I Knew We're Meant To Be: Chapter 6


KYRA

Walang hiya yung Ulysses na yun ah.. hanggang dito ba naman makikita ko pa yun??? Pinsan pa sila ng ever dearest crush kong si Lemuel!!! kainis naman! Super small world. Pano nalang pag nalaman nyang nagpapacute ako kay Lemuel? Gosh.. nakakahiya!!!! Mabilis akong naglakad patungo sa sundo ko bago pa sumigaw ulit ang mokong na yun. Narating ko na ang kinaroroonan ng kotse at sumakay na ako. Ilang sandali pa ay nasa bahay na ako.


"HI dad!" bati ko sa daddy kong nasa garden at kausap ang Tito ko na kapatid nya. "Hi rin Tito!" bati ko rin sa Tito ko. Kapatid ito ni Daddy.


"May bisita ka nga pala sa loob." sabi ni daddy sakin. Nagtaka tuloy ako. Bisita?


"Sino naman po?" nagtatakang tanong ko.


"Surprise daw eh... just get inside nalang at malalaman mo rin kung sino." nakangiting sabi ng daddy ko.


Ano yun? Surprise visit? Sino namankaya? wala naman kasi akong inaasahang bisita. Hay naku.. baka si Lemuel! Imposible, nasa school pa yata yun eh... hmmm.. sino kaya??? dali-dali akong pumasok sa loob para alamin kung sino ang bisita ko. And shock ang beauty ko when i saw him.


"Jim???"
shock pa rin na tawag ko sa kanya.


"Kyra!!! I missed you!! Kumusta ka na?" sabi nya at yakap agad sakin ng mahigpit at pilit kong inilayo ang sarili sa kanya. Kinabahan ako dun ah... bakit ba naman kasi nandito siya.


"Why are you here??" mataray na tanong ko.


"Na-miss kita eh! masama bang bumisita sayo eh dati ko naman tong ginagawa???" pilit pa rin itong lumalapit sakin. Nakakainis kung bakit hindi man lang ito natatakot na baka sumigaw ako ipahuli sya sa guard at ipatapon sa labas ng bahay. Well, hindi ko rin naman yata kasi magagawa yun.


"Wala akong paki-alam kung dati mo tong ginagawa, dahil kahit kailan I never permitted you to visit me in my house!!!! Lumabas ka na nga... Umuwi ka na!!!" sigaw ko at agad lumayo sa kanya at tumakbo patungo sa kwarto ko.


Kaya naman pala nakangiti ng ganun si daddy dahil alam nyang mababadtrip na naman ako. Kakaiba ang daddy ko, natutuwa yun pag-naiinis ako. Hahay.. weird talaga si daddy. pero ayaw nya namang masaktan ako, sadyang iniinis lang.


Nasa loob na ako ng kwarto at parang kumukulo pa rin ang dugo ko. Si Jim ay isang manliligaw ko rin nung high school. Well, kung papipiliin rin lang naman ako sa kanila ni Ulysses eh si Ulysses nalang. Mayabang lang ang dating ni Ulysses pero kalog yun, ayaw ko lang talaga sa kanya dahil nakakainis. Si Jim naman, mayabang talaga! Pero Lemuel pa rin ako.


Hayyy... hindi talaga sya mawala sa isip ko. Dapat maging akin sya. Natawa ako sa inisip kong yun. Parang magiging obsession ko yung lalaking yun ah... hindi naman siguro. HAHAHA! Kukulitin ko nalang sya ng kukulitin hanggang masanay na sya at ma-miss nya ako pag bigla akong mawawala. Hmmmm..


Saan kaya ang punta nila? Baka kina Ulysses? Kitang-kita mula sa labas ng gate namin ang bahay nila. Parang gusto kong abangan baka dun nga ang punta nila. Pero parang pagod ako. Natutulog na muna ako.





LEMUEL



Medyo matagal rin naming hinintay si Brandon at nang dumating ito ay umalis na agad kami. Pupunta kami sa bahay nila Ulysses. Nagyaya kasi ito ng inuman. Ilang sandalipa nasa bahay na kami nila Ulysses. Nag-iisang anak lang ito at sunod ang luho pero hindi naman ito umaabuso.


Kumain muna kami at Nag-pakuha na ito ng inumin at pulutan. Nagsimula kaming mag-inuman at nagkwentuhan hanggang sa ewan ko kung bakit umabot ang topic namin kay Kyra. Medyo may tama na ako!


"Lemz, hiwalayan mo na yang si Angela! Hindi ka pa ba nagsawa sa kanya? Si Kyra, siya ang ligawan mo!" medyo lasing ng sabi ni Ulysses.


Tumawa ako.
"Matagal ko ng hiniwalayan yung si Angela, sya nalang ang nangungulit sakin. At si Kyra, ayoko sa kanya!" pagsisinungaling ko. "Diba nililigawan mo yun? Kaya sa'yo na sya." dagdag ko.


"Sino ba naman kasing Kyra yan?" tanong ni Brandon.


"Yung babaeng makulit na classmate ko, yung nadapa at natamaan ako nung gamit nya. Ikinwento ko na sa'yo" sagot ko.


Tumango-tango nalang si Brandon. Medyo lasing na rin ito at feeling ko makakatulog na. Madali kasi itong tamaan ng alak. Kaya kami nalang ni Ulysses ang nag-uusap.



"Nadapa??? Nagpapapansin lang yata yun Lemz, baka crush ka nun!!"


"Tumahimik ka nga dyan, lasing ka na, crush2 ka dyan, baka nagseselos ka?"



"Sanay na ako sa rejection sya Lemz, pustahan nalang tayo, sa'yo na yung kotse ko pag napasagot mo si Kyra, at titigil ka sa pagbabasketball pag hindi mo sya napasagot." sabi nito. Seryoso ba sya? Alam ba nyang basketball lang ang tumutulong sakin sa pag-aaral ko? Kinabahan ako sa sinabi nyang yun.


"Ayoko sa pustahan na yan, ayokong manloko no!! sa'yo nalang yang kotse mo, nakasalalay sa basketball ang pag-aaral ko. Hindi kami kasing yaman nyo no!" pagtanggi ko. Pero mapilit si Ulysses, palibhasa kasi, lasing na.


"oh cge, ganito nalang, bibigyan kita ng prize pag naging girlfriend mo si Kyra, sa'yo na ang kotse ko!"


"Ewan ko sa'yo, ayoko nga..." tanggi ko pa rin. Okay na sakin ang walang kotse, hindi lang ako makapang-loko. Mahirap na.


Walang nagawa si Ulysses para pilitin ako dahil kahit anong pilit pa ang gawin nya, hindi ako papayag sa gusto nya. Wala akong planong manloko ng tao, lalo na kung si Kyra pa ang lolokohin, lalong ayoko.


Nakatulog kami dahil sobrang kalasingan at pagkagising ko ay medyo masakit pa ang ulo ko. Pero kailangan ko ng umuwi. Buti nalang at walang pasok kaya walang problema. Nagpaalam na ako kay Brandon at Ulysses at nang nasa labas na ako ng gate ay nakita ko ang isang pamilyar na babae, nakatalikod pero sure ako, si kyra yun.


Magtatago sana ako pero huli na, papalapit na ito. Nagjojogging pala tong babaeng to. Pero, ang cute!


"Hi Lemz!" nakangiting bati agad nito sakin. Sa totoo lang nahihiya akong lumapit sya masyado sakin, baka maamoy ako nito. Nakakahiya naman, baka ma-turn-off! Parang babae ako sa iniisip ko ah... Pakialam ko naman kung ma-turn-off sya?




No comments:

Post a Comment