Ilang minuto din ang
naging byahe nila ni Blue bago narating ang venue ng party. Nang huminto na
sila ay mabilis at naunang bumaba ang binata para pagbuksan pa siya ng pinto ng
kotse. Naiilang lang tuloy siya sa ginagawa nito.
“Blue, you don’t really
have to do that,” bulong niya rito.
“You complain too much,
Audrie. Gentleman lang talaga ako,” nakangiting sagot naman nito sa kanya.
Nabigla lang siya nang
hawakan nito ang kamay niya at inilagay sa braso nito. Ngayon ay naka-abrasiete
na siya rito. At nasa ganoong ayos sila na pumasok sa malaking bakuran ng mga
Saavedra. Maraming bisita ang naroon at halos mabulag siya sa kulay peach.
Naramdaman niya ang
paglapit ng mukha ni Blue sa kanya na siyang ikinataranta niya. “I almost
forgot to tell you that really look beautiful tonight, Audrie.”
Naramdaman na niya ang
paglayo ng mukha nito saka niya ito binalingan. “Thanks, pero huwag mo ng ulitin
ang pagbulong mo ng ganoon, pwede?”
Kumunot ang noo nito,
“Why?”
“Kinikilabutan ako, eh.”
She grinned and he just laughed.
“Blue! Ang tagal niyo,
ha! Kanina ko pa kayo hinihintay,” salubong ng isang magandang babae na
nakasuot ng peach na gown. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang pinsan ni
Blue na si Peach.Hindi naman masyadong mahilig sa colors ang pamilya ng mga
Saavedra.
Maliwanag na maliwanag
ang malawak na bakuran ng mga Saavedra at feel na feel niya ang ang magandang
abience roon lalo pa at pakiramdam niya ay nasa peach world siya! Hindi
halatang maki-peach talaga ang celebrant!
“Hi, I’m Peach and I’m
Blue’s cousin. I’m glad you came, Audrie!” malambing na wika sa kanya ng dalaga
bago ito bumeso sa kanya at sa pinsan nito.
“Happy Birthday!” aniya
rito saka inabot ang regalo niya rito. “Pagpasensyahan mo na lang iyang gift
ko, ha. Ako lang kasi ang nag-bake niyan.”
“You bake?” sabay pang
sabi ng magpinsan at nagkatawanan ang mga ito.
Tumango siya.
“Wow! Anyway, thank you
at talagang nag-abala ka pa. Maupo na kayo,” ani Peach.
“Happy Birthday, couz!
Iyong gift ko sa’yo, nasa kotse,” ani naman ni Blue at kumindat pa.
“Yeah, fine! Pumwesto na
nga kayo at nang maka-upo na rin itong si Audrie,” sabi ni Peach at bumaling sa
kanya, “I hope you’ll enjoy the party, Audrie. Thanks again! Iwanan na muna
kita kay insan.”
“Sure. Happy Birthday
din ulit.”
Iginiya na siya ni Blue
sa bakanteng table. Pansin niya ang tingin na ipinupukol sa kanya ng ibang
bisita na naroon at lalo lang siyang naiilang.
“Relax, Audrie. Mga
mababait naman iyang mga kaibigan ng pinsan ko. And I’m here, hindi kita
iiwan.”
“Pasensya na talaga,”
tanging sagot niya.
Nagsimula na ang program
kaya naging abala na rin ang lahat. Natutuwa siya dahil totoo ang sinabi ni
Blue, mga mamababait nga ang bisita ni Peach. May iba nga lang na talagang
matataray pero hindi na lang niya pinansin. Tinupad rin ni Blue ang sabi nitong
hindi siya iiwan kaya kahit papaano ay na-enjoy na rin niya ang party. Mas
nagulat lang siya nang sa kalagitnaan ng party ay dumating ang mga kaibigan
niyang si Micheal at Justine.
“Bakit hindi niyo
sinabing pupunta kayo?” tanong niya agad sa dalawa.
“Sabi kasi ni Blue huwag
sabihin sa’yo at baka daw hindi ka sumabay sa kanya. Na-late pa nga kami kasi
itong si Micheal ang tagal magpaganda,” sagot ni Justine.
“Hey, guys! I’m glad you
came! Maiwan ko nga pala muna kayo, ha. Nandito na pala ang parents ko. Audrie,
pwede mo ba akong samahan?”
Nagulat siya. “Ha? Bakit
naman?”
“I just want them to
meet you,” anito.
“What? Adik ka ba? Eh,
daig ko pa ang girlfriend mo kung ipapakilala mo ako sa kanila. Ayaw ko!
Nakakahiya!”
“Ay, girl! Go na!
Ipapakilala ka lang naman as a friend. Assuming ‘to,” biro ni Micheal.
“Tsee! Sige na nga!
Lagot ka talaga sa akin, Blue!”
Tumawa lang ang binata
saka sila magkasabay na naglakad patungo sa kinaroroonan ng magulang nito. At
lumagpas pa sa langit ang hiya niya nang malamang hindi lang pala sa magulang
nito siya ipapakilala. Kundi pati na rin sa lolo nito at mga tito at tita. Blue,
kakalbuhin talaga kita pagkatapos nito!!!
“Kumusta naman manligaw
itong apo ko, iha?” tanong ng Lolo nito na siyang ikinagulat niya. Teka, kelan
lang ba sila nagsimula sa deal nilang iyon at parang alam na agad ng pamilya
nito?
“A-ah, ho? A-ayos naman
po.” She smiled. Hindi niya talaga alam ang sasabihin lalo pa at nakatingin sa
kanyang mga ito. “Saka napaka-gentleman naman po ng apo niyo.”
“Naku, Audrie. Sana hindi
ka binibigyan ng sakit sa ulo nitong binata namin,” ani ng ina ni Blue.
“Hon, wag mo namang
siraan itong anak natin,” wika ng ama ni Blue. Nagkatawanan lang ang pamilya
nito at si Blue naman ay napakamot sa ulo. Napangiti na rin lang siya dahil
mukha namang mababait ang mga ito.
Marami ang naging tanong
ng mga kapamilya nito sa kanya at sinagot naman niya ang mga iyon. Daig pa niya
ang nalagay sa hot seat dahil sa mangyaring interrogation. Kung alam lang ng
mga ito na hindi naman talaga seryoso si Blue sa panliligaw sa kanya. Ang hindi
lang niya maintindihan ay kung bakit kailangan pang ipakilala siya ng binata sa
pamilya nito.
Matapos ang kausapin ang
pamilya nito ay bumalik na sila sa table kung nasaan ang dalawa niyang
kaibigan. Nagkwentuhan rin silang magkakaibigan, in-enjoy ang masasarap na
pagkain at ang party. Muli ay nagpaalam sa kanya si Blue na may pupuntahan at
kakausapin lang saglit at hinayaan naman niya ito.
Natigilan lang siya nang
makitang isang maganda at seksing babae ang kausap nito. Malayo ang ayos ng
babae sa ayos ng mga bisitang naroon, but she managed to be confident and look
good. Naka-pony tail lang ang buhok nito, suot ang peach blouse at gray cargo
pants. Sa palagay niya ay kararating lang nito dahil hindi niya ito napansin
kanina.
Pansin pa niyang masaya
si Blue na kausap ang babae. Sino naman kaya iyon?
“Hi! You must be,
Audrie?” nakangiting tanong ng isang babae naka-suot ng fuchsia pink dress. You
must be fuchsia? “I’m Fuchsia, Blue’s cousin.” Tama nga ang nasa isip
niya!
“Yes, I’m Audrie. Nice
meeting you, Fuchsia, these are my friends, Micheal and Justine.” Nakipagkamay
naman rito ang dalawang kaibigan. “Upo ka.”
Umupo naman ito at
lumingon sa kinaroroonan ng pinsan nitong si Blue. “I bet you’re wondering who
that girl is. She’s Maricris, Blue’s first love but sad to say na hindi naging
sila.”
Tumango-tango siya. Kaya
naman pala masayang-masaya si Blue na kausap ito.
“Ang ganda niya girl,
talo ka na! Gusto mo uwi na tayo?” biro ni Micheal.
Natawa lang sa Fuchsia
sa hirit ng kaibigan niya. “No, don’t you worry, Audrie. She’ll definitely not
gonna snatch Blue from you. Aside from the fact that Maricris doesn’t like
Blue, she’s also a Saavedra, apo ng kapatid sa labas ni Lolo.”
“Ooohh, di nga?” sabay
pang sambit ni Justine at Michael.
Gusto niyang matawa.
Hindi niya alam kung bakit pero siguro dahil wala palang katuturan ang kanina
ay naramdaman niyang inggit sa babae. Akala pa man din niya ay may kung anong
namamagitan sa dalawa at tila nabunutan siya ng tinik sa nalaman.
“Yes and here they
come,” wika ni Fuchsia nang makitang papunta sa direksyon nila si Blue at
Maricris.
Pagkalapit ng dalawa ay
agad namang pinakilala sa kanya ni Blue si Maricris. Mabait ang dalaga at
sinabi pa nitong magta-transfer ito sa SJA next semester. Pareho pa ang kurso
nila at tiyak niyang magiging kaklase niya ito sa ibang subjects.
“It’s nice to meet you,
Audrie. I’m hoping we could be really good friends,” ani Maricris sa kanya.
“Same here,” matipid
niyang sagot.
Madaling araw na natapos
ang party at mag-aalas tres na nang ihatid siya ni Blue sa bahay nila.
“Blue, maraming salamat.
Nag-enjoy talaga ako,” aniya rito.
“I’m glad you enjoyed
the party. So I guess, you have to sleep now, mukhang inaantok ka na.”
Humikab siya. “Mukha
nga. Sige, ingat ka na lang sa pagmamaneho mo pauwi.”
Tumango ito. Saka bababa
na sana para pagbuksan siya nang pinto pero pinigilan niya ito. “Okay
na, Blue. You don’t have to do that all the time. You don’t really need to
impress me,” sabi niya rito at mabilis ng umibis ng kotse at pumasok sa loob ng
bahay nila.
Dumiretso siya sa
kanyang silid at ibinagsak ang katawan sa kama niya. Hinila niya ang
stuffed toy at inakap iyon. Hay! Blue, gusto kitang yakapin! Pero ito
na lang muna yayakapin ko, proxy mo!
Nakatitig lang sa kisame
si Blue at nasa isip niya pa rin si Audrie. Ilang araw pa lang
niyang nakakasama ito ay agad nang palagay ang loob niya rito. Parang gusto na
tuloy niyang sabihin rito na sana totohanan na lang ang lahat. Na
tuluyan ng kalimutan nito na tinutulungan niya lang ito.
Gusto niyang isipin nito
na seryoso siyang nanliligaw rito. Pero natatakot naman siya na iwasan nito, na
baka mabigla ito. Lalo pa at ang tanging dahilan kaya siya nilapitan nito ay
dahil sa humihingi ito ng tulong sa kanya. Para sa kwento nito. Nakatulog siya
sa isiping iyon.
Kinabukasan ay tanghali
na siyang nagising. Naligo muna siya bago tuluyang bumaba at lumabas ng bahay.
Hindi pa man tuluyang nakakalabas ay nakarinig na siya ng tawa ng mga babae na
sa tingin niya ay nasa hardin. Hindi nga siya nagkamali, ang ikinagulat lang
niya ay naroon din si Audrie.
“Good morning, couz!”
sabay pang bati sa kanya ni Peach at Fuchsia. Siyang dahilan upang mapalingon
rin sa gawi niya ang si Maricris at Audrie. It’s funny that his first love get
along just fine with Audrie. Napapangiti na lang sa tuwing naiisip niyang ang
first love niya ay pinsan lang din niya pala.
First year high school
pa lang din naman kasi siya noon nang makilala niya si Maricris at
hindi niya akalaing kamag-anak nila ito. Mabait kasi ito kaya nagustuhan niya
agad. Ngunit bukod sa pinsan niya pala ito ay wala rin itong kahit konting
gusto sa kanya.
“Seems like the party’s
not over, huh!” aniya sa mga ito.
“Obvious ba?” sagot ni
Fuchsia na lumapit sa kanya at bumeso. Ganoon din si Peach at Maricris, bumeso
sa kanya.
“Iyong isa ba riyan, eh
hindi bebeso sa akin?” nakangising tanong niya nang magtagpo ang mga mata nila
ni Audrie.
Umiling lang ito saka
niya tinabihan sa bench na inuupuan nito. “You’re here!”
Tumango ito. “Sinundo
kasi nila ako, eh. Ang kukulit ng mga pinsan mo. Hindi ako tinantanan hanggang
hindi ako pumayag na sumama sa kanila rito,” wika nito.
“Sinabi mo pa! Makukulit
talaga ang mga iyan.”
“Di bale nang makulit,
magaganda naman kami!” sabat ni Peach.
“You got it right, couz!
And we’re not just pretty, we’re also lovable,” si Maricris. Nagkatawanan ang
mga ito. Maging si Audrie ay natawa na rin.
“Can you go out with me
tonight?” tanong niya kay Audrie.
“Anong go out with you
tonight? Kami ang kasama ni Audrie tonight! Asa ka pa!” ani Maricris saka siya
tinapik sa balikat.
“Eh di sasama ako sa
inyo.”
“Huwag ka ngang kill
joy, insan. Gusto lang naming maka-get together itong girlfriend mo. I mean
soon-to-be-girlfriend. Welcome her to the family!” Peach grinned.
Napatingin si Blue sa
nakangiting si Audrie. Natutuwa siya na palagay na rin ang loob ng mga pinsan
niya rito at mukhang ganoon din si Audrie. Looking at her smiling face, he felt
like he wants to be the reason for her smiles. Kung kaya lang niyang sabihin
rito at hilingin rito na totohanin na lang ang lahat. Damn! What’s
happening to me? Napangiti na rin lang siya habang mataman pa ring
tinititigan ang dalaga.
No comments:
Post a Comment