"Alam mo Jean, ikaw
at si Nathan talaga ang cutest couple para sa'kin. Ikaw lang sa mga girls noon
ang may taga-hatid at sundo talaga noon kapag may lakad ang batch. Nathan is
always there for you and you for him. Alam mo iyon? Kahit hindi na kayo mag-I
love you-han pa eh parang obvious na na mahal niyo ang isa't isa?"
mahabang wika ni Jasmine.
"Cut the thought
girl. We're not even a couple!" inisang lagok nya ang isang shot ng red
wine.
Nagkibit-balikat lang
ang mga kaibigan niya. How she wish naman kasi na sila nga ni Nathan pero hindi
eh. Marami pa naman ang nagsasabing bagay sila ng binata. Tumayo siya para
kumuha nng pagkain sa kabilang table. Mabuti pa sigurong pagkain na lang muna
ang pagtuonan niya ng pansin.
Past eleven na ng gabi
pero nasa bahay pa rin sila ni Yram. Hindi naman iyon kalayuan sa kanila at
nakapagtext na siya sa mga magulang na late siyang uuwi. Abala pa rin silang
mga girls sa pagchi-chismisan at konting inuman. While the boys are having a
great time with the videoke. Obvious na may tama na ang mga iyon.
"Girls, check ko
lang yung mga boys natin. Baka ano ng nangyari sa mga yun. Tumahimik bigla
eh." paalam niya saka tumayo at naglakaaad patungo sa sala kung saan ang
mga lalaki.
"Go ahead and check
your Nathan!" pahabol na sambit ni Navi. Nakangisi pa ito at inirapan na
lang niya.
"Girls!!! you
should see this!" tatawa-tawang tawag niya sa mga kasamang babae. Sino ba
naman kasi ang hindi matatawa sa naabutan niyang hitsura ng mga kaibigan nilang
lalaki. Daig pa ng mga ito ang mga biktima ng baha kung makadalumpahasay sa
sahig. Ones leg is on the others neck. Meron namang ang ulo ng isa ay na dibdib
ng isa.
"Just loook at
those boys, parang mga taong grasang nabihisan lang." si Navi.
Bago nila inayos ang
pagkakahiga ng mga kaibigang lalaki ay kinunan muna nila ito ng litrato para
maipakita iyon sa mga ito kinabukasan.
"So okay na ba
'tong ayos nila ngayon nang tayo naman ang makatulog. Ang bibigat ng mga
lalaiking ito!" sabi ni Angel. Nakangiting pinagmasdan nila ang mga
lalaking nasa sahig. Nilagyan na nila iyon ng comforter para hindi malamigan
ang mga likod nito.
Bumalik naman silang mga
babae sa dining para magligpit ng mga pinagkainan nila. Abala sila sa ginagawa
ng tumawag ang daddy ni Nathan sa kanya at pinapauwi na kamo ang anak. Alam
marahil ni Mr. Arguelo na napainom na naman ang binata nila. Hindi naman ito
nagagalit kapag ganoong alam nitong sila lang ang kasama ni Nathan.
"Kayo na lang ang
bahala rito girls, gigisingin ko na si Nathan para makauwi na kami."
pahayag niya at pinuntahan na si Nathan.
Kanina ay si Nathan lang
ang tanging nakapwesto sa sofa kaya hinayaan na nila ito roon. Now she's
looking at his face intently. Tulog pa rin ito. She tried to touch his face.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa noo nito. Naramdaman na
lang niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya ng umungol ito at tinawag ang
pangalan niya.
"I'm here
Nathan," halos pabulong na wika niya saka ginagap ang kamay nito.
NOW she's giving herself
a time to enjoy the moment. Dinama nya ang init ng palad ni Nathan na hawak
niya. She longed for those hands to hold her in a romantic and sensual way.
Pumakawala siya ng isang malalim na hininga. She had to accept things here.
They are sweet to each other and they're always together pero hindi 'sila'.
Matapos ang ilang
sandalin ay ginising na niya si Nathan. Nagising rin naman ito agad na siyang
ipinagtaka niya. Nang tumayo ito ay napasandal pa ito sa kanya dahil sa
nahihilo raw ito. Nagpaalam na sila sa mga kaibigan na uuwi na. Maglalakad na
lang sila pauwi dahil hindi pwedeng mag-drive si Nathan. Iniwan na lang nito
ang susi at ibinilin niya sa mga babaeng kaibigan na ipahatid na lang
kinabukasan ang motor nito.
Now they are walking
their way home. Nathan's arm is on her shoulder. Inaalalayan niya ito sa
paglalakad. Nakapalibot naman ang isang braso niya sa beywang nito para hindi
ito masyadong magpa-ekis-ekis ng lakad. Hindi na bago sa kanya ang ganoong
distansya nila dahil noon pa man kapag nalalasing ito ay siya ang naghahatid
nito pauwi.
She heard Nathan humming
a song. Sa tingin niya ay hindi na ito ganoon kalasing dahil medyo maayos na
ang paglalakas nito but still nakaalalay pa rin siya rito. He's still humming.
Siguro intro iyon ng kanta at ilang sandali pa ay kumanta na ito. Tila may humaplos
sa puso niya ng mga sandaling iyon. Is he singing for her?
"Whenever I'm weary
from the battles that rage in my head. You make sense of madness when my sanity
hangs by a thread. I lose my way but still you seem to understand. Now and
forever I will be your man. Sometimes I just hold you, too caught up in me to
see. I'm holding a fortune that heaven has given to me. I'll try to show you
each and every way I can. Now and forever I will be your man."
She listened to every
word that came out his mouth. Nakasandal ang ulo nito sa balikat niya habang
kumakanta ito at naglalakad sila. Dama niya ang kanta nito. Kung sana nga lang
kinakanta nito iyon para sa kanya.
"Now I can rest my
worries and always be sure. That I won't be alone anymore. If I'd only known
you were there all the time... All this time. Until the day the ocean doesn't
touch the sand, now and forever I will be your man."
How she wished he is her
man! Hindi na niya namalayan ang luhang pumatak mula sa mga mata niya. Pinahid
niya iyon gamit ang isang kamay. They continues walking at pareho lang silang
tahimik. Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng bahay ni Nathan. Tumigil na
rin sila sa paglalakad.
"Kaya mo bang umuwi
mag-isa?" tanong nito.
"Aba't ako pa ang
tinanong. Oo naman. Saka nasa kabilang kanto na lang ang bahay namin oh."
bumitaw na siya sa beywang nito.
"Ihahatid na kita.
Mas delikado kung ikaw ang mag-isang maglakad pauwi." giit nito.
"Mas delikado ka
kamo!" she laughed.
"Tayo na. Kaya ko
pa naman."
"No Nathan. I want
you to rest. May pasok pa tayo bukas. Saka wag kang mag-alala. Ayos lang ako at
kaya ko ang sarili ko."
Lumipat ito sa harap
niya at hinawakan ang kanyang kamay. Bigla na namang nagsirko ang puso niya.
Ano na bang nangyayari sa kanya? Nahuhulog na ba talaga siya ng bonggang-bongga
kay Nathan?
"Jean..."
"Bakit?"
Nakatitig ito sa mga mata niya at ganun na rin ang ginawa niya. She tried not
to break the contact kahit pa ramdam niyang ilang sandali pa silang ganun ay
tiyak na mawawala na siya sa tamang pag-iisip. She waited for him to speak.
Tila kasi may sasabihin ito.
"Jean, I-i..."
Nag-taas siya ng kilay?
Ang bagal kasing magsalita nito.
"I l-love... I
love--"
"Nathan!"
Hindi na nito natuloy pa
ang sasabihin dahil natumba na ito payakap sa kanya. Narinig pa niya ang
mahinang paghilik nito. Now he's sleeping in her shoulders. Nahihirapan man ay
pinilit niyang abutin ang doorbell roon. Ilang sandali pa ay nagmamadaling
tinulungan siya ng ama at ina nito. Pinasamahan naman siya ni Mr. Arguelo sa
kapatid ni Nathan na si Tristan pauwi. Para daw masiguro rin ng mga itong
ligtas siyang makakauwi dahil babae pa man din siya.
Pagkadating sa bahay
nila ay bumalik na rin agad sa bahay nito si Tristan. Hanggang sa mahiga na
siya sa kama niya ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang naputol na sasabihin
sana ni Nathan sa kanya kanina. Gusto ba nitong sabihin na mahal siya nito? O
baka naman kaya ito naglasing ay dahil binasted ulit ito ni Hael at iyon sana
ang sasabihin nito sa kanya kanina, na mahal nito si Hael.
"Damn! Dad, why
can't I just tell her I love her?" paakyat na si Nathan sa kwarto niya
habang nakasunod naman sa kanya ang kanyang ama. Kakauwi lang niya mula sa
inuman nila kasama ang kanyang mga batchmates noong high school at kahahatid
lang sa kanya ni Jean.
Zahckie Jean is the girl
he had always loved since that day na inamin niya sa sarili niyang nakita na
niya ang babaeng para sa kanya. Noon ay akala niya mahal niya ito bilang
kaibigan lang pero dumating yung araw na tila nagbago ang nararamdaman niya
para rito. Iyong tipo na kinakabahan siya kapag kasama niya ito. Malakas ang
kabog ng dibdib niya. Gusto niyang laging nakangiti ito. Gusto niyang siya lang
ang lalaking nakikita nito. Napapraning na siya!
"Because you're not
brave enough young man o baka naman hindi ka pa sigurado na mahal mo nga iyang
kaibigan mo," his father smiled.
Mula noong naguguluhan
na siya sa kung anong nararamdaman niya para kay Jean ay sa kanyang ama niya
sinabi ang lahat ng iyon. He's father had always been supportive sa kanilang
magkakapatid. He is his best buddy and his best friend, advicer and everything.
Vincent, his father,
tapped his shoulder, "pero kelan ka pa ba magiging matapang para sabihin
sa kanya kung ano nga iyang nararamdaman mo? Kapag meron ng iba iyong tao?"
anito at pumasok na sa kwarto ng mga ito.
Dumiretso siya sa kwarto
niya at bagsak ang katawan sa kama . He's not drunk at kunwari lang ay lasing
siya kanina. Pinalabas lang niya iyon para sana sabihin na sa kaibigan na mahal
niya ito. Pero naduduwag pa rin siya. Kahit kaninang umaga, gusto niyang
i-sorpresa ng isang harana si Jean pero ang nangyari ay pinalabas niyang si
Hael ang kinakantahan niya.
Ang duwag-duwag mo
Nathan! sigaw ng isip niya. Nakita pa man din niya kung gaano natuwa si Jean sa
ginawa nyang pagkanta. He was about to give her the flowers nang kinabahan na
naman siya, buti na lang at naroon si Hael.
And speaking of Hael,
kailangan pa niyang magpasalamat rito dahil naroon ito sa eksena. Humingi na
rin siya rito ng paumanhin dahil sa ginawa niyang paggamit rito para lusutan
ang sinimulan niya. Romantic na sana sa isip niya pero hindi niya talaga kayang
magtapat. If only Jean would know the she is his world. Bukas. Bukas aamin na
talaga siya!
No comments:
Post a Comment