Nang hapong iyon kasabay
ni Audrie na umuwi ang kaibigang si Micheal. Hindi kalayuan ang bahay nila sa
SJA kaya naisipan nilang maglakad na lang pauwi. Gusto rin kasi ng kaibigan na
tumambay muna sa bahay nila bago tuluyang umuwi. Habang naglalakad ay kinuwento
niya rito na nakasabay niyang mag-lunch si Blue.
“Talaga? Kasabay mong
nag-lunch si Blue kanina? Ikaw na talaga, girl! Kaya pala nakalimutan mo na
akong yayain. Fafa pala ang kasabay ng loka!”
Napatingin siya kay
Micheal, “Ano naman kung kasabay ko siyang mag-lunch? Hindi naman big deal iyon
friend para mag-react ka ng bongga! Saka wag kang magselos, hindi kita
ipagpapalit doon!”
“Tse! Wala akong
pakialam sa’yo, no! Ikaw lukring ka, matagal ko ng mahal iyang si Fafa Blue.
Hindi ko alam ikaw lang pala ang makakabingwit!”
“Ang taray nito! Huwag
kang mag-alala dahil drama lang naman ang lahat between us. Iyong-iyo si Blue.
At saka ayaw mo niyon, mas magiging malapit ka sa kanya dahil liligawan na niya
ako?” nakangising binalingan niya si Michael.
“Ang kapal talaga ng
balat mo sa mukha, girl! Sabi mo nga, drama lang, hindi ba? Kaya huwag kang
ambisyosa, uy!” Tinuru-turo pa siya nito, “Saka kung hindi mo siya pinilit,
hindi ka rin naman niya liligawan!”
Natawa siya ng malaks sa
inani ni Michael dahil tama rin naman ito. Ngayon lang din niya na-realize na
nakakahiya talaga ang ginawa niyang paghingi ng tulong rito.
“Ay, basta!
Kanya-kanyang paraan lang iyan, friend! Kapag natapos ko ang kwento, ilalakad kita
kay Blue.”
“Talaga lang, ha!
Promise?” tila excited pang wika nito.
“Promise!” Sabay apir
nilang dalawa ni Michael.
Hindi pa man sila
tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay nila ay natanaw na ni Audrie ang
kaibigang si Justine na nasa terrace ng bahay nila. Nang makita sila nito ay
kumaway ito saka sila mabilis na naglakad ni Micheal. Pagdating na pagdating
nila ay agad din na kinuwento nito kay Justine ang ginawa niyang pamimilit kay
Blue. Hindi tuloy maawat ang tawa nito.
“Tin, kung pagtawanan mo
naman ako, sagad ah! Sana pala hindi ko na lang isinulat ang love
story niyo ni Henrick,” patampong wika niya sa kaibigan.
“Hindi naman iyong
pagkadesperada mo ang ikinatawa ko, girl! Hindi ko lang lang ma-imagine kung
paano ka liligawan ng isang lalaki na mukhang hindi naman yata nakapanligaw pa
ever! Saka napilit mo pang ligawan ka, paanong nangyari iyon? Winner ka pala sa
convincing powers mo!”
Napataas ang isang kilay
niya. “What do you mean hindi pa nakapanligaw?”
“Oo nga, ano? Hindi ko
naisip iyon, Tin,” ani Michael.
“Teka, medyo loading
ako. Pwede paki-ulit?” aniya. Imposible naman sigurong hindi marunong manligaw
si Blue. Sa palagay niya ay marami na ang naging girlfriend nito. Dagdag pang
ilang beses na niya itong nakita na may ka-date. Pero gwapo si Blue at possible
talaga na hindi na ito nanliligaw ng babae. Anong drama ang gagawin nito sa
kanya? Paano na ang kwento niya kung hindi marunong manligaw si Blue? No!
Hindi pwede! Pumayag siya kaya data gumawa siya ng paraan!!!
Kakatapos lang ng
practice game nila Blue. Dumiretso na siya sa locker room nila para magpalit ng
damit. Kanina habang naglalaro ay hindi mawala sa isip niya ang deal nila ni
Audrie. Sumang-ayon siyang tulungan ito sa paggawa ng kwento sa pamamagitang
ng panliligaw niya kunwari rito. Pero isang kondisyon ang hiniling niya, ang
hindi nito isiping nagkukunwari lang siya.
Kasabay niya itong
magtanghalian kanina, and he had to admit, he enjoyed her company. Masaya itong
kausap at marami itong plano para sa kwento nito. Ngunit sa isip
niya, gusto niya itong tulungan para na rin makalapit rito. Hindi niya talaga
alam kung anong meron sa dalaga na nakakuha ng interes niya. Nang maghiwalay
sila nito matapos ang tanghalian, saka niya na-realize ang pinasukan niya. Wala
siyang alam sa panliligaw!
Naramdaman niyang may
tumama sa likod niya dahilan upang mapalingon siya. It was his cousin’s Grey
shirt. Kakapasok lang nito sa locker room. Kasama niya ito sa soccer team.
“Mukhang kanina pa
okupado iyang isip mo, insan! May problema ba?” tanong nito.
“Yeah, I think so.
Matanong ko lang, have you ever courted a girl?”
Kunot-noong binalingan
siya ni Grey. “This face?” itinuro nito ang mukha, “people don’t expect a man
with this face courting a girl, Blue! Sila ang lumalapit sa akin. Sila ang
nanliliga—aray!”
“Kayabangan mo, Grey!
Lagpas sa langit na naman!” biglang singit ni Henrick na kakapasok lang.
Boyfriend ito ng kaibigan ni Audrie na si Justine.
“Bakit? Totoo naman, ah!
Tell me, Blue. Ikaw ba nasubukan mo ng manligaw? Hindi rin ‘di ba? Wala sa lahi
natin ang nanliligaw ng girls.” Nakangising wika ni Grey.
“Teka, bakit niyo ba
napag-usapan ang panliligaw? May liligawan ka ba, Blue?” baling sa kanya ni
Henrick.
Umiling siya saka
tumango.
“Ano iyon? Oo na hindi?
Gulo mo rin, pare!” ani Henrick.
“Well, kasi I’ll be
courting Audrie. Pero kunwari lang. Humingi kasi siya sa akin ng tulong at iyon
nga, gusto niyang ligawan ko siya. I just don’t know how to start.”
“O-oh!” Sabay pang
napakunot ang noo ng dalawang binata. Tila hindi nito agad nakuha ang sinabi
niya. Kaya napilitan na rin siyang ikuwento rito ang usapan nila ni Audrie.
Saka baka makatulong rin ang mga ito sa kung anong dapat niyang gawin.
“So you mean, you’ll be
courting Audrie, but no feelings involve?” tanong ni Henrick.
Tumango siya.
“Mukhang ang hirap naman
niyon, pare! Hindi kaya ng talino ko! Ikaw na ang bahala mag-isip.” Tumawa ito.
“Layas na ako, baka hinihintay na ako ni Justine kina Audrie,” paalam ni
Henrick saka ito lumabas ng locker room.
“Ako rin, aalis na! May
date pa ako, eh!” paalam naman ni Grey na tinapik muna siya sa braso bago ito
lumabas.
Nang maiwang mag-isa ay
naisipan na rin ni Blue na umuwi. Pagdating niya sa kanila ay naabutan niya ang
kanyang lolo sa sala. Abala ito sa pagbabasa ng libro. Iyon na ang naging
libangan ng kanyang lolo simula ng magretiro ito bilang CEO ng kumpanya ng
pamilya nila. Lumapit siya rito saka rin niya naalala ang tungkol sa
panliligaw.
“Busy reading again,
Lo?” Nagmano siya rito saka ibinaba ng abuelo ang librong binabasa.
“Alam mo namang
gugustuhin ko pang magbasa kaysa magliwaliw sa mundo at magwaldas ng pera,
Blue. Lalo pa’t hindi ko na rin naman makakasama ang lola mo.”
Bahagyang napangiti siya
sa sinabi ng kanyang lolo. He knew how his grandfather loved his grandma so
much. Pero dahil sa sakit na cancer ay namayapa na ang kanyang lola dalawang
taon na ang nakalipas. “Si Lola lang naman kasi ang nakakapilit sa’yo na
bumyahe at magbakasyon.”
“Tama ka. Para ano
pa namang magbakasyon ako kung hindi ko kasama ang mahal ko, right?”
Tumango siya. “Lo, how
did you start courting Lola before?”
Umugong ang malakas na
tawa nito sa buong sala, “And since when did you start to care about courting,
Blue? Ah, siguro tama ako. You’re not like your cousin, Grey.”
“Aww! Huwag mo akong
i-kumpara sa kanya, Lo. Just tell me your story.”
Saglit na nag-isip ito
bago muling bumaling sa kanya. “As far as I remember, I started it through
sending her letters. Yes, yes... letters. Dati kasi, ang mga babae gusto iyong
mala-makata ang dating.”
Nagsimulang magkuwento
ang lolo niya, and he listened attentively. Nang matapos naman ito, kahit
papaano ay nagkaroon na siya ng idea kung paano sisimulan ang panliligaw kay
Audrie. Susulatan niya si Audrie. Damn! I never thought I’ll be doing
this for a girl. To think that for her, this will be just an act and no feeling
involve!
Nang mga sandaling iyon
ay gusto niyang magalit sa sarili kung bakit pa siya pumayag sa gusto nito. He
could have just courted her without that damn story! Hindi pa siguro siya
mahihirapan sa tuwing maiisip niyang pagkukunwari lang ang lahat. Ang alam lang
niya, there’s something in Audrie that really made him feel different about
himself. It’s like he’s totally far from his old self.
“Hi, Blue! Busy ka, ah!”
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Blue at nakita ang nakangiting si Audrie sa
harap ng table na pinuwestuhan niya. Kasama nito si Micheal. Alas dos nang
hapon kaya walang masyadong tao sa gawing iyon ng building.
“A-ah…” napatingin siya
sa papel na nasa ibabaw ng mesa. Tarantang nilukot niya iyon at ipinasok sa
bag. “H-hindi. I-I was busy doing our assignment,” pagsisinungaling niya.
Alangan naman sabihin niya rito na abala siya sa paggawa ng love letter para
rito.
“You crumpled your
assignment?”
“Mali kasi iyon.
Scratch lang iyon. Why don’t you both sit down first?” Mabilis siyang tumayo
para ipaghila ng upuan si Audrie. Nakita pa niya ang pagngiti nito sa ginawa
niya.
“Ay, hindi na ako uupo.
Aalis na lang ako para hindi masira ang moment niyong dalawa,” ani Michael saka
binalingan siya. “Blue, ingat ka d’yan sa friend ko. Babush!” Iyon lang at
mabilis na itong umalis. Ngayong sila na lang dalawa ni Audrie ay natataranta
na naman siya.Kelan ka pa nataranta sa presence ng isang babae, Blue?
“Wow, Blue! Nice drama!
Muntik na akong maniwala na talagang tensed ka sa presence ko. Ganyan ba talaga
ang mga lalaki kapag nasa paligid ang nililigawan nila?”
Natigilan siya. Is he
that obvious? And is he that stupid to forget that everything is not true? He’s
just helping this girl to make her story. Bahala na nga! Everything
for the girl I love. Wait, did he just thought about love?
Bahala na talaga!
“Hindi ba sabi ko sa’yo
na huwag mong isiping drama lang ang lahat ng ito? I’m doing this to help you,
so please cooperate,” ani Blue kay Audrie. Mukhang seryoso nga ang binata sa
pagtulong sa kanya.
“Sorry naman. Hindi na
mauulit, promise! Naninibago lang kasi ako. I’m not used to this.”
“Wait,” may kinuha itong
kung ano sa bag nito. Isang maliit na notebook at ballpen. Teka, sino ba ang
writer? Siya o si Blue? Gusto niyang matawa pero pinigilan na lang niya. “Okay,
tell me what’s your favorite color.”
Diretsong napatingin
siya rito at tuluyan nang pinakawalan ang isang malakas na tawa. “Are you
serious on asking me that, Blue? Baka sunod mong itatanong ang zodiac sign,
likes at dislikes ko?”
“Ano bang masama sa
tanong ko? I just wanna know more about you.”
“You seem to act like a
girl. Ganyan ba talaga manligaw ang isang Blue Saavedra?” Looking at him now,
tila hindi rin ito kumportable sa ginagawa nito pero natutuwa siyang asarin
ito. Nabanggit kasi sa kanya ni Henrick na nagtanong umano ito tungkol sa panliligaw.
“Damn! Why don’t you
just tell me what I wanna know? Pakialam mo ba if I’m acting like a girl? I
wanna know things in my way. And this is my way of knowing things, so if you
can’t stand it, just go and look for another man who could help you!”
Napatanga siya sa
mahabang litanya nito. Galit ba ito? “Blue,” tanging naisambit niya.
“What?!”
“Blue ang favorite color
ko! Satisfied?” She rolled her eyes. “Init ng ulo ng lalaking ‘to.” Bulong niya
sa sarili.
“May sinabi ka pa?”
“Wala! Next question
please.”
“Ano iyong mga gusto mo
at ayaw mo?” tanong nito bago tila may isinulat sa notebook nito.
“Gusto ko? Hmm.. Ikaw.
Ayaw ko ng iba.” Nakangising sagot niya rito. Saka niya sinalubong ang masamang
tingin na ipinukol nito sa kanya.
“Seriously, kung ayaw
mong tulungan kita, just tell me.”
She just smiled at him
sweetly at wala nang sinabi ba.
No comments:
Post a Comment