"Thanks
Nathan," dinig niyang sabi ni Hael. Ibinalik na lang niya ang atensyon kay
Jade at Jack na tila busy na rin sa pag-aasaran. Natanong niya tuloy sa sarili
niya kung ano ang feeling ng may boyfriend. NBSB o No Boyfriend since birth
kasi ang drama niya. Sino ba naman kasi ang magkakaboyfriend kung laging may
lalaking nakabuntot sa'yo? Yung tipong naninindak kung may ibang lalaking
lalapit. Nathan in her side always drives away those boys na may gusto sa kanya.
Zahckie Jean is
simply beautiful. Kahit hindi man siya mag-ayos ay maganda na siya ayon sa
karamihan. Assete daw niya ang kanyang mga mata na salamin daw ng kung anong
nararamdaman niya. She has those expressive round eyes. Marami rin namang mga
binata na nagpaparamdam sa kanya pero bago pa man makalapit ang mga iyon sa
kanya ay napagsabihan na iyon ni Nathan. No wonder boys who are interested at
her are staying away.
"Sila na ba
ni Hael?" pabulong na tanong sa kanya ni Jade nang lumabas ng classroom si
Nathan kasama si Hael. Nagpaalam naman sa kanya si Nathan na nagpapasama daw si
Hael na pumunta sa office ng dad nito. Hael's dad is the Dean of the
Engineering Department.
Mula pa man
noong high school sila ay gustong-gusto na ni Nathan si Hael pero nagtataka
siya kung bakit hindi pa rin niya nababalitaan na mag-on na ang dalawa. Kahit
naman kasi magtanong siya kay Nathan ay laging 'hindi' ang sagot nito.
"Hindi raw
eh. Pero ewan ko lang ngayon."
"Uyy...
nagseselos si Zahckie..."
"Shut up
Jack! There's nothing to be jealous of." masama ang tingin na ipinukol
niya kay Jack.
"Wala daw
eh parang dragon ka kung makatingin sa kanila nung lumabas sila eh," sagot
naman nito.
"Bahala ka
kung ano ang gusto mong isipin Jack. But I'm not jealous." walang emosyong
sabi niya.
"Yeah
Zahckie! You're not jealous, You can't be jealous! You've never been jealous!
Ngayon lang!"
"Galing
talaga nitong kulugo kong bestfriend! Wooh! Nice Jack!" ani Jade at
pumalakpak pa. Hindi na niya alam ang sasabihin dahil natawa na lang sa
panggagayang iyon ni Jack. Ginaya kasi nito ang linya ni John Lloyd sa movie
nitong You Changed My Life.
"Thanks
bestfriend! I know you're my number one fan!"
"Alam niyo?
Bagay kayo!!!" tukso niya sa dalawa na tiningnan naman siya ng masama.
"Weeeh!"
sabay pang sambit nito.
Nauwi na lang
sila sa tawanan. Masaya talagang kasama ang dalawang iyon para sa kanya. Saka
sumagi ulit sa isip niya si Nathan. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Hindi
dumating ang teacher nila kaya at natext niya iyon kay Nathan kaya hindi pa ito
bumabalik. Maybe he's enjoyning Hael's company now.
"Jean,
mauna na kami sa'yo ha. May klase pa kami eh." paalam ni Jade.
"Sige,
ingat kayo! Regards kay Fafa Daniel." she grinned. Daniel is one of the
school's heartthrob. Bukod sa pagiging gwapo ay matalino pa ito.
"Mga babae
talaga! Di na makontento sa mga nasa malapit lang! Sige Zahckie alis na
kami." paalam naman ni Jack.
Mga malalapit na
friends niya lang ang tumatawag sa kanya ng Jean. Pero ang iba naman na gaya ni
Jack na tinatawag siyang Zahckie ay para daw astig. Hinayaan na lang niya ito
sa kung ano mang trip nito.
"Jean,
kanina ka pa?" umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tapat niya.
"Hindi
naman masyado. Asan na si Hael?"
"Naroon sa
office ng Dad niya. Andun rin kasi yung mom niya." hayag nito.
Hael's parents
have known Nathan noong nasa high school pa man sila. Maging siya ay kilala rin
ng mga magulang nito.
"Ah...
kumain ka na ba doon?" she asked.
Umiling ito.
"Nagtext naman ako sa'yo na sabay na tayo diba?"
"Ay, oo nga
pala!" Natawa siya.
"Anong
nakakatawa doon? Ang baliw na 'to!" magkasalubong ang kilay na sambit nito.
Mas lalo lang
siyang natawa. Ilang sandali pa ay tumayo na siya para bumili ng pagkain nila.
Masayang nagsalo sila ng tanghalian. Puno na naman kasi iyon ng tawanan at
asaran. Hindi lang busog ang tiyan niya kung di maging ang puso rin niya. Being
with Nathan is something she would never trade with anything else in the world.
The sound of his laugh is a music to her ears. He might me childish sometimes
pero sanay na siya roon.
"Hindi mo
ba talaga cool itong new hair color ko?"natatawa pang sabi nito.
"Yeah right
Lolo Tanyong! Talo mo pa ang dad mo!"
Hindi niya
talaga alam kung ao ang pumasok sa utak ng kaibigan niya at nagpakulay na lang
ito ng buhok eh puti pa. Pero kahit naman ano pa ang kulay ng buhok nito, ay
hindi pa rin mababawasan niyon ang kagwapuhan nito.
"Hayaan mo
bukas babalik na ako sa normal kong buhay!" hirit ulit nito.
"Nathan!!!
Is that you? Oh my gosh! Anong ginawa mo sa sarili mo?" bulalas ni Yram
nang makita nito si Nathan na puti na ang buhok. Hindi naman bonggang nagulat
ito dahil sanay na rin ito sa kalokohan ng kaibigan.
"For a
change. So asan na ang iba?"
"Nasa loob
na. Pasok na kayo at baka lasing na ang mga yun pagpasok natin kung magtatagal
pa tayo rito." ani Yram.
Classmate rin
nila si Yram noong high school. It.s a good thing that they have managed to
keep the friendship kahit pa hindi na sila kadalas magkita-kita ng mga
batchmates niya. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Yram dahil birthday nito.
Pagkatapos kasi ng klase nila ay dumiretso na sila sa bahay nito.
"Oh Jean,
Nathan! Ang tagal niyo, kanina pa kami rito. Heto Nathan tagay mo!" ani
Gear sabay abot kay Nathan ng isang shot ng tequilla. Tinanggap naman iyon ng
huli at saka agad na inubos.
"Lang ya!
Ang sarap!"
"Woooh!!!"
sabay na sigaw ng iba.
"Lasenggo
talaga!" pabulong na sabi niya.
"Hindi ka
pa nasanay sa mga iyan. Let's go sa dining area. Naroon ang mga girls."
pabulong rin na wika sa kanya ni Yram at saka siya hinila papunta sa dining
area.
Ilang girls rin
sa batch nila ang naroon. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay dinig na
niya ang halakhakan ng mga ito. Oh she just love her friends! She smiled nang
mapansin na siya ng mga ito.
"You're
late Zahckie Jean! We were just talking about the upcoming Alumni Homecoming
where in our batch bringing a date is a must!" sabi ng tsinitang si Lee.
Umupo siya sa
bakanteng upuan sa tapat nito, si Yram naman ay sa tabi niya. Naroon rin si
Charize, Navi, Angel and Krizthel. Noon lang pumasok sa isip niyang papalapit
na nga ang homecoming ng SJA alumni.
"Oo nga
pala ano. Dapat sabihan ko na si Detalie para naman maging prepared na
iyon!" aniya.
She remembered
her friend kung paano naging miserable ito last year during the event nang
pumunta ito na walang date. Hindi na ito nag-college sa SJA, katwiran nito ay
para mabawasan naman daw ang makakakuha ng loyalty award.
"Yeah, why
don't you just give her a call Jean para naman makasukbit na nga fafa iyong
friend natin habang maaga pa," si Navi.
"Okay. Wait
girls."
Lumayo siya ng
konti para matawagan si Detalie. She dialed her number and after few rings at
sinagot na rin nito. Natawa lang siya sa naging reaction nito. Tiyak na sa mga
sandaling iyon ay nag-iisip na ito ng kung sinong lalaki na pwede nitong madala
sa party.
"Just don't
forget to bring a date friend." paalala niya.
"Yeah
right! Just call me for any updates." sagot nito sa kabilang linya.
"I will.
Bye!"
She ended the
call and went back to the girls na busy pa rin sa pagchi-chika-chika. Umupo na
ulit siya sa pwesto niya. Dumating na rin ang isa pa nilang kaibigang si
Jasmine.
"So how's
Detalie?" Charize asked.
"Ayun, wala
ng choice kundi ang maghanap ng madadalang lalaki." aniya.
"And how
about you?" si Krizthel.
Napatingin siya
rito. How about her nga ba? Nawala yata sa isip niya na wala pa rin pala siyang
madadalang date. Last year, she attended the homecoming with Nathan as her
date. Pero ngayon ay hindi na siya sigurado kung sya pa rin ang yayayain nito.
Naroon na kasi si Hael. Noong nakaraang taon kasi ay hindi ito nag-attend.
"Ahmm ako?
Hindi ko pa alam eh..." nahihiyang sagot niya.
Damn! Bakit kasi
walang naglalakas loob manligaw sa kanya? Kelangan na siguro niyang dumistansya
ng konti kay Nathan para mabigyan nya ang mga admirers niya ng chance. Para
mawaglit rin sa isip niya ang kakaibang nararamdaman para sa kaibigan. Kakaiba
in a romatic sense.
"I bet
Nathan's gonna ask you again." sabi. ni Angel.
"I bet
not." sambit niya.
And why not?
tanong ng makulit na isip niya. Dahil andyan na si Hael, sagot naman ng
nega-side ng utak niya. Bahala na!
No comments:
Post a Comment