Ngiting-ngiti si Audrie
habang abala sa pagtitipa ng kanyang malapit nang matapos na nobela. Natutuwa
siya dahil tuloy-tuloy lang ang pagpasok ng mga eksena sa isip niya. Simula
nang masubaybayan niya ang progress sa love life ng bestfriend na si Justine sa
ever beloved bestfriend din nitong si Henrick, ay na-inspire na siyang gumawa
ng mga love stories. At unang ginawa niya ay ang kwento mismo ng kanyang
kaibigan. Pinasa niya iyon sa isang publishing company at sinuwerteng
ma-publish. Ngayon ay gumagawa na naman siya ng bago para magbaka-sakali na
muling makapasa ang kwentong gawa niya.
Audrie Jax Martinez is
an aspiring writer. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil suportado siya ng
kanyang mga magulang sa kanyang bagong pangarap na maging manunulat. Binilhan
kasi siya nito ng laptop na ngayon nga ay siyang ginagamit na niya at nagiging
mas madali na para sa kanya ang magtipa ng mga pumapasok na ideya sa utak niya.
Nag-iisang anak siya
ngunit simple lang naman ang pamumuhay ng pamilya nila kaya hindi niya nakukuha
ang lahat ng material na bagay na gusto niya. Lalo pa at hindi rin siya ang
tipo ng tao na maluho. Kuntento na siyang maupo sa isang sulok at ka-chismisan
ang kanyang mga kaibigan.
Muli niyang itinuon ang
pansin sa laptop at ipinagpatuloy ang pagtitipa ng kanyang ginagawang kwento.
"Konti na lang...
matatapos na rin 'to," bulong niya sa kanyang sarili. Ilang eksena na lang
ay talagang tapos na niya ang kwento.
"Talagang hindi ka na paawat diyan sa kwentong ginagawa mo, ah!" ani Micheal. Ang kanyang kaibigang lalaki na pusong babae.
"Huwag ka nga munang magulo riyan. Ipapabasa ko 'to sa'yo mamaya para mahusgahan mo muna kung ayos na," aniya saka itinuong muli ang atensyon sa harap ng kanyang laptop.
Ilang minuto pa tuluyan na nga niyang natapos ang kwento. Talagang slow-motion pa ang drama niya sa pagpindot ng tuldok. "Micheal!!!” malakas niyang tili. Judgement time!" abot tenga ang ngiting binalingan niya ang kaibigan. Madalas na kasi itong tumambay sa bahay nila simula nang magka-boyfriend na ang kaibigan nilang si Justine.
"O, siya! Tsupi pa na riyan at babasahin ko na iyan! Maghintay ka na lang sa magiging hatol ko after," sumulyap ito sa wall clock. "Three hours. Layas na at kailangan kong mag-concentrate!" maarteng wika nito.
"Yeah, fine! Bibili na rin lang ako ng merienda natin."
"Mabuti pa nga at nang may suhol ka naman dito sa ipinapagawa mo sa akin!" wika nito.
"Ang arte nito!" marahang binatukan niya ang kaibigan. "Alis na ako. After three hours ha, dapat may hatol na!" nakangising wika niya.
Tumango lang ang kaibigan at itinuon na ang mga mata sa laptop. Saka na rin siya nagpalit ng damit upang lumabas ng bahay at bumili ng makakain nila ni Micheal.
Masigla niyang
binabaybay ang bawat stall ng mall at naisipangmag-window shopping muna bago
bumili ng pagkain. Tutal rin naman at tatlong oras pa bago matapos ang kaibigan
sa pinagawa niya rito. Soundtrip habang naglalakad. Palinga-linga siya sa
paligid, baka lang may makita siyang interesting at pwedeng isama sa mga
gagawin pa niyang kwento. Habang naglalakad ay isang cute na stuffed toy ang
nakita niya at agad na pinuntahan iyon. She grabbed the toy and hugged it
tightly. It was a three-foot baby blue teddy bear. Mula pa yata ng magkamuwang
siya ay gustong-gusto na niya ang kulay na asul… o kahit anong shade pa niyon.
Kaya naman gigil na gigil din siyang yakapin ang laruan dahil bukod sa paborito
niya ang kulay nito, cute na cute pa ito!
"D'you like this?" dinig niyang tanong ng isang boses lalaki. Napamulat siya sa pag-aakalang siya ang tinatanong. At natigilan pa siya nang makita ang may-ari ng boses na iyon na walang iba kundi si Blue Lyle Saavedra.
Matamis ang ngiting itinugon ng magandang babaeng kasama nito kasabay rin ng pagtango-tango nito. Naisip pa niyang ang swerte ng babaeng iyon. Hindi pamilyar sa kanya ang babae, malamang ay sa ibang school ito nag-aaral. Ibinalik niya kay Blue ang tingin. Noon niya hindi na napigilan ang sarili na hangaan ng todo ang binata.
Blue Lyle Saavedra is one of St. Joseph's Academy's campus heartthrobs. Gwapo, gentleman at matalino. He has those pair of warm brown eyes. At ang labi naman nito ay parang nakakatakam halikan. Aw! Hindi rin papahuli ang magandang built ng katawan nito dahil sa hilig nito sa sports. And he’s got all the traits that every girl could wish for. Kung paanong nagtipon-tipon ang mga gwapong lalaki sa SJA ay wala siyang maisip na dahilan. Siguro ginawang pugad ni Bro ang kanilang school ng mga lalaking akala niya sa pocketbook lang nag-eexist.
"You're Audrie, right?"
Nanlaki ang mga matang napatingin siya sa mga mata ni Blue. Kilala siya nito? Aw! "K-kilala mo ako?"nag-aalangan na wika niya. Napansin naman niya ang pagtaas ng kilay ng kasama nitong babae.
"You're Henrick's friend, di ba?"
Tumango siya. Naman! Paano ba nawala sa isip niya na kasama pala ito ni Henrick sa soccer team at minsan ay nagkikita sila nito kapag sinasamahan niya si Justine sa mga practice game ng boyfriend nito.
"Are you going to buy that?" sabay turo nito sa stuffed toy na yakap-yakap pa rin pala niya.
"A-ah... Hindi! Sinubukan ko lang yakapin kung huggable ba talaga. Huggable bears daw kasi, eh!" Napaka-ewan ng sagot niya sabay ngumisi rito.
"Give me that!" tila utos na sabi nito sa kanya na agad din naman niyang sinunod.
"Miss?" tawag
nito sa isang sales lady. "I'm taking these two."
"You mean the girls, Sir?"
"These two stuffed toys of course." wika nito.
Muntik pa siyang
mapahagalpak sa tawa dahil sa sinabi ng saleslady! Kung pwede nga lang dalhin
na siya ni Blue, eh. Malugod pa siyang papayag sa ideyang iyon! Ayiiiii!
"Bibilhin mo 'yan for her?" mataas ang boses na tanong ng kasama nitong babae.
"Yeah, she likes this. Since she's not going to buy it, dahil malamang wala siyang pera, I'm buying it for her." Binalingan pa siya nito at ngumiti.
Nang mga sandaling iyon ay tila nawala naman siya sa kanyang sarili. Tama ito na hindi niya mabibili ang stuffed toy dahil wala siyang budget. Pero bakit siya nito bibilhan niyon, close ba sila? Masama pa rin ang tingin na ipinukol sa kanya ng babae sabay irap sa kanya. Duh! Pakialam ba niya sa bruhang iyon! Napatingin na lang siya kay Blue.
"You don't have to buy that for me, Blue. Saka nakakahiya naman sa'yo." aniya rito.
"Ayos lang. Para ilang piso lang 'to eh. Don't worry, hindi pa naman mabubutas ang bulsa ko. That's next to impossible." Kinindatan pa siya nito bago ito nagtungo sa counter. Naiwan tuloy siyang nakatulala sa bahaging iyon ng mall. A perfect hero for a perfect love story!
Ilang sandali pa ay bumalik na si Blue at inabot sa kanya ang may kalakihang stuffed toy. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa nito. Feeling niya ay kailangan na niyang magpa-haircut mamaya!
"Can I ask you a little favor, Audrie?" nakangiting tanong nito.
Tumango siya. "Yeah, sure."
"Name him Blue, for me!" iyon lang at agad na nitong sinundan ang babaeng kasama nito kanina na nauna ng lumabas ng store na iyon. Napayakap siya sa laruan at pakiramdam niya ay yakap na rin niya noon si Blue, lalo pa at tila dumikit na rin rito ang pabango nito. Haaay... sinong mag-aakalang may mga lalaki pa palang kagaya mo, Blue?
Nang dahil sa nangyari sa mall ay hindi mabura ang ngiti sa labi niya nang umuwi siya sa bahay nila. Wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang yakapin lang ang teddy bear na bigay ng binata sa kanya. Natauhan lang siya nang halos mabasag ang eardrums niya sa lakas ng boses na tawag sa kanya ni Micheal.
"I can't believe you wrote this, girl!" wika ni Micheal.
Lumapit siya rito. Saka niya naalala ang kwentong pinabasa niya sa kaibigan para masabihan nito ng opinyon. "Bakit? Maganda ba? Nakakakilig? Pasado na?"
"Pilit ang kilig! Hindi ko ma-feel na in love talaga iyong characters sa isa't-isa. Talagang pilit iyong romance! Kung ako ang editor, reject agad 'to!" diretsong sabi ni Micheal.
"Aray! Di ka naman masyadong harsh no? Pinaghirapan ko rin kaya 'tong tapusin."
"Ayh, girl! Basta ang masasabi ko lang, eh gumawa ka ng bago! Iyong realistic. Palibhasa naman kasi ikaw, wala ka ring ka-lovelife lovelife, kaya ang pangit na nitong gawa mo."
"Eh, bakit iyong kwento ni Justine at Henrick, ayos naman,ah?"
"Eh kasi iyon, bilang friend ni Justine, alam mo talaga iyong nararamdaman niya! Matanong nga kita, ikaw ba kailan ka huling kinilig?" taas ang isang kilay na tiningnan siya ni Micheal.
"Kanina." Wala sa sariling tugon niya.
"Hindi nga, friend? As in kanina talaga?" tila ayaw pang maniwalang tanong ng kaibigan. "Sino naman ang nilandi mo?" nakangising sabi nito.
Abot-tenga ang ngiti na inalala niya ang nangyari sa mall. Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na sofa. Yakap pa rin niya ang teddy bear. "Sa tingin ko alam ko na kung paano ako makakagawa ng nakakakilig at sabi mo pa nga, eh realistic na story. I need someone to play as the hero in real life."
"Hoy, loka! Ano ba iyang pinagsasasabi mo riyan, ha?"
Napabalikwas siya at napatingin sa kaibigan. "Tama! Alam ko na kung paano ko magagawang nakakakilig ang kwento ko. I should experience the kilig too by myself! And I need his help!"
"Whose help?" kunot noong tanong ni Micheal.
"Blue Lyle Saavedra. The man with brown eyes. Mayaman, matalino at gwapo! The typical hero in most love stories," excited na sagot niya.
"Nababaliw ka na ba? Paano mo naman gagawin iyon? I mean paanong matutulungan ka niya? Liligawan mo siya, ganoon?"
"Nope! Magpapaligaw ako sa kanya! Tama, magpapaligaw ako sa kanya."
"Okay ka lang, te? Hindi ka naman masyadong ambisyosa."
Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ni Micheal at kunwa'y nag-iisip ng magandang gawin. "Hindi naman niya talaga ako liligawan, girl! Wag kang bitter diyan. Kunwari lang naman na liligawan niya ako. Na gagawa siya ng sweet things for me."
Napaisip si Micheal. "Hindi kaya delikado iyan,friend?"
"Mabuting tao naman si Blue, eh. In fact, siya ang nagbigay nitong si Blue sa akin." she smiled and hugged the toy tightly again.
"Baka kasi sa huli, ma-develop ka doon sa tao."
"Purong drama lang ang lahat, friend. Wag kang mag-alala. Basta dapat mapapayag ko si Blue na tulungan ako. Dapat ligawan niya ako."
Hindi na rin nagawa ni Micheal na kumontra pa. Dahil maging siya ay kumbinsido na na iyon ang kailangan niya. Ang ma-experience mismo ang kilig nang tulad kanina. Now she can't wait to start doing her plans.
No comments:
Post a Comment