My Heart's Desire: Finale


"Madalas ka bang pumasok ng maaga?" tanong ni Nelson sa kanya nang kasabay na niya itong naglilibot ssa campus ng SJA. Kanina lang ay sinabi nitong miss na siya nito at wala man lang siyang naisagot rito. Ang plano niyang libutin lang ang Department nila ay nauwi sa paglalakad sa buong campus, but then it doesn't really matter, lalo pa at si Nelson ang kasama niya.

"Hindi naman, mas napaaga lang ngayon dahil alam kong papasok ka na," sagot niya sa kanyang isipin na hindi niya magawang isatinig. "Hindi naman, minsan lang. Kapag feel kong maglakad-lakad muna bago ang klase," sagot na lang niya rito.

"Para kang si Elton. Maaga rin kung pumunta sa school iyon kapag gusto niyang mag-emote!" tatawa-tawang sagot nito. Pero tila may kakaiba sa pagkakasabi nito niyon. Hindi lang niya matukoy.

She smiled. "Lately madalas na kaming nagkakasabay ni Elton na mag-jogging eh. He's funny. Akala ko noon seryoso siyang tao, pero mukhang mas seryoso ka pa pala sa kanya."

"You like him?"

"He's nice. But no... I don't like him,"sagot niya kahit hindi na maintindihan ang takbo ng usapan nila.

"You don't like him, cause you love him, right? You can intrust that secret of yours to me, Loureynn."

Napatingin siya rito, dahilan upang magtagpo ang mga mata nila. Then they stopped wallking.

"As far as I know, isa pa lang ang lalaking minahal ko mula pa noong bata ako, well that's aside from my dad, of course." Diretsong sagot niya saka nag-iwas na ng tingin at muling naglakad. Sumunod naman ito.

"And that man is my twin, right?"

"No," she answered in a serious tone.



Halos wala sa klase ang isip ni Nelson nang mga oras na iyon. He keeps on thinking of what Loureynn had told him that morning. Hindi umano nito mahal si Elton. Kung ganoon ay sino ang lalaking minamahal nito?

Kahit papaano ay nakadama siya ng munting tuwa, dahil hindi naman pala ang kambal niya ang kanyang karibal sa puso Loureynn. Ngayon pang naaalala na niya ang lahat tungkol sa kabataan niya, ang first love niya. Funny for a man who believes in first love and love at first sight, pero ganoon ang nararamdaman niya para kay Loureynn.

Sumapit ang alas-singko ng hapon at natapos na ang huling klase niya para sa araw na iyon. Hindi siya nagpatawag ng practice para sa dance troupe for a week dahil iyon rin ang advice sa kanya ng doctor niya. Since wala pa siyang planong umuwi ay naisipan niyang maglakad-lakad ulit sa loob ng campus.

Luckily, while wandering around the campus, he spotted Loureynn sitting alone on a bench near the basketball court. Wala na siyang inaksayang panahon at nilapitan na ito agad.

"Hi, there! Mag-isa ka na naman," nakangiting bati niya rito at saka umupo sa tabi nito.

Nakangiting binalingan naman siya ni Loureynn. She's really beautiful, and her smile can make him go crazy over her. Parang gusto niyang nasa tabi nito palagi. He wants to protect her from those bunch of guys na alam niyang may mga lihim na gusto rito. Suddenly, he's possesive of her. Paano niya ba sasabihin sa babaeng ito na mahal na mahal niya ito nang hindi nito kailangang magdalawang-isip na siya ang piliin at hindi ang lalaking sinabi nito kanina na mahal umano nito? With that question in his mind, he just smiled back at her.


His smile can swept her off her feet. His charm can make her heart beat faster as a gallop of a horse. And right at that moment she's staring at the man she's inlove with all these years.

"Nelson, ikaw pala. Mag-isa ka rin naman, eh," aniya.

Napatingin ito sa langit bago siya binalinga nitong muli. He's eyes looking straight to her soul. "Well maybe, we're destined to be wandering alone so that we can be together now."

"A-anong s-sabi mo?" she stammered. Sino ba namang hindi gayong feeling niya ay may pinapahiwatig si Nelson sa sinabi nito.

"Oh, nothing! Are you free this Saturday?"

"I...think so. You know what? I missed you, Nelson," finally she said it!

Napansin niyang nagulat ito sa sinabi niya. Pero nang mga sandaling iyon ay gusto niyang yakapin siya ulit nito at gusto niyang maramdaman ang makulong ulit sa bisig nito. She longed for that.

"I-I'm glad...that you...missed me." Nauutal na sagot nito. Malamang ay hindi nito inaasahan ang sinabi niya.

"Do you want me to tell you a secret, Nelson?"

Tumango ito.

"Hmmm... I'll tell you next time," nakangiting saad niya.

"How about this Saturday?"

"Anong meron ngayong Saturday?" tanong niya.

"Well, I just wanna spend some time again with that girl in the picture."

Napangiti siya sinabi nito. They both feel the same way. Looking straight to his warm brown eyes, she felt like they were kids again. Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng kanyang kamay para haplusin ang mukha nito.

She touched his cheeks and let her fingers slid unto the tip of hid nose, and it stopped when her finger reached his lips. She felt her heart beat racing fast. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin iyon.

Naramdaman niyang hinawakn nito ang kamay niya at inalis mula sa labi nito. Then his face came nearer to her. He's going to kiss her! She saw him closed his eyes while crossing that small distance between there lips. Pero bigla niyang naalala ang pangako sa sarili, that she's going to wait until he's truly ready.

She stopped his lips by her finger. She smiled before she stood up.

"I have to go, Nelson." She have to go or else she'll lose control over her feelings. Maybe she could wait a little bit more. Kahit hanggang Saturday na lang.


She had sleepless nights after their almost kissing scene at the school. Kung pwede lang niyang hilain ang mga araw para Sabado na agad. Since that day, constant na ang communication nila. Kung hindi man sila nagkikita ay nagkakatext sila at minsan ay tinatawagan siya nito. She can feel it. Nelson is serious to whatever motives he have in mind. If it's to win her heart, then he's succeeding. He succeeded long before he had even started.

Saturday finally came. Ang usapan nila ay pupuntahan siya ni Nelson sa bahay nila. Maaga siyang gumising at naghanda para sa magiging lakad nila. She wore a baby blue off-shoulder blouse and a pair of jeans. Hinayaan na lang din niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok.

She looked at her reflection in the mirror and she noticed the old picture on the side table. Napaupo siya sa at inabot ang larawan. Hindi niya alam kung gaano niya katagal tinitigan iyon, but while looking at it, she felt excited of what gonna happen for today. She can still remember that last day they met before they said goodbye to each other years ago.

Kinapa niya ang nakatagong pendant ng kwintas niya. Sinadya niyang itago lang iyon para na rin hindi makita ni Nelson. She smiled when she looked at her face in the mirror, then she looked back on the picture. They're really grown-ups now.

Bago siya umalis ay kinuha niya ang hugis-pusong laruan mula sa kanyang drawer at saka inilagay sa loob ng bulsa niya. Muli niyang binalingan ang sarili sa salamin at napangiti nang makontento siya sa ayos niya. Hinihintay na lang niya ang tawag ni Nelson kung nasa bahay na nila ito. At ilang sandali pa ay nag-ring na ang kanyang cellphone.

Agad niyang sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Nelson sa screen.

"Nasa ibaba ka na? Okay, hintayin mo na lang ako sandali," aniya at saka tinapos ang tawag.

"This is it!" she took a deep breath and pasted a smile on her face, though there's no need to fake her smile, kasi kahit wala isipin lang niya si Nelson, ay napapangiti na talaga siya.

Mabilis na siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala. Doon ay naabutan niyang kausap ng mga magulang ni si Nelson.

"You're still a young boy the first time we saw you. You used to play with our little girl back then," sabi ng kanyang ina kay Nelson nang maabutan niya ang mga ito.

Her dad was sitiing beside her mom. At sa tapat naman naka-upo si Nelson. Nakangiting nilapitan niya ang mga ito na natigil rin ang pag-uusap nang makita siya.

"Ready ka na? Nakapagpaalam na ako sa mommy at daddy mo," salubong na sabi sa kanya ni Nelson. Tumayo pa ito nang malapit na siya.

"Yes, I'm ready." Binalingan niya ang kanyang mga magulang. "Mom, dad... aalis na po kami," she smiled to them and winked.

"Sige, mag-iingat kayo sa lakad niya," sagot ng kanyang ama at binalingan si Nelson, "Take care of our daughter, young man!" bilin nito.

"Yes, sir."

"Tito, call me Tito Enzo," nakangitin tugon ng kanyang imu.

"Ok po, Tito Enzo." Muling sagot naman ni Nelson.

Humalik muna siya sa mga magulang bago sila tuluyang umalis ni Nelson. Pagkalabas nila ng bahay ay napansin niya ang isang itim na kotse na nakaparada sa labas ng gate nila. Malamang ay kay Nelson iyon, hindi naman talaga niya alam kung ano ang plano nito sa lakad nila.

"I brought my car. We're going somewhere," anito saka inalalayan siya nito.

"Saan naman kaya?" nakangiting tanong niya.

"Wag na munang magtanong, suprise eh!"

Pagkalabas nila ng gate ay binuksan naman nito ang pinto ng sasakyan. Saka ito lumibot papunta sa kabilang pinto para sumakay na rin. Ilang sandali pa ay bumibyahe na sila. Kung saan man sila papunta ay si Nelson lang ang nakakaalam niyon pero napansin rin niyang pamilyar sa kanya ang daan na tinatahak nila.

Biglaan ang pagbilis ng tibok ng puso niya kaya siya napahawak sa dibdib niya. Gusto niyang isiping naaalala na nga yata ni Nelson ang lahat. Kinapa niya ang pendant na nakatago sa ilalim ng blouse niya. Marahil ay dumating na nga ang panahon na hinihintay niya, ang madugtungan ang dating pagmamahalan ng batang puso nila.

She smiled while remembering their cute past, those times they spend together, playing and dancing in that park. Hindi na bahagi ng Villa Margarita, na pag-aari ng yumao niyang lola, ang parke sa labas ng boundaries nito. Pero doon siya madalas maglaro dahil madalas silang naroon ng ina niya. May kaibigan kasi itong nakatira sa labas ng villa na madalas din nitong puntahan noon. Then while dancing like a princess in a fairytale in a that park, thre she met his prince.

"You're smiling, Loureynn. Anong iniisip mo?" saglit siyang binalingan nito at muling itinuon ang atensyon sa daan.

She touched the ring, at doon kumuha ng lakas para magsalita. "Sweet memories from my past," sagot niya nang nakangiti pa rin. Tila biglang gumaan ang pakiramdam niya at hindi niya maintidihan kung bakit kusa na lang siyang napapangiti. Haay... pag-ibig nga naman.

"Then maybe we're thinking of the same things."

Nakamaang na bumaling siya rito nang marinig ang sinabi nito. Gusto na naman niya isiping tama siya na naaalala na nga siya nito. Pero gusto niyang makasigurado at ganoon na lang ang muling pagkabog ng puso niya nang inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng parke na iyon. The same park where they've had shared their sweet childhood memories together.

Pagkapatay nito ng makina ng sasakyan ay mabilis itong umibis ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Pigil ang emosyong bumaba siya at muntik ng bumagsak ang mga luha niya ng makita ang puno ng acacia na naroon sa gitna ng parke.

"Let's go?" nakangiting wika nito at inilahad ang isang kamay sa kanya.

Tumango siya at tinanggap ang kamay nito. Wala gaanong tao ang naroon kaya parang solo na rin nila ang lugar. Magkahawak kamay silang naglakad patungo sa puno ng acacia na iyon. Feeling his hands holding hers, at sa paraan ng pagkakahawak nito ay ramdam niyang tila ayaw na nitong bumitaw. Kung sana ang tama siya, dahil maging siya, ayaw na niyang bitawan pa ito. She had treasured and kept him in her heart for all these years, at wala siyang planong palitan pa ito roon.

Huminto sila sa lilim ng matandang puno sa gitna ng parke. Noon siya napatingin rito. Nelson looking back at her seems to be reading what's in her mind at that moment. Tila naman matutunaw ang puso niya nang masilayan ang ngiti nito.

"D'you remember the first time we met?" anito at kinuha ang isang kamay niya at inilagay sa balikat nito. Matapos nitong gawin iyon ay naramdaman niya ang kamay nito sa baywang niya.

"Ikaw ba, naaalala mo? Ikaw ang nagka-amnesia at nakalimot di ba?" nakangiting sagot niya.

He lauged. "Why don't we just dance? Ikaw si princess Loureynn... at ako naman ang prince mo."

"Yes, parang sa fairytales..."

She then closed her eyes and moved her head closer to his chest where she can hear his heartbeat. Naramdaman din niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanya. It doesn't hurt but it made her feel so secured and made her feel that she's back to his prince's arms once again.

"Now I know why I remained single for all these years..." bulong nito.

"Why?"

"Cause back when I was eight, I feel in love to a girl who thought of me as her prince. And since then, I never had any other princess in my life, it's only you, Loureynn."

"Oh, Nelson!" Without any other words, she grabbed him closer to her and hugged him tight. Iyon na yata ang pinakamahigpit na pagyakap niya rito. She longed for him, for him love and everything. She missed him so much and finally, he's back! The young boy she used to love is a real man now.

Ilang sandali pa ay lumuwag na rin ang pagkakayakap niya rito at nang mag-angat siya ng mukha para tumingin rito at sinalubong ng labi nito ang labi niya. He kissed her tenderly and she can feel it, through his kiss that he missed her too. She responded to his kiss and put her hand on his nape, pulling him to deepened the kiss. Her heart is thumping fast and she can't explain the joy, Nelson was giving her through his kiss. Ilang sandali pa ay kapwang habol-hininga sila. The kiss ended and he looked at her straight to her eyes and said the words she longed to hear. This time, alam niya at ramdam niyang naaalala na siya nito.

"Siguro nabura ka noon sa alaala ko, pero hindi sa puso ko. I love you so much, Loureynn." buong pusong wika nito.

"I-I love you too, Nelson." She cried after saying it. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang kanyang emosyon. He loves her, and she loves him, at that moment, that's all that matters. Wala na siyang iba pang mahihiling pa. Her young love was indeed her true love!


WAKAS



4 comments:

  1. tatlo na sa mga ginawa mo ang nabasa ko. ang galing mong writer. :) 'yong totoo? may pinaghuhugutan ka? hehe

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa naman sya at least ung young love nya happen to be her true love din. Cguro sarap non after all those years of longing & loving your young love at the end sya din ang naging true & only love mo. It made me smile kc i remember i was once like the girl. Nakakarelate lang pero lucky sya happy ending sa kanya... Sana ganoon din ang nangyari sa akin kaso hindi eh iba ang nakatadhana.I really love this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... thanks cutie... actually it was a forced ending... may kadugtong pa dapat sana 'to.. kaso nawalan na ako ng ideya.. o let's say inabutan na ako ng katamaran na magtipa pa.. hehehe.. pero buti na lang yun chapter na to parang ending na rin yung dating kaya i made it as the finale na lang... :D

      Delete