My Heart's Desire: Chapter 1



"Iyong three-storey building sa kanan, Engineering Building iyon. Hayung nasa tapat naman natin ay ang Boy's Trade at Maritime Building. Maraming gwapo doon pero ito lang paalala ko sa'yo Loureynn, ha... Magkagusto ka na sa lahat ng gwapo sa campus na ito, huwag lang kay Nelson Guevarra. You know the consequence."


Nakangising-aso ang kaibigan ni Loureynn na si Lycel matapos ang huling sinabi nito. Tumango lang siya at inilibot muli ang mga mata sa kabuuan ng bagong campus na pinapasukan niya. Maganda, malinis at maaliwalas ang pairamdam niya sa kanyang kinaroroonan ng mga sandaling iyon.


"I never thought na babalik din pala ako sa lugar na ito." Matipid na wika niya.


Dalawang taong gulang siya noon nang lisanin ng pamilya niya ang San Jose dahil sa kagustuhan ng kanyang namaapang lola. Nag-iisa na kasi ito noon kaya hiniling nito sa kanyang ama na doon na rin sila manirahan sa bahay nito. Her father asked her late grandma to live with them at San Jose. Pero nag-insist itong doon sila sa Villa Margarita tumira at hindi na ito natanggihan pa ng kanyang ama.


"Aysus... ayan ka na naman sa mga ka-dramahan mo, girl! Kung hindi ka nga dinadala ng daddy mo rito para magbakasyon, I doubt kung nagkakilala tayo."


"Oo nga... saka kung hindi rin naman dahil sa'yo ay hindi talaga ako papayag na lumipat at mag-transfer dito. Kayo lang naman nila Sharie ang friends ko dito. Pero okay na iyon, at least my friends ako, di ba?" she sweetly smiled and gave her friend a hug.


"Nasaan na kaya ang Sharie na iyon?" biglang tanong niya nang maalala ang isang kaibigan. Kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lycel at saka kinuha ang kanyang bag na nasa gitnang mesa nng gazebo. She get her phone and checked kung nag-text ang kaibigang si Sharie, pero kahit isang message mmula rito.


"Malamang nagbo-boy hunting iyon ngayon. Hindi man lang tayo isinama. Ang babaeng yun talaga, kahit kailan laging nang-iiwan kapag paghahanap na ng pogi ang pinag-uusapan." ani Lycel.


"Mag-boy hunting na kayo hanggang gusto niyo, pero ako loyal pa rin ako sa Elton ko," buong pagmamalaking wika niya at saka kinapa ang plastic ring na ginawa niyang pendant ng kwintas niya. Maliit na iyon at hindi na kasya sa daliri niya kaya ginawa na lang niyang pendant.


It was a blue glittered plastic ring. Laruan man iyon para sa iba pero para sa kanya ay mas mahal pa iyon kaysa sa pinakamahal na singsing sa buong mundo. Malaki ang sentimental value ng naturang bagay sa kanya. She was 7 years old back then when someone gave it to her.


For twelve years, she kept the ring. Labing siyam na taon na si Loureynn at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo pero naniniwala pa rin siyang ang batang lalaking nakilala niya noon at nagbigay sa kanya ng singsing, ay ang lalaking nakatadhang makakatuluyan niya. Elton Guevarra, everytime she remembers the name, a sweet young boy with a wavy brown hair, always comes out the picture in her mind. Just a thought of him and their cute past makes her smile.


"Nababaliw ka na naman Loureynn! Wait until you see Nelson Guevarra, siguradong makakalimutan mo ang Elton na iyan. Sigurado rin akong matatalo ka sa pustahan." Her friend laughed as if panalo na ito.


"Never, girl. Ang dami rin kayang gwapo sa dating school ko, ang iba sa kanila ay nanligaw sa'kin pero walang kahit isa man lang sa kanila ang napasagot ako. My heart only belongs to Nelson," giit pa rin niya.


"Never say never, Loureynn. Oh siya, mauuna na ako sa'yo. May pasok na ako." Tumayo ito at kinuha ang bag saka isinukbit sa balikat nito.


Lycel was about to step out the gazebo nang may tanong na pumasok sa isip niya.


"Wait, gaano ba ka-gwapo ang Nelson Guevarra na iyan at mukhang kampante kang matatalo ako sa pustahan, ha?"


Her friend's eyes glowed na tila na-eexcite ito. Mabilis siyang hinila nito palabas ng Mini Park at nasira pa ang poise niya sa pagkaladkad nito sa kanya. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niya. Mabilis ang lakad nito ilang sandali pa ay nasa soccer field na sila. It was three in the afternoon kaya naroon na ang varsity players ng football ng SJA.


Huminto sila di kalayuan sa mga players na naroon. Tama lang ang layo nila para hindi maabala ang ang nag-wawarm-up na mga manlalaro. Pinagmasdan niya ang galaw ng bawat isa pero natutok ang mata niya sa isang gwapong lalaki.


"Ganyang din ka-gwapo si Nelson," biglang sambit ni Lycel na nasa tabi niya.


"O-ows? S-sino ba iyan? Bakit ba ang gwapo niya?" parang nahipnotismo siya sa pagkakatitig niya sa di kilalang lalaki. The guy is really good-looking from head to foot. Wala yata siyang mapintas sa hitsura nito.


"Kay Elton pa rin ang puso ko..." mahinang bulong niya sa sarili habang titig na titig pa rin sa lalaki.


"Siya si Henrick. Gwapo no? Taken na iyan girl kaya wag ka ng umasa. Umalis na tayo dito."


Hinila na siya ulit ni Lycel at naglakad sila paalis ng soccer field. Hindi pa rin makapaniwalang mapapatulala siya ng dahil sa isang lalaki ng ganoon. Kahit sa paglalakad nila paalis ng field ay isang player pa ang nakasalubong nila na ubod ng gwapo rin. Nathan naman ang pangalan niyon sabi ng kaibigan niyang si Lycel.


Alas singko na ng hapon at tapos na ang klase niya. Usapan nila ni Lycel at Sharie na magkikita na lang sa lobby sa entrance ng building nng department nila. Ilang minuto rin siyang naghintay bago dumating ang dalawa na tila nagmamadali pa.


"Oh, bakit parang hinahabol kayo?" salubong na tanong niya sa dalawa.


"May practice daw kami ngayon sa dance troupe eh... Para sa orientation ng mga first year at tranferee students bukas. Actually late na nga kami. Hihintayin mo ba kami o mauuna ka na lang? O kaya sumama ka na lang muna sa amin," ani Sharie.


"Tama! Sumama ka na lang sa amin, girl! Maraming gwapong member ang dance troupe," wika naman ni Lycel. Napansin pa niya ang pagtitigan ng dalawang kaibigan at ang malokong ngitian nito.


Nagtaas siya ng kilay. "At para saan naman ang ngiti niyong iyan?"


"Matutulala ka ulit kapag nakita mo ang pinakagwapong member ng grupo," nakangiting wika ni Lycel na tila inaasar pa siya sa pagkatulala niya kanina nang makita si Nathan at Henrick.


Nakapamaywang na humarap siya kay Lycel at inaayos ang pagkakasukbit ng kanyang bag. "Hoooy! Excusse me, hindi ako natulala kanina, no! Nag-eenjoy lang akong panoorin ang ginagawa nilang drill! At saka mahal na mahal ko si Elton at hindi ko siya kayang ipagpalit pa sa kahit kaninong gwapong lalaki, no!"


Hindi niya alam kung pinakinggan pa ng dalawang niyang kaibigan ang mga sinabi niya dahil hinawakan lang siya nito sa magkabilang braso at saka hinila na naman para makasama siya sa mga ito.


"Ginawa niyo naman akong kaladkaring babae nito. Kaya ko ng maglakad mag-isa, mga bruha!"


Nagtawanan lang ang dalawa niyang kaibigan bago siya binitawan ng mga ito at pumasok sa isang silid na marahil ay ang dance studio. Naiwan pa siyang nakatayo sa labas. Hesitant tuloy siyang pumasok dahil naalala niya ang sinabi ni Lycel.


"Gwapong makakapagpapatulala sa'kin? Duh!" mataray na bulong ng isip niya.


Isang bagay lang ang hindi niya maintindihan nang mga sandaling iyon. Ang malakas na kabog ng dibdib niya. Ano bang meron sa loob nng silid na iyon na tila inuutos ng puso niyang pumasok doon. Pero ang isip naman niya ay inuutusan siyang lumayo, marahil ay may threat roon na possibleng makakapagpabago ng tibok ng puso niya.


Umiling siya. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, Loureynn. Si Elton lang ang mahal mo at nagmamahal sa'yo. Siya lang ang pakamamalahin mo."


She took a deep breath ang opened the door. Nagsasayaw ang lahat na pinapangunahan ng isang lalaki sa unahan. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito habang nagtuturo ng steps sa iba. Mabagal ang naging paglakad niya papunta sa isang upuan sa kanang bahagi ng silid. Hindi niya iniwas ang tingin sa lalaking nagbibigay ng instructions.


"Ok guys, follow my lead! Five, six, seven, jump then slide, bend sideways, hold your partner's hands then turn, then do the same old steps..."


Mula sa kinauupuan niya ay dinig niya ang pag-iinstruct ng lalaki. She watched the guy as he do the dance moves at wala siyang ibang masabi kundi magaling. His body just jives at the right rhythm of the music. Na-curious tuloy siya sa hitsura ng lalaki. Hindi niya kasi ito matitigan ng maayos dahil sa pagsasayaw nito.


Habang pinapanood itong sumayaw ay hindi niya maiwasang isipin na sana magaling din siyang sumayaw para makasali siya sa grupo. But she just erased the thought cause she has always been a bad dancer. Parehong kaliwa ang paa niya, ika nga ng iba.


She then remembered Elton. Noong bata pa sila at nagkakasamang maglaro sa park ng subdivision ay madalas niyang makita itong sumasayaw. Pinapasabay pa siya nito pero tumatanggi siya. Bata pa lang siya ay tanggap na niya ang kawalang talent niya sa pagsasayaw.


Nasaan na kaya si Elton ngayon? Gaano na kaya siya kagaling sumayaw? Kelan kaya niya mararamdaman ang palad nito sa palad niya habang isinasayaw siya nito?


She closed her eyes as she looks back at her sweet childhood memories. Feeling niya ay kasayaw niya talaga si Elton nang mga sandaling iyon. She felt like floating in the air habang umiikot siya kasabay ng paghawak nito sa beywang niya.


"Miss? What the-- why are you dancing like crazy right there?" galit ang tono ng boses na narinig na siya na siyang pumutol ng kanyang pantasya. Hindi na niya namalayang napatayo na pala siya at talagang paikot-ikot na kunwari ay sumasayaw.


The voice is familiar to her. Boses iyon ng lalaking nagbibigay ng instructions kanina. Dahan-dahan siyang humarap sa mga taong naroon na sa tingin niya ay nakatutok ang mga mata sa kanya at malamang nakita ng mga ito ang kabaliwan niya. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya sa sobrang hiya. Nakayuko ang ulo niya na humarap sa mga ito. Abot-langit talagang ang hiya na nararamdaman niya.


"Who are you? Hindi pa kami nakapag-post ng schedule for auditions. Are you that eager to be part of the group? You should have approached me. Maiintindihan ko naman iyon kung hindi ka makapaghintay ng schedule." tila nagbago ang tono ng pagkakasalita nito.


Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at ganoon na lang ang pagbilis ng tibok nang puso niya ang gwapong mukha ng isang lalaki na nasa harap niya. She never thought the man was so near. Nahigit pa niya ang hininga at napalunok. She felt her hands trembled as she was staring at the man's warm brown eyes which matches his wavy brown hair.



"First year student?" tanong nito sa kanya.


Umiling siya. "Transferee."


"Do you want to audition?"


Umiling siya ulit.


"What's your name?" he asked again.


"L-loureynn, Loureynn dela Questa."


"I'm Nelson. Nelson Guevarra," pagpapakilala rin nito sabay lahad ng kamay sa kanya.


And at that very moment, while looking straight at Nelson's eyes she felt like she was just looking at Elton's warm brown eyes. Pero naalala niyang hindi si Elton ang kaharap niya, kundi si Nelson Guevarra, ang lalaking isinumpa niya sa mga kaibigan na hinding-hindi niya dapat magustuhan, or else she will lost her first and only love's remembrance to her. So without saying goodbye, she left the dance studio.







No comments:

Post a Comment