"Dad, sasabihin ko na lang
pero hindi ko pa rin nagawa! 'You' na lang ang kulang nun eh! Pero iba na naman
ang nasabi ko! Kaasar!"
Hindi na yata maipinta ang mukha niya sa sobrang pang-gigigil. Asar na asar siya sa sarili dahil inatake na naman siya ng katorpehan niya kanina. Simpleng 'i love you' lang ay hindi pa niya magawang sabihin kay Jean. Ang nangyari tuloy ay inaya niya lang itong maging date sa paparating na event ng school nila na hindi naman nito tinanggihan. Pero matapos rin siya nitong paunlakan ay nagyaya rin itong umuwi kaya hindi na niya nasabi ang dapat talaga ay sasabihin niya.
Magkasalubong lang ang kilay na pinukolan niya ng tingin ang ama na tinatawanan lang siya. Kanina pa ito ganoon magmula ng dumating siya sa bahay nila at naikwento niya rito ang kapalpakan na naman niya.
"Dad, moral support naman diyan! As in moral support, hindi yung pagtatawanan mo pa ako." parang batang sabi niya.
Tumatawa pa rin ito. "Alam mo anak, minsan talaga ganyan tayong mga lalaki. Kahit pa sabihin natin sa sarili natin na matapang tayo at lahat kaya nating gawin, darating talaga ang panahong masasabi rin natin sa ating sarili na hindi talaga lahat ay kaya nating gawin. Minsan naman, kapag nagmamahal na tayo, akala natin tama na ang iparamdam natin iyon sa babaeng gusto natin pero minsan, iyang mga babae eh gusto rin nilang marinig na sabihin talaga natin iyon sa kanila."
"Eh bakit parang ang hirap sabihin?"
"Bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo? Bakit nga ba?" Tumayo ang kanyang ama at tinapik siya sa likod bago siya iniwan nito at pumasok sa bahay.
Napasandal na lang siya sa upuan at matamang pinagmasdan ang kalangitan na puno ng bituin. Sa sinabing iyon ng kanyang ama ay natanong nga niya ang kanyang sarili. Bakit nga ba hindi niya masabi kay Jean na mahal niya ito? Kung tutuusin ay wala ng hahadlang pa sa kanila kung gusto man nila ang isa't-isa. Baka takot siyang ma-reject nito. O baka takot siya sa kung ano mang mangyari kapag hindi naging maayos ang kahihinatnan ng pag-amin niya? Mabuti pang maglasing-lasingan siya ulit para masabi niya rito kung ano talaga ang nararamdaman niya.
Nakaupo lang si Jean sa ibabaw ng kama niya at sinasariwa sa isip niya ang isang masuyong halik na pinagsaluhan nila ni Nathan kanina lang. Nadismaya pa siya nang akala niya ay sasabihin na nitong mahal siya nito pero niyaya lang siya nitong maging date sa Alumni Homecoming at hindi naman niya ito tinanggihan.
She touched her lips and closed her eyes. Pakiramdam niya ay hinahalikan pa rin siya ni Nathan. Sa tinagal-tagal nilang nagsasama ay noon lang nagkaroon ng ganoong klaseng eksena sa pagitan nilang dalawa. Kinapa niya ang kanyang dibdib at naramdam niya ang kakaibang pagtibok ng puso niya. Hanggang kailan ba siya maghihintay na maramdaman ni Nathan ang totoong naramdaman niya para rito? Saan pa ba siya nagkulang na ipakita rito na mahal niya ito?
Ibinagsak na lang niya ang katawan sa malambot niyang kama at napatitig sa kisame ng kanyang silid. She smiled when something caught her attention. Iyon ay isa sa mga drawing ni Nathan na pinaghirapan niyang ipadikit sa kisame. Gusto niya kasing makita iyon bago siya matulog at pagkagising niya. Sa drawing, there was a man handing a rose to a lady. Kung titignan mabuti ang lalaking nasa larawan ay parang si Nathan iyon pero sideview nga lang. At ang babae na man ay parang siya. She raised her hands as if accepting the rose. Nasa ganoong posisyon siya nang bumungad mula sa pinto ang kanyang ina.
"Zahckie Jean," anang ina niya at umupo sa gilid ng kama . Ibinaba niyang ang kanina'y nakaangat na kamay at binalingan ang ina.
"Yes, mom?"
"You still have the drawing ha. Ilang taon na ba iyan dyan?" Her mom smiled. Napangiti rin siya rito. Noon pa man, alam na ng ina niya ang lihim niyang pagkagusto kay Nathan. Hindi nga siya sigurado kung lihim pang matatawag ang pagkagusto niya rito gayong obvious na nga raw siya. Manhid o bulag lang yata talaga si Nathan.
"It's been there for almost four years now." Ibinalik niya ang tingin sa drawing. Humiga naman sa tabi niya ang kanyang ina at pareho na nilang pinagmamasdan ang drawing.
"Anak, you know we're leaving after your graduation. And we are leaving for good."
She raised her hand gaya ng ginawa niya kanina. "I know mom. Bakit ganun Ma? I can feel naman na mahal rin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Then lately, feeling ko may gusto siyang sabihin sakin pero... ewan ko. Assuming lang siguro ako."
"Just don't expect too much, anak. Nakita ko ang naging samahan niyo ni Nathan and I can see na special ka para sa kanya base na rin sa ipinapakita niyang pag-aalaga sa'yo. Pero iyon nga, don't expect anything. You know men are so unpredictable. And I have seen the flowers, galing ba sa kanya iyon?" May halong panunukso ang tinig ng ina.
She laughed. "Oh don't talk to me with that tone mom. Nag-thank you lang siya sa'kin dahil hinatid ko siya last night nang malasing siya."
Bumangon na ang ina niya at tumayo. "Anak, for now, just don't fall for him too much. I don't wanna see you hurting when we leave."
"Thanks mom. I'll remember that."
Now she's left alone in her room again. Noon niya hinayaan ang sariling maiyak. She had almost forgotten that she's leaving. Their family is leaving. Noon pa man ay inaasikaso na ng mga magulang niya ang mga papeles na kailangan para sa pag-ma-migrate ng kanilang pamilya. At noong nakaraang buwan ay nalaman niyang naayos na ang lahat ng kailangan at aalis sila after her graduation. Three months from now.
She reached for her cellphone nang marinig niyang nag-beep iyon. It was a text message from a friend. She opened it at quote lang pala. Binasa na rin lang niya iyon.
"When do you draw the line between love and friendship? In friendship we create love, in love we risk friendship. It's hard but wanting more means losing everything."
Napaisip siya. All those years ay inalagaan nila ni Nathan ang kanilang friendship. And all those years she had secretly fallen in love for him as well. Bakit ba napaka-complicated ng pag-ibig, tanong niya sa kanyang isipan.
"May date ka na para ngayong sabado?" Yram asked her while they were eating lunch at the canteen. Hindi niya kasabay si Nathan dahil may pupuntahan daw ito kasama ang mga kaibigan.
That morning nang sinundo siya nito ay tila walang nagbago sa kanila. Walang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita tungkol sa halik na pinagsaluhan nila kahapon. Mabuti na nga rin siguro iyon para hindi na sila magkailangan.
Tumango siya sa tanong na iyon ni Yram at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sino?" tanong ulit nito.
"Sino pa nga ba?" She laughed.
"Sabi ko nga eh."
Pagkatapos nilang kumain ay tumambay na muna sila roon. Pinag-usapan nila ang mga plano nila for the upcoming event. Na-inform na kasi nila ang lahat ng batchmates nila at majority sa kanila ay mag-aattend. Na-eexcite tuloy siya. Tiyak na enjoy na naman iyon at mapagdidiskitahan na naman ang walang date. Good thing safe na siya roon dahil ka-date na niya si Nathan.
"Ang init! Masisira ang skin ko nito." Biglang sulpot ni Nathan at umupo sa tabi niya. Ilang sandali na ring nakaalis si Yram dahil may klase ito.
"Bakit naman? Saan ba kasi kayo galing? School days na school days naglalakwatsa kayo."
"Ma, ikaw ba yan?" biro nito sabay tawa.
Sinapak niya ito sa braso. "Umayos ka nga! Sabunutan ko iyang hair mo eh!"
"Sige, pero iyong pubic hair na lang!"
"Yuuckkk! Lumayo ka nga sakin!" Lalo lang itong natawa at tinutulak niya ito palayo pero hindi man lang ito nagpatinag.
"Ito naman hindi na mabiro. Naglibot kami sa mga ka-batch natin. Nangongolekta ng abuloy para ngayong sabado."
"Nangolekta pa kayo? Hindi nyo na lang sinagot lahat at nang malibre kami."
"Asa pa kayo! Nangolekta lang naman kami ng panglaklak!"
"Lasinggero talaga ever!"
"Ayos lang naman kahit malasing ako, alam ko namang may maghahatid sakin pauwi eh." Pagkasabi niyon at mataman siyang tinitigan nito.
Naningkit ang mga mata niya at tiningnan ito ng masama. "Subukan mo lang maglasing ng bongga at talagang ihahatid kita pauwi. Ipapasok kita sa isang sako at ipapahila sa kabayo."
Ang isiping malalasing si Nathan at ihahatid niya ulit ito ay nagdulot ng munting kaba sa puso niya. Paano kung sabihin ulit nito sa kanyang mahal siya nito? Paano niya iyon papaniwalaan? Minsan nahiling na rin niyang sana kung sasabihin ulit nito iyon sa kanya ay hindi na ito nakainom o lasing. Kelan na man kaya iyon?
"Jean!!!!"
"Detalie!!!"
Sabay pa nilang sigaw ng kaibigan nang makita niya itong paparating. It was Saturday night a Alumni Homecoming ng SJA High School . Detalie is one of her close friends in high school. Ito kasi ang kasabay niyang mag-emote noon dahil sa pagiging emotera rin nito. Nagyakap pa sila agad with matching talon-talon nang makalapit na ito.
"Where's your date?" tanong niya rito at ngumiti ito ng ubod ng tamis. She can see the glow in her friends face. Mukhang in-love ang kanyang kaibigan.
"Oh! Wait." Lumingon ito sa kinaroroonan ng isang lalaki na ngayon ay papalapit na sa kanila. The guy is undeniably handsome. Bagay na bagay ito sa kanyang kaibigan.
"Jean, meet my date Rave. And Rave, meet my friend Jean."
Bumeso siya sa date nito at hinayaan niyang ipakilala ng kaibigan ito sa iba pa nilang kasama na abala sa paghahanda. Hindi pa naman kasi nagsisimula ang program. Then she caught Nathan staring at her. Nginitian niya ito at kumindat naman ito sa kanya.
Hindi pa mannagsisimula ang event ay umuwi muna sila ni Nathan para magpalit ng damit. She wore a green cocktail dress which emphasized her curves. She put a little make up, tamang-tama lang para lumutang ang natural niyang ganda. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan sa labas ng bahay nila kaya bumaba na siya.
"I knew you would wear a dress like that kaya itong sasakyan ni mommy na ang dinala ko." Nathan smile and lend his hands. Tinanggap niya naman iyon ay magkahawak kamay silang nagtungo sa nakaparadang kotse.
"Alam mo naman talagang ito ang isusuot ko eh." Ito kasi ang kasama niya nang binili niya ang damit na suot noong isang araw. Ito pa nga ang pumili niyon at siya naman ang pumili sa suot nito ngayon.
"You look beautiful Jean." He said and looked straight to her eye.
"You look good as well Nathan." She smiled at nag-iwas ng tingin. Parang matutunaw kasi siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"How could you be so gorgeous even without a make up?" seryosong sabi nito.
"Tumahimik ka na nga dyan. Niloloko mo na ako eh, obvious naman na naka-make-up ako pero light nga lang."
Hindi pa rin nito inaalis ang mata sa kanya.
"Nathan ano ba? Pupunta pa ba tayo sa event o tititigan mo na lang ako dito forever and ever?" asar na saad niya. Pero ang totoo ay abot langit na talaga ang pagkailang niya sa pagkakatitig nito sa kanya. Batid niyang natauhan naman ito at binuksan na ang pinto ng kotse para sa kanya.
Ganoon na lang pagkabigla niya nang bago nito isara ang pinto ay kinabig siya nito at ginawaran ng halik sa labi. Her eyes widened in shock and she felt her heartbeat racing. For few seconds, he did not move. Kahit siya ay hindi rin nagawang gumalaw o itulak man lang ito. Tila nag-freeze lang sila sa ganoong ayos. Another second then his lips left hers. Hindi siya nakapagsalita at matamang tinitigan lang ito. In his face she noticed confusion.
Pero bakit ito naguguluhan. Maging ang biglaang paghalik nito sa kanya ay hindi rin niya maintindihan. It was the second time that he intentionally kissed her at hindi man lang niya pinigilan ito. Ni hindi man lang siya nagpumiglas gayong kaya niya naman kung gugustuhin niya. But somehow, she knew she wouldn't do that. She had been dreaming of that kiss long before.
"I'm sorry. I shouldn't have done that." He said in almost a whisper pero narinig niya pa rin naman.
Suddenly, tila may karayom na tumusok sa puso niya. Sinundan niya lang ito ng tingin nang lumibot ito papunta sa driver's seat. His words kept coming back on her mind. He is sorry. He was sorry. Kaya ba tila naguguluhan ito nang tingnan niya kanina? Hindi ba talaga nito ginusto ang halikan siya? Kung ganoon ay bakit siya nito hinalikan?
"Just don't fall for him too much Zahckie Jean." she reminded herself at the back of her mind.
But you already did. You're already too much in love at him Jean.
No comments:
Post a Comment