"Girl, ang laki naman ng bahay nyo. Dinadaanan ko lang to dati ah.. ngayon nakapasok na ako. Malay ko ba namang dito ka nakatira." agad na sabi sakin ni Pat pagkarating namin sa bahay. Natutuwa ako sa reakyon nya.
"Bago pa lang kaya tayongmagkakilala... hay naku! Tayo na nga sa loob, kain tayo.!" yaya ko sa aking kaibigan.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay ipinahatid ko nalang si Patricia. Hayy... kumusta na kaya ang crush ko? Bukas classmate kami, magkikita ulit kami. Natawa ako sa sarili ko. Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko at payakap-yakap pa sa malaking stufftoy sa sobrang kilig.
Naging routine ko na yata ang laging pagmasdan si Lemuel sa tuwing nakikita ko ito. Nasa canteen ako at nasa tambayan nya ito kasama ang ibang varsity players. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan lang sya.
"MAtutunaw na yan eh... over ka na makatingin." tukso ni Pat sakin.
"Hindi matutunaw yan.. Dahil kung sa tingin ko pa lang matutunaw na sya, paano na lang dun sa iba?"
"I've heard sasali daw sya sa try-out mamaya. Nood tayo!"
"Aba! Crush mo na rin sya? Nakikibalita ka na rin? Ikaw kasi pasekreto ka pa crush mo rin pala sya eh.." panunukso ko sa kaibigan.
"Excuse me, hindi sya ang crush ko noh! yung si Brandon lang, pinsan nya, textmate ko nga yun eh.."
"Sino? Si Lemuel?"
"Hindi! Gaga, si Brandon, sa'yo lang si Lemuel."
Nagtawanan kaming dalawa at napagkasunduan naming aabsent kami mamaya para manood ng try-out. Siguradong maraming manonood dahil maraming gwapo. At isa ako sa maraming manood na yun!
"Go Lemuel!!!!!" cheer ko sa kanya at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Marami naman kaming nag-checheer para kay Lemuel at ng magtungo ito sa drinking fountain ay halos liparin ko ang distansya mula sa kinauupuan patungo dun.
"Hi Lemuel! Ang galing mo ah.. idol na kita!" nakangiting sabi ko, pero parang badtrip sya. Bakit kaya?
"pwede ba tumahimik ka?" galit na sabi nito at tinalikuran agad ako. Parang ipinako ang paa ko sa aking kinatatyuan. Crush ko lang sya pero nasaktan ako sa sinabi nya yun. Buti na nga lang at si Patricia lang nakarinig dahil kung nagkataon na marami baka napahiya ako.
Pero kahit kailan hindi ako sumusuko. Tumahimik pala ha!!! Nagsibalikan na sa gitna ng court ang mga kasali sa try-out kasama na dun si Lemuel at ako naman ay bumalik rin sa kinauupuan ko kanina. Dahil gusto nya akong tumahimik, well nagkakamali sya!
"Go Lemuel!! Kaya mo yan!! Go!!! wooohhh!!!!" sigaw ko kasabay ng iba pang nagchecheer.
"Tama na yan girl, baka mas lalong mainis si Lemuel..." saway sakin ni Pat.
"Eh di mainis sya... iniinis ko naman talaga sya eh..."
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at wala ng nagawa si Pat para pigilin ako.
Dahil sa ginawa kong yun, hindi na ako pinapansin ni Lemuel. Ewan kung yun ba talaga ang dahilan pero minsan kikulit ko ito sa loob ng klase. Nakaktuwa sya pag naiinis. Ewan ko ba pero parang naging hobby ko na rin ang inisin sya.
Natanggap sya sa varsity. At nalaman kong kaya pala sya nagpupursiging makasali dahil sa scholarship. Well, dahil nga sa desperada akong mas makilala sya at ayaw naman nyang makipag-usap sakin ay ipinaimbistigahan ko sya. Pinagtawanan nga ako ni Pat sa ginawa kong yun.
Hindi mayaman ang pamilya nya, average lang. At wala akong pakialam kung mahirap sya o ano pa man, mayaman na ako kaya hindi ko na kailangan ang sobrang yaman. Gusto ko si Lemuel na talagang makatuluyan ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang naiirita sya sakin.
Pagpasok namin ni Pat sa classroom sa last subject namin that thursday ay andun na si Lemuel at abala sa kakagawa ng assignment namin sa subject na yun.
"Kaya naman pala hindi late ngayon eh." pagpaparinig ko sa kanya.
"Bakit ba masyado kang pakialamera?" tanong nito at ipinagpatuloy pa rin ang pagsusulat.
"Are you talking to me???" sabi ko at humarap sa kanya.
"Tumahimik ka na nga dyan?"
"Well, i was just asking if you're talking to me. Suplado! Hindi naman tama yung mga sagot." sabi ko at tinalikuran ito. Feeling ko tumigil yata ito sa pagsusulat. Actually, kumokopya ito sa ibang papel pero puro mali rin ang sagot ng kinikopyahan nya. Gusto ko tuloy matawa.
"Mali ba talaga to?" nag-iba ang tono ng pananalita nito ay humarap agad ako sa kanya at ipinakita ang papel ko.
"Ayan o, kung wala kang tiwala sa sagot ko, ibalik mo na lang. Mali yang kinokopya mo! Mag-aral ka kasing mabuti." mataray ang tono na sabi ko sa kanya.
"Salamat." mahinang sabi nito pero tama lang para marinig ko.
Matapos nitong kopyahin ang papel ko ay ibinalik na nya ito sakin pero hindi nya pa rin ako kinakausap. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to! Naisip ko rin, akonga naman pala nag-offer ng papel ko. Baka naniniwala lang sya sa kasabihang "to refuse an offer is an insult." Hay.. wala na akong magagawa.
Pagkatapos ng klase ay nagmamadali na naman itong lumabas. Naisip ko baka magkikita na naman sila nung girlfriend nya. Sinundan ko ulit ito at nakasunod rin lang sa akin si Pat. At tama nga ako. Pero may isa pa silang kasama at familiar ito sakin. Tiningnan ko itong maigi!
Sh*t!!! si Ulysses yun ah!!! Bakit naman kaya sila magkakilala ni Lemuel? Tatago na sana ako pero nakita ako nito.
"Kyra!!!!" tawag sakin sabay lapit.
"Ulysses, ikaw pala... anong ginagawa mo dito? Di ba hindi ka namandito nag-aaral?" bat ko ba natanong yun?
"Pinuntahan ko lang si Lemuel, pinsan ko. May lakad kasi kami, gusto mong sumama?"
"Ayoko! lalo na kung ikaw ang kasama..."
"hanggang ngayon ba naman ayaw mo pa rin sakin? Kyra naman, para naman tayong hindi friends nyan eh.."
"hindi naman talaga eh.." sabi ko at tinalikuran agad ito. Nagpaalam na si Patricia na mauunang umuwi akin kaya mag-isa akong maglalakad patungo sa sundo ko.
"Kyra!!! Naghihirap na ba kayo at naglalakad ka nalang ngayon pauwi?" habol na sigaw nito.
"Wala kang pakialam!!!" sagot ko at mabilis na naglakad.
No comments:
Post a Comment