Naglalakad si Audrie sa
tahimik na corridor ng building at abala pa rin sa pag-iisip ng kung paano siya
makakagawa ng isang maganda at nakakakilig na kwento. Naisip niyang kailangan
pa niyang maging mas mapagmasid sa paligid. And speaking of mapagmasid,
natigilan siya nang may narinig na tila nag-aaway sa bandang may parking area.
Dahan-dahan siyang nagtago sa isang poste ng lobby at mas marinig ang kung
anong pinag-aawayan ng kung sino.
"How dare you come here after what you did last night?" galit na boses ng lalaki na tila pamilyar sa kanya ang narinig.
"I came here to apologize about it, Blue. Kung makapagsalita naman kasi iyong pinsan mo parang ayaw niya talaga sa akin para sa'yo, eh!"
"Let me just remind you Nicole, I'm dating you because it's my mother’s request and not because I like you! Gusto lang ni mommy na damayan kita sa pagiging brokenhearted mo, kuno!"
"I said I'm sorry!"
"At saka, bakit sa akin ka nag-sosorry? Hindi ba iyong pinsan ko ang sinabunutan mo? Damn! Hindi ko akalaing behind your angelic face is a demonic attitude! You can leave now, Nicole!"
Napasilip siya sa dalawa. Tama nga ang hinala niya. Si Blue ang lalaki at ang babae ay ang kasama nito noon sa mall. Napangiti siya sa kamiserablehan ng babae. Ayan kasi, ang arte mong babae ka, eh! Kapal pa ng fez mo, hindi ka naman pala girlfriend! Buti nga sa'yo!
"Blue, please... forgive me. It will never happen again." pagmamakaawa pa rin ng babae.
"Talaga! Dahil ayaw na kitang makita pa. Hindi lang iyong pinsan ko ang pinahiya mo, pati na rin ako. Kaya ang mabuti pa, bumalik ka na sa school niyo. Wala ka nang mapapala pa rito."
"Yeah right! Akala mo naman ikaw lang ang lalaki sa mundo? Damn you!" bulyaw ng babae at saka mabilis nang nag-walk-out.
Napalabas siya sa
pinagtataguan at sinundan ng tingin ang babaeng tinawag ni Blue na Nicole. Saka
naman siya napatingin kay Blue na binubuksan ang pinto ng kotse, tila may
kinukuha roon. Ilang saglit pa ay muling lumitaw ang mukha nito. Ganoon na lang
ang pagkagulat niya nang mapabaling ito sa direksyon niya at huli na para
magtago siya.
Pilit siyang ngumiti at kumaway rito pero nanatiling nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay. Kinakabahan siya at baka siya naman ang awayin ng lalaki dahil sa pagiging usisera niya. Pero ilang sandali lang ay walang kangiti-ngiti na tinalikuran siya ni Blue. Sinundan na rin lang niya ng tingin ang binata.
"Ayan, sure nang walang girlfriend si Blue! Yehey!" She grinned while talking to herself.
Katatapos lang ng klase niya sa umaga at naisipan niyang magpahangin na muna sa mini forest ng SJA. Mag-isa siyang nagtungo doon dahil may klase pa si Micheal at Justine. Simula rin kasi nang tumuntong sila ng kolehiyo ay hindi na sila masyadong nakakasabay ng breaktime. Lalo pa at magkaibang kurso ang kinuha nilang magkakaibigan. She took Hotel and Restaurant Management, while Micheal took Fashion Designing, and Justine took Accountancy.
Kapag ganoong oras, alas-dyes ng umaga ay madalas na solo niya ang mini forest pero napakunot ang noo niya nang makitang may lalaking naroon at nagbabasa. Kapag minamalas nga naman, hindi tuloy siya makakapag-moment ngayon. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero nang mas naging malinaw sa kanya kung sino ang nasa kanyang tambayan ay na-excite siya. Si Blue ang naroon! Ang swerte pala niya! Pagkakataon na niya para kausapin ito.
Naalala niyang minsan nakita niya si Blue na may ka-date at obvious talaga sa binata ang pagiging gentleman dahin pinagbuksan pa nito ng pinto ang babae. Lagi itong nakaalalay rito ay higit sa lahat, nang makita niya itong naglalakad sa kalsada kasama ang isang babae, alam nito kung saan dapat lulugar. Sa danger zone dapat ang lalaki to keep the girl in the safe side.
Hindi agad napansin ng binata ang pagdating niya. Masyadong naka-focus ang atensyon nito sa binaba. I Am Number Four, iyon ang pamagat ng nobela. Nabasa na niya iyon. Tumikhim siya para ipaalam rito ang presensya niya.
"Maganda ang kwento niyan," wika niya saka lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Really? You don't have to spoil it. I wanna know the story myself that's why I'm reading."
Ayh! May sapi ba ang binata ngayon? Bakit tila iba ito sa Blue na nagbigay sa kanya ng teddy bear sa mall. Baka bad mood ito. Wrong timing yata siya!
"Hindi ko naman ini-spoil, ah! Sinabi ko lang na maganda ang kwento niyan."
Umupo siya sa katabing bench na inuupuan nito. Sinadya niya ring humarap rito para matitigan niya ito habang nagbabasa ito. Ewan ba niya kung bakit gusto niyang titigan ang binata nang mga sandaling iyon. Napaisip siya sa mga pwedeng mangyari kung pumayag itong tulungan siya. Tiyak pa niyang magiging exciting ang gagawin niyang kwento.
"Blue, pwede ka bang maabala sandali?" aniya rito kasabay pa ng medyo pagpapa-cute.
Ibinaba nito ang aklat at tumingin sa kanya, "What do you want now?"
"Ahh... kasi..." Paano ba niya sasabihin rito na gusto niyang magpaligaw rito? Baka isipin nitong nababaliw na siya. "Ano... pwede ba akong magpatulong sa'yo?" nag-aalangan pang tanong niya.
Umayos ito ng pagkakaupo at seryoso nang pinagmasdan siya, "Anong tulong iyon?"
"Teka, paano ko nga ba sasabihin? I'm trying to work on a story kasi, pero hindi ko pa kasi na-eexperience ang nililigawan, baka pwedeng—"
Tumawa ito. "You want me to court you?"
Tumango siya. Nakakahiya! Sana lamunin na lang siya ng lupa! "Hindi naman seryoso iyon. Gusto ko lang namang malaman kung paano talagang kiligin. Iyong talagang naranasan ko iyong sinusulat ko, para realistic," paliwanag pa niya.
Tumang-tango ito na tila ba nagiging interesado na rin sa sinasabi niya. "Hmmm... pag-iisipan ko."
"Ay naman! Blue, wag mo ng pag-isipan, tulungan mo na lang ako, please! Kahit ano gagawin ko tulungan mo lang ako."
"Really? Narinig ko na iyang mga linyang iyan, Audrie. I'll think of it, okay?"
"Promise, kahit gawin mo akong alila o number one cheerer mo kapag may laro kayo, basta pumayag ka lang!'
Tumawa lang itong muli at tumawa. "Silly girl. Okay, but I'll think of my conditions first. You'll know my answer if we'll meet again," sabi nito sabay kindat pa sa kanya. Aw!
BLUE put down the book and looked outside the window. Mula sa Student Center ng SJA ay kitang-kita niya si Audrie na nasa Mini Forest. Tila nababahala ito. Napangiti pa siya nang maalala ang hiling nito sa kanya.
Noon pa man ay napapansin niya na ito kapag nanonood ito ng laro nila. Kaibigan kasi ito ng isa sa ka-teammate niya sa soccer team. Audrie is pretty even without make up. Pansin din niyang tila wala itong kahilig-hilig sa fashion, unlike those girls he had dated before. Kahit simple lang ito, kaya nitong palutangin ang natural nitong ganda. And that's what made him notice her.
Muling gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang maalala rin ang nangyari sa mall. Nakita niya itong mahigpit na niyayakap ang isang stuffed toy, kaya sadya siyang pumunta sa stall na iyon. Kunwari ay aalukin niya si Nicole, but his main purpose was to buy the toy for Audrie.
Hindi niya matukoy ang totoong dahilan kung bakit niya ginawa iyon. There was just something inside him which was telling him that he belongs to her. Nang makita niya itong niyayakap ang laruan ay tila ba bigla niyang naramdaman na siya ang niyayakap nito. What's happening to him that he's been thinking that way? Iyon ang hindi rin niya alam.
Ngayon ay ini-enjoy na lang niya ang magandang view mula sa bintana. Kung noon ay na-momroblema siya kung paano makakalapit rito, ngayon ay hindi na. Ito pa mismo ang nagbigay sa kanya ng dahilan para makalapit rito.
"There's something in you, Audrie. And I wanna know what that something is," bulong niya sa sarili habang nakatuon pa rin ang mga mata sa dalaga.
Lunch break at abala na
naman si Blue sa pagbabasa. One of his favorite past time is reading, kaya
kahit sa school ay nagdadala pa rin siya ng mga nobela para makapagbasa. Mag-isa
siyang naka-upo sa corner ng canteen. Minsang inilibot niya ang tingin sa
paligid ay namataan niya si Audrie. Sa palagay niya ay nakita siya nito kaya
muli niyang itinuon ang mata sa binabasa. Kunwari ay hindi niya ito nakita.
Ilang sandali pa ay nasa
harap na niya ito at umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat niya. Looking
closely at her, hindi niya maiwasan ang mapangiti, lalo pa ngayon at sa mukha
nito, kitang-kita niya na kailangan talaga nito ang tulong niya. Ibinaba niya
ang aklat at hinarap ito.
“Blue, siguro naman
nakapag-decide ka na. I badly need your help.” She still looks cute even when
she’s serious.
Inilapit niya ang mukha
rito at pansin niya ang tila pagkabigla nito at agad na pag-iwas. “Why don’t
you ask other guys? Saka bakit ako?”
“Wala naman kasi akong
masyadong kaibigang lalaki. Saka si Henrick may girlfriend na at baka bitayin
ako ni Justine kapag iyon ang hiningan ko ng tulong kaya ikaw na lang ang
naisipan ko since mukha ka namang sweet,” ngumisi ito. "Sige na, please
pumayag ka na."
Tumango siya. “Okay, but
as to what I’ve said, I have a condition.”
“Yes! Yes! What
condition?”
“Simple lang, hindi mo
dapat iisipin na nagkukunwari lang ako.”
Kumunot ang noo nito.
“W-what do you mean? Iisipin kong seryoso ka at totoong nanliligaw ka talaga
sa’kin, ganoon?”
Tumango siya. “Yes. You
see, I’m helping you. Kung gusto mong maging realistic ang kwentong gagawin mo,
dapat ay hindi mo iisipin na pagkukunwari lang ang lahat ng gagawin natin o
gagawin kong panliligaw sa’yo. That will only keep your real emotions.”
Tumango-tango rin ito na
tila ba nakuha na ang ibig niyang sabihin. “May point ka, pero hindi naman
kaya…” Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil muli itong nag-isip.
HINDI maituloy ni Audrie
ang dapat ay sasabihin niya. Nagulat siya sa sinabing kondisyon ni Blue. Ano
siya hilo? Paano naman siya noon kapag tuluyan nga niyang
makalimutan na pagkukunwari lang ang lahat at magising na lang siyang in love
na siya rito? Baka makagawa nga siya ng magandang kwento pero bigo naman sa
sariling love life ang ending niya! But she has to do it for her to make a
better story. She then took a deep breath and faced him with a serious look.
“Okay, kung iyan ang
gusto mo. For my story, I will do it,” seryosong tugon niya rito.
“For your story,”
inilahad nito ang kamay, “Deal?”
Napatingin siya sa kamay
nito saka medyo nag-alangan pang tinanggap iyon. “Deal.” Wala pa yatang limang
sigundong magkadapo ang mga palad nila ay agad na siyang bumitaw. She felt her
heart beat faster than normal. Napatingin siya sa binata na sa tingin niya ay
ang siyang solong dahilan ng pagiging abnormal ng tibok ng puso niya.Ano ba
itong pinasok mo, Audrie?
“Nag-lunch ka na ba?”
maya’y tanong nito.
Umiling siya. Ngumiti
naman ito na dahilan upang lalo lang magwala ang puso niya.
“I’ll buy you lunch,
wait here!” mabilis itong tumayo at nagtungo sa counter. Huh? Ibibili
niya ako ng lunch nang hindi man lang tinanong ang gusto ko?
“Anyway, what do you like to eat?” nakangising tanong nito na habol pa ang hininga.
Ma-tu-turn-off na ba siya sa binata? Hindi na niya napigilan
ang sarili na matawa sa iginawi nito.
No comments:
Post a Comment