Blue's Confession: Chapter 4


“Since when did you start writing stories, Audrie?” Napatingin siya kay Blue na kasama niyang naglalakad sa loob ng campus ngayon. Naisipan nilang lumipat sa Mini Forest ng SJA dahil mas mahangin at mas maaliwalas ang ambiance roon.
“Noong nag-request si Justine na isulat ko iyong story nila ni Henrick. Bakit mo naman naitanong?”
“Curious lang. Naisip mo rin bang gawan ng love story ang sarili mo?”
Natawa siya sa tanong nito. “A love story for myself? Oo naman, naisip ko rin iyon. Pero kasi kapag kwento ng love life ko ang gagawin ko, gusto ko true story, eh. Since wala rin naman akong love life, wala rin akong maisusulat.”
“Paanong wala kang love life? Siguro tinatarayan mo ang mga may gusto sa’yo,” anito.
“Blue, unang-una hindi ako mataray at pangalawa walang nagkakagusto sa akin. Kung meron man, ipagdarasal kong lumapit na siya sa akin at magtapat!” Sinabayan niya ng tawa ang sinabing iyon.
“You know what, I’m fond of reading stories. Kahit iyong mga tagalog pocketbooks hindi ko pinapalagapas, and it’s really funny to think that behind those love stories are authors who don’t even have a love story of their own, parang ikaw.”
“Sige lang, Blue. Ipamukha mo pa sa akin na wala akong love life. May araw ka rin sa akin!”
Ito naman ang tumawa. “Hey, hindi naman sa gano’n! Sige na nga, let’s not talk about it. Eto na lang, paano mo gustong ligawan ka?”
Napatingin siya rito. Nakarating na sila sa Mini Forest at doon pumwesto sa paboritong tambayan niya. Umupo muna siya bago nag-isip ng isasagot sa tanong nito.
“Hindi ko rin alam, eh. Ikaw ba paano ka manligaw?” tanong naman niya rito.
Umiling ito saka nagkibit-balikat. “We’ll find out!” Nagkatawanan na lang sila sa sagot nito.
Ilang saglit pa ay humingi ito ng papel sa kanya. Akala pa man din niya ay magsusulat ito pero itinupi nang itinupi lang nito iyon hanggang sa may nagawa itong kung ano. Nang matapos iyon ay nakangiting tumingin ito sa kanya at ibinigay ang ginawa nito.
“For you, Audrie,” anito sabay lahad ng isang papel na rosas. Hindi niya napigilan ang mapangiti at kiligin. “This is all I have for now, but I promise to give you a real one.”
Tinanggap niya iyon. “Thanks,” tanging sagot niya. Pakiramdam pa niya ay pinamumulahan siya ng pisngi nang mga sandaling iyon.
“You’re blushing.”
“Yeah, pakiramdam ko nga! Nakakahiya,” aniya sabay tawa.
Natawa na rin Blue dahil yata sa kalukringan niya. “You’re really funny. Hindi mo naman kailangang mahiya. I told you, think of everything we’re doing like it’s true. No pretensions.”
Tumango siya. Ang hirap talagang hindi niya isipin iyon. Baka masaktan lang siya sa huli kapag magising siyang in love na rito at maaalala niyang walang katotohanan ang lahat.
Halos isang oras din silang tumambay roon bago naghiwalay para pumasok sa kanya-kanyang klase. Matapos ang kanyang huling subject ay umuwi na siya agad at itinext na lang si Micheal na nauna na siyang umuwi rito. Pagdating sa kanilang bahay ay diresto siya sa kanyang silid. Doon napangiti siya nang makita sa kanyang kama ang stuffed toy na binigay sa kanya ni Blue na pinangalanan din niyang Blue.
Umupo siya sa kanyang kama ay inilatag ang mga gamit roon. Kinuha niya ang rosas na papel na bigay sa kanya ng binata at inilagay iyon sa ibabaw ng kanyang study table. Kinikilig na naman siya nang maalala ang naging tagpo kanina.
Kahit kailan ay hindi pa niya naranasan ang ganitong pakiramdam ng pagkakilig. Kinuha niya ang kanyang laptop at mabilis na binuksan iyon. Susubukan na niyang gumawa ng kwento pero ilang minuto na rin siyang nakatanga sa screen at wala man lang siyang naiisip na tipain.
“Ano ba naman ‘to? Wala man lang akong nagawa kahit konti.” She sighed at checked her cellphone. Naka-silent iyon dahil galing siya sa school kaya hindi niya napansin ang ilang mensaheng natanggap at ang limang missed calls. Hindi naka-register ang number kaya ang messages naman ang tiningnan niya.
“Hey! It’s me, Blue. I got your number from Micheal. Are you going home now? Baka pwedeng ihatid na kita?”
“Hey! I was calling you but you’re not picking it up. Ayos ka lang ba?”
“Are you home now? I’m outside your house.”
Mabilis siyang tumayo at patakbong nagtungo sa bintana. Sumilip siya roon at tiningnan kung naroon pa si Blue. Pero hindi niya ito nakita roon. She checked the details of the message. Thirty minutes na pala ang nakaraan bago niya nabasa ang mensahe nito. Bagsak ang balikat na maglalakad na sana siya pabalik sa kanyang kama nang makarinig siya ng busina ng kotse.
Napasilip siya ulit at nakita si Blue. Hindi niya napansin ang kotse nito na nakaparada sa labas ng bahay nila. Ewan ba niya pero mabilis pa sa alas kwartong nagbihis siya at lumabas ng bahay nila. Pagkalabas niya ay nasa labas na rin ng kotse nito si Blue at hinihintay siyang makalapit.
“Akala ko wala ka pa bahay niyo kasi kanina pa ako nag-text at tumatawag,” nakangiting wika nito pagkalapit niya rito.
“Naka-silent kasi iyong cellphone ko. Sorry to keep you waiting. Bakit nga pala naparito ka?”
May dinukot ito sa bulsa at ibinigay sa kanya. “It’s my cousin’s birthday tomorrow and I asked her if I could invite you, pumayag naman siya and I am hoping you’ll go with me.”
Binuksan niya ang maliit na sobre at kinuha ang invitation na naroon. Debut ng pinsan nito bukas. Napaisip tuloy siya kung papayag siya o hindi. Sigurado siyang puro sosyal ang naroon dahil sa pagkakaalam niya, iba sa mga pinsang babae ni Blue ay sa mga exclusive schools nag-aaral.
Napakamot siya sa kanyang ulo. “Ah, kasi Blue… kahit naman gustuhin kong pumunta, wala rin akong isusuot, eh. Pasensya na talaga, hindi ako makakasama sa’yo.”
“Isusuot? Wait,” anito saka may kinuhang isang paper bag sa kotse nito at inabot sa kanya. “I bought you this. Naisip ko nga rin na baka hindi ka sumama dahil wala kang isusuot.”
Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Paanong nakabili ito agad, saka bakit hindi nito iyon sinabi sa kanya kaninang magkasama sila. Talaga ngang may sarili itong paraan.
“Naku naman, Blue! Bumili ka pa? Hindi ko matatanggap iyan! Hindi bale, sasama ako at maghahanap na lang ako ng mahihiraman ng damit,” tanggi niya sa binibigay nito.
“You don’t have to. Heto nga at binilhan na kita di ba. Regalo ko na ito sa’yo. Saka na-check ko na ito, feeling ko naman kasya ito sa’yo,” nakangiting wika nito. “Take it.”
She sighed. “Makakatanggi pa ba ako? Ikaw talagang bumili nito?”
“Si Peach ang pinabili ko kanina nang maghiwalay tayo. Pinahatid ko lang sa bahay.”
Namilog ang mata niya sa pangalang binanggit nito at muling tiningnan ang invitation. “Ang may birthday bukas ang pinabili mo? Naman!” abot langit na ang hiya na nararamdaman niya.
“Oo. Basta mag-attend ka bukas, ha? I’ll pick you up at seven p.m.,” anito saka nagpaalam sa kanya. “I have to go. May practice game ulit kami. See you, tomorrow!” Pumasok na ito sa loob ng kotse at ini-start iyon. Ilang sandali pa ay nakaalis na ito. Sinundan na lang niya ng tingin ang papalayo nitong kotse.
Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay agad niyang tinawagan ang kaibigang si Micheal at ikinuwento rito ang pag-anyaya sa kanya ni Blue.
“Wow naman friend! Sigurado ako, maraming fafa sa party na iyan. Paki-tanong naman kay Blue kung pwede akong sumama. Ha-ha!” ani Michael na nasa kabilang linya.
“Loka! Gusto mo ikaw na lang ang mag-attend? Heto at may nakahanda na ring damit para sa’yo,” sagot naman niya.
“Nakakawindang naman palang suitor iyang si Fafa Blue, ano? Noong isang araw lang nakipag-deal ka sa kanya, ngayon niyaya ka na agad sa isang date.”
“Anong date? Birthday party ang pupuntahan namin. Saka nakakahiya nga, eh. Baka ma-out-of-place lang ako bukas,” aniya.
“Naku, girl! Huwag kang mag-isip ng ganyan. Sigurado ako hindi ka papabayaan ni Blue doon. Kaya huwag ka ng mag-alala riyan. Okay? Bye bye na at may gagawin pa ako.”
Napatingin siya sa dress na binigay sa kanya ni Blue. Maganda iyon at kulay peach. Iyon kasi ang motif sa party ng pinsan nito. “Okay. Sana nga. Bye.” Iyon lang at tinapos na niya ang tawag.
Kinabukasan, mag-a-alas sais na ng hapon pero hindi pa rin siya naghahanda para sa party na pupuntahan. Kaninang umaga ay nag-bake siya ng brownies para ibigay sa pinsan ni Blue. Iyon na lang ang regalo niya rito. Naabutan siya ng kanyang ina sa kanyang silid na nakatanga lang sa salamin. Naiisip pa rin niya na hindi na lang tumuloy sa pagdalo sa party.
“Oh, anak. Bakit nakatunganga ka pa riyan? Akala ko ba may dadaluhan kang party ngayon at alas syete dadating ang sundo mo? Dapat naghahanda ka na,” wika ng kanyang ina na kumuha ng suklay at inayos ang kanyang mahabang buhok.
“Kasi Ma, parang ayoko na pong tumuloy. Nakakahiya naman kasing puro mayaman ang mga kasama ko roon. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga kasosyalan na iyan,” aniya rito.
Napangiti lang ang kanyang ina at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kanya. “Naku naman anak, minsan ka nga lang pumapayag na dumalo sa mga ganyang party, eh magba-back-out ka pa? Ang mga ka-edad mo, gustong-gusto ang mga party, pero ikaw mas pipiliin mo pang magmukmok sa harap ng laptop mo kaysa lumabas ng bahay.”
“Ayaw niyo iyon? Wala kayong problema kasi hindi ako gala katulad ng ibang teenagers sa panahon ngayon.”
“Kaya siguro hindi ka nagkaka-boyfriend, Audrie. Kulang ka sa social life.”
“Ma—a!”
Tumawa lang ang kanyang ina habang siya naman ay nakalukot ang mukhang tiningnan ito sa salamin. Itinuloy na nga nito ang pag-aayos sa kanya. Pagkatapos nitong ayusin ang buhok niya ay nilagyan na siya nito ng konting make-up sa mukha. Nang matapos ay napangiti na lang siya nang makita ang sarili sa salamin.
“Maganda rin naman pala ako, Ma, no?” nakangising aniya sa ina.
“Aba, oo naman! Mana ka kaya sa akin!” Nagkatawan sila ng kanyang ina. “Oh, siya, magbihis ka na at baka dumating na iyong sundo mo. Matanong ko nga pala, iyang susundo ba sa iyo ay boyfriend mo na?”
“Hindi, no! Kaibigan ko lang po si Blue.” Mabilis niyang sagot.
Saglit pa ay lumabas na ang ina nang marinig ang busina ng sasakyan ng kanyang ama. Siya naman ay nagbihis na rin. Talagang wala ng atrasan ang pagdalo niya sa party. Pagkatapos niyang magbihis ay tumunog ang cellphone niya. Si Blue ang tumatawag.
“Hello, I’m just checking if you’re ready,” anito.
“Yeah, I think so. Papunta ka na ba rito?”
“Yes, I’m on my way to your house. Kanina pa kasi ako kinikulit ni Peach na pumunta na raw. Sige, hintayin mo na lang ako d’yan. Bye.”
Napatitig siya sa kanyang cellphone pagkatapos ng tawag. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Ano ba ang meron si Blue at simula yata nang lapitan siya nito noon sa mall ay tila nagwawala na ang puso niya kapag naiisip niya ito.
Ilang sandali pa nga ay naroon na si Blue sa bahay nila. Tinawag siya ng kanyang ina nang dumating ito. Nanginginig pa ang paa na naglakad siya palapit rito. Lalo pa at ang gwapo nito sa suot nitong peach na long sleeve. Napangiti pa siya nang makita ito. At pinigilan naman niya ang matawa nang makita ang reaction ng kanyang ama.Nakakunot kasi ang noo nito at palipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Blue.
“Yes, I know I look silly with this peach long sleeve. Ang kulit kasi ng celebrant,” wika nito nang makitang tila natatawa siya.
“Hindi naman, bagay nga sa’yo, eh,” aniya bago binalingan ang ama. “And please, Dad, don’t look at me like that.”
“Sorry naman, anak. Akala ko naman kasi ay matotomboy na ang bunso ko,” biro nito.
“Oh, baka magsimula na iyong party ng pinsan mo, iho. Ingatan mo na lang itong dalaga namin, ha.” Magiliw na wika naman ng kanyang ina.
“Yes, I will keep that in mind, Tita,” sagot naman nito at humarap muli sa kanya. “Let’s go?”
Tumango siya at nagpaalam na sa mga magulang. Go, Audrie! ‘Wag kang kabahan. It’s just a party. Party! Party!


No comments:

Post a Comment