Oh, Cram! He's Worth The Wait: Part 2 of 3


“Pinapahiya talaga tayo nitong friend natin. Himatayin ba naman habang kaharap ang gwapo kong pinsan.” She heard Iana talked.

She fainted? As in super nawalan siya ng malay sa harap ni Cram? Yeah, naaalala niyang bigla na lang nagdilim ang paligid niya pero wala siyang alam na dahilan kung bakit nangyari sa kanya iyon, maliban na lang kung epekto iyon sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman niya sa tabi ni Cram. O baka dahil nga sa sobrang tense. She opened her eyes and caught in sight a very handsome face. Naku naman! Hihimatayin ba siya uli? Napapikit na siya.

“Naku friend! Wag ka ng maghimatay-himatayan ulit dyan! We saw you opened your eyes. Stop that drama of yours. Now na!” sabay lumapit si Lovely sa kanya. Nagmulat ulit siya at nakatayo na sa kabilang side niya ang mga kaibigan.

“Hindi ako nag-da-drama. Pumikit lang ako ulit. Masama bang pumikit?” sagot niya rito. Hindi na niya muna binalingan ulit si Cram. Hindi man lang siya tinanong nito kung ayos lang siya.

“Hindi naman friend… pero iyang si fafa Cram oh… Sobrang nag-alala lang naman sa’yo. Feeling ko tuloy kayo na agad.” ani Vicky at tila kinikilig pa. Saka niya binalingan ulit si Cram. Nakita nga niya sa mukha nito ang pag-aalala at na-touch naman siya roon. Noon lang niya naramdaman ang feeling may isang lalaki na nag-aalala para sa kanya. Kung alam lang nito ang dahilan ng pagkahimtay niya. Nakakahiya siya!

And since that day ay napadalas na ang pagkikita nila ni Cram. Constant rin silang nag-ti-text-text at madalas rin itong tumawag sa kanya. Hindi niya maintindihan pero tinamaan na nga yata siya rito. Hindi rin ito mahirap magustuhan dahil masaya itong kasama. Sobrang thoughtful at feeling niya ay importante na siya para rito. Masarap sa pakiramdam pero hindi niya alam kung hanggang kelan iyon. Hindi pa naman sila, and for now, ang tawag sa relasyon nilang dalawa, eh exclusively dating! Aw, showbiz!

Isang araw ay inimbitahan siya ni Cram sa bahay nito. Nahihiya man siya at ayaw niya sanang paunlakan ito pero sadyang makulit rin si Cram at talagang hindi siya tinantanan ng pamimilit hanggang hindi siya pumapayag. Kaya heto siya at nangingig pa ang buong katawan habang naglalakad papasok sa loob ng malaking bahay nila Cram. Feeling girlfriend tuloy siya.

Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa bahay nito ay nakangiting mukha ng pamilya nito ang sumalubong sa kanya. Tatlong pares ang naroon. Ang isang pares ay sigurado syang magulang nito, ang dalawa naman ay kapatid nito with their soon-to-be husband. Alam niya kasing nag-iisang anak na lalaki si Cram dahil naikwento na nito iyon sa kanya. At nakwento rin nitong ikakasal na pareho ang mga ate nito. Sa masayang pagtanggap ng pamilya nito sa kanya ay nabawasan na rin ang kabang nararamdaman niya. Pero sa isip niya, hindi siya dapat masanay sa pakiramdam na iyon dahil magkaibigan lang sila ni Cram.

Doon siya nag-dinner dahil iyon ang usapan nila. Kasalo nila ang pamilya nito at naging masaya naman ang hapunang iyon. Pagkatapos pa ng dinner ay nakatanggap pa siya ng ilang text message mula sa mga kaibigan na nanunukso na naman sa kanya. Napangiti na lang siya nang maalala ang mga okray na kaibigan. Kung hindi dahil sa mga ito ay malamang hindi niya mararanasan ang kakaibang damdamin na nararamdaman nya ng mga sandaling iyon sa piling ni Cram. Kahit hindi man niya boyfriend ito, sa puso niya, alam niyang mahal na niya ito.

“Kinakabahan ka pa rin ba?” tanong nito sa kanya nang makapagsolo na sila. Nasa loob sila ng green house na nasa likod ng bahay nito. Silang dalawa na lang ang naroon dahil pumasok na ang pamilya nito sa loob ng bahay. Tahimik na rin ang paligid.

“Hindi na. Masaya kasama ang pamilya mo.”

“Oo nga. I’m so lucky to have them. Buti naman at hindi ka nahirapang makisama sa kanila.” sabi nito. Saka sila naupo sa bench na naroon. Malapit na malapit ito sa kanya. Hindi na rin siya naninibago roon, dahil nga ganun sila kahit hindi naman talaga sila!

“They’re all nice.” tipid na sagot niya. Nagsisimula na kasi siyang makaramdam ng lungkot dahil sa mga naiisip niya. Wala siyang alam sa nararamdaman nito pero sa pinapakita nitong ugali sa kanya ay feeling niya mahalaga siya rito. Hindi niya alam kung mahal rin sya nito.

“D you remember the first time we met?” tanong nito and gazed at her intently. Napatitig na rin lang siya sa gwapong mukha nito.

“Hmm… yeah.” Sino ba naman ang hindi makakaalala nun eh hinimatay lang naman siya noon habang tinititigan siya nito.

“I haven’t introduced myself to you, remember?”

Tumango lang siya at natawa. Oo nga naman pala. Wala man lang silang tamang pagpapakilala. Bigla lang naman kasi silang pinagtripan ng mga kaibigan niya. Again thanks to her friends.

“Hi I’m Cram… and you are?” nakangiting saad nito.

“I’m beautiful!” hirit nya sabay lahad ng kamay rito.

“Supeer!” inabot naman nito ang kamay niya. The moment his hand touched hers, mas lalong bumigat ang nararamdaman niya sa puso niya. Ayaw niyang umasa at gusto na lang niyang samantalahin ang mga masasayang sandali nila nito. Baka kasi makahanap na ito ng babaeng mamahalin at malamang hindi siya iyon.

“Nahawa ka na sa amin! Nakiki-supeer ka na rin!” natatawang sabi niya.

“Nicca, I wanna tell you something.” Seryosong sabi nito. Tumayo ito at humarap sa kanya. Inabot ang kamay niya at hinila siya patayo. Now she’s standing in front of him, face to face. Naalala lang tuloy nya ang unang beses na nagkalapit ang mukha nila. Hinimatay pa siya noon.

“Ano yun?” she asked in curiosity.

“I already found th girl I think I’m destined to fall in love with.”

Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang sinabi nito. Paano na siya? Paano na lang ang nararamdaman niya para rito?

“Well, good for you then.” patangu-tangong sagot niya at pinipigilan ang sarili na maiyak. Babawiin na sana niya ang kanya kamay niya pero hinigpitan nito ang pagkakahawak niyon. Again he looked at her intently in the eyes. She can see he’s inlove and she’s happy for him kahit katapat nun ay sakit para sa kanya.

“No… it’s not really good. May konting problema.”

“and what is the problem?”

“Hindi ko pa nasasabi sa babaeng iyon na mahal ko siya. I’m afraid to do so Nicca. I’m afraid that she doesn’t feel the same way, and i’m afraid she won’t accept me.”

“Tatanggapin ka niya Cram and i’m so sure of that. Alam kong mahal ka rin ng babaeng gusto mo. Hindi ka naman mahirap mahalin eh. Saka wag kang matakot, magtiwala ka lang sa sarili mo.” sagot niya.

“Then now tell me you love me too Nicca, and that you will accept me to be the man of your life forever. kasi ako? Mahal na mahal na kita. I want to be yours and i want you to be mine. Just mine Nicca.”

Napatanga siya sa sinabi nito. Biglang umusbong ang matinding kaligayan na parang ipinagbubunyi ng puso niya. Tuluyan na ngang nag-unahan sa pagpatak ang luha mula sa mga mata niya. Hindi dahil sa sakit kundi dahil a sobrang sayang nararamdaman niya. She just heard him confess his love for her. Cram loves her too.

“Hey, why are you crying? May nasabi ba akong masama?”

Umiling siya. Cram slowly held her hands. “Kung hindi mo ako kayang sagutin ngayon, ayos lang. Maghihintay ako Nicca.”

She’s gonna say yes! Yes, yes, and yes! Pero nasobrahan yata siya sa emotion at hindi niya masabi. Cram’s face is getting closer to her.

“Will you be my girl Nicca?”

Waaah!!!! magpapaparty na talaga siya! Sobra-sobra na ang kilig na nararamdaman niya. As in hindi na niya keri! And the next thing she knew, hindi niya nasagot si Cram dahil hinimatay na naman siya!


“Over na itong friend natin ha! Aba at laging himatayan na lang ang drama.” Tumawa pa si Vicky pagkasabi niyon.

“Ano ba kasing nangyari Cram? Baka naman hinarass mo itong friend namin kaya nawalan ng malay!” si Lovely.

“Ay! Sana nga hinarass mo na lang. Tapos ni-rape mo na! Then binuntis! Nasa’yo na ang lahat ng pagkakataon!” ani Iana na sinundan ng tawanan ng mga kaibigan.

Gising na siya pero hindi lang muna niya idinilat ang mata. Pero sa sinabing iyon ni Iana ay napilitan siyang magmulat ng mata. Hinanap niya ito at nakita rin naman niya agad. Nakasandal ito sa hinihigaan niya at nakatalikod. Agad na tinampal niya ito sa braso nang hindi pa nito napapansin na gising na siya.

“Aray– uy friend! Gising ka na pala. Ang malas mo naman hindi ka na-rape ni fafa Cram!” biro ni IAna.

“Tsee!” singhal niya.

“Nicca, how are you feeling right now?” puno ng pag-aalala ang boses ni Cram.

“I feel better now Cram, and my answer is yes.”

“Oh thank you Nicca! I love you.” Yumuko ito para siilin siya ng halik. Hindi naman siya tumutol pa. It was her first kiss! Ganoon pala ang feeling. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. She closed her eyes and savor the moment. As soon as their lips parted, he gathered her with his arms. Ganito pala ang feeling? Tila wala ka ng mahihiling pa? Nakakalurkey!

“I love you too Cram.”

“Girl, nakikita niyo ba ako? Invisible ako eh!” si Vicky.

“Ikaw lang ba? Ako rin kaya.” si Lovely.

“Ano ba kayo, nakatago kaya tayo sa loob ng invisibility cloak ni Harry Potter.” ani Iana.

“Close kayo?” sabay na hirit ni Vicky at Lovely.

“Medyo. Pinahiram ako ng cloak niya eh.”

“Hi girls!” aniya sa mga kaibigan. Alam niyang sila ni Cram ang pinariringgan ng mga ito. Nakatayo na siya at inaalalayan ng binata. His arm is around her waist.

“Nakikita na nila tayo?” baling ni Lovely kay Iana.

“Baka fake yung cloak na pinahiram sakin ni Harry.”

“Tumigil na nga kayo sa kalukringan nyo dyan!” natatawa niyang wika sa mga kaibigan.

“Tinawagan agad kami ni Cram ng himatayin ka kanina kaya heto kami ngayon. Kalurkey ka friend, may sakit ka ba? Pinag-alala mo na naman itong si Cram.” ani Vicky.

Tumawa na lang siya. Alangan naman kasing sabihin niya na dala lang iyon ng sobrang kaligayahan. Napaisip siya, paano na lang kung laging ganun? Lagi bang mabibitin ang moments nila ni Cram?

At mula noon ay sila na nga ni Cram. Madalas pa silang mag-group date kasama ang kanyang mga kaibigan at kanya-kanyang boyfriend nito. Hindi na siya OP dahil may date na rin siya. She is very happy with Cram. Ramdam niya ang pagmamahal nito. Akala pa niya ay puro kasiyahan na lang ang dulot sa kanya ng pag-ibig pero nagkamali pala siya.


“I’m so excited friend. Ako pa mismo ang nag-bake nitong cake para sa kanya. Alam mo naman iyon, hindi naniniwala na kaya kong magbake ng masarap na cake kaya masosorpresa siya! Nyam, nyam!” aniya. Inihinto ni Lovely ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa gate ng bahay nila Cram. It’s their fifth monthsary at she baked a cake for him as a surprise. Duda kasi ito sa kakayahan niya kaya papatunayan niya iyon rito.

Nauna pa siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na naglakad patungo sa gate ng bahay nito. Excited siyang ibigay rito ang ginawa niya. Excited siyang purihin nito iyon. At lalong mas excited siyang makita ito. Kahit pa madalas silang magkita ay na-eexcite pa rin siyang makita ito.

“Super excited ka naman friend!” Humabol sa kanya si Lovely.

“Syempre naman noh! I baked this cake especially for him. This is for–” Natigilan siya at kasabay niyon ay ang pagbagsak ng cake na pinaghirapan niyang gawin sa kalsada. “the only m-man of my l-life.”

“Nicca–” Natigilan rin ito sa nakita. Agad siyang yumakap sa kaibigan at napahagulhol.

“Friend, tell me it isn’t true. Sabihin mong hindi totoo ang nakita ko.” she was sobbing.

Cram, the man of her life, is kissing another girl. Nakita iyon ng dalawang mata niya. She felt her heart torn into pieces. Noon lang siya nakaramdam ng ganoon. Hindi niya mapigilan ang umiyak. Inalalayan siya ni Lovely maglakad pabalik ng sasakyan. Tila nahihirapan rin ang kaibigan niya na nakikita siyang umiiyak.

Bakit kung kelan niya ipinagkatiwala ang kanyang puso sa isang lalaki ay saka naman tila itinapon lang nito iyon? Hindi siya makapaniwalang nagawa siyang lokohin ni Cram.

“Iana! Sabihin mo diyan sa pinsan mong hindi naman kagwapuhan na ang kapal ng mukha niya para lokohin itong friendship natin. Aba gago siya, alam niya ba yun?” Lovely is raising her voice. Nasa kitchen sila ng bahay nito dahil doon siya nito dinala mula kina Cram. Tinawagn naman nito ang dalawa pang kaibigan para damayan siya. She’s still crying.

“Friend, chillax! Nasaan ang poise mo?” awat ni Vicky kay Lovely.

“Friend, magalit man ako, lovely pa rin ako. Kahit umusok pa ang ilong ko sa galit, lovely pa rin ako. Kahit anong gawin ko eh lovely pa rin ako, nakatatak na iyon sa pangalan ko.” anito.

“Taamaaa!” sagot ni Vicky sabay nag-apir ang dalawa.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Iana.

“Cram is kissing another girl! Manloloko iyang pinsan mo!” si Lovely.

“Girls, pwede iba na lang ang pag-usapan natin?”

Napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan saka siya nilapitan ng mga ito at niyakap.

“Hayaan mo na ang ugok kong pinsan na iyon friend, andito lang naman kami lagi para sa’yo eh.” ani Ina.

“I know. Thanks girls.”

SHe’s still thankful having her friends. Kahit papaano ay nabawasan ng presensya ng mga ito ang sakit na nararamdaman niyasa mga sandaling iyon.

I’m still alive but I’m barely breathin’, just prayed to a God that I don’t believed in.. Cause I got time while she had freedom, Cause when a heart breaks no it don’t break even. What am I gonna do when the best part of me was always you and what am I supposed to say when I’m all choked up and you’re okay… I’m falling to pieces…”

She is falling to pieces. Tama nga kantang iyon. When a heart breaks, it don’t break even. Dahil kung siya ay umiiyak sa isang tabi, si Cram naman marahil ay masaya na babaeng kahalikan nito kung sino man iyon. Bakit pa nga ba siya na-in love?

No comments:

Post a Comment