis ang nagyayari sakin ngayong araw na to? Hindi, hindi lang ngayong araw. Simula ng makilala ko yung Kyra na yun. Tiningnan ko ang cellphon ko. Hinihintay kong tumawag o magtext si Kyra. Teka, bakit ko naman ginagawa to? Ilalagay ko na sana sa tabi ang cellphone ko ng biglang tumunog ito. Unregistered number ang tumatawag. For sure, si Kyra na to.
"Hi lemz!" agad na sabi ng nasa kabilang linya na tiyak ko ng si Kyra dahil nakilala ko ang boses nito at ang pagbati nito.
"Hello, anong kailangan mo?" matipid kong sagot.
"You're expecting my call ano???"
"Of course not! Matutulog na nga sana ako." tanggi ko.
No comments:
Post a Comment