(Kyra)
First day of school. Sa wakas, college na rin ako. Haayy. Namimiss ko na mga classmate ko nung highschool. Mag-isa akong naglalakad sa lobby dahil wala pa akong friend kahit isa man lang sana. Dala-dala ko ang mga gamit ko, maraming bagong studyanteng gaya ko pero di ko nga lang kilala. Ewan ko ba kung bakit wala man lang akong classmate sa highschool na nag-enroll rin ditto.
Patungo na ako sa first class ko, and sa estimate kong 5meters ang layo mula sa akin ay naglalakad ang isang lalaki. Matangkad sya, Moreno at parang gwapo… Hmmm.. curious tuloy ako. Binilisan ko ang paglalakad baka sakaling maabutan ko.
“Lemz!” dinig kong sigaw mula sa likuran ko. Napalingon ako kahit di naman ako ang tinatawag. Isang lalaking matangkad rin at medyo gwapo na rin ang tumatawag sa ewan ko kung sinong Lemz at binalik ulit ang tingin sa dinadaan ko at sa lalaking nauna sakin.
“Lemz!” ulit ng lalaki. Bakla yata eh… Napangiti ako sa iniisip ko pero biglang nag-slow motion ang paligid ko nang lumingon ang lalaking nasa unahan ko. Wow! Parang gusto kong sumigaw at lapitan agad ang lalaki! He’s so gwapo!
Pero tumunog ang buzzer hudyat na kailangan ko ng magmadali baka malate ako sa first class ko. Huminto ang lalaking tatawagin ko ng Lemz para hintayin ang kaibigan nito at dinaanan ko nalang sya, dahil nga nagmamadali ay hindi na ako lumingon pa.
Bongga ang first day ko! Na-crush at first sight ako. Haayy.. Lemz… Natigil ang kabaliwan ko ng mapansin kong nasa labas na ako ng room na hinahanap ko. Pagpasok ko, umupo ako sa banding likuran sa tabi ng isang babae. Sa likuran nalang kasi maraming vacant chairs.
“Hi! First year ka rin?” tanong ko sa katabi ko. Wala pa naman kasing teacher kaya pwede pang makipag-tsismis.
“Ahh.. oo, first year rin ako.” Matipid na sagot ng babae.
“Ako nga pala si Kyra.” Pagpapakilala ko.
“Patricia… pero Pat nalang itawag mo sakin.” Nakangiting tugon nito sa kin.
“Anong next subject mo?” tanong ko sa kanya.
“Accounting, sayo?” sabi nito at kinuha ang isang pirasong papel, student load nya at kinuha ko na rin ang sakin.
“Accounting rin, baka classmate rin tayo.”
Classmate kami ni Pat sa lahat ng subjects. We compared our load slip at magkatugama lahat ng section code. Pat is my first friend ngayong college na ako.
Ilang sandali pa pumasok ang teacher sa door sa unahan at sa likod naman ay pumasok si Lemz… Lumingon ako at sinundan ng tingin ang crush ko. Sana sa tabi ko sya umupo but unfortunately, he sat three seats away from me, pero okay na rin. At least classmate ko sya.
Magsimulang magsalita ang teacher pero si Lemz ang iniisip ko. Hindi ako mapalagay at gusto ko siyang makilala.
Hindi naman nagdiscuss ang guro, pakilala pakilala lang. At habang papalapit ang turno ko ay tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Goshh.. kung wala lang akong crush dito hindi ako magiging ganito ka kabado dahil kung pwede lang lumabas nang mga oras nay un ay ginawa ko na. blaah..blaah..blaah.. my turn!!
“Ahh… I’m Kyra Mendez and I’m 15 years old. I graduated at St. Josephs Academy and freshmen BS-accountancy student, Yun nalang po.” Pagpapakilala ko at medyo nanginginig ang boses ko ng nagsasalita ako. Ngumiti ako and then pasimpleng tiningnan ang aking crush nang pabalik na ako sa aking upuan pero… tumitingin rin ba sya sakin? Nagsmile sya… sa akin ba? Waahh! He caught me staring at him! Nakakahiya!!!
Iniwas ko agad ang tingin ko at umupo na sa chair ko. Ilang sandali pa ay tumayo na ito at nagtungo sa harap para naman magpakilala.
"Ako ng pala si Lemuel Ortiga, freshmen Accountancy student." matipid nitong pagpapakilala. Dahil nga gwapo sya, napansin ko ang pagbubulungan ng ibang mga babae nang bumalik na si Lemz sa pwesto nito.
So... he's Lemuel Ortiga... I want to know more about him, kailangan makilala ko sya ng husto... Siya na ang lalaking para sakin. Napangiti ako.
"Kyra, bat ka nakangiti? Crush mo ano?" caught in the act ako ni Pat.
"Secret nalang natin yun." pag-amin ko naman.
(Lemuel)
Naglalakad ako sa lobby papunta na sana sa classroom namin. First day of class at ayokong malate kaya medyo nagmamadali ako.
"Lemz!" tawag ng isang pamilyar na boses.
"Lemz!" ulit nito at lumingon na ako. Si brandon ang tumatawag, pinsan ko. Huminto ako sa paglalakad at hinintay na makaabot si Brandon. Isang babaeng sa tantsa ko ay nasa 5'5'' ang height ay napansin kong nagmamadali nang marinig na ang pagtunog ng buzzer.
Sa isip ko maganda siya at sinundan ko ito ng tingin at napangiti ako. Ewan kung bakit pero parang ayaw ko sa naramdaman ko.
"Hoy! sinong tinitingnan mo? Yung babae ano? Ikaw talaga, chickboy pa rin.. Magbago ka na baka makarma ko nyan." agaw ni brandon sa pansin ko.
"wala...chickboy ka jan.. good boy to insan! at hindi yun ang tini" pagdedeny ko.
"Yung tungkol sa varsity, nextweek ang try-out, eto application. Fill-up mo nalang then ibalik mo sakin mamaya." sabi nito sakin at iniabot ang isang folder na nakainsert ang form.
Hilig ko ang basketball kaya nagbakasakali akong makasali sa varsity ng school.
"Sige. Salamat. Mauna na ako.." pagpapaalam ko.
"Sige."
Nagmadali ako sa paglalakad patungo sa room namin at tamang-tama lang ang dating ko dahil kasabay ko lang ang magiging teacher namin sa subject na yun. Napansin ko ang babaeng nakita ko kanina at lilingon na sana ito kaya iniwas ko agad ang tingin ko. Vacant ang chair sa tabi nya pero hindi ako dun umupo. Tatlong upuan ang layo ko sa kanya, mas mabuti na to kaysa nasa tabi ko sya at buong session akong hindi mapakali.
First day of class kaya pakilala-pakilala lang. Excited rin akong malaman ang pangalan nya. Ilang sandali pa ay sya na ang nagtungo sa harap para magpakilala. Kapansin-pansing kinakabahan ito.
“Ahh… I’m Kyra Mendez and I’m 15 years old. I graduated at St. Josephs Academy and freshmen BS-accountancy student, Yun nalang po.” pagpapakilala nito sa buong klase at pagkatapos ay naglakad na sya pabalik sa kanyang upuan.
Sinundan ko sya ng tingin at nahuli nya ako pero hindi ko binawi, ngumiti nalang ako at napansin kong nahiya at ito at hindi ko alam kung bakit... Dahil siguro nahuli ko rin syang nakatingin sakin.
No comments:
Post a Comment