Blue's Confession: Chapter 6


“Audrie, mag-enjoy ka lang, ha?” Napatingin siya kay Fuchsia na siyang nagsalita. “Mamaya open na ang stage for free jam.”
Tumango siya. Kung kagabi ay debut party ang dinaluhan niya, ngayon naman ay nasa isang girl’s night out siya kasama ang mga pinsang babae ni Blue. Kung nasaan man ngayon ang binata ay wala siyang ideya. Hindi talaga kasi pumayag ang mga pinsan nito na sumama ito sa kanila.
On stage ang Shmin Band na kinabibilangan ni Maricris. Hindi niya akalaing gitarista ng isang banda ang babae. Naiinggit tuloy siya rito dahil siya ay walang ka-talent-talent sa kahit anong musical instrument.
Inilinga niya ang tingin sa paligid ng music lounge na kinaroroonan nila. Maganda ang ambience at kahit maraming tao ay tila makakapag-emote pa rin siya doon kung gugustuhin niya. At saka iyon ang unang pagkakataon na napadpad siya sa ganoong lugar.
“Alam niyo, may isang tao sa music lounge na ito na napakatigas ang ulo,” ani Fuchsia.
Napatingin siya rito. “Ha? Fuchsia, ako ba ang kinakausap mo?” tanong niya dahil hindi naman ito sa kanya nakatingin at si Peach naman ay nasa stage lang nakatutok ang mga mata.
“Yes,” sabay harap sa kanya. “Hindi mo ba napapansin ang taong tinutukoy ko?”
Umiling siya saka muling inilinga ang tingin. “Hindi, eh.”
“I’ll tell you something,” inilapit nito ang mukha sa kanya, “Ilang araw na talagang nawiwirduhan kami kay Blue. Late at night before he sleeps, nagiging abala siya sa pagsusulat.”
“Baka naman gumagawa ng assignment?” aniya ngunit umiling lang ito.
“No. Sure ako hindi assignment iyon. And he never stares at someone the way he stares at you, girl. Noong isang araw naman, halos lahat ng lalaki sa pamilya, pinagtanungan niya ng tungkol sa panliligaw.”
Gusto niyang matawa, but deep inside her she was touched for Blue’s effort on helping her. Somehow, she’s thankful but she can also feel that she’s in big danger. Her heart is in danger of falling for him!
“Fuch, huwag mo namang ibuking iyong pinsan natin diyan kay Audrie,” awat ni Peach sa pagkukwento ni Fuchsia.
“Hindi ko naman bunibuking, gusto ko ngang sabihin sa kanya na huwag na niyang pahirapan ang pinsan nating matigas ang ulo, eh!” sabi ni Fuchsia at ngumuso. Tila may tinuturo ito kaya siya napabaling roon. And then her eyes caught Blue smiling at her. Hindi tuloy siya agad nakapagsalita nang makita ito.
“Sinabihan natin siyang hindi pwedeng sumama sa atin, hindi ba?” tanong ni Peach.
Tumango si Fuchsia. “Hayaan na lang natin. Nandito ang irog niya, eh! Hindi yata kayang mapalayo kay Audrie.” Tumawa pa ang dalawa.
Kung sana nga lang totoong hindi niya talaga kayang mapalayo sa akin. She smiled back at Blue na hindi man lang makalapit sa kanya. Nang i-announce ng vocalist ng Shmin na open na ang stage for free jam ay nagulat siya nang biglang magtaas ng kamay si Blue. Tila ba takot itong maunahan sa pag-vo-volunteer. What is it this time, Blue? Nai-excite niyang tanong sa sarili.
“Wow! May volunteer agad tayo. And for sure girls would love to take home this handsome lad! Come on up here, Blue!” ani Jean, ang female vocalist ng banda.
Nagtilian ang mga kababaihang naroon. Maging si Peach at Fuchsia ay napatili rin. Siya lang yata ang hindi magawang sumigaw at mag-cheer para sa binata. Tahimik lang at naka-pokus ang mga mata niya rito.
Kahit mabibilang pa lang sa daliri niya ang panahong nakasama niya si Blue, pakiramdam niya ay matagal na itong bahagi ng buhay niya. Hindi niya alam kung naninibago lang siya dahil ngayon lang niya naranasang laging may nakadikit na lalaki sa kanya. But the way Blue looks at her everytime there eyes met, it seems like there’s something he wants to tell her. Napailing siya. Nag-iimagine na naman yata ako ng impossible. He can’t be serious with all this.
Muli ay itinuon niya ang atensyon sa binata na kasalukuyang nasa stage. Hiniram nito ang isang gitara ng banda at pumwesto na sa gitna, sa tapat ng microphone, at sa harap ng maraming tao. Sandaling natawa ito at tumikhim bago tila kinakabahang nagsalit.
“Good evening everyone. Before I sing, there’s something I’d like to share to all of you,” he said and took a deep breath. “This week, I’ve been spending some time with this sweet girl. You know, she’s really funny and there are a lot of things I want to tell her, actually. I-I never thought that just by being with her in one day, it feels like I’ve been with her forever.”
“Parang bumabagal ang oras. And to tell you, she’s not my girl, but I do hope that one day, when I’d ask her the question… pray for me guys that she’ll say YES!” anito kasabay ng paghiyawan ng mga taong naroon. “So, this song,” tinutok nito ang mga mata sa kanya, “is for you, Ms. Writer.” Then he started stumming and began singing an unfamiliar song.
“When you look in my eyes, oh can’t you see? This unspoken love I have in me. For you this heart is beating, but you think I am just playing. Now all I want is for you to know, that I’m falling, I’ve fallen in love with you.”
Lalo siyang napatitig sa binata nang marinig ang bawat salita sa kanta nito. Pakiramdam niya ay kinakausap lang siya ng binata na para bang mahal talaga siya nito. She can’t help her heart from pounding so fast! She’s yelling inside and how she wished that everything is true! Kung bakit ba naman kasi angkop sa gusto niya ang lyrics ng kinakantang iyon ni Blue.
“Oh baby, I’m dreaming, I’m dreaming you’d say, that you love me too and stop this play. ‘ Cause I know from the start you thought this isn’t real. But hear my heart, baby it’s screaming your name!”This time she breaks her eye contact with Blue. Hindi na yata kaya ng puso niyang i-absorb pa ang bawat salita ng kinakanta nito. Lalo lang niyang hinihiling na magkatotoo ang mga iyon.
Matapos ang kanta ay lalo lang nagkagulo ang ibang kababaihang nagustuhan ang kanta ng binata. Siya naman ay naestatwa sa kinauupuan at hindi malaman ang sasabihin nang lumapit si Blue at inabutan siya ng isang long-stemmed red rose. Tinanggap naman niya iyon.
“Mukhang hindi mo nagustuhan ang kanta ko para sa’yo, ah. Hindi ba pasado iyon?”
“H-ha… A-ang galing mo nga, eh! Hindi ko alam may talent ka pala!” hindi makatingin rito na sabi niya.
“Oh, Blue… dahil hinarana mo si Audrie, sa iyo na siya ngayon!” ani Peach.
“Dapat lang!”
Ilang sandali pa ay silang dalawa na lang ni Blue ang naroon sa pwesto nilang iyon. Nakaalis na ang dalawang pinsan nito na marahil ay pinuntahan si Maricris. Nang bumaling siya kay Blue ay sinalubong siya ng nakakalokang ngiti nito! Lalo lang tuloy nagwala ang puso niya.
“Sana naman hindi ako siniraan ng mga pinsan ko sa’yo,” anito.
Pilit siyang ngumiti, “Hindi naman masyado. Thanks, Blue.”
“Thanks for what?”
“For doing that harana for me. First time ko iyon, eh!”
He smiled. “It’s also my first time to do such thing. Masaya pala.”
“Mukha ngang nag-enjoy ka. Feel na feel mo pa dahil halos lahat ng babae dito napatili when you started singing!”
“Yeah, I noticed that too. Pero naman iyong pinag-alayan ko ng kanta, walang emosyon!” patampong wika nito.
“Anong walang emosyon? Ako kaya ang may pinakabonggang reaction!”
“And what was it? Speechless, ganoon?”
Tumango siya. “You got it! Speechless ako dahil nag-uumapaw ka sa galing!” aniya rito at ngumisi. Speechless ako dahil mahal na talaga kita! Anong konek?
“Binobola mo na yata ako, eh!” Nagkatawanan na lang silang dalawa ni Blue. Ngunit natigilan siya nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok na tumabon sa mukha niya. It was the first time that a guy touched her face. Ganito ba talaga ang feeling? Na parang pati yata pisngi ko nanginginig! Stop it, Blue! Mababaliw na ako! Tila naman narinig ni Blue ang sigaw ng isip niya at ibinaba na nito ang kamay. Ano bang iniisip nito?
Nang lumalim na ang gabi ay hinatid na siya ni Blue pauwi. Paghinto ng kotse nito sa tapat ng bahay nila ay agad na bumaba na naman ito para pagbuksan siya. Hinatid pa siya nito hanggang sa tapat ng pinto ng bahay nila. Bago pihitin ang doorknob ay nilingon niya si Blue pero hindi niya inasahan ang sunod na nangyari.
Her face is close to his chest and she can almost hear his heart beat. Hawak pa nito ang kamay niya dahil hawak din nito ang doorknob. Nang mag-angat naman siya ng mukha ay sinalubong lang siya ng gwapong mukha ni Blue na nakatungo naman sa kanya. Lintik naman na puso ‘to! Pwede bang tumigil muna ito sa pagkabog ng bongga! Hindi tuloy niya alam kung ano gagawin nang mga sandaling iyon.
Lalo pa nang unti-unting nagiging malapit ang mukha nito sa kanya. Aatakihin na yata siya sa puso! Blue, kung hahalikan mo ko, go na please!!! At muling tila nabasa na naman nito ang isip niya nang maramdaman niya ang malambot na labi nito sa labi niya. Paano ba humalik pabalik?!? Pero bago pa man siya nakapag-isip ng sagot ay nag-angat na ito ng mukha.
“I hope that would help you with your story. Goodnight!” Iyon lang at agad na siyang tinalikuran nito. Lakad takbong tinungo nito ang kotse at agad ng umalis. Naiwan pa rin siyang tulala sa harap ng pinto. Help her with her story? Sinabunutan niya ang kanyang sarili.Ayan kasi! Nakalimot ka na naming drama lang ‘yon! Naramdaman niyang isang patak ng luha ang dumaloy mula sa mga mata niya.
Agad na siyang pumasok sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto niya. Binuksan niya ang kanyang laptop at nagsimulang magtipa. Hindi niya alam pero ngayon ay tila nakahibla na ang kwento sa utak niya at ang kulang na lang ay ang tipain iyon. She needed to finish the story as soon as possible. Habang kahit konti ay kontrolado pa niya ang kanyang puso.
“Damn it! Why can’t I just ask her to make this all true?? Inisang lagok ni Blue ang isang shot ng tequila. Asar na asar siya sa sarili dahil sa katorpehan niya! She had kissed Audrie a while ago and he felt like he wants to feel her lips again. At nang kantahan niya ito kanina, hindi niya mabasa ang reaksyon sa mga mata nito. That song was originally composed by him on the spot! Kung paanong nagawa niya iyon ay hindi niya alam. If it was magic, then let it be!
“Take it easy, Blue!” ani Grey na kasama niya nang mga sandaling iyon. “You know that all you have to do is just to say it!”
“And that’s my biggest problem! I can’t say it!”
“Mukhang seryoso ka na riyan, ah!”
“And I was like that when I was thinking of a way how to tell your mother that I love her, son.” Napalingon siya sa pinagmulan ng boses. It was his father. “I know you can do it, Blue. Ito lang ang paalala ko sa’yo, it’s not enough to just say it or show it, it should be both.”
“You’re right, Dad! Thanks. Maybe in time, masasabi ko rin sa kanya.”
“Teka, akala ko ba nililigawan mo na si Audrie?” nagtatakang tanong ng ama.
Grey laughed and looked at his father, “Tito, kasi po–,”
“Kasi hindi naman po niya talaga alam na nanliligaw ako sa kanya,” palusot niya.


No comments:

Post a Comment