“I’m still alive but I’m barely breathing… Just prayed to a God that I don’t believe in… ‘Cause I got time while she got freedom… ‘Cause when a heart breaks, no it don’t breakeven… Her best days will be some of my worst. She finally met a man that’s gonna put her first… While I’m wide awak she’s no trouble sleeping, ‘cause when a heart breaks, no it don’t breakeven,even, no….
What am I gonna do when the best part of me was always you, and what am I supposed to say when I’m all choked up and you’re okay… I’m falling to pieces…I’m falling to pieces…
“’Cause when a heart breaks no it don’t break even…” she said the line of the song and thought of it curiously. She never had a boyfriend kaya wala siyang alam sa feeling ng pagiging bigo sa pag-ibig. She’s 21 years old and a very pretty NBSB member. Patango-tango pa siya at naglagay na ng lip gloss saka nagpa-cute sa harap ng salamin. Inayos na rin niya ang kanyang may kahabaang buhok na hinayaan lang niyang nakalugay. Side view sa kanan… side view sa kaliwa… back view… front view…
“I’m so beautiful.” Nakangiting sambit niya.
“Nicca!!!”
“Coming mom!” Humirit pa siya ng pagpapacute bago lumabas mula sa kanyang silid. Dumiretso na siya sa labas ng kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanyang kapatid at ina.
“Ang OA mo naman mag-ayos sis, eh magkakape lang naman kayo ng mga friends mo!” Salubong na sabi sa kanya ng kapatid niyang si James. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang panganay.
“Hoy! Hindi ako OA magpaganda noh. Maganda lang talaga itong ate mo at ang tawag sa kagandahan ko eh natural beauty. Di ba mom? Mana ako sa’yo eh…” Then she let out her sweetest smile and hugged her mother as soon as she gotten inside the car. Naglalambing lang siya sa ina para mabigyan siya ng dagdag na pera panglakwatsa niya. Hindi niya kasi ito kasamang gagala. Sabay lang silang ihahatid ni James sa kung saan man ang lakad nila. Magkatabi sila ng kanyang ina sa backseat.
“Talagang pinagmukha niyo pa akong driver noh? Wala ba talagang uupo sa inyo dito sa harap?” reklamo ni James bago nito ini-start ang kotse at nagmaneho.
“Just focus on what you’re doing brother and don’t let our beauty distract you.” She grinned. Sanay na siya sa asaran nilang magkapatid. Ganoon rin ang ina nila kaya hindi na lang sila nito sinasaway kung nagsisimula man silang magbangayan.
“Opo kamahalan.”
“Better.”
Ilang sandali pa ay huminto na sila sa tapat ng isang coffee shop. Doon kasi ang usapan nila ng barkada niya na magkakape at magtsismisan na rin. Nagpaalam na siya sa ina at kapatid. Bago pa man siya bumaba ng sasakyan ay iniabot nito sa kanya ang kanyang credit card. Abot tenga ang ngiti niya nang tanggapin iyon. Isang linggo rin kasi siyang binawian ng credit card ng kanyang ina dahil sa sobrang pagliliwaliw niya. Buti na lang at hindi rin siya natiis nito.
“Thanks mom!” sabay halik sa ina at bumaba na ng tuluyan mula sa kotse.
“No problem… basta usapan natin walang out-of-town gimiks na hindi muna nagpapaalam ha.”
“Yes, mom! Got to go now! Bye! Hoy, James ingat sa pag-da-drive!”
“Yes bossing!”
Isinara na nya ang pinto ng kotse at saka sinundan na lang ng tingin ang papalayong sasakyan bago siya pumasok sa loob ng coffe shop. Sa labas pa lang ay kitang-kita na niya na naroon na ang kanyang mga kaibigan. Glass naman kasi ang wall kaya nakikita niya.He-he. Nakangiti siyang pumasok sa loob.
Naroon na sina Iana, Lovely at Vicky. Well, apat lang naman talaga sila. Siya na lang pala ang kulang. Lumapit na siya sa mga ito pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay tumayo si Lovely at nag-mala-beauty queen ang pose. Tumigil naman muna siya sa paglalakad at hinintay ang banat nito.
Tumikhim pa ito bago nagsalita at ginaya ang paraan niya ng pagsasalita. “Hello everyone! I am Nicca Montealegro and in my 21 years of existence, the major, major problem I ever had is that…” tumigil ito. Nag-taas naman siya ng kilay. Ano ang kasunod?
“I never had a boyfriend!!!” sumabay pa ang dalawa kay Lovely sa pag-tuloy ng naputol nitong speech. Siya na naman ang nakita ng mga kaibigan niya. Palibhasa ang mga ito ay masaya na sa kanya-kanyang love life.
“Hoy miss L.A la la la la la… Hindi ko naging problema ang kawalan ng boyfriend noh! Excuse me, I’m single and super happy!” sagot niya saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Iana. Si Lovely ang tinutukoy nyang Miss LA. Initials ng pangalan nito.
Nag-apir naman ang tatlo at saka humalakhak na parang nagtagumpay sa pang-aasar sa kanya. Well, sanay na rin siya rito. Siya kasi ang late, at madalas na mapag-tripan ay ang late sa usapan.
“Buti naman at pinayagan kayo ng mga fafaness nyo na magkape.” sabi niya sa mga ito.
“Syempre naman… Subukan lang nilang pigilan kami eh mawawalan sila ng magandang girlfriend.” sagot ni Lovely.
“Order ka na lang girl… Tagal mo kasi, nagkapag-order na kami.” ani Vicky.
“Yeah, whatever ganyan naman talaga kayo eh.” patampong sabi niya. Tatayo na sana siya nang dumaan naman ang isang waiter at aksidenteng nabangga niya ito. Ang masama eh bumagsak pa siya sa sahig.
“Oh crap!!!”
“Did someone just call my name?” dinig niyang sabi ng isang lalaki. Hindi nya makita ang mukha dahil nasa table ito na natatakpan ng waiter na inaalalayan siyang makatayo.
“She said crap!” sagot ni Iana.
Pinagpag nya ang likuran at saka bumalik sa upuan niya. Humingi na rin naman ng paumanhin ang waiter at sinabi na lang niya ang order nya.
“Oh I thought I heard someone said Cram. Sorry about that.”
Binalingan na niya ang nagsalita. Nakatalikod rin pala ito sa kanila. Hindi man lang nag-abalang lumingon. Itinaas lang nito ang kamay na para bang nag-ha-hi sa kanila. Siguro pangit kaya hindi magawang humarap sa kanila.
“Tama ba ang narinig ko? Cram? Hoy pinsan kong walang love life! Ikaw ba yan?” pasigaw na sabi ni Iana. Ang lakas pa ng boses nito. Feeling yata nito eh siya ang may-ari ng coffee shop. Oh well, not to mention na ito nga naman pala talaga ang may-ari ng coffee shop. Ha-ha!
Lumingon naman ang lalaki sa direksyon nila at saka nya nalaman na mali ang unang hula niya na pangit ito. Dahil kung tutuusin ang mukha nito eh yung tipong hinahabol-habol ng mga babaeng cheap. Well, sabihin na ng iba na maldita siya pero cheap talaga ang tawag niya sa mga babaeng naghahabol sa lalaki. Palibhasa hindi pa niya na-try!
“Iana? Paanong nag-transform ka? Kelan ka pa naging babae?” Aba at magaling rin pala mang-asar ang lalaking ‘to. Nakatingin lang siya rito habang papalapit ito sa table nila. Suddenly, she felt her heart beat racing. Nyay! Bakit? Anong meron sa lalaking ito at parang na-eexcite syang lumapit ito sa kanila.
“Well, kahapon lang. Nagpa-sex change ako. Ikaw? Kelan ka magkaka-lovelife?” tanong nito. Palipat-lipat lang ang tingin ni Lovely at Vicky sa dalawa, pero sya eh steady lang ang tingin sa gwapong lalaki na nagngangalang Cram.
“Wala kang lovelife?” singit na tanong ni Lovely rito. Tumango lang ito.
“Tamang-tama!!! Ngayon magkakalove life ka na!” sambit ni Vicky.
“Hoy may mga boyfriend na kayo! Isusumbong ko kayo sa mga fafaness nyo eh!” biglang sabi niya na ikinatawa lang ng kanyangmga kaibigan. Saka naman siya binalingan ni Cram at ngumiti ito sa kanya. Nag-iwas sya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi nya. Naku lagot na!
“Easy girl… He’s our prospect for you…” Lovely grinned. Nag-apir naman si Iana at Vicky. At talagang siya na ang napagtripan ng barkada niya. Help me God!
Sabay na tumayo ang tatlo niyang kaibigan. Teka ano yun? Set up? Accomplice ba ang lalaking ito?
“Girls? Anong trip na naman ba ‘to?” she gave them a questioning look.
“Trip trip ka dyan. This a matter of love life or love life-”
“Ano?” naputol ang sasabihin ni Vicky nang sumingit siya. Hindi niya maintindihan ang mga ito. Nakatayo na ang mga ito sa tabi ni Cram.
“Ayh basta! Ikaw na ngang magsabi Iana, tutal plano mo naman ‘to.” ani Lovely.
“Problema na ni Cram yun. Hoy insan! Ikaw na ang bahala dito sa friendship namin ha.”
“Hey! What do you mean couz?” tanong nito. Tila hindi rin nito naiintindihan ang mga sinasabi ng kaibigan niya. Malamang ay hindi ito accomplice. Napasama lang ito sa trip ng mga kaibigan nya.
“You’ll be dating our friend Nicca, okay?” paliwanag ni Iana.
“What? Me? Have a date with her?”
Nagsalubong ang kilay nya sa sinabi nito. Aba at impossible bang makipagdate ang isang lalaki sa kanya? sa tono nito ay parang ang pangit nya at hindi bagay na ka-date nito. Hinablot nya ang braso nito at saka naman ito napa-upo sa tabi nya.
“Ang kapal rin ng mukha mo noh? Akala mo naman gwapo ka at gustong-gusto ko ring makipag-date sa’yo. Sa ganda kong ‘to? Duh!” mataray na sabi niya rito. Narinig niya naman ang paghagikhik ng mga kaibigan nya.
“So Cram… ikaw na ang bahala kay Nicca ha? Make her fall in love with you.” nakangiting sabi ni Vicky rito.
“So paano, alis na kami ha? Ikaw rin Nicca, make him fall in love with you. Pareho naman kayong walang love life eh. Kayo na lang ang magka-in-love-an.”
Hindi na siya nakahirit pa nang naglakad na palayo ang mga kaibigan nya. Now she’s left with Cram. Tatayo na sana ang lalaki nang patakbong bumalik si Iana at hinawakan ang wrist ni Cram at inilapit rin sa wrist nya saka ito pinosasan.
“Baka lang magkasundo kayong umuwi na lang eh… Ayan, para sure! Enjoy guys!” patakbo ring umalis na ito.
And now she’s left with no other choice but to be with Cram. Bumalik ito sa kinauupuan nito kanina bago pa ito tumayo at binalingan siya. Mataray rin namang tinitigan niya ito.
Homaygad! Bakit ba ganyan ang fes mo! Saka bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Is this love o kalandian ko? Mr. Cupid, panain mo na sya para sakin. Akin nalang sya. Eeeehhhh!!!!
Natigilan siya sa pumasok sa isip niyang yun. Aba at inaasam na niyang maging sa kanya ito eh hindi pa naman niya ito lubusang kilala. Pero dahil pinsan naman ito ng friend nya, eh pwede na rin sigurong pangarapin. Libre naman mangarap! She smiled.
“Then what now?” seryosong tanong nito. Nag-iwas naman siya ng tingin. Siguradong nakita nito ang pagngiti niya at baka ano pa ang isipin nito. Baka isipin nitong kasali siya sa nagplano ng nangyari sa kanila. Pero, partly masaya naman siya kahit naiirita siya sa pinapakitang ugali ni Cram. Parang hindi man lang ito naapektuhan ng alindog nya. At kung makatingin pa ito sa kanya ay parang kung anong klase ng bacteria o virus lang siya na gusto nitong layuan. Homaygad agen!
“What now ka dyan? Hindi ka naman kano wag kang mag-english-english! Ano? May problema ka ba sa face ko?” singhal niya. Aba at nagawa pa nyang magtaray at parang makikipaggyera kung makasagot eh nagtatanong lang naman ang lalaki sa kanya. Natawa pa ito ng pagak sa inasal niya. Nahiya naman siya nang hindi siya nito patulan. Nagmukha tuloy syang walang breeding. Ay ano sya? Aso?
She just looked at his face intently while listening to his laugh. Naku! Siya ang bonggang naapektuhan sa kagwapuhan nito. At maging ang tawa nito ay tila musika na sa pandinig nya. Okay lang ba sya o may problema na ang pandinig niya?
Please help me God!
“I like you… Ha-ha!” tipid na sabi nito habang tumatawa pa rin.
Ano bang ikinakatawa nito? Wala naman syang sinabi na pwede nitong ikatawa ng sobra? Natatawa ba ito sa mukha nya? Mukha ba syang clown? Kunwari eh lumingon sya sa kabilang direksyon kung saan may salamin na nakadikit sa pader. Tiningnan nya ang repleksyon sa salamin. Wala namang problema sa magandang mukha niya ah.
“Hey, why are looking at me like that? wooh! I’m melting… help!” nagdrama pa ito na tila natutunaw. Ganoon ba siya ka-obvious sa pagtitig niya rito? Hindi rin lang naman kasi nya mapigilan. Parang namamagnet kasi ang mata nya sa mukha nito.
“Tumahimik ka kaya dyan? Ayoko ng maingay.” pagtataray niya.
“I don’t believe you.”
“So ginawa mo pa akong sinungaling? At anong alam mo likes at dislikes ko? As far as I remember, wala kang slumnote o autograph na pinasagutan sakin. Kaya wag kang mag-i don’t believe you, i don’t believe you dyan! Saka hindi tayo close.”
“We are close. Yeah, very close. Hmm?” He smiled at her at inilapit pa nito ang mukha nito sa kanya. Agad namang nagkarera sa bilis ng pagtibok ang puso niya. His face is really close to her. Kung may makapansin man sa kanilang ibang tao ay malamang iisipin ng mga ito na hahalikan siya ni Cram. Napatingin siya rito ng maiigi and their eyes met. Hindi niya alam kung ano tawag sa nararamdaman niya pero bago talaga sa kanya iyon.
“I’m gonna die…” At sa isang iglap ay dumilim na ang paligid niya.
No comments:
Post a Comment