My Heart's Desire: Chapter 2



"I'm really sorry, girls. Nataranta na talaga kasi ako kanina nang makita ko ang Nelson na iyon. I don't know, but there's something in him. Ewan ko talaga!!!" she freaked out.

Nasa loob siya ng kanyang silid kasama sina Lycel at Sharie. Pagkatapos kasi ng practice nito ay dumiretso ang dalawa sa bahay nila para alamin kung anong nangyari sa kanya kanina lang. Naupo siya sa kanyang kama at kinuha ang kanyang paboritong asul na unan.

"You mean, gusto mo na agad siya? So, talo ka na sa usapan natin?" nakangising wika ni Lycel.

"Of course not! I don't like him... it's just that you never told me he has Elton's features. The warm brown eyes and the wavy brown hair," aniya rito.

"Loka ka talaga! Ang dami naman sigurong lalaki ang may brown eyes at may brown hair no! Sa malay mo, magkambal sila. Pareho pa--"

"Lycel!" biglang saway ni Sharie kay Lycel kaya naputol ang sasabihin sana nito.

"Magkambal? Is there something that you're not telling me, girls?"

Sabay na umiling ang dalawa. "Wala," sabay ding sagot ng mga ito. "Iniisip lang namin na baka magkapamilya si Nelson at Elton dahil pareho silang Guevarra. Siguro nasa lahi nila ang browns eyes at brown hair," dugting ni Sharie.

"It could be possible."

"Ay naku, Loureynn. Huwag mo na masyadong paka-isipin iyong si Nelson at si Elton na lang patuloy mong mahalin. Malay mo magkita kayo ulit dito sa San Jose. Maraming Guevarra dito eh. Saka ibalato mo na sa amin si Nelson. Wala kaming laban sa'yo kapag pati si Nelson magkagusto sa'yo," wika ni Lycel.

"Kaya naman siguro pinagsumpa niyo ako na huwag magkagusto sa kanya dahil gusto niyo sa inyo lang siya. Okay fine. Wala rin naman akong balak agawin sa inyo iyong lalaking iyon no! May Elton na ako. At nararamdaman ko... malapit na kaming magkita ulit." She tighly hugged her pillow as she said that.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang dalawa niyang kaibigan. And then she was left alone again. Kinuha niya ang asul na picture frame na nakapatong sa maliit na mesang nasa kanang bahagi ng kwarto niya. She looked at the picture of the two cute kids. Magkahawak kamay na nakatayo at nakaharap sa camera. She remembered na hindi lang pala ang singsing ang tanging alaala niya kay Elton, dahil meron pa pala silang larawan na magkasama.

"When will I see you again, Elton? Sa batang-bata kong puso ay nagawa kitang mahalin noon, at lumalin pa iyon sa bawat panahong naalala kita. I'm patiently waiting for your return. I miss you so much."


"Good morning, anak! Mag-breakfast ka na para ang dad mo na ang maghatid sa'yo sa school," masiglang bati ni Czarina, ang kanyang ina, sa kanya nang umagang iyon.

"Oo nga naman. Hindi ko na naihahatid sa school ang baby ko, ah." malambing na dugtong naman ng kanyang amang si Lorenzo.

"Good morning, mom. Good morning, dad."

She both gave them a quick kiss on the cheek before sitting on the chair. She's the only child kaya tatlo lang silang nagsasalo-salo sa pagkain. Minsan ay hiniling niyang may kapatid siya, but with her mother's condition na matagal na ring naipaliwanag na kanya ng dad niya, ay imposible na daw na magkaroon pa siya ng kapatid.

They had breakfast, the usual bacon and egg and some fresh papaya. Kumain siyang ang nasa isip ay si Elton pa rin. Gusto niyang tanungin ulit ang kanyang ina at ama tungkol rito pero baka magsawa na ito sa kakasagot sa kanya dahil hindi lang yata isang daang beses niyang natanong iyon.

"Problem, baby?"

"Nothing, dad. Ah..."

"What is it? Sabihin mo na,anak," tanong ng ina niya.

"Maraming Guevarra dito sa San Jose, is it possible na kilala nila si Elton?"

Napangiti lang ang kanyang mga magulang bago unang sumagot ang kanyang ama. "Loureynn, parte lang si Elton ng childhood mo. Ilang buwan mo lang nakalaro at nakausap ang batang iyon pero hindi mo pa rin magawang kalimutan. I tell you, baka hindi ka makahanap ng boyfriend dahil kay Elton na iyon." Natawa ito.

"Dad, naman! Ayaw mo pa ngang magkaboyfriend ako diba? Mabait lang talaga akong anak," sagot niya na siyanng ikinatawa na nilang mag-anak. She just loves her parents dahil hindi ito mahirap patawanin.

"If you really believe, that Elton's for you... pwede mo siyang hintayin. Mabuti na rin iyong hindi ka nagboboyfriend sa ngayon dahil nag-aaral ka pa. Kapag nagkita na kayo ulit ni Elton ay baka mapasalamatan ko pa siya." wika ng kanyang ina.

Tumango na lang siya. Tama ang kanyang ina. She can wait for Elton. Ang gagawin na lang niya ay ang paghandaan ang pagbabalik nito sa buhay niya. She's not sure when, but she's sure he'll come back 'cause that's what their young hearts had promised.


Hinatid siya ng kanyang ama sa school nila, at pagkarating doon ay dumiretso na siya sa gymnasium kung saan gaganapin ang orientation para sa mga first year and transferee students. Si Lycel at Sharie pa lang ang friends niya kaya mag-isa siyang nakaupo sa bleachers doon. Marami ng mga studyante ang naroon.

Maluwag din ang gymnasium kaya ilang metro rin ang layo niya sa ibang mga studyante. Hindi niya lubos maisip na magmumukhang loner pala siya nang mga sandaling iyon. Ilang minuto din siyang naghintay bago magsimula ang orientation.

Nakikinig siya sa sinasabi ng Nagsasalita sa harap nang isang babae at lalaki ang tumabi sa kanya. Like Henrick and Nathan ay napatanga din siya sa kagwapuhan ng lalaki. Nadismaya rin lang siya nang makitang maganda din naman ang babaeng kasama nito. Nag-iwas na siya ng tingin at baka mapansin pa ng dalawa na tinitingnan niya ang mga ito. Ilang sandali ay lumipat pa ito sa unahan niya.

"Nakita mo iyon? Napatanga siya nang makita ako. Gwapo talaga ako!" dinig niyang sabi ng lalaki sa babae. Napahiya tuloy siya dahil napansin pala ng mga ito ang pagtitig niya kanina.

"Tumahimik ka nga, Jack! Gwapo mong mukha mo! Makinig ka na nga dyan." sagot naman ng babae. Napapangiti na lang siya sa usapan ng dalawa dahil mukhang sweet ang dating ng mga ito.

Makiki-usyoso pa sana siya sa usapan ng dalawa nang maagaw ng emcee ang pansin niya nang tawagin nito ang dance troupe para mag-perform. Bigla namang sumikdo ang dibdib niya nang makita si Nelson na unang lumabas sa entablado at sinundan ng ibang kagrupo nito.

Nagsimula ang tugtog at nag-umpisa ring sumayaw ang grupo. Pero siya naman ay hindi iniwas ang mata kay Nelson. She just felt that sudden excitement in her heart while watching him dance very well on the stage. She even noticed some girls at her back, freaking out and shouting Nelson's name. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatili sa galaw at paghataw nito sa dance floor. Maging ang magandang babae sa unahan niya ay napapasigaw din.

While listening to the crowd, screaming his name, she just smiled. Gusto niya ring gawin ang ginagawa ng ibang babae roon para kay Nelson. Scream like there's no tomorrow, but she just end up reminding herself of Elton. Habang pinapanood na naman kasi niya si Nelson na sumasayaw ay parang bumabalik-tanaw siya noong mga panahong nakita niyang sumasayaw si Elton.

Ilang sandali pa ay natapos na ang dance number ng mga ito. The girls yelled for more pero sinabi ng emcee na isang sayaw lang ang naihanda ng dance troupe. Nagpatuloy ang orientation at patuloy na rin siya sa pakikinig hanggang natapos iyon.

Palabas na siya nang malaman niyang karamihan din pala sa nag-attend ng orientation ay mga admirers ni Nelson. Ang iba ay gusto lang makatakas sa klase. Almost twelve noon nang matapos ang orientation kaya dumiretso na siya sa canteen para mananghalian. She went alone again.

Abala siya sa pagkain nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya. Nagulat siya dahil hindi niya inasahan iyon, pero mas nagulat siya nang mapagsino ang nasa kanyang harapan. She felt her heart thumping fast and her lips just curved drawing a smile for the man in front of her. Tila nakalimutan ang pagkapahiya niya rito kahapon.


"Hi there, Loureynn! Remember me?" anito.

Tumango lang siya. It as if no words are coming out of her mouth.

"Mind if I join you?" nakangiting tanong ulit nito.

Those warm brown eyes. Kilala niya ang matang iyon pero hindi maaaring maging iisang tao lang si Nelson at Elton.

"Elton?" Natutop niya ang bibig sa nasabing pangalan. Napansin naman niya ang tila pagbabago sa expression ng mukha ni Nelson. Disappointed yata ito na hindi niya nasabi ng tama ang pangalan nito. "I mean, Nelson." pagtatama niya.

"I hate it when sonebody calls me by my twin's name," tipid na pahayag nito bago nag-umpisang sumubo ng pagkain.

"Kambal? Kambal mo si Elton Guevarra?" gulat na tanong niya.

Tumango ito. "I hate to admit it, but yes."

Her heart jumped upon hearing his confirmation. It means malapit na nga talaga silang magkita ni Elton. Lalong lumapad ang ngiti niya sa isiping iyon. Hindi na niya mabibigo ang mga kaibigan sa sumpaan nila na hindi siya magkakagusto siya kay Nelson dahil malapit na silang magkita ni Elton niya.

"D'you like him?" tanong nito bago sumubo ulit ng pagkain.


"I love him..." wala sa sariling sagot niya. Napansin na lang niyang napangiti ito.

"Bakit pa nga ba kita tinanong?" uminom ito ng tubig at tumayo at tatalikod na sana nang muling bumaling ito sa kanya. "I'm done and I'm going. Thanks."

Naiwan siyang nakatanga at sinusundan ng tingin ang papalayong binata. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin niya.


"Why didn't you tell me na magkambal pala si Nelson at Elton? Girls, naman... friends ko ba talaga kayo? You know how much I really wanted to meet him and you know how much I love him!" kumpronta niya sa dalawang kaibigan na si Lycel at Sharie.

"Loureynn, hindi mo alam kung gaano namin ka-gustong sabihin sa'yo na nasa San Jose lang ang lalaking matagal mo ng hinihintay. Pero wala rin kaming ibang inaalala kung 'di ikaw lang. We know how you treasured your memories together and your love for him. But..." natigilan sa pagsasalita si Lycel na tila ba iniisip pa nito kung itutuloy o hindi ang sasabihin.

"But what Lai? Tell me. Bakit ba?"

"Wala kami sa posisyon para sabihin sa iyo kung ano man iyon, Loureynn. You have waited for so long, maybe you could spend a little more time to know why we haven't told you," ani Sharie sa kanya.

Nakikita naman niya sa mga mata ng kaibigan ang sinsiridad sa bawat sinasabi nito. Pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit. Dala niya ang tanong na iyon, kung bakit hindi sinabi ng mga kaibigan niya ang tungkol kay Elton, hanggang sa makatulog siya.

Nang sumunod na araw ay tila ba may bumabagabag sa kanya mula sa kanyang paggising hanggang sa pumasok siya sa unibersidad. Naglalakad siya sa lobby ng biglang may nakabangga sa kanyang babaeng estudyante na agad ding humingi ng paumanhin sa kanya. Ang iilang babaeng estudyante naman ay tila ba nagmamadali. Nagtaka siya at nasagot iyon nang marinig niya ang bulungan ng ibang dumaang estudyante.

"Nandito na daw si Elton kaya hayun yung mga admirers niya nagtatatakbo para abangan siyang pumasok. Sa kanila na si Elton basta kay fafa Nelson pa rin ako!!! Ayeeee!" dinig niyang sabi ng babae sa kasama nito.

"Ayh basta ako, mapa-Nelson o Elton man, kapag isa sa kanila nanligaw sa'kin, ibibigay ko agad iyong matamis kong oo," humagikgik pa ang isa pagkasabi niyon.

"Oo nga naman, magkamukha naman sila kaya pwede na rin. Tara na nga at baka dumating na dito sa school si Elton, my labsss!"

"Akala ko ba si Nelson ang sa'yo?"

"Oo nga, pero ewan basta magkamukha naman sila eh!"

Naputol na ang pakikinig niya sa dalawa nang mabilis na iyong maglakad papunta sa lobby kung saan kitang-kita ang main entrance ng building. Malamang doon makikita ang pagpasok ni Elton. Kaya maging siya ay binilisan na rin ang paglalakad. Bahala ng mahuli siya sa klase, basta't makita lang niya si Elton.

Narinig niyang nagtilian ang ibang kababaihan. Sa isip tuloy niya, ay parang artista naman si Elton kung tilian ng mga babae. Pero nang makita niya ang binatang matagal ng hinihintay ng kanyang puso ay tila tumigil ang oras na tila ba ito na lang ang nakikita niya.

Tiyak niyang si Elton na iyon dahil kamukhang-kamukha ito ni Nelson, liban na lang sa buhok nitong iba ang pagkakagupit. Naramdaman na lang niyang tila may pwersang nagtutulak sa kanya para lapitan ito ngunit natigilan na lang siya nang makitang isang magandang babae ang nilapitan nito at mariing hinagkan sa labi, sa harap ng ibang tao.

"Elton..." pabulong na tawag niya sa pangalan nito. Kaya ba hindi masabi ng mga kaibigan niya ang tungkol dito dahil may ibang mahal na ito? No! Tutol ng kanyang isipan. Kailangan niya munang mapatunayan na hindi na nga siya naaalala nito. Na balewala na nga rito ang naging sumpaan nila noon.

"Bakit ka nanghahalik ng iba? Paano na ako?" anang isip niya.

She was about to turn back when someone hugged her without her permission. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niya si Nelson. It was Nelson's who's hugging her.

"Just don't mind them. Forget what you saw. I'm just here for you." wika pa nito.

"Isa ka pa! Ang bilis mo!!!! payakap-yakap ka na sakin eh hindi pa tayo close! waaaaahh!!!! Pesteng buhay 'to." sigaw niya sa kanyang isipan. Hindi na siya sumagot sa sinabi ni Nelson at agad na niyang nilisan ang lugar.




No comments:

Post a Comment