"What's happening to you,
Loureynn? You should not be feeling this way. Abot kamay mo na si Elton!"
sabi niya sa kanyang sarili habang nakaharap sa malaking salamin sa kwarto niya.
Abot kamay nga
niya si Elton kung distansya lang ang pag-uusapan at hindi ang lugar niya sa
puso nito. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. And then a sudden flash of
memory came back to her mind. Hinawakan niya ang kanyang labi na tila ba ramdam
pa niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Nelson.
She then felt
her heart beats faster. Hindi niya maintindihan na kung bakit kapag si Nelson
ang iniisip niya ay sadyang bumibilis lang ang tibok ng kanyang puso, at hindi
niya iyon nararamdaman ngayon kapag si Elton ang iniisip niya. Kung dati gaano
siya kasabik na makita si Elton, ngayon ay tila ba masaya na siyang nakita ito.
Tila ba hindi na pumasok sa isip niya ang ipagpatuloy o ibalik ang noon ay
sumpaan nilang dalawa.
"Loureynn!!!"
Nagulat siya sa
pagpasok na iyon ni Lycel sa loob ng kwarto niya. Nahuli pa siya nitong tulala
na nakaharap sa salamin. Nakangising tumingin ito sa kanya bago umupo sa
kanyang kama.
"Kelangan
talagang manggulat?" reklamo niya.
"Hindi
naman. Pero talo ka na ba sa pustahan? Ibibigay mo na sa amin iyong singsing na
pendant mo?" tanong nito.
"Of course
not! Paanong talo ako eh hindi pa naman ako in love sa Nelson na iyon? Saka
kasama ko kaninang magjogging si Elton noh! Nagkaroon kami ng moment with each
other, duh! Hindi ako loser," mabilis na depensa niya. Bumilis na naman
ang tibok ng puso niya.
"Hindi pa?
Meaning ma-i-inlove ka pa lang?" tumawa ito.
"Ewan ko
sa'yo, Lycel. Adik ka!"
Pinagtawanan
lang siya ng kanyang kaibigan at hinayaan na lang niya ito. She doesn't want
her to ask more questions about what she feels towards the two men. Baka
mapaamin lang siya ng wala sa oras. She admits that she has this strange
feeling for Nelson. Is it love?
Ilang araw na
rin ang nagdaan at mas nagkalapit na sila ni Elton at ganoon din sila ni
Nelson. With Elton, she can feel pure friendship for him. Pero kapag si Nelson,
ay hindi pa rin niya matukoy kung ano talaga ang kakaibang nararamdaman niya
para rito.
Mula sa isang
bench sa Mini Forest ng SJA ay tinatanaw niya si Nelson na may kausap na
professor ng unibersidad. Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang tinatanaw
lang ang binata mula sa malayo. Mukhang sinasadya pa ng tadhana na hindi talaga
ito mawala sa paningin niya.
"So talo ka
na sa lagay na iyan, girl?" biglang sabi ni Sharie na kasama niya nang mga
sandaling iyon.
"Tinatanong
pa ba iyan, girl? Tingnan mo na nga lang ang hitsura nitong friendship
natin," dugtong pa ni Lycel.
She took a deep
breath and then let it out. She need to calm her senses. Hindi na niya magawang
itago sa mga kaibigan ang nadarama niya para kay Nelson.
"Girls,
naman. Parang talo na nga yata ako. I don't know why I can't help it. I think
I'm falling for him," pag-amin niya sa mga kaibigan.
"Falling
for him, eh wala namang ginagawa si Nelson para mapansin mo, ah." ani
Sharie.
Hindi kasi alam
ng dalawa niyang kaibigan ang nangyaring paghalik ni Nelson sa kanya noong
nakaraang araw. Hindi na lang niya sinagot ang sinabi ni Sharie at ibinalik na
lang muli ang tingin kay Nelson na nasa malayo pero abot naman ng kanyang
paningin.
Nagpapahangin
siya noon sa isang bench sa gilid ng basketball court ng campus nang isang long
stemmed red rose ang sumulpot sa paningin niya. There's someone at her back
handing the rose. Excited siyang lumingon para kilalanin kung sino iyon, pero
nang malamang si Elton iyon ay tila kinabahan lang siya. Bakit naman siya
kinakabahan ngayon?
"Red rose
for my new friend who's sitting alone on a bench." Nakangiting hawak pa
rin nito ang bulaklak.
New friend. Oo
nga pala, kaibigan lang talaga siya para kay Elton at ganoon na rin ito sa
kanya. Kaya lang siguro siya kinakabahan sa pag-aakalang naaalala na siya nito.
Dahil kung sakali ay hindi na niya alam kung matutupad pa niya ang sumpaan
nilang iyon noon.
"Thanks.
Upo ka." Alok niya rito at umupo din naman ito sa tabi niya.
"Why are
you alone, Loureynn?" tanong nito.
Binalingan niya
ito at ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang magtagpo ang
mga mata nila. Hindi niya kilala ang mga matang iyon. It wasn't warm brown,
like Elton's eyes she knew from her childhood. Napakurap siya at muling
tinitigan ang mata nito baka sakaling nagkamali lang siya. Pero ganoon pa rin.
His eyes were brownish violet.
"May
problema ba sa gwapo kong mukha?" biro nito.
Natauhan siya at
umiling. "Wala. Elton, may itatanong lang ako sa'yo."
"Ano
iyon?"
"Inilabas
niya ang pendant ng kanyang kwintas, iyon ay ang singsing na binigay sa kanya
noon ng batang Elton."
"Don't you
remember this ring?"
Sinuri nito ang
singsing at ilang sandali na mukhang napaisip. Kumunot ang noo nito na tila may
naalala.
"I don't
know, but I think I saw that before." seryosong sagot nito at tila may
inaalala pa rin.
"You gave
this to me when we were still kids. Don't you remember?" pagpapaalala niya
rito.
Umiling ito.
"No."
NO? Hindi niya
maintindihan pero tila nasaktan siya sa nalaman. Hindi na nga talaga siya
naaalala ni Elton. But somehow, she's not badly hurt. Ewan ba niya, ilang
sandali ay nakahinga na rin siya ng maayos na tila ba tanggap agad na
nakalimutan na siya nito.
"I mean no.
I don't remember giving that ring to girl back then,but what I remember is that
I saw that ring in a picture. Tama! Iyong picture ni Nelson na may kasamang
batang babae na suot ang singsing na iyan!"
"What??? Si
Nelson???"
"Ikaw? Ikaw
ba yung batang babae sa picture na iyon?"
Tumango siya.
Nang mga sandaling iyon ay tila hindi siya makapagsalita. All those years she's
waiting for someone she wasn't sure of his real identity. Pero paanong Elton
ang naaalala niyang pangalan nito at hindi Nelson? Well, kung ano man ang
dahilan niyon, it doesn't really matter. What matters is she finally figured it
all out.
Her strange
feeling for Nelson, is really called love. Dahil noon pa man inalagaan na niya
ang pagmamahal na iyon sa puso niya. Puso niya mismo ang kumilala kay Nelson.
"So it was
him...and not you." Hindi na niya napigilan ang luhang nag-uunahan sa pagpatak.
Hindi niya alam ang tunay na dahilan ng mga luhang iyon, pero isa lang ang alam
niya nang mga sandaling iyon, masaya siya. Masayang-masaya siya.
"Tell me
Elton, naaalala pa ba niya ako? Kaya ba hindi pa siya nagkaka-girlfriend until
now dahil naaalala pa niya yung sumpaan namin noon?"
She noticed
Elton's facial expression suddenly changed. Nagkibit-balikat ito.
"I don't
know, Loureynn. All I know is that, before that accident happen, he still
remembers the name of that girl in the picture. Matagal na rin na nangyari iyon
kahit ako ay nakalimutan ko na rin kung ano ang pangalan nung batang
babae."
"It was me
in that picture, Elton. At anong aksidente ang sinasabi mo?"
"Listen,
Loureynn. Nang maaksidente siya six years ago, may iilang pangyayari sa kanyang
nakaraan na hindi na niya maalala. Though he remembers us, but not you."
"Bakit?"
"Hindi ko
alam. Basta nung makita niya ang picture na iyon after the accident, hindi na
niya maalala ang pangalan nung kasama niya doon."
"Y-you
mean, hindi na niya talaga ako naaalala?" iyon lang at mabilis niyang
nilisan ang lugar.
She ran out of
the campus. Hindi niya alam, pero sa nalaman niya mula kay Elton, she's badly
hurt. Akala pa man din niya ay magiging masaya na siya. Dumiretso siya sa bahay
nila at nagkulong sa kanyang silid.
Ilang sandali pa
ay narinig niyang may kumakatok, kaya pinunasan niya ang kanyang basang pisngi.
Then her mother came in. Marahil ay nakita siya nito pagdating niya kanina.
Umupo ito sa kama niya.
"Come here,
baby. Tell your mom what made you cry," malambing na sabi ng kanyang ina.
She moved closer
to her mom and hugged her.
"Elton is
not Elton, mom. Si Nelson ang batang iyon." Tinuro niya ang picture.
"Then why
are you crying? Hindi ba dapat masaya ka na?"
Umiling siya at
ikinwento ang lahat sa kanyang ina. Maging ang pagsabi noon sa kanya ni Nelson
na siya ang pinili ng puso nito. Akala pa man din niya ay makikisimpatya sa
kanya ang kanyang ina pero nagkamali siya ng tumawa lang ito habang pinupunasan
ng daliri ang mga luha niyang hindi nagpapaawat sa pagpatak.
"Silly
girl. You should not be crying here in your room. Hindi mo ba naisip na
nagka-amnesia si Nelson, pero hindi man lang siya nagka-girlfriend? Don't you
think there's a reason behind that? At sinabi pa niya sayo na ikaw ang pinili
ng puso niya. Well, hindi ka man naalala ng isip niya, but his heart
does."
Napaisip siya sa
sinabi ng kanyang ina. Tama ito. Parang iyong nangyari rin lang sa kanya. Hindi
man tama ang pangalang alam niyang pinangakuan niya noon, pero nakilala pa rin
ito ng puso niya.
She gave her mom
a quick kiss on the cheek and hugged her tight. She's thankful she's close to
her mother and she can easily tell her what bothers her. "Thanks,
mom!" aniya.
She was walking
along the lobby of the Arts Building when she passed through the school's dance
studio. Nakabukas lang pinto at pasimple rin siyang napasilip doon. Ganoon na
lang ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso nang makitang nasa loob ng studio
si Nelson.
Now that her
heart and mind is fully aware that Nelson and the kid she loved long ago and
she had always wished to come back is just the same person, Loureynn felt like
running unto him and hug him. Hindi na rin lang niya namalayan na dinala na
pala siya ng kanyang mga paa papasok ng silid na iyon.
Nelson is
sitting on a chair and facing the electricfan. Marahil ay nagpapatuyo ito ng
pawis at kakatapos lang nitong magpractice sa pagsayaw o kaya ay gumawa ng mga
bagong steps. Nakapikit lang ito na tila ba dinadama talaga ang bawat pagdampi
ng hangin sa mukha nito. She slowly walked closer to him. Hindi man lang nito
napansin ang paglapit niya. At ang matindi sa lahat ng ginawa ng mga sandaling
iyon ay ang hinarangan niya ang electric fan at noon ay harap-harapan at
mataman niyang tinitigan ang mukha nng nakapikit na si Nelson.
Ilang inches na
lang ba ang layo ng mukha nila? Wala naman siyang ibang intensyon kundi ang
titigan lang talaga ang mukha nito. Ilang sandali pa ay tila naramdaman na
nitong may nakaharang sa pagpapahangin nito nang dahan-dahan itong nagmulat ng
mata.
And the moment
she had seen again his warm brown eyes, she felt like they were those two
little kids again. Noong bata pa kasi sila ay hobby na rin niyang titigan ang
mga mata nito ng ganoon kalapit.
"Loureynn?"
nagtatakang tawag nito sa kanya.
"S-sorry.
I-I... I thought... ah, wala."
"Upo ka
muna." Agad itong tumayo at inalalayan siya para makaupo. "Are you
okay?" maya ay tanong nito.
"Yeah.
Pasensya ka na kanina." Nahihiyang sagot niya rito. Hindi niya tuloy ito
matitigan ng diretso ngayon dahil masyado siyang nagpadala sa nararamdaman niya
kanina. But somehow, it excites her. Ang malamang ang taong matagal na niyang
hinihintay ay kilala na niya at nasa harap na niya, parang abot kamay na niya
ang langit. Iyon nga lang, hindi naman siya nito naaalala.
Kumuha si Nelson
ng isa pang upuan at pumwesto naman ito sa tapat niya. He's smiling as if he
doesn't mind, getting her caught in the act intently staring at him.
"So are you
here for another dance lesson?" Nakangiting tanong nito
Feeling niya
nang mga sandaling iyon ay nakangiti rin ang puso niya. Wala na ring dahilan
para pigilan niya ang lahat ng kilig na nararamdaman niya para rito, dahil noon
pa man, ay para rito na talaga iyon nakalaan.
"Ayh, hindi
naman. Napadaan lang ako rito then nakita kitang nagpapahangin sa tapat ng
fan." Tila walang kwentang sagot niya.
"You're
really beautiful, Loureynn." Kakaiba ang kislap ng mata nito nang titigan
niya iyon. Para bang nakangiti din ito sa kanya at sinusubukan din niyong
kausapin ang kanyang puso.
She smiled when
she heard him said that na tila ba walang halong bola. "Abuso ka na,
Nelson. Noong nakaraan eh sinabihan mo akong cute, ngayon naman eh beautiful.
Baka masanay ako niyan." pabirong tugon niya.
He laughed.
"Eh sa cute ka naman talaga. You know what? I really don't know what's
with you, that everytime I am with you, I felt like, we've been together
before... I mean even before we first met in this dance studio."
"Baka naman
may kamukha na itong maganda kong mukha." biro niya ulit. She wanted to
take everything he said seriously pero ayaw din naman niyang biglain ito.
Hahayaan niyang unti-unti ay maalala ng isip nito, sa tulong ng puso nito, kung
sino siya sa buhay nito noon.
"Silly! I
know you're one of a kind!"
"Ok...
exotic na ako."
Lalo lang itong
natawa sa mga hirit niya rito. Ilang sandali pa ay tila may naalala ito at
tinungo ang bag nito at parang may kinuha roon.
"I wanna
give you something." anito sa kanya at kinuha ang kanyang isang kamay.
Saka naman nito ipinatong ang nakatiklop nitong palad na para bang naroon ang
bagay na ibibigay nito sa kanya.
Bago pa man nito
tuluyang ibigay sa kanya ang naturang bagay ay nagkwento muna ito.
"I have
this old picture, when I was still a kid and I'm with a little girl and that
girl is wearing a blue plastic ring. Hindi ko na maalala ang pangalan niya, but
everytime I look at that picture, somethings telling me that I need to remember
her. Siguro impossible lalo na at nang maaksidente ako isa yata siya sa nawala
sa memorya ko. But this heart," tinapat nito sa puso nito ang isang
malayang kamay at saka nagpatuloy sa pagkwenyo, "this heart tells me
somethings which I don't understand."
"Loureynn,
sabi ng pamilya ko, may binigay din ang batang babaeng iyon sa akin na
pinaka-iingatan ko daw bago siya mawala sa alaala ko, pwede mo bang ingatan ito
para sa'kin?"
Saka nito
ipinasa sa kanya ang nooy kuyom lang ng palad nito. Hindi pa man niya nakita
kung ano iyon, with her hands holding it, she already knew what was it. Isa
iyong maliit na puso na gawa sa clay na may nakasulat na "My Heart."
Binigay niya
iyon rito kapalit ng singsing na binigay din nito sa kanya.
"I wanna
start anew. It's not that I wanna forget that little girl or put a huge meaning
to that little toy, pero habang nasa akin kasi 'yan, feeling ko wala akong
karapatang magmahal dahil may puso na ng isang babae ang nasa pangangalaga ko.
Hindi ko man lang siya maalala.
"Pero nang
makita kita noong sumasayaw, tila gusto na talagang magmahal ng pusong ito.
Loureynn, will you take care of that little girl's heart, for me? And let me
take good care of yours?"
Napatanga lang
siya sa mga sinabi nito. Pero sa kaloob-looban niya ay gusto niyang
ipagsigawang mahal na mahal niya ito. Gusto niyang sabihing Loureynn ang
pangalan ng batang babaeng iyon at siya iyon. Ang pusong niyang hinihiling
nitong aalagaan ay mismong ang psuong inalagaan nito ng maraming taon.
"Nelson..."
Tanging pangalan
na lang nito ang naisambit niya dahil nag-unahan na sa pagpatak ang luha niya.
Her heart is rejoicing and she can't deny the total hapiness that she's feeling
at that very moment. Her eyes caught his, and with her teary eyes... she
finally told him.
"I-I’m that
little girl in the picture, Nelson. Ako iyon."
Natigilan ito at
tinitigan lang siya. Hindi niya alam kung masaya itong malaman na siya ang
batang iyon. Pero ang obvious lang sa reaction ng mukha nito ay ang pagkagulat.
"B-but you
love my brother." anito. And the next thing she knew, she was left alone
in that dance studio. Confused and brokenhearted. Nag-walk-out lang naman kasi
sa harap niya ang lalaking pinakamamahal niya noon pa man dahil sa maling
akala.
No comments:
Post a Comment