Nakatulugan na ni Jean
ang pag-iisip sa mga nangyari nang nakaraan gabi. Ang kung ano man iyong gusto
sanang sabihin sa kanya ni Nathan. Pagkagising ay bumangon na agad siya. Mas
maaga pa siyang nagising kesa pagtunog ng alarm clock niya at ag pagsulpot ng
dalawang kapatid. Nagsusuklay na siya ng buhok nang pumasok ang mga ito.
"Ateeee!!!
Gi-" sabay na sigaw ng dalawa. Nagulat pa ang mga ito nang makita siyang
naka-uniporme na. Nginitian na lang niya ang kanyang cute na mga kapatid.
"Bakit ang aga
niya?" nagtatanong ni Yozack kay Izaack. Kung mag-usap ang dalawa ay tila
wala siya sa paligid.
"Hindi ko alam.
Baka hindi iyan ang ate natin. Hoy! Impostor o kung sinong kutong-lupa ka man,
ibalik mo sa amin ang ate namin!" matapang na wika ni Izaack na
tinuturo-turo pa sya. Pinipigilan na lang niyang matawa sa ginagawi ng mga ito.
"Over naman kayo
makapag-react! Bawal ba akong magising ng maaga?" aniya.
"Moommyyyy!!!! May
monsteer!!!"
Sabay na sumigaw ang
dalawa at sabay ring nagtatakbo palayo. Monster? Sa ganda niyang iyon
pinagkamalan siyang monster? Napatingin na lang siya sa salamin at siya namang
pagtili niya. Eeeekkk! Natakot daw ba siya sa sariling mukha. Nakalimutan
niyang nagpolbo pala siya kanina at nakalimutan niyang ipahid ng maayos iyon
dahil nagsuklay muna siya. Nadala pa tuloy siya sa kalokohan ng dalawang iyon.
Nag-ayos na siya ng tuluyan ng kanyang sarili para matapos na rin ang kanyang
morning pagpapaganda.
Naabutan niya ang
kanyang mga magulang at kambal na nasa hapag-kainan na. Humalik siya sa ina at
ganoon na rin sa ama at kinurot niya naman sa pisngi ang dalawang kapatid bago
umupo sa pwesto niya.
"So how's Yram's
party?" tanong ng ina niya.
"As usual, lasing
at knockdown na naman ang mga boys at kami ulit ang taga-ligpit."
Malapit na rin kasi ang
mga kaibigan niya sa kanyang mga magulang. Noong high school sila ay madalas
rin silang tumambay sa bahay nila. Nang magkolehiyo ay hindi na nga lang
masyado dahil sa magkaiba na ng mga schedules.
"Who's gonna be
your date ngayong homecoming ng SJA?" sunod na tanong ng ina niyang si
Jackie.
"Nag-yaya na ba si
Nathan na ikaw ulit ang idi-date niya?" nakangising dugtong na tanong
naman ng kanyang ama.
She rolled her eyes at
sumubo ng pagkain. She tried to ignore her parents question pero tinanong lang
siya ulit ng mga ito.
"Wala pa akong date
at Nathan hadn't asked me yet. Mom, dad naman eh! Kakaasar kayo," she
murmured the last words. Nagtawanan lang ang magulang niya habang ang kambal ay
kumakain lang na tila ito lang ang tao sa mundo. Her brothers are really weird.
Patapos na silang kumain
ng tumunog ang doorbell. Naging alerto naman ang kambal sa pagbukas ng pinto.
As she was expecting, si Nathan nga ang dumating. Wala naman kasing ibang
pumupunta sa kanila ng ganoon kaaga kundi ito lang.
"Good morning Tita
beautiful, tito pogi and the twins!" masiglang bati ni Nathan sa pamilya
niya. Gaya rin lang ng madalas nitong ginagawa ay sadyang kinakalimutan siya
nitong batiin.
"Alis na ba
tayo?" she asked him.
"Kung tapos ka ng
lumamon dyan at ready ka na eh di go na tayo," nakangiting sagot nito.
"Okay wait."
Tumayo na siya at
nagpaalam sa mga magulang. Naglalakad na sila palabas ng gate nang matanaw niya
ang motor nito na nasa labas. May isang bouquet ng white roses na nakapatong
roon. Favorite flower pa man din niya ang rose. White rose to be exact.
Napaisip tuloy siya kung kanino nito ibibigay iyon. She's hoping sa sana this
time para sa kanya na iyon.
Napangiti na lang siya
sa isiping iyon. Ang sarap sigurong ma-in love kung love ka rin nung taong
pinag-ukulan mo ng pagmamahal. Hinigpitan niya ang paghawak ng kanyang mga
gamit. Paranng gusto na niya kasing hablutin ang mga bulaklak para sa kanya na
talaga nito ibigay iyon. Bigla ay naiinggit siya sa babaeng feeling niya ay
nagiging espesyal na para kay Nathan, at si Hael iyon.
"Jean, for
you."
"F-for me?"
Hindi makapaniwalang sambit niya. Ano pa bang pinag-iinarte niya eh kanina lang
gustong-gusto niyang sa kanya nito ibigay iyon at ngayong heto na nga ey hindi
pa siya makapaniwala. Hindi naman kasi niya birthday, bakit siya nito bibigyan
ng bonggang-bonggang flowers?
He let out a breath
taking smile at nahihiya pang tinanggap ni Jean ang bulaklak. Ang sweet naman
kasi ng moment. At ang sweet ng setting, sa gilid lang naman ng kalsada!
"Oo, para sa'yo.
Thank you sa paghatid mo sa'kin kagabi."
Ay! Dahil lang pala
roon? Akala pa man din niya ay mahal na siya nito at manliligaw na ito sa
kanya. Asa-dora talaga siya.
"Over ka! Parang
kagabi lang tayo naging ganoon no? Ek-ek mo talaga! Pa-flower-flower effect ka
pa," tinampal niya ito sa braso at di na niya napigilan ang tumawa. Ngunit
seryoso lang siyang tinitigan ni Nathan. Ano ng nangyari sa kaibigan niya at
hindi na ito nakikisabay sa pagkaloka-loka niya. At saka rin lang niya napansin
ang kulay ng buhok nito. Itim na ulit iyon. Maging ang gupit niyon ay mas lalo
lang bumagay sa mukha nito. Now he's more handsome than he was before.
"Masama bang
magbigay ng bulaklak sa'yo?" Nathan enjoyed looking at her friends'
surprised look. Hindi nga yata nito inasahan ang pagbibigay rito ng bulaklak.
Last night ay naisipan lang niyang aamin na siya rito.
"Wala naman akong
sinabing ganoon, nakakapanibago lang. Dapat pala lagi ka na lang malasing tapos
ihahatid kita pag-uwi para araw-araw akong may bulaklak. Salamat rito ha,"
ngiting-ngiti na sabi nito.
"No problem. Ako
nga ang dapat magpasalamat dahil sa ginawa mo kagabi eh. Kaya nga kita binigyan
ng flowers diba para pasalamatan ka, hindi para pasalamatan mo ko."
Nalingon siya sa dumaang sasakyan.
"Nathan, thank
yo--"
Tila biglang tumigil ang
oras sa pagitan nilang dalawa. Sa pagbaling niya kasi ulit rito ay ang malambot
na labi nito ang sumalubong sa labi niya. Pareho pa silang nagulat at lumayo
agad ito sa kanya. He wasn't expecting it. Marahil ay sa pisngi lang siya nito
dapat halikan pero dahil sa paggalaw niya ay sa labi niya napunta ang halik
nito. Napansin pa niya ang pamumula ng pisngi nito.
"Oopss..."
tanging nasambit nito.
"Oopss rin."
"Ah-- I-I didn't
mean that."
He grinned at kasabay
niyon ay isang malakas na pagtampal ng kamay nito sa braso niya. Bigla ay
naningkit ang bilugan nitong mata at nakita niya roon ang pagka-irita.
"I hate
you!!!!" biglang tili nito.
Ano bang ginawa niya? He
gaved her a questionning look. Bakit bigla na lang parang bata kung
makapanghampas ito sa braso at dibdib niya.
Damn! It was her first
kiss. Paano niya sasabihin iyon kay Nathan nang hindi siya mapapahiya.
Pinagsusuntok pa niya si Nathan sa dibdib dala ng sobrang inis niya. Childish
pero iyon na lang ang kaya niyang gawin para mapagtakpan ang hiya.
"Jean, anong
problema?" tanong nito nang kumalma na siya.
"Wala! Basta I hate
you!" she raised her voice.
"Umalis na nga lang
tayo kung hindi mo rin lang sasabihin kung anong problema mo."
"Buti pa nga
siguro."
Habang papunta sila roon
at hanggang sa klase nila ay laman ng isipan niya ang eksenang iyon sa gilid ng
kalsada kanina. She felt Nathan's lips against hers. Though it was just a split
of second pero para sa kanya ay parang tila tumigil ang oras noon. Kinapa niya
ang dibdib dahil bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya.
Mula rin kanina
pagkarating nila sa school ay hindi na niya ito masyadong kinakausap. Nahihiya
kasi siya rito. Sabay silang nag-lunch pero walang kibuan maging hanggang
matapos ang klase nila.
Nakaangkas na siya sa
motor nito pauwi. Nang ilang kanto na lang sila papasok ng subdivision ay
lumihis ito sa ibang daan. Nagtaka man ay hindi pa rin siya kumibo. Ilang
sandali pa ay pamilyar na siya sa tinatahak nilang daan. Papunta iyon sa rest
house nila Nathan. Ano naman kaya ang gagawin nila roon? But remembering the
place, bigla ay napangiti siya.
Birthday noon ni Nathan
at doon sila nagcelebrate kasama ang ibang classmates. They were high school
students back then, fourth year. Paano nga ba niya makakalimutan ang
pinakaunang pagkakataon na sinabi sa kanya ni Nathan na mahal siya nito. Gusto
na sana niyang paniwalaan iyon pero nag-alangan siya dahil lasing ito.
Then she felt the cold
wind blowing her hair and brushing her skin. Malapit na sila sa sa rest house
ng mga Arguelo. Iyon ang gusto niya sa lugar, natural ang lamig at presko ang
hangin. Nakakarelax. She turned to her right and saw a wonderful scenery. Mula
kasi sa kinaroroonan nila ay kitang-kita ang buong bayan ng San Jose , ang asul
na dagat at berdeng mga halaman at puno. Ilang sandali pa ay huminto na ang
motor. Nasa loob na pala sila ng compound.
Bumaba na siya agad at
naglakad patungo sa lilim ng isang punong mangga. Doon kitang-kita niya ulit
ang magandang tanawin.
"Jean... kausapin
mo na naman ako oh,"
Napangiti lang siya sa
itinuran nito. Hindi man nito nakita ang pagngiti niya dahil nakatalikod lang
siya rito. Hindi niya pa rin ito kinibo. Now she's playing hard to get. Gusto niyang
matawa sa sarili niya.
"Kung ang dahilan
ng hindi mo pagkibo sakin ay dahil sa nangyari kanina, sorry na. Hindi ko rin
naman inasahan iyon eh."
"Just shut up
Nathan. Ayokong maalala iyon," finally she spoke.
"Bakit ba kasi big
deal sa'yo iyon? Don't tell me--"
"I said just shut
up!" Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Buti na lang at
nakatalikod siya rito. Ngayon marahil ay alam na nito kung bakit siya
nagkakaganito.
"Damn! I should
have known and I should have given you better than that."
"What?" she
reacted at humarap rito na magkasalubong ang kilay. Gusto niyang linawin nito
ang huling sinabi.
He smile naughtily and
gave her the look that could make a girl's heart beat faster than it could.
"I mean damn! It
wasn't even a kiss. Hindi magiging memorable niyon ang first kiss mo. And let's
make it memorable then," he said looking intently at her eye. Sinalubong
niya naman ang titig nito saka ito lumapit pa sa kanya. Now she can feel her
heart thumping fast.
"A-anong--"
"Memorable by
this."
Without permission he
grapped her napped and crossed the distance between them. At noon niya
naramdaman ang labi nito sa mga labi niya. He kissed her! Nagulat siya sa
ginawa nito at hindi niya alam ang gagawin. She had never kissed a man before,
una iyong kaninang umaga. At gaya nga ng sabi ni Nathan ay hindi nga yata
matatawag na halik iyon kumapara sa ibinibigay nito sa kanya ngayon.
His lips moved, and it
seems that its waiting for her response. And the next thing she knew, she's
kissing him back. Paanong agad siyang natuto sa kung anong dapat gawin ay hindi
niya alam. Nawala ang pagtutol na kanina ay gusto niyang gawin. Now they're
sharing a very sensual and passionate kiss. Napakapit pa siya sa batok nito at
hindi na niya alam kung paano niya ito pipigilan. And after few more seconds
their lips parted.
Tumingala siya para
tingnan mabuti ang mukha nito. Hindi ito nakangiti. Hindi ba nito nagustuhan
ang halik niya. Batid niyang may sasabihin ito kaya hinintay niyang ito ang
unang magsalita. Itutuloy na pa nito ang naputol nitong sasabihin sana kagabi?
Sasabihin na ba nitong mahal siya nito?
"Jean..."
Sh raised her eyebrows
as if telling him to speak and she's waiting for whatever he might say. Oh,
just tell me you love me please!
"I l-love... Ah, I
love to ask you to be my date this Alumni Homecoming."
No comments:
Post a Comment