I Knew We're Meant To Be: Chapter 3


Kyra



"Ang suplado naman pala ng lalaking yun.. nagpapasalamat lang naman ako.." sabi ko kay pat habang naglalakad kami at patungo na sa next subject namin.


"Ehh.. baka ayaw sa babaeng nagpapapansin.." sabi naman ni Pat.


"Hindi ko naman sinadya yun noh!! Iba yung plano ko kanina, hindi yung madapa ano... hello! ayoko namang saktan ang sarili ko..."


"Ehhh. ano naman ang plano mo? Grabe ka talaga Kyra, hindi kita maintindihan.. Iba ang level mo." natatwang sabi nito sakin.


"Girl, sanayin mo na ang sarili mo sakin... well plano ko lang namang sundan sya noh.. pero unfortunately nadapa ako eh.. pero okay na rin yun.. ahhh!!! nafeel ko naman sya." kilig na kilig na sabi ko. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako. Hindi ko makalimutan ang moment, pwera nalang dun sa pagsusuplado nya. Pero bahala na. Medyo masakit ang tuhod ko pero wala na akong pakialam.


"Hay naku babae ka... bilisan na natin at baka malate pa tayo."


Nagmadali na kami at tamang-tama na pagdating namin sa room ay nagbuzzer at ilang sandali pa dumating ang teacher. Gaya ng ginawa namin kahapon,puro pakilala. Hayy.. wala naman akong maalala sa mga nagpapakilala sa harap, pwera na rin lang ang kat Lemuel Ortiz kahapon. Hindi ko pwedeng makalimutan yun.


Sa subject na yun ay hindi ko naging classmate si Lemuel tulad ng inaasahan ko at last subject na, nawawalan na ako ng pag-asa.


Nasa room na kami para sa aming last subject, sa likod pa rin ako umupo dahil inaasahan ko pa rin magiging classmate ko siya. 5minutes after nagbuzzer ay dumating na ang teacher. Hayyy. wala ng pag-asa.. Nakatuon na ang pansin ko sa teacher namin ng biglang may umupo sa chair sa tabi ko at nilingon ko ito at saktong nagtama ang mga mata namin at hindi ko napigilan ang sarili kong masabi ang pangalan nya.


"Lemuel?" nakangiting sabi ko. Hindi ko inasahan ang reaksyon kong yun pero nasorpresa talaga ako. Pinaglalapit yata kami ni Lord. OMG!!!


"Bakit mo ko kilala? Kilala ba kita?" tanong nito sa kin at biglang natauhan ako. Sinisiko na ako ni Pat pero nakatingin pa rin ako kay Lemuel na bakas sa mukha nito ang pagtataka.


"Ahhh... Pangalan mo lang ang alam ko. Naalala ko kasi, classmate yata kita kahapon sa Psych, then makakalimutin ka pala, tinulungan mo pa lang ako kanina."



"Ikaw pala yun... pasensya na kanina, nagmamadali kasi ako... Buti naalala mong pangalan ko. Nakikinig ka pala habang nag-iintroduce ang mga tao sa harap."


"ah.. nung sa'yo lang." bulong ko sa sarili.


"Anong sabi mo?"


"Wala, naalala ko lang... alam mo na, madali talaga akong makaalala.." nakangiting sabi ko. Parang natutunaw ang puso ko sa sobrang kaligayahan. Aba naman kasi, nakakkusap ko ngayon ang crush ko. Pinaalalahanan ko ang aking sarili na huminahon baka maobvious ang sobrang kilig na nararamdaman ko.


"Alam mo na ba ang pangalan ko?" walang pagdadalawang isip na itinanong ko sa kanya, sadyang nawala ang hiya ko.


"Ahh.. hindi eh.. ano ba ang pangalan mo?"


"Ako nga pala si Kyra Mendez. Ikinagagalak kong makilala ka Lemuel." sabi ko at inilahad ang aking kamay. Tinanggap naman nya ito at kinilig na naman ako nang makipagkamay na sya sakin. Ahhhh! Parang gusto kong sumigaw. Sa mga oras na yun ay wala akong pakialam sa mga nagsasalita sa harap ng klase.


"Same here.." tipid na sagot nito at iniwas na ang tingin sa kin. Magsasalita pa sana ako pero napansin kong parang ayaw nitong makipag-usap.


Matapos kong magsalita sa harap ay sumunod naman ito. Mga ilang sandali pa ay natapos rin ang klaseng yun at tulad ng kahapon ay nagmadali itong lumabas. Hindi man lang nagpaalam sa kin. Well, sino nga naman pala ako para magpaalam pa siya sakin.


Nagmadali rin ako dahil plano ko na namang sundan sya at alamin kung bakit nagmamadali ito. Humahabol nalang sakin si Patricia dahil hindi nya talaga ako mapigilan sa kalokohan ko. Mga ilang metro rin ang layo ni Lemuel mula sakin at papalabas na ito ng campus.


Pagkalabas nito ay isang babae ang umabrasyete sa braso nito at hinalikan si Lemuel sa lips. PDA!! Nakangiti pa ito pero parang hindi naman masaya si Lemuel na makita ito. Hmmm bakit naman kaya? Sino naman kaya yung babaeg yun? Siguro girlfriend nya. Hayyy.. May girlfriend na pala ang crush ko.


"Hindi mo naman ako hinintay Ky eh..." sabi nito at napansin ang tinitingnan ko. "Ohh.. girlfriend nya ba yun?" tanong nito sakin.


"Hindi ko rin alam eh.. siguro kasi hinalikan sya nung babae kanina.." sabi ko.


"How sad naman at nakita mo pa.. anong gusto mo??? Sugurin natin o ipapatay natin sa isang serial killer?" pagbibiro nito.


"Bakit hindi? Tayo na nga sa canteen... snack muna tayo.." yaya ko kay Pat.


"Wag na, mauubos agad allowance ko sa'yo eh.. ang hilig mong kumain..." pagtanggi nito.


"Cge, dun na lang tayo sa bahay... tara.." yaya ko ulit sa kanya. At hinila ko ito at mabilis kaming naglakad, Hindi ko na napansin kung asan na si Lemuel at yung babaeng kasama nito. Wala na muna akong pakialam sa kanila. Hindi naman ako masyadong affected eh.


"Teka san ba tayo pupunta? Akala ko ba sa bahay nyo? Saan ba ang bahay nyo?" nagrereklamo nang tanong ni Pat.. medyo may kalayuan na kasi kami sa school at ang alam nya ay bumabyahe ako pauwi pero hindi ko naman sya dinala sa waiting shed para maghintay ng sasakyan.


"Yun yung sasakyan natin." at itinuro ko sa kanya ang sasakyan sa kabilang kalye at hinila sya papunta dun.


"Joker ka naman... Ang gara ng sasakyan... gumising ka nga.. nangangrap ka eh.."


Isang BMW kasi ang itinuro ko. Well totoo naman kasing yun ang sundo ko. Ayoko lang doon ako sa school sunduin dahil tiyak na titingnan ako ng mga tao. Simple lang naman kasi ako. Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Pat at sumunod ako a isinara agad ang pinto ng sasakyan.


"Manong Edz... sa bahay na po tayo.." sabi ko sa matandang lalaking nasa driver's seat.


Sumunod lang ito sa sinabi ko at nagtataka naman si Patricia. Hindi ko naman kasi sinabing mayaman kami. Simple lang. KAhit ang school na pinasukan ko ay simple rin lang. Yun ang dahilan kung bakit wala akong classmate sa highschool na schoolmate ko dahil puro kasosyalan lang ang alam ng mga yun.





Lemuel


"I miss you babe.. bakit ba hindi ka na nagtetext sakin?" sabi ni angela na kanina pa pala naghihintay sakin at di lang ako agad tinext.


"Diba sabi ko nga sayo busy ako? Mahirap bang intindihin yun?" wala sa mood na sagot ko.


Noon pa ako nakikipagkalas sa kanya pero hindi ito pumapayag.


Ilang minuto rin kaming nag-usap at iniwan ko na ito at ipinangako ko nalang na magkikita kami pagkatapos ng klase ko.


First subject...............


Second subject...........


Third and last subject ko na nung hapong yun at muntik na akong malate. Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay inukopa ko agad ang bakanteng upuan na malapit lang sa pinto. At noon ko lang napasin ang katabi ko. Si Kyra.


"Lemuel?" sabi nito na nakatingin sakin. Di ko rin mapigilang titigan sya. Parang merong nakakonekta sa mata namin. Ewan ko.


"Bakit mo ko kilala? Kilala ba kita?" tanong ko naman sa kanya. Pagkukunwaring hindi ko ito kilala.


"Ahhh... Pangalan mo lang ang alam ko. Naalala ko kasi, classmate yata kita kahapon sa Psych, then makakalimutin ka pala, tinulungan mo pa lang ako kanina." sagot naman nito.


"Ikaw pala yun... pasensya na kanina, nagmamadali kasi ako... Buti naalala mong pangalan ko. Nakikinig ka pala habang nag-iintroduce ang mga tao sa harap." sabi ko naman sa kanya


Parang may sinabi ito pero hindi ko masyadong narinig kaya tinanong ko ito.



"Anong sabi mo?" tanong ko.


"Wala, naalala ko lang... alam mo na, madali talaga akong makaalala.." nakangiting sagot nito. Ang ganda nya talaga.


"Alam mo na ba ang pangalan ko?" tanong naman nito sakin na ikanabigla ko. Hindi ko kayang gawin yun ah.. at naklimutan ko nga pala kunwaring tanungin ang pangalan nya.


"Ahh.. hindi eh.. ano ba ang pangalan mo?" tanong ko.


"Ako nga pala si Kyra Mendez. Ikinagagalak kong makilala ka Lemuel." pagpapakilala ito at inilahad ang isang kamay nito. Tinanggap ko naman iyon at naramdam kong malambot ang kamay nya. Parang walang trabaho sa bahay ang babaeng to.


"Same here." matipid kong sagot ah binitiwan nang kamay nya at iniwas na ang tingin ko.


Natapos ang rin ang pagpapakilala ng lahat. Sa totoo lang ay nabobore ako sa mga ganun. Pero wala akong magagawa, First meeting kasi. Pagkatapos ng klase ay nagmadali akong lumabas ng campus dahil naghihintay si ANgela. Kahit papaano ay hindi ko naman hilig angpaghintayin ang isang babae kahit alam kong willing itong maghintay.


"Buti naman tapos na ang klase nyo." sabi nito kasabay ng paghalik nito na hindi na bago para sakin at umabrasyete na agad. Parang takot maagawan. Nag-usap kami sandali at nahagip ng aking mga mata si Kyra ksama ang kaibigan nito.


"Babe? Sino bang tinitingnnan mo?" tanong ni Angela.


"wala.. tara, umalis na tayo." hinila ko si Angela at wala na itong ibang sinabi.


Sinusundan ng tingin ko si Kyra. Saan kaya sila pupunta. Medyo malayo na sa schol nang mapansin kong pumasok sila sa loob ng isang kotse. Kanino naman kaya yun? Kay Kyra o sa kaibigan nya? Bakit naman kailangan doon pa magpasundo eh pwede naman sa harap ng school.


Yun lang at umalis na ang sasakyan.


"Ano bang ginagawa natin dito?" maarteng tanong ni Angela.


"Wala.. sasakay na tayo... ihahatid na kita." yun lang at naghintay na kami ng dadaan na sasakyan.


Pumasok ulit sa isip ko si Kyra at napangiti ako. Nakakatuwa talaga sya sa ginawa nyang pagpapakilala kanina. Pero ayoko na. kailangang yatang iwasan ko na ang babaeng yun at talagang hihiwalayan ko na si Angela.



No comments:

Post a Comment