"Kilala mo pala sya?" tanong ko kay Ulysses nang bumalik na ito, matapos makipag-usap kay Kyra.
"Yeah, kilalang-kilala! Buong highschool years ko yata niligawan yun pero hindi man lang ako pumasa?" sagot ni Ulysses sakin. Pinsan ko ito, magkapatid ang ama namin, pero mayamansila dahil mayaman ang mama nito. Kami, average lang at ang gusto ng mama ko ay mag-asawa ako ng mayaman.
"Mayabang kasi ang dating mo!" biro ko sa kanya.
"Lemz naman, dapat sa akin ka kakampi. Walang ganyanan."
"Bakit mo nga pala sya sinigawan na naglalakad nalang pala sya pauwi?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman talaga naglalakad pauwi yun kung alam lang niya.
"Pinsan!!! mayaman yun!!! ewan ko nga kung bakit dito lang nag-aral eh... mabait at matalino si Kyra, makulit pero sweet. Minsan nagtataray pero dun lang sa taong hindi nya gusto."
"Kaya pala tinarayan ka!" biro ko ulit. Noon ko lang naalala na may kasama pa pala kaming iba. Si Angela na hindi na maipinta ang mukha. Sa totoo lang, mayaman rin si Angela pero ayaw ng mama sa kannya. Hindi daw ito nakapasa sa gusto nya.
Ewan kung bakit kailangan pang siya ang mamili ng babaeng para sakin eh. Sabi nya, gwapo daw ako, and i desevre someone na maganda, matalino at mayaman. Kyra fits her description of a perfect girl for me. Gusto ko si Kyra but ayokong ma-inlove sa kanya dahil pag nalaman nito ang tungkol sa gusto ni mama, baka iba ang isiin nito. Bakit naman kasi hindi pa ako pinanganak na kasing yaman nila eh.
"Ano ba? Yung babaeng yun na lang ba ang pag-uusapan nyo? Hello? May Angela kayong kasama dito!!!" mataray na sabi ni Angela.
"Bakit mo nga pala kilala si Kyra Lemz? Don't tell me crush mo sya..." panunkso nito at hinampas sya ni Angela ng bag. Natawa tuloy ako sa ginawang yun ni Angela.
"Pasalamat ka at pinsan ka nitong Babe ko!" galit na yata na sabi nito. Tumawa nalang ako ng malakas na syang naging dahilan ng pagwalk-out nito. Well, wala naman akong balak habulin. Sumakay agad ito ng taxi at hinayaan ko nalang. Nagtawanan na lang kami ni Ulysses.
"Bakit mo nga pala kilala si Kya?" tanong nya ulit sakin. Nasa tapat pa rin kami ng campus at naghihintay na lang kay Brandon.
"Classmate ko siya sa dalawang subject, then sa klase namin kanina, magkatabi kami ng upuan sa likuran." sagot ko.
"Si Kyra? Umuupo sa likod? Nagbibiro ka ba? Yung babaeng yun, hindi umuupo sa likod yun."
"Aba! Malay ko! ewan ko dun... Hindi naman kami close noh!" agad na sagot ko. Baka kasi ano na naman ang sabihin nito.
"Baka crush ka ni Kyra.. Naku naman, ikaw pa ang magiging karibal ko, wala na akong pag-asa nito. I'm sure hindi pipigilan ni Tita ang relasyon nyo if ever, kasi, perfect catch yun!!"
"Gaano ba kasi ka yaman yun?" nagtatakang tanong ko?
"Mayamang-mayaman! pero hindi maarte yun kaya swerte ka pag napa-ibig mo yun!!!" sagot naman nito.
Naisip ko, gusto ko siya pero baka isipin nitong gagamitin ko lang sya. Hindi naman ako ganun. Nararmdaman ko namang nagpapapansin sya, pero medyo naiirita ako sa mga papansin eh..
No comments:
Post a Comment