Ilang araw na rin mula ng huli
niyang makita si Nelson, at ang huling pagkakataong iyon ay noong ibinigay nito
sa kanya ang maliit na hugis pusong laruan. Hindi na niya ito nahabol noon
dahil maging siya ay nabigla sa pag-alis nito ng walang paalam. Gusto pa man
din niyang itama ang maling akala nito. Sa kabilang banda ay kasalanan din niya
iyon dahil maging siya ay nagkamali rin noon.
She looked at
her palm and there rests the heart shaped toy. Hindi niya akalaing itinago rin
nito iyon at pinahalagahan. All those years ay pareho pala nilang inalagaan ang
alaala ng isa't-isa, iyon nga lang ay naaksidente ito at nawala siya isip nito
pero hindi sa puso nito.
"Girl, okay
ka lang?" tanong sa kanya ni Lycel na kararating lang sa cottage na
madalas nilang tambayan sa Mini Garden ng SJA.
Pekeng ngiti ang
isinagot niya rito bago ipinasok sa bulsa ng kanyang bag ang maliit na laruan.
"Yeah, I'm okay."
"May
practice kayo mamaya?" Practice sa dance troupe ang tinutukoy niya.
"Wala.
Absent daw si Nelson, eh. Ilang araw na rin siyang absent, hindi namin alam
kung bakit." sagot ni Sharie na umupo sa tabi niya.
"Wala pa
rin siya..." mahinang naisambit niya.
Tila naman
nalugmok ang puso niya. Hindi naman kasi niya maintindihan ang biglaang
pagliban ni Nelson sa klase. Hindi niya alam kung isa siya sa mga dahilan pero
ang alam lang niya ay namimiss niya ito at gusto niyang pareho silang
maliwanagan sa kung ano talaga ang tama sitwasyon.
"Girl,
meron ka yatang hindi sinasabi sa amin eh... In-love ka na ba kay Nelson? Paano
na si Elton?" ani Lycel.
"Si Nelson
si Elton," seryosong tugon niya sa tanong nito. "I don't why Elton
ang alam kong pangalan niya dahil hindi ko na rin talaga masyadong maalala.
Pero sigurado na ako ngayong si Nelson ang batang minahal ko noon pa man."
She sighed. At ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng
kanyang luha. Nilapitan siya ng kanyang dalawang kaibigan at ginawaran ng
mahigpit na yakap.
"Huwag mo
ng isipin iyong pustahan nating iyon. Basta tandaan mo lang na andito kami lagi
para sa'yo." wika ni Sharie at pinunasan ang basa niyang pisngi ng panyo
nito.
Nasa balkonahe
ng bahay nila si Nelson. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa klase
niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya simula noong nalaman niyang ang
batang babaeng katabi niya sa larawang iyon ay si Loureynn.
Ibinalik niya ang mga mata sa
hawak niyang larawan. He smiled while looking at the little girl's face. Naging
habit na kasi niya noon pa man na titigan ang larawang iyon kapag may
bumabagabag sa kanyang isipan. Nang mga sandaling iyon ay mismong ang batang
nasa larawan ang iniisip niya.
Since that
accident happen, na dahilan ng pagkawala ng ilang bahagi ng memorya niya, hindi
na rin niya maalala ang pangalan ng kasama niya sa larawang iyon. But deep in
his heart, he knew that the girl in the picture has a special place in there.
Masaya siyang
malaman na si Loureynn at ang batang babaeng iyon ay iissa. Pero nasaktan siya
dahil umusbong ulit ang inggit na nadarama niya para sa kambal niya. The only
girl his heart chose to love, loves Elton. Natigilan siya nang biglaang pag-usbong
ng matinding sakit sa ulo niya dahilan upang mabitawan niya ang larawan.
Mula noong araw
na huli niyang makausap si Loureynn ay naging madalas ang pagsakit ng ulo niya
at unti-unting pagbabalik ng mga nawala niyang alaala.
"Nelson,
anak!!! Manang Tess, ang gamot ni Nelson!" Huli niyang narinig ang
nag-aalalang sigaw ng kanyang ina bago siya nawalan ng malay dahil sa matinding
kirot na nadama.
Kakauwi lang ni
Nelson noon mula sa Dance School na pinapasukan niya nang summer na iyon. Nasa sasakyan
pa siya nang makita ang isang cute na bata na mag-iisang naglalaro sa park na
nasa tapat rin lang bahay nila.
"Daddy,
doon muna ako sa park ha. I will not go far, promise!" nakangiting paalam
niya sa kanyang ama at nakataas pa ang kanang kamay.
"Sige, pero
kapag ipinatawag na kita sa yaya mo eh uuwi ka rin agad ha."
'Yes, dad!"
Ipinara ng
kanyang ama ang sasakyan sa tapat ng bahay nila at saka siya bumaba ng kotse.
Bago tumawid at tumingin mula sa kaliwa at sa kanan. Iyon ang laging bilin sa
kanya ng mga magulang bago tumawid sa kalsada. Nang ma-check na wala namang
padaang sasakyan ay patakbo siyang nagpunta sa park. Palapit sa isang batang
babae na mag-isang umiikot-ikot doon. Hindi nito napansin ang pagdating niya
dahil nakapikit ito. Nakangiting pinagmasdan niya lang ito.
With his young
heart, he can feel it beating faster than normal. At eight years old ay aware
na siya sa sinasabing "love" pero hindi pa niya nararamdaman iyon. At
that moment at gusto niyang sabihin na na love at first sight siya sa batang
babae pero alam niyang masyado pa siyang bata para isipin iyon.
Natigilan ang batang babae sa
pagsasayaw nang makita siya. Napansin pa niya ang mapula nitong pisngi at
ganoon na lang ang pagguhit ng ngiti sa labi niya nang nginitian siya nito.
"Hi,
Elton!"
Unti-unting
nabura ang ngiti sa labi niya ng tawagin siya ng batang babae sa pangalan ng
kambal niya. Gusto niyang sabihing Nelson ang pangalan niya at hindi siya si
Elton pero naunahan na siya ng takot na baka mas gusto nitong kalaro si Elton
kaya pinanindigan na lang niyang siya si Elton.
"Gusto mong
sumayaw ulit? Gaya ng ginagawa mo kanina?" nakangiting tanong ni Nelson sa
babae.
Masaya at tila
excited na tumango ito. Sa tantiya niya ay hindi nagkakalayo ang agwat ng edad
nila pero sa akto nito at parang spoiled ito kaya mas batang-bata ang ugali.
"Oo, I wanna dance. Sige kunwari ako si Princess Loureynn... then ikaw
naman yung prince ko."
"Loureynn."
tatak niya ng pangalan nito sa kanyang isip.
"Sige ba!
Ako ang prince charming mo!" Inayos niya ang kanyang tindig at tila
prinsipe na naglakad palapit rito.
"Yehey!
Just like in the movie? Parang fairytales!!!"
Kinuha niya ang
isang kamay nito at inilagay sa balikat niya, ang isang kamay naman nito ay
hinawakan niya. He then placed his other hand on her waist and even without a
music, they started swaying. They felt like swaying in the thin air. Parang sa
fairy tales...
"Kumusta na
siya?" nag-aalalang tanong ni Loureynn kay Elton habang matamang
pinagmamasdan ang natutulog na si Nelson.
"Mom said
he's fine. Nakatulog na lang din siguro siya dahil sa gamot na pinainom nila
mommy sa kanya. Lately he's experiencing those headaches. Sabi ng doctor normal
lang daw iyon dahil sa unti-unting pagbabalik ng alaala niya. Akala nga ni doc
eh hindi na ulit babalik yung mga nawalang alaala niya eh."
Biglang
guminhawa naman ang nararamdaman niya. Hindi na kasi niya matiis ang hindi
pagpapakita ni Nelson sa school nila kaya naglakas na siya ng loob na tanungin
si Elton kung kumusta ito. Saka naman nakatanggap ito ng tawag mula sa ina at
sinabi ang nangyari sa kakambal.
"Kung
ganoon eh maaalala na niya talaga ako." gusto niya sanang sabihin pero
hindi na niya ginawa. Sa ngayon ay ayaw niya munang umasa. Gusto niyang tuluyan
munang gumaling si Nelson sa kung ano mang masamang dinaramdam nito at saka sila
magkakalinawan. She's hoping it won't be that long.
She was about to
cry when she felt Elton's hand held hers. Tila sinasabi nitong magiging okay
rin ang lahat sa pagitan nila ni Nelson.
While Nelson
who's lying in the bed felt a sudden pain in his chest while secretly looking
at his twin and the girl he loves holding each others hands. Kaya marahil hindi
magustuhan ng kambal niya ang babaeng humahabol-habol rito dahil gusto din nito
si Loureynn.
But this time,
hindi na niya hahayaang manaig ang takot sa puso niya. He will not let his
insecurities broke his heart again, kaya hanggang kaya niyang ipaglaban si
Loureynn ay gagawin niya. His heart chose her and he will do everything he can to
get his heart's desire.
"Mukhang
malalim iyang iniisip mo anak, ah..." nakangiting wika ng ina ni Loureynn
ng maabutan siya sa garden nila. Loureynn was busy playing with her guitar and
singing her favorite song nang madatnan siya ng kanyang ina. "At mukhang
pinaghuhugutan pa iyang pagkanta mo." her mother teasingly smiled.
She stopped
strumming and let her mother sit beside her saka niya ito binalingan.
"Parang ganoon na nga mommy. Namimiss ko na si Nelson,eh. I've decided na
iwasan na muna siya, baka mabigla ko na naman siya ulit. Hihintayin ko na lang
siguro iyong time na maalala na niya talaga ako."
"If you
think that's the right thing to do for now, go ahead. Basta andito lang kami
lagi ng dad mo para sa'yo, anak. At gaya ng sabi namin noon, you have waited
for him for more than ten years, siguro naman ay kakayanin mo pa ring maghintay
kahit ilang buwan o taon pa."
"Siguro nga
mommy. Akala ko magiging madali na kapag nagkita kami ulit, hindi pala. Kung
bakit ba naman kasi Elton ang alam kong pangalan niya?" she laughed and
somehow puzzled. Oo nga. Bakit nga kaya?
"Bakit nga
naman kaya?" her mom laughed too. "Basta just follow what your
heart's telling you. Umiibig na talaga ang anak ko."
"Matagal
na, mommy."
"Sabi ko
nga,eh." Nagkatawanan na lang sila ng kanyang ina.
Lunes ng umaga
ay maagang pumasok ng unibersidad si Loureynn. Hindi pa ganoon karami ang mga
studyanteng naglalakad sa lobby ng bawat building kaya napagdesisyunan niyang
maglibot-libot din muna. Isang oras pa naman bago ang klase niya.
She's so light
and happy at that moment, that she doesn't understand herself anymore. Siguro
excited lang siyang makita ulit si Nelson, dahil ayon sa text ni Elton ay
papasok na ito nang araw na iyon. Naging mabuting magkaibigan na talaga sila ni
Elton kaya wala na sa kanya kahit magpalitan pa sila ng napakaraming mensahe.
Si Nelson lang talaga ang nagmamay-ari ng puso niya.
She continued
walking when she felt that someone's also walking behind her. Nilingon niya ito
para malaman kung sino at ganoon na lang ang paglakas ng kabog ng dibdib niya
nang makita ang nakangiting si Nelson. Oh, heaven!!!
Those smiling
warm brown eyes, it makes her heart smile too. Hindi pa man ito magsalita ay
ramdam na niya sa puso niya na mahal na mahal niya ito. Kung hindi lang niya
napigilan ang kanyang sarili ay malamang ginawaran na niya ito ng mahigpit na
yakap dahil sa sobrang pagka-miss niya rito. With a mere glance at his smile,
it made her speechless.
"I missed
you, Loureynn," tanging sambit din nito.
Nakagat niya ang
kanyang ibabang labi nang marinig ang sinabi nito. She wants to scream and let
him know that she missed him too. Pero pinigilan niya ang sariling gawin iyon.
Dahil gaya ng sabi niya sa kanyang ina, bibigyan niya ng pagkakataon si Nelson
na alalahanin siya. Ayaw niyang biglain ulit ito.
"A-ah...
I... kumusta ka?"
Ganoon na lang
ang pagkabigla niya nang walang pahintulot na hinablot siya nito at ikinulong
sa bisig nito. Kung ano man ang pagyakap na gusto niyang gawin rito kanina ay
iyon mismo ang ginawa nito sa kanya ngayon. But she still kept on reminding
herself na i-control ang nararamdaman niya. Para saan ba ang panandaliang
paghihintay para sa pangmatagalan na kasiyahan.
Naramdaman na
lang niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga bago ito may ibinulong
sa kanya.
"I'm
feeling better now, Loureynn. Lalo pa at nasa tabi na ulit kita. God knows how
much I missed you. Ilang araw lang tayong hindi nagkita, but swear, I missed
you so much!"
Eh di natameme
ka, Loureynn!!!
No comments:
Post a Comment