Oh, Cram! He's Worth The Wait: Part 3 of 3



   Since that day she saw Cram kissing another girl ay hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataong magpaliwanag. Para ano pa? Para magpalusot ito sa kanya at lokohin siya? Kapag tumatawag ito ay hindi niya iyon sinasagot. Kapag nag-ti-text naman ito ay hindi niya iyon ni-rereply. Ilang beses na rin itong nagpunta sa bahay nila pero hindi niya ito pinapapasok. Iyon ang mahigpit na bilin niya sa mga kasama niya sa bahay.

Noong araw rin kasing iyon ay nakipag-break siya agad dito. Nagpadalos-dalos man siya sa desisyon niyang iyon pero nakita na mismo ng dalawang mata niya ang dahilan kung bakit kailangan niya itong hiwalayan. Nagtataka nga siya kung bakit pa nito gusto magpaliwanag e binigyan na nga niya ito ng pabor. Maging sa mga kaibigan niya ay humingi na ito ng tulong para lang daw makausap siya pero hindi rin ito tinulungan ng mga kaibigan niya.

“Ako kapag nahuli ko iyong boyfriend kong iyon na may kahalikang iba. Swear! Hindi na siya aabutan ng sikat ng araw.” si Lovely.

“Papatayin mo friend?” tanong naman ni Vicky.

“Hindi naman. Itatago ko lang sa kweba o kaya kahit saang madilim. Basta hindi lang masikatan ng araw. Ikaw talaga friend, masyado kang harsh mag-isip. Ang beauty ko ay hindi pang-mamamatay tao noh!”

Nagkatawanan silang apat sa hirit na namang iyon ni Lovely. Nasa coffee shop sila ni Iana at katatapos lang nilang magshopping. Malaki talaga ang dapat niyang ipagpasalamat sa mga kaibigan dahil tinutulungan siya nitong maka-move on. Doon ay abala na naman sila sa pag-chi-chismisan. At kahit papaano ay sinusubukan rin ng mga kaibigan niya na hindi masali sa usapan si Cram.

“Nicca, gusto mo ng ka-blind date ngayong Valentines?” nakangising tanong ni Iana.

Nagsalubong ang kilay niya. Oo nga pala, ilang araw na lang at Valentines Day. Pero para sa kanya ay wala namang pinagkaiba iyon sa mga ordinaryong araw. Unang-una ay dahil wala namang taong ginagawa iyong espesyal para sa kanya. Kapag araw ng mga puso ay nagmumokmok lang siya sa bahay nila at nangangarap na sana ay may dumating na rin na lalaki para sa kanya. Akala pa naman niya ay si Cram na iyon.

And speaking of that man, napatayo siya mula sa kinauupuan nang makita itong papasok ng coffee shop ni Iana. Nagsalubong pa ang mga tingin nila. Napalingon rin ang mga kaibigan sa direksyon nito at sabay ring napatayo. Mabilis na lumapit sa kanila si Cram.

“Nicca, you have to listen to me.” pinilit nitong lapitan siya pero hinarang ito ni Vicky at Iana. Siya naman ay nilapitan ni Lovely. Parang tinutusok na naman ang puso niya habang nakikita ang lalaking nanloko sa kanya.

“You don’t have to explain Cram. Wala rin naman akong papaniwalaan sa kung anong kasinungalingan mo.” puno ng hinanakit sa boses niya.

“No Nicca, you don’t understand. Hindi kita niloko at kelan man ay hindi pumasok sa isip ko ang lokohin ka.”

“I don’t believe you Cram. Nakita ko mismo ang ginawa mong kalokohan.”

“It’s not what you think it is Nicca.” giit nito.

“Iana, sige payag na akong i-set mo ako ng blind date. Itext mo na lang sakin kung anong oras at saan. Mauna na ako girls.” Yun lang at mabilis siyang naglakad palabas ng coffe shop. Hindi na siya nasundan pa ni Cram dahil hinarang ito ng mga kaibigan niya. At tamang-tama rin na sa paglabas niya ay dumating si James na tinext niya para sunduin siya. Pagksakay niya sa kotse ay bumagsak ang mga luhang kanina ay pinipigilan lang niya.

“Sis, hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak. Kung yung lalaking yun na naman ang dahilan, pwede ba tigilan mo na yan? He’s not worth a teardrop.”

“James, bakit ba kayong mga lalaki ay pinapaiyak lang kaming mga babae?”

“Uy sis! Foul yan, good boy ako no! Never akong nagpaiyak ng babae. Saka hindi naman lahat ng lalaki ganoon.”

“Eh bakit si Cram ganoon?”

“Ikaw ba talaga ang ate ko?”

“Oo, nainlove lang.” Natawa na lang si James sa inaasal niya.

“Baka naman hindi ganoon si Kuya Cram. You hadn’t heard his side of the story. Ni hindi mo siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at nakipag-break ka lang agad dun sa tao. Aba kawawa naman iyong kalahi kong iyon, hindi man lang nagkaroon ng benefit of doubt. Malay mo wala talaga siyang kasalanan.”

“Ikaw ba talaga ang kapatid ko?” pang-gagaya niya sa tono nito kanina.

“Oo naman, nagpapayo lang sa isang broken hearted na ate.”

She smiled. Siguro nga tama si James. Kaya siya nasasaktan ng ganoon at nahihirapan siyang maka-move-on dahil hindi niya alam kung ano side nito ng kwento. Hindi niya alam kung ano ang mga dahilan nito dahil hindi niya ito binigyan pa ng pagkakataong magpaliwanag. Hindi siya matatahimik dahil may mga katanungan rin siya na hindi nasasagot. Tama nga kayang kausapin na ni si Cram at pakinggan ang paliwanag nito? Tama siguro.

Ilang araw rin siyang nag-isip. Bibigyan na niya ng pagkakataong magpaliwanag si Cram. Papakinggan na niya ito. Hindi para makipagbalikan rito kundi para masagot rin ang mga katanungan sa sarili niya. Kung bakit nito iyon nagawa sa kanya.

“Iana, pwede pa bang i-cancel iyong blind date na isinet mo?” Kausap niya si Iana sa phone.

“Friend naman… bakit ngayong araw mo pa sinabi? Nakapagpareserve na ako sa ZJ’s eh…”

“Pwede pa naman sigurong ipa-cancel yun diba?”

“Hindi na. Basta dapat magpunta ka doon. 7pm ha?”

“Okay.” Nawala na agad sa kabilang linya si Iana. Tinext niya si Cram kung pwede niya itong makausap before seven pm.

“Sori Nics,but I have a date at seven. Hindi na raw pwede i-cancel eh. Pwede 2mrow na lang para hindi bitin sa oras? Mrami akong gustong sabhn sayo and I miss you so much.” reply nito. Nadismaya siya. Hindi na nga siya importante kay Cram dahil uunahin nito ang isang date kesa sa kanya. Fine! Kung makikipagdate ito ay makikipagdate rin siya!

Bago pa mag-alas siete ng gabi ay handa na siya. She work a simple yet elegant black dress. Above the knee ang haba niyon. Hindi siya nagdalawang isip na magsuot ng kulay black dahil nagluluksa ang puso niya. Wala na lang pakialamanan. Basta maganda naman siya kahit anong kulay pa ng damit ang isuot niya. Nagsuot siya ng alahas. Tamang-tama lang para magmukhang mas elegante siya. Hindi iyong tipong parang christmas tree na.

She faced the mirror at napasimangot siya. Maganda na siya. Magandang-maganda pero tila may kulang. Hindi niya magawang ngumiti. She tried to smile and practiced it bago siya umalis. Nakakahiya naman kasi sa kung sino mang ka-date niya kung nakasimangot lang siya. Ilang minuto sa harap ng salamin ay napagdesisyunan na rin niyang umalis. Nagpahatid siya kay James.

“Enjoy your date sis!” abot tenga ang ngiti nito nang sinabi iyon bago isara ang pinto ng sasakyan. Nasa labas na siya ng ZJ’s. Love is in the air nga yata pero hindi niya ramdam iyon. Marami ng pares sa loob at hindi niya maiwasan ang mainggit. Kitang-kita niya kasi sa mga mata ng mag ito na mahal nito ang isa’t-isa.  Isang lalaki ang lumapit sa kanya at sinabi ang kanyang reservation. Iginiya siya nito sa direksyon na medyo malayo sa iba. Tila pang VIP yata ang parteng iyon.

Hindi niya maiwasan ang kabahan. First time niya kasing makipag-blind date. Kung hindi lang sana siya niloko ni Cram ay tiyak na ito ang magiging ka-date niya sa gabing iyon. Nalungkot na naman siya.

“Ma’am, iyon na po ang table nyo.” sabay turo sa isang table na naroon sa VIP section ng restaurant. May nakaupo na sa isang silya roon. Ibig sabihin ay naroon na ang date niya. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha. But she felt a sudden thumping of her heart. Iisang tao ang nakakagawa ng ganoon sa kanya. She walked through the distance and reached their table. Nasa likod lang siya ng lalaki. Kilala na niya kung sino iyon.

“Cram…” halos pabulong na lang na sambit niya ng pangalan nito. Oh please! Wag naman sana siya ngayon himatayin.

Narinig yata iyon ng lalaki saka ito napalingon sa direksyon niya at agad na napatayo ng makita siya.

“Nicca…”

“There must be a mistake here. I’ll call Iana at baka nagkamali siya ng sinabi saking reservation.” She was about to get her phone from her pouch pero maagap na nilapitan at pinigilan siya nito.

“There’s no need to do that. Si Iana rin ang nag-set sakin ng blind date na ito.”

“I’m gonna kill her.”

“I’m gonna thank her. So shall we?” he smiled at inalalayan siya hanggang makaupo sa bakanteng upuan sa tapat nito. Hindi na siya nagreklamo pa. Naisip niyang kailangan nga pala nilang mag-usap once and for all.

“May kinalaman ka ba sa blind date na ito?” tanong niya rito.

“No.”

Dumating ang isang waiter at nagserve na ng pagkain. Nagtaka siya dahil pawang mga pagkain na gusto niya ang naroon. Ibig sabihin ay nag-order na ito bago pa man siya dumating at alam nito kung ano ang gustong kainin ng makakdate nito. Alam nito na siya ang makakadate nito.

“Tell me the truth Cram.”

“Okay, nung sinabi mo kay Iana sa coffee shop na makikipagblind date ka eh kinulit ko siya na ako na lang ang iblind date niya sa’yo. Marami talaga akong gustong sabihin nicca.”

“Ano naman ang maraming iyon?”

“Can we just eat first?” yaya nito. He’s smiling at tila napapangiti na rin ang puso niya. Ganoon lang ba siya kadaling madala rito? Ngiti pa lang nito ay tila papatawarin na niya ito. No! Hindi na niya hahayaang saktan siya nito ulit.

They started eating. Wala siyang masabi sa lasa ng pagkain sa Zj’s dahil masasarap lahat ng mga iyon. Sinubukan na rin niyang pakitunguhan ng maayos si Cram. Inaasahan na niyang iyon na ang huling dinner na makakasama niya ito. Tiyak niyang magpapaliwanag na ito at makikipaghiwalay ng personal sa kanya.
She felt a sudden pain in her chest because of the thought.

Ilang sandali pa ay natapos rin silang kumain. Kasabay rin niyon ay ang pagkawala ng ilaw a paligid. Maliban na lang sa mga kandilang nasa table. Bigla ay naging romantic ang ambiance. May mga umiilaw na hugis puso sa paligid. May mga magkapareha na rin na nagtutungo sa gitna para magsayaw. Love songs ang pinapatugtog. Di na naman niya maiwasan ang mainggit. Pinapanood niya ang mga taong nagsasayaw nang mahagilap ng mga mata niya ang kanyang mga kaibigan na kasayaw ang kanya-kanyang boyfriend. Lalo lang siyang nainggit.

“Pwede ba kitang isayaw Nicca?” Cram in a three piece suite looked dazzlingly handsome. Ngayon ay pinupuri pa niya ang lalaking bumigo sa kanya. Nakalahad ang kamay nito sa harap niya. Iiling na sana siya para tanggihan ito pero naging maagap ito at bigla na lang hinawakan ang kamay niya at marahang hinila siya papunta sa gitna ng dance floor.

“And I don’t take no as an answer.” He smiled. Nagsisirko na naman ang tibok ng puso niya.

“Obvious nga!” she muttered. Then they were dancing. Masarap na sana sa pakiramdam kung mahal siya ni Cram at kasayaw niya ito. Kaso hindi siya sigurado sa bagay na iyon. Isa lang ang tiyak niya. Mahal niya ito.

“Nicca…”

“Bakit?” she asked at sinalubong ang titig nito. Matutunaw yata sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

“What you saw that day–”

“Cram,”

“You have to listen to me Nicca. Halos hindi na ako makatulog kakaisip sa’yo. Kung paano ako magpapaliwanag sa’yo na hindi ko ginusto ang nangyaring iyon na nakita mo pa. It wasn’t me who kissed her. She kissed me and not the other way around. Kristine is my ex and she wants me back pero hindi ako pumayag because I have you already Nicca. She kissed baka sakali daw magbago pa ang isip ko pero hindi. Hindi na magbabago iyon dahil ikaw na at ikaw lang ang mahal ko.”

Kinabig pa siya nito mas papalapit rito. And their faces were too close. Wag sana siyang himatayin!

“It’s your lips I desired Nicca. It’s your face that I wanna see everyday. And it’s you that I want to be with me forever.”

Nangingilid na ang luha sa mga mata niya. She can feel the sincerity of each words.

“Please forgive me Nicca.”

Nagpaligsahan sa pagpatak ang kanyang luha kasabay ng pagtango niya para patawarin ito. Matapos ang gabing iyon ay naging ayos na ulit sila ni Cram. And few years later ay dininig na rin ng Diyos ang isa sa mga panalangin niya.

Nagtungo sila sa bahay nito at diretso sila sa green house sa likod ng bahay nito. Napangiti siya nang makita ang magandang pagkakaayos ng lugar. Punong-puno iyon ng series lights at iba’t iba pang desenyo. Marami pang bulaklak sa paligid.

“Ikaw ang gumawa nito?” manghang wika niya.

“Tinulungan ako nila ate.”

Pumasok sila sa loob at maging ang bench na naroon ay puno rin ng dekorasyon.

“Hindi pa maapektuhan nitong ginawa niyo sa green house ang mga halaman dito?” tanong niya.

“Para isang gabi, eh hindi naman siguro. Importante lang talaga itong sasabihin ko Nicca.”

“Ano yun Cram? Pinapakaba mo ako.” Ginagap nito ang mga kamay niya at mataman siyang tinitigan sa mata.

“Ipangako mo muna sa aking hindi ka hihimatayin.”

Natawa naman siya sa hiling nito. Matagal na siyang hindi hinihimatay kahit pa gaano ito ka-close. Nangako pa rin siya. Ano naman kaya ang sasabihin nito?

“Nicca, please believe me if I say I love you so much. I love you more than any other woman in the world.”

“I believe you Cram and I love you too.” Nakangiting sagot niya at dinampian ito ng halik sa labi. Naramdaman niya ang panginginig ng kamay niyto.

“Okay ka lang?” tanong niya.

“Oo, saka hindi pa iyon ang gusto kong sabihin. Pwede bang wag ka munang sumingit dahil kinakabahan rin ako.”

“Ay sorry po!”

“Nicca, I love you much. You made me the luckiest and happiest man when you said yes to me three years ago. And you’ll make me the super super luckiest and happiest man now and forever if you’ll say yes to me again now.”

Lumuhod ito sa harapan niya at isang maliit na kahon ang inilabas mula sa bulsa nito. Nang buksan nito iyon ay isang diamond ring ang naroon.

“Oh Cram!”

Kinuha nito ang singsing sa kahon at mataman ulit siyang tinitigan. Kinuha ang isang kamay niya at nagsalita ulit.

“Nicca Montealegro, will you marry me?”

“Yes! Yes CraM, I will marry you!”

“Thank you Nicca!” Mabilis nitong isinuot sa daliri niya ang singsing at tumayo para hagkan siya. Gumanti siya sa halik nito at matapos iyon ay ikinulong siya sa mga braso nito. Dininig ng Diyos ang isang hiling niya. Iyon ay sana si Cram na nga ang lalaking para sa kanya.

After few months of preparation ay naganap rin ang bonggang kasal nila ni Cram. Now they’re going to the next level, pero alam niya malalagpasan nila ang kung anumang pagsubok na dumating sa buhay nila. Pinagsumpaan nila iyon sa harap ng Diyos, pamilya, mga kaibigan at sa ibang taong naging saksi ng kanilang pag-iisang dibdib.

“Ang daya friend, nauna ka pa sa amin,” ani Vicky na kunwari eh nakasimangot pa.

“Oo nga…” sabay na saad naman ni Iana at Lovely.

“Malay nyo, next time kayo naman ang maunang kunin ni Lord!” biro niya.

“Ang sama mo friend!” korong sambit ng tatlo. Nagkatawanan na lang sila sa kanya-kanyang biro.

Wala na siyang ibang mahihiling pa, she had the best set of friends and she had the best man.

“I love you Nicca…”

“I love you too Cram. You’re worth the wait.”
-end-



3 comments:

  1. ahhh, I love this! super relate ako. Sana nangyayari din 'to sa totoong buhay. :)

    ReplyDelete
  2. thank you for reading, lai!!! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. you're always welcome, dear! I'm really fond of reading. :)

      Delete