Nathan's Confession: Chapter 1




"Ateeee!!! Gising na. Ma-le-late ka na sa class mo kapag hindi ka pa bumangon d'yan!!!"
Napadapa siya sa kama sa tinakpan ng unan ang ulo niya para hindi marinig ang super duo niyang mga kapatid. Sa lakas ng boses ng mga ito ay sabay pa kung gisingin siya ay nagigising yata talaga pati ang nanahimik niya cells sa katawan. Inaantok pa siya at hindi pa tumutunog ang alarm clock niya. Halos kada-umaga na lang binubulabog ng dalawang makukulit niyang kapatid ang tulog niya sinula ng matuto ang mga itong magsalita. Kambal ang dalawa at tanging kapatid niya.
"Go away! Can't you see I'm still sleeping?" naiinis na bulyaw niya sa dalawa na hindi man lang nasindak sa mataas na tono ng pagsasalita niya. Kung sa bagay ay ganoon na ang linya nila araw-araw, pero hindi pa rin siya nasasanay. She hates waking up early. Tinakpan na niya ulit ng unan ang ulo niya.
"You're not sleeping Ate." sagot ng isa sa kambal.
"At paano niyo naman nalaman aber?" Inis pa rin niyang wika sa mga ito na nang tumagilid siya pero nakatalikod sa mga ito. Still, nakatakip ang unan sa tenga niya.
"Kasi sumasagot ka sa amin. Unless you're sleep talking." sagot naman ng isa pa.
"Five minutes more okay? Please, inaantok pa ako at masyadong maaga ang pag-aalarm niyong dalawa! At kapag hindi pa kayo lumabas ay pagbubuhulin ko talaga kayo hanggang sa hindi na kayo makahinga! Aahhggrr!"
"Wooh! Mo--nster..." sabay na sabi ng dalawa. Kalmado at talagang nang-iinis pa ang tono ng mga ito. Narinig pa niya ang sabay na pagtawanan ng dalawa at batid niyang naglakad na palabas ng kanyang kwarto.
Dilat na dilat na ang mga mata niya dahil sa ginawang pambubulabog ng kambal. Yozack and Izaack never failed ruin her beauty rest. Lumala kasi ang pagiging alarm clock ng dalawa sa kanya nang tumuntong ito ng grade 3. Almost 10 years ang agwat ng edad niya sa mga ito. Akala nga niya noon ay hindi na siya magkakaroon pa ng kapatid. Masaya rin naman siya sa pagdating ng dalawa sa pamilya niya kahit pa sabihing panalo sa kakulitan ang mga ito.
"Five minutes is over!"
She wasn't expecting that. Sa gulat niya nahulog tuloy siya mula kama niya nang akmang babangon na siya.
"Whateeverrr!!! Goo awaaayyyy!!!!" she almost screamed. To the highest level na ang inis niya, umagang umaga pa lang. Oh Lord, bigyan niyo pa po ako ng mas mahabang pasensya habang ako ay nabubuhay.
She's almost done on her morning rituals bago pumasok sa school. Graduating na siya sa kursong Business Administration sa St. Joseph 's Academy. Papahiran na sana niya ng lip gloss ang mga labi nang biglang pumasok mula sa bungad ng pinto ang lalaking nagpapabilis ng pintig ng puso niya.
"Zahckie Jean Quijano! Ang tagal mo. Namuti na ang buhok ko sa kahihintay sa'yo sa labas oh!" sinuklay pa nito ang buhok gamit ang kamay at noon lang niya napansin ang bagong kulay ng buhok nito. Malapad ang ngiting tumingin ito sa kanya at sabay pang pinapataas ang kilay.
"Oh God! Nathan Neil Arguelo, what the heck have you done to your hair? Nasisiraan ka na ba?" bulalas niya saka mabilis na pinahiran ng lip gloss ang mga labi saka inilagay iyon sa bag niya. Nilapitan ni Jean si Nathan na noo'y parang batang nagtatalon-talon sa kama niya.
"Weeh! Isn't it cool? Mas lalong mapapansin ng lahat ang ka-gwapuhan ko. Nakakatuwa talaga 'tong kama mo Jean!" patuloy pa rin ito sa pagtalun-talon. Minsan tuloy naisip niya kung pabalik ang takbo ng utak ng kaibigan niya. He had always love and enjoy jumping on top of her bed. Parang bata.
He had known Nathan since time immemorial. At mula pa noon ay hindi na bago sa kanya ang kawirduhan nito. Makulit pero sweet si Nathan. Dagdag pang napaka-talented nito. He can sing and play the guitar very well. Baka nga consolation na lang ang pagkagandang lalaki nito. Pero para sa kanya lang iyon dahil halos lahat ng babae ay baliktad ang iniisip sa iniisip niya. Consolation na lang daw para sa mga ito ang pagiging talented ni Nathan.
"Cool? Kailan pa ba naging cool sa'kin iyang kawirduhan mo? And Nathan, please! You're not a kid so get off my bed now!" she said in a commanding tone. Tinalikuran niya ito at nagtungo sa mesa malapit sa closet niya para kunin ang kanyang bag.
"One last jump and-- ouch!"
Narinig niya ang pag-ouch nito at mabilis niyang dinaluhan ito nang makita itong hawak-hawak ang ulo at tila namimilipit sa sakit habang nakahiga sa kama niya.
"Ouch, ouch! Aray ko po." patuloy na daing nito. She tried to pull his hands para makita kung anong nangyari sa ulo nito baka kasi nasugatan ito. Napalakas siguro ang talon nito at tumama ang ulo nito sa kisame. Sa tangkad kasi nito ay possibleng iyon nga ang nangyari kaya namimilipit sa sakit ito.
"Alisin mo ang kamay mo para makita ko kung may sugat." she said in worry.
"Jean, mamamatay na ako. Please call my lawyer. Ang last will ko. Hindi ko pa naililipat sa pangalan ng mga apo natin ang mamanahin nila."
"You're crazy Nathan!" kasabay ng pagsigaw niya rito ay hinampas niya ito sa braso at itinulak ng malakas sa sobrang asar niya. Abot langit pa naman ang pag-aalala niya pero niloloko lang pala siya nito.
"Dapat nakita mo ang mukha mo Jean. I am so touched na ganoon ka pala mag-alala sa'kin." abot-tenga ang ngiti nito at umayos ng pagkakaupo sa kama niya. "I am so lucky for having you as my very best friend," dugtong na wika nito.
I hate you Nathan! Malakas na sigaw sa likod ng isip niya. She wanna hate him for letting her feel this way. Heto at ang lakas na naman ng kabog ng dibdib niya. Walang iba kundi si Nathan lang talaga ang nakakagawa ng ganoong epekto sa kanya.
"And you are my very beast friend! As in B-E-A-S-T! Unlucky me!" singhal niya bago tuluyang lumabas ng kanyang silid at pabagsak na isinara ang pinto. Lumabas rin naman ito agad para sundan siya. Kung kanina ay to the highest level na ang inis niya, ngayon ay to highest level to the nth power pa ang inis niya.
"Ang sweet talagang ng ate namin!" pa-sweet na sabi ng kanyang mga kapatid sabay apir. Alam niyang inaasar lang siya ng mga ito. Ang bata-bata pa ng mga ito para maging ganoon ka mapang-asar. Paano na lang kaya kung lumaki na ang mga ito. Dagdag pa ang Nathan na iyon.
"Alis na kami Mom, Dad." she kissed her mom and dad.
"Hindi ka na ba mag-bi-breakfast?" tanong ng mommy niya.
"Sa school na lang ako kakain. Baka ma-late na kami eh." walang kangiti-ngiti na sagot niya.
"Ang aga-aga eh nag-aaway na naman kayong dalawa. Oh siya, mag-iingat kayo." anang ina niya.
"Yes, mom. Ingat rin kayo mamaya pag-alis nyo."
"Bye Tita beautiful, Tito Pogi!" paalam ni Nathan sa mga magulang niya at bumeso-beso pa sa ina niya. Ngiting-ngiti naman pareho ang dalawa dahil sa tinawag ni Nathan sa kanila. Her parents have always liked him.
"Nathan, ingat sa pagda-drive." bilin ng ama niya rito.
"Sir yes sir!"
"Tayo na nga Nathan. Male-late na tayo. Sinumpong ka na naman ng kabaliwan mo dyan." Naglakad na siya palabas ng bahay at sumunod rin naman sa kanya ito.
"Ang sungit-sungit mo ngayon ah? Meron ka?"
"Shut up Nathan!"
Almost everyday ay sabay silang pumapasok ni Nathan sa school. Nasanay na yata kasi itong sunduin siya sa kanila. Now they're on there way to school. Nakaangkas lang siya sa motor nito. Tipid pamasahe na naman siya. She grinned.
"Hoy, hindi libre 'to ha. Sagot mo snacks ko mamaya." Nakita pala nito mula sa side mirror ang pagngisi niya.
"Asa ka pa!" she then faced at the other side. Napasinghap na lang siya nang maamoy ang mabangong men's cologne ni Nathan. Polo blue. Napangiti siya nang maalalang gift niya ito sa binata noong nanalo itong Mr. IT Personality last month. Para kamo hindi mabahuan rito ang mga chika babes pag lumapit sa mga ito. She erased the thought. She never likes girls getting so close with Nathan. Secretly ay possessive siya rito pero hanggang secret na lang iyon.
Ilang sandali pa ay nasa school na sila. Mag-isa siyang naglakad patungo sa classroom nila dahil nagpaalam si Nathan na may kukunin ito sa office ng ama nito. His father is the Dean of the Education Department. Nakita na niya ang pinto ng classroom nila at napansin niyang may mga classmates pa siyang tumatambay sa lobby. So hindi pa siya late kaya diretso na ang pagpasok niya sa loob.
Namataan niya si Jadena nakangiti sa kanya. Lumapit na siya agad rito. Magkatabi lang ang pwesto nila and she noticed the girl sitting at her back. Ngumiti ito sa kanya at gumanti rin siya ng ngiti rito.
"So where's Nathan?" usisa agad ni Jade sa kanya. Jade has been her friend since first year college. Naging magkaklase kasi sila noon sa ibang subjects, almost all rin. Pero ngayon ay isang minor subject na lang sila nagkikita. Accountancy kasi ang kurso nito.
"May kukunin daw sa office ng dad niya."
"Where's Jack?" Like her and Nathan, si Jack at Jade ay magkaibigan rin mula pagkabata.
"He went up the hill to fetch a pail of water. Siguro he fell down and broke his head na right at this moment."
"Jade Kenneth! Bakit ba ang sama-sama mo?" biglang pagsulpot ni Jack. Hindi niya tuloy mapigilan ang matawa rito.
"Eto naman, di na mabiro. Joke lang yun. Namimiss kasi kita. Pa-hug nga!!!" pa-sweet na sagot ni Jade sa kaibigan. Kinilig naman siya dalawa.
Naagaw ang pansin niya ng tugtog mula sa gitara. Palakas ng palakas ang tunog kaya alam niyang palapit rin ng palapit sa classroom nila ang tumutugtog niyon. Familiar sa kanya ang intro ng kanyang iyon. Napalingon siya sa bukana ng classroom and there she saw Nathan standing and playing his guitar. She felt her heartbeat racing.
"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkakandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba. Meron pang dalang mga rosas," tumalikod ito para ipakita ang tatlong rosas na nasa likod nito at humarap ulit sa kanila.
"Suot nama'y maong na kupas. At nariyan pa ang barkada naka-porma naka-barong sa awiting daig pang minus one at sing-a-long."
She can't help herself on admiring him. She stared at him intently while he was busy with his song. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay hindi lang siya ang kinikilig kung di pati na rin ang ibang babaeng classmates niya na naroon.
"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangi. Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw at sa awitin kong ito sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko...sa isang munting harana, para sa'yo..."
The song ended at hindi niya napigilan ang mapangiti habang tinititigan si Nathan na papalapit sa kanila. He's smiling at lalo lang iyong nagpakabog ng dibdib niya. Man! he's taking her breath away.
"You can really sing very well Nathan!" ani Jade na puno ng paghanga.
"Kaya ko rin yun no!" sagot naman ni Jack.
Now he's so near. Hawak pa rin nito ang gitara at kinuha mula sa likuran nito ang tatlong rosas. Hihimatayin na yata siya. She's been dreaming of this moment all these years.
"You liked it?"
Bagsak ang balikat niya nang ngumiti lang sa kanya si Nathan at dumiretso ito sa babaeng nasa likod niya.
"For you Hael. I hope you liked the song." he heard Nathan said to Hael. Hindi niya kayang lingunin ang dalawa. Oh, I HATE YOU right now Nathan Neil Arguelo! She screamed at the back of her mind.



No comments:

Post a Comment