Kyra
Hanggang natapos ang klaseng yun at hindi ko na siya tinitigan pa. Nakakahiya. Sa susunod ay hindi na ako magpapahuli. Nang-idismiss kami ay agad itong lumabas at mabilis na naglakad. Ano ba naman yun,parang hinahabol ng aso. Pero sige lang, magkitata pa kami ulit.
"Kyra, tayo na sa next subject natin." sabi ni Pat sa kin..
"Tara.." tumayo na ako sa kinauupuan at dinala ang gamit ko.
Magkasabay kaming pumunta ni Pat sa aming nextsubject at sa iba pang subject namin nung araw na yun. Dahil rin sa lagi kaming magkasama ni Pat ay naging close agad kami sa isa't-isa. Hindi rin naman kasi ito mahirap pakisamahan at higit sa lahat, jologs rin ito. Game sa mga kalokohan... Well hindi naman yung mga masasamang kalokohan.
The next day ay iba na naman ang mga subject namin except for accounting monday to thursday talaga ang class namin.. Yung ibang subject kasi MW then ang iba naman TTh. Ngayong araw na to ay inaasahan ko pa ring makikita ko ulit si Lemuel at ipinagdarasal ko pa rin maging classmate sya ulit kahit isang subject lang sa araw na yun. But that morning ay hindi ko sya naging classmate pero di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Meron pang mamayang hapon.
Nasa canteen kami ni Patricia at kasalukuyang naglulunch at nagkukwentuhan na rin.
"Ky, bakit parang lagi kang mayhinahanap?" nagtatakang tanong ni Pat sakin.
"Ano ka ba, wala to.. wag mo na akong pansinin... hinahanap ko lang yung crush ko. Yung classmate natin sa Psych kahapon."
"Ahh.. sya ba. Bakit? Di mo pa nakikita ngayong araw na to?"
"hindi pa nga eh... kaya ko nga hinahanap. Parang hindi makokompleto ang araw ko pag di ko nakita yun." ngumiti ako at napangiti na rin si Patricia.
"Naku, ikaw talaga. Ayun yung hinahanap mo oh.." itinuro gamit ang nguso nya.
"Naku, wag mong titigan baka mapansin tayo." sabi ko na parang naninigas ang leeg ko. Gusto kong lumingon sa kung saan ito naroon pero baka mahuli na naman ako.
"Nakatawa ka naman kyra.. Natutuwa ako sa'yo, tapusin na nga muna natin tong pagkain natin" sabi nito.
"Wala na akong gana.." sabi ko at hindi ko na talaga napigilan, nilingon ko ito. Ang gwapo talaga. Haayyy... Kailan ko kaya siya magiging kaibigan. Nakatitig pa rin ako sa kanya habang nag-iisip ng mga bagay- bagay. Tulad ng kung paano nya ako mapapansin at kung pano ako mapaplapit sa kanya.
Kasama nya ang mga matatangkad na lalaki ng school. Feeling ko ay varsity player si Lemuel. Idol ko na sya kung ganun at aabangan ko lahat ng magiging laro nya.
"Hoy! kyra! Ano ka ba, akala ko ba wag nating tingnan baka mapansin tayo eh titig na titig ka sa kanya eh.." agaw nito ng pansin ko.
"Okay lang yun... " napahagikhik ako sa sinabi.
Napansin kong papaalis na si Lemuel sa tinatambayan nito at mag-isa itong umalis ay dali-dali kong kinuha ang gamit ko at may balak ako.
"Kyra! Hintay...!" tawag sakin ni Pat at nagmamadali ako baka hindi ko na sya abutan!
Malapit ko na syang abutan.. 2meters away na lang sya mula sakin nang...
..............
"aYYhhhhhhh!!" natapon ang mga gamit ko at natamaan nito ang likod nya. Nadapa naman ako at napalingon sya. Buti nalang at walang masyadong nakakita dahil nakakhiya yun. Ano ba?? Naktitig lang sya sa akin. Tulong naman parang gusto kong sabihin. Hindi pa rin ako tumayo mula sa pagkakadapa at hinihintay kong tulungan nya ako... pero..
"Kyra naman... ayan tuloy, di ka kasi nagdadahan-dahan eh..." nag-aalalang sabi ni Pat at tinulunganakong makatayo at noon na kumilos si Lemuel. Sa paghawak nya sakin para ay kinilig ako deep inside pero hindi ko dapat ipahalata. Mahirap na.. tinitigan ko nalang sya.
Tinulungan nya rin akong pulutin ang mga gamit ko at si Pat naman ay hindi na nagsalita.
"Salamat nga pala sa pagtulong mo ha..." pasimple kong pagpapasalamat sa kanya at tinggap anggamit kong iniabot nya sakin.
"Sa kaibigan mo, sa kanya ka magpasalamat. Sige." simpleng sabi nito at tumalikod na agad at mabilis na naglakad,
HmmmP! suplado naman pala eh... pero bahala na... crush ko pa rin sya...
Araayy.. sakit pala nung pagkadapa ko ah...
Lemuel
Nasa school na ako. Tanghali pa kasi ang pasok ko. Tapos na akong maglunch kaya dumiretso ako sa tambayan ng mga varsity players ng basketball. Mga kaibigan ko na kasi sila dahil sa pinsan ko. Habang nakatambay ay nakita ko ang babae kahapon pero nakatalikod sya. Ewan ko ba kung bakit nakilala ko agad siya kahit nakatalikod.
"Lemz, itong form ibibigay ko na lang sa adviser ng team. Siya na ang bahala nito. Asahan mo, makakapasok ka sa team, sa galing mong yan kailangan ka namin." sabi ng pinsan ko.
"Salamat talaga pinsan." sabi ko at binawi na ang tingin ko sa babaeng nakatalikod.
Nagkwentuhan pa kami. Pero pasulyap-sulyap ako dun sa babae. Kyra yata ang pangalan nun sa pagkakaalala ko. nang tumunog ang cellphone ko.
"Dito na ako sa labas ng school nyo babe..." ang message na natanggap ko mula sa babaeng hindi ko naman girlfriend pero ipnagpipilitan ang sarili nya sakin kaya sinasakyan ko na rin ang laro nito.
"Ahh.. mga pare, mauna na ako ha.. May pupuntaha lang ako." paalam ko sa kanila at mabilis na naglakad. Di ko na napapansin ang mga tao sa paligid nang biglang...
.....................
"aray ko.. ano ba yun" mahinang naisambit ko nang maramdaman kong may tumama sa likod ko.
"aYYhhhhhhh!!" narinig kong tili ng isang babae kaya napalingon ako. Nakita ko ulit siya. Tinitigan ko lang ito. Maganda siya.
"Kyra naman... ayan tuloy, di ka kasi nagdadahan-dahan eh..." sabi ng kaibigan nitong humahabol sa kanya. Noon ko lang narealize na napaka-ungentleman ko pala dahil tinitigan ko lang ang nadapang babae. kaya tinulungan ko si Kyra. Hinawakan ko sya sa braso at sa ginawa kong yun ay iba ang naramdaman ko. Feeling ko tuloy hero ako at kailangan nya ako. Pansin kong nakatitig lang sya sakin habangtinutulungan sya. Tinulungan ko itong makatayo at tinulungan ko itong pulutin ang mga nalaglag nitong gamit.
"Salamat nga pala sa pagtulong mo ha..." sabi nito nang iabot ko sa kanya ang mga gamit nya na pinulot ko.
"Sa kaibigan mo, sa kanya ka magpasalamat. Sige." sagot ko naman at tinalikuran na ang dalawa at mabuilis na naglakad dahil may naghihintay pa sakin sa labas ng school at kailangan ko itong puntahan bago pa tumunog ang buzzer at magsimula naman ang klase.
Dumiretso na ako sa labas ng school pero di pa rin mawala sa isip ko si Kyra. Ewan ko ba sa babaeng yun, hindi ko sya maintindihan at napapansin kong nagpapacute ito sakin. Hay naku! Wag naman sana... maganda sya at aaminin ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Hindi ko mintindihan, iba sya sa mga babaeng nakilala ko noon.
No comments:
Post a Comment