My Heart's Desire: Chapter 3


Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si Loureynn. Nakasanayan na niyang gumising ng maaga kapag weekend para makapag-jogging naman siya. She called up her friends to join her. Pero parehong tumanggi si Lycel at Sharie kaya solo flight na lang siya.

Nagbihis na siya at nagsuot ng sapatos. Bago lumabas sa kanilang bahay ay sinuot na rin muna niya ang kanyang jacket at inaayos ang pagkakalagay ng kanyang ipod. Nang maayos na ang lahat ay lumabas na siya at nagbilin sa gising ng katulong na sabihin na lang sa mommy at daddy niya na nag-jogging siya.

She started jogging while listening to her favorite songs. Napapatingin din siya sa mga nadadaanan niyang mga bahay bago makalabas ng subdivision na tinitirhan nila. Abala din siya sa pagmumuni nang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Tila may nakasunod sa kanya kaya lumingon siya para alamin.

Bigla siyang natigilan nang makilala ang nakasunod sa kanya. Sa ilaw mula sa mga poste sa daan ay kitang-kita niya ang mukhang ng lalaking nag-jojogging. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya na hindi niya maintindihan kung bakit ganoon pa rin ang reakson niya, sa kabila ng nakita niya noong nakaraang araw.

"Miss, are you okay?"

Nagising ang diwa niya nang marinig ang magandang boses ni Elton. For so many years, ngayon lang niya ulit narinig ang boses nito. Ngayon lang ulit siya napalapit rito ng ganoon. Kay tagal na panahon din niyang inasam ang pagkakataong iyon.

"Miss?" muling tawag nito sa kanya. He even waved her hands in front of her as if getting her attention. Tila namaligno naman kasi siya sa reaksyon niya nang mapansing ang lapit nito sa kanya.

"Yeah, I'm fine. Pasensya na, I just thought I knew you back then. Siguro kamukha mo lang," she pretended not to know him. Pagkatapos niyang magsalita ay nag-jog na siya ulit. Sumunod naman ito sa kanya.

"Maybe you thought of me, as my brother," nakangiting turan nito saka inalis ang ear phone sa tenga nito. Then she did the same.

"Ano bang pangalan ng kilala mo? Siguro bago ka lang dito sa San Jose, mukhang ngayon lang kita nakita rito eh." sabi ni Elton sa kanya habang magkasabay na silang tumatakbo.

"Oo, bagong lipat lang kami dito. But I was born here. Taga-rito kasi ang mommy ko. Ikaw ba matagal na rito?" tanong niya. She just suddenly felt at ease with him. Siguro sa ngayon ay kakalimutan na lang muna niya ang nakaraan, ang nararamdaman niya para rito. At magsisimula na lang siya ng panibagong yugto ng buhay nila. Ayaw niyang biglain ito. Gusto niya ring kilalanin ulit ang lalaking matagal na niyang hinihintay.

"Yup, even my ancestors were born here. Anyway, I'm Elton Guevarra."

"Loureynn dela Questa. Nice to meet you, Elton."

Nagshake-hands sila habang mabagal pa rin na tumatakbo. The moment she felt his hands touched hers, nagtaka siya. Tila wala lang iyon. Napatingin tuloy siya rito. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Bakit tila walang spark kahit sa simpleng shakehands lang? Siguro dahil nga isang simpleng shakehands lang iyon kaya binura na lang niya ang isiping iyon.

Nakarating sila sa SJA at doon sila nag-jog ng ilang rounds. Nang mapagod sila ay naupo sila sa isang bench sa Mini Forest ng SJA. Marami pa silang napag-usapan at tila ba naging malapit agad sila sa isa't -isa. Is it because they had a good past together when they were still kids? But there's still something a bit odd about her feeling that she can't tell.

Ang dapat na jogging ay nauwi tuloy sa kwentuhan. Masaya naman palang kausap si Elton. Naagaw lang ang atensyon nila ng malakas na tunog ng cd player mula sa Old Stage ng SJA na hindi rin lang kalayuan sa kinaroroonan nila ni Elton.

"That's probably my twin brother. Madalas din siya dito kapag ganitong oras. Wanna check him?" nakangiting tanong nito.

Hindi na nila namalayan ang pagsikat ng araw dahil sa pagkukwentuhan nila kanina kaya maging ang pagdating ng ibang taong nagjojogging din ay hindi na rin nila napansin.

Tumango siya. Tila may kakaibang excitement kasi siyang nararamdaman sa tuwing naiisip niya o kaya ay nakikita niyang sumasayaw si Nelson. Inalalayan siya ni Elton na makatayo at magkasabay silang nanglakad patungo sa Old Stage. Tama si Elton dahil si Nelson nga ang naroon.

Hindi pa man sila tuluyang nakakalapit ay hindi na niya inaalis ang tingin kay Nelson na noon ay abalang sumasayaw at nakatalikod sa kanila, kaya hindi rin agad nito napansin na papalapit sila. She smiled as she intently watched him do his moves. Kahit hindi siya marunong sumayaw ay tila napapasayaw din siya habang pinapanood lang ito.

"Hey bro!" agaw ni Elton ng pansin nito nang tuluyan na silang makalapit. Huminto naman ito sa pagsasayaw at pinatay ang CD player.

"Hey, bro! And hi there, Loureynn!" nakangiting bati naman nito sa kanila habang nagpupunas ito ng pawis sa mukha nito.

"Magkakilala na pala kayo. Well, what can you say, Loureynn? Sino ang mas gwapo sa amin?" inakbayan pa ni Elton si Nelson at sabay na nag-ngising aso ang dalawa.

She laughed. She never thought they were funny. "Magkamukha lang naman kayo eh," sagot niya.

"Sabihin mo na lang na mas gwapo itong si Elton, dahil hindi ka titigilan niyan hanggat hindi mo sasabihing mas gwapo siya," sabi ni Nelson saka kumalas sa pagkakaakbay sa kapatid nito.

"Obvious naman kasing mas gwapo ako, ah!" hirit pa ni Elton.

"You're forgetting something, brother! We're twins remember?"

Napatawa siya ng malakas sa naging takbo ng usapan ng dalawa. Daig pa kasi nito ang mga babae kung magdebate kung sino ang mas maganda. But at the back of her mind, somethings telling her that Nelson is more good-looking than Elton. May kung anong meron kasi kay Nelson na hindi rin niya matukoy kung ano, na sa tuwing tinitingnan niya ito ay hindi na niya napapansin ang iba sa paligid niya.

Nasa pagitan pa rin ng pagbabangayan ang dalawa habang siya ay tila nawala na sa eksena ng mga ito. Madaldal na lalaki si Elton, iyon lang ang masasabi niya. Hindi niya alam kung ganoon lang ito kapag ang kambal nito ang kausap, pero natutuwa naman siya sa ugali nito. Pinipilit pa rin ni Elton na mas gwapo ito habang si Nelson naman ay abala lang sa pagpupunas ng pawis sa likod nito.

"Need help?" biglang tanong niya. Hindi niya alam kung paanong pumasok sa kukute niya iyon.

Natigilan pa sa pagsasalita si Elton na tila ba noon lang nito naalala ang existence niya, at maging si Nelson ay natigilan din at napatingin din sa kanya. She then felt her heart beat faster than normal. Ilang sandaling katihimikan din ang namagitan sa kanilang tatlo nang biglang tumunog ang cellphone ni Elton. Sinagot naman nito ang tawag sa harap nila.

"Yeah, right. Where are you? Okay, I'm coming. Wait for me there." Ibinalik na nito ang cellphone sa bulsa nito at saka binalingan sila ni Nelson.

"I have to go guys. Nelson, take care of our new friend." bilin pa ni Elton.

"That crazy girl again?" nakangising tanong ni Nelson sa kambal nito.

"Yeah. Got to go! Bye." paalam nito.

"Ingat ka! Thanks for the company!" pahabol naman na sabi niya rito nang lumingon ito at kumaway para magpaalam.

Now she's left there together with Nelson. Tila ba ang liit lang ng lugar na kinaroroonan nila ng mga sandaling iyon. Tahimik at sa sobrang katahimikan, pakiramdaman niya ay naririnig na niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso.

Kumilos na ulit si Nelson na pinipilit punasan ang pawis sa likod nito. Bigla naman siyang napalakad papalapit rito at kinuha ang bimpo na gamit nito.

"Tutulungan na kita." Nakangiting wika niya rito.

Tumango ito na tila ba hindi rin alam ang sasabihin. "S-salamat."

"Hilig mo na ba talaga ang pagsayaw?" pagbubukas niya ng topic rito habang pinupunasan pa ang basang likod nito.

"Yes. Ever since I was a kid, enjoy na talaga ako sa pagsasayaw. Not to mention that I'm a very bad singer. I'm lucky, that I can dance well."

"Done." Ibinalik niya rito ang bimpo at naglakad siya patungo sa elevated part ng stage at naupo roon katabi ng CD player. "Yeah, I saw you dance, and you're really good," she smiled.

"Thanks. Kahit naman ako, I saw you dance, and you really looked cute," tumawa ito.

Natawa rin siya nang maalala ang incident na iyon. "Ayaw mo pang sabihin na mukha akong baliw noon nang makita nyo ako. Nakakahiya talaga iyon. Ha-ha!"

"So kaya mo ako biglang tinakbuhan palabas ng dance studio?"

"Partly, yes." Hindi ko rin lang kasi keri ang maka-face to face ka noon! Haay ewan ko ba kung anong meron sa'yo!!!

"Loureynn?"

"Yes?" bumaling siya rito at noon naman nagtagpo ang mga mata nila. Then right there while looking at his eye's, she remembered the same eyes she saw before. Mataman din itong nakatitig sa kanya na tila ba sinusuri ang buo niyang pagkatao.

"Have we met before?" seryosong tanong nito.

Hindi niya binawi ang pagtitig dito. Maging siya ay naguguluhan sa nararamdaman niya. Tila ba matagal na niya itong kilala. But impossible iyon dahil nakilala na niya ang noon pa man ay pinangarap na niyang makita muli, at si Elton Guevarra iyon.

Umiling siya. "Ngayon lang tayo nagkakilala. I-I mean noong nasa dance studio lang tayo nagkakilala."

Nag-iwas na ito ng tingin. "Oo nga pala. Bakit ko pa nga ba naitanong iyon?"

"Aba, ewan ko sa'yo." she smiled when he turned to her.

"I just thought I've seen those eyes before."

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.

"Nothing. Let me ask, do you like my brother? The last time I asked you if you know him, you said you love him. Why was that?"

Pakiramdam niya ay pinamulahan siya nang mga sandaling iyon. Hanep rin naman kasi ang memory ni Nelson at talagang naalala pa iyon.

"Ahh... secret ko kasi iyon eh... sorry. Pwede next question?" nag-peace sign pa siya rito.

Gumuhit naman ulit ang ngiti sa labi nito. And just a mere sight of his heart thumpping smile, it also made all of her senses crazy. Para bang gust niyang magtatatalon sa tuwa sa tuwing nasisilayan niya ang ngiti nito. Again he gave her that look, that as if he's reading her mind and her soul.

"Do you wanna dance?" Inilahad nito ang isang kamay sa harapan niya. Ilang sandali rin siyang nakatitig sa nakalahad nitong kamay bago niya nagawang sumagot.

"Ayh, Nelson... hindi ako marunong sumayaw eh," napakamot pa siya sa ulo niya. Sana marunong na lang akong sumayaw.

"Then just hold my hand, Loureynn." tila puno ng pagsusumamo sa tinig nito. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang kiligin. Sumigaw? Kiligin? Kinikilig siya? First niya yatang kiligin dahil sa ibang lalaki. All her life, only her memory of Elton makes her shiver. But at that very moment, she's afraid that she can't do what she has promised to her friends and to the little boy she had made a covenant with.

Tila may kung anong pwersang nag-angat ng kamay niya para abutin ang kamay nito. The moment she felt the warmth of his hands against hers, it seems like nostalgia. He then held her other hand and put it on top of his shoulders. While his hand was on her waist.

Pwede na rin pala kahit hindi ako marunog sumayaw. He-he! Ano ba Nelson? Ano ba itong ginagawa mo sa puso ko???

Ilang sandali pa ay naramdaman na lang niya ang mainit na hininga nito malapit sa kanyang tainga, na dahilan ng pagtuyuan ng munting balahibo niya sa leeg.

"Close your eyes and just let your body sway with me, Loureynn." he whispered.

And she did. She closed her eyes and let her body sway with him in a music only their hearts could hear. Noon siya naguluhan dahil ang dating Elton na sinisigaw ng puso niya ay napalitan na ng ibang pangalan. It was Nelson's name that her heart is calling now.

As they moved with ease, she felt like dancing in the air. Feeling niya ay lumulutang lang siya sa kawalan at tanging si Nelson lang ang may hawak sa kanya. Habang nakapikit ang mga mata niya, ay tila bumalik ang isip niya sa nakaraan. She heard their laughs and all. Nakita rin niya ang noo'y masasayang sandali nila ni Elton.

No way! This is not what she had promised to herself before. Kaya ba magaan ang pakiramdam niya kay Nelson dahil kambal ito ni Elton, at nakikita niya ito rito? Pero hindi, dahil kaninang kasama niya si Elton ay malayong-malayo ang naramdaman niya para rito kaysa inaasahan niya. O baka nga ibinabaling na lang ng puso niya ang pagmamahal para kay Elton kay Nelson dahil sa nakita niya noong nakaraang araw.

May ibang mahal ang lalaking matagal niyang iningatan sa kanyang puso. Pero hindi niya talaga maintindihan na imbes na masaktan siya ay tila balewala lang iyon sa kanya. Bakit? Naguguluhan din siya.

"You think of things too much. Bawas-bawasan mo ang pag-iisip and relax, Loureynn," muling bulong ni Nelson.

Few seconds passed and she like he's staring at her and she was right. Cause the moment she opened her eyes, he was greeted by those pair of warm brown eyes of his.

"You're dancing now. Wala ng magsasabi sa'yong hindi ka marunong sumayaw."

"Oo nga, pero baka may mangsabunot lang sa akin kapag nalaman ng girlfriend mo itong ginagawa natin."

Tumawa ito. "I don't have a girlfriend. I never even had one."

"Ows?" hindi makapaniwalang usal niya at nagdududang tinitigan ito.

Tumango ito at inilapit ang magkahawak nilang kamay sa puso nito. "I want my heart to choose for me."

She felt like touching his heart. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang hilingin na sana siya ang piliin ng puso nito. Mataman niyang tinitigan ito at ganoon rin ito sa kanya. Hindi niya alam kung agad talagang dininig ng Panginoon ang hiling niya, dahil ilang sandali pa ay naramdaman na lang niya ang labi nito sa labi niya.

Her first kiss. Pakiramdam niya noon ay ipinaghehele siya sa ulap. Tila ba ayaw na niyang matapos iyon. Pero ilang saglit pang magkalapat ang kanilang mga labi ay natauhan siya. May mali. Masyado naman yatang naging mabilis ang lahat sa pagitan nila. Ni hindi pa nga niya ito lubos na kilala dahil ang kambal nito ang gusto niya at nooy pinangakuan niya ng pag-ibig.

"Why are you doing this to me, Nelson? You barely know me." nasabi na lang niya.

"Give yourself a chance to know me better, Loureynn. I have this feeling that my heart chose you."

Napatitig lang siya rito. Naghahanap siya ng maaring isagot pero wala siyang maisip na anumang salita. Eh di ako na ang confused! Ako na ang walang masabi at ako na ang nawindang! Ako na lang lahat! Ayh naman, Lord! Bakit ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko???



No comments:

Post a Comment