Habang tumatagal ang
kunwaring panliligaw ni Blue sa kanya, lalo lang nahuhulog ang loob niya rito.
She had to admit that she had fallen for him so deeply. Nahulog siya sa kabila
ng katotohanang alam niyang drama lang ang lahat. Kahit ngayong nasa kalagitnaan
siya ng klase, hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na isipin kung ano ang
susunod na gagawin ng binata para sa kanya.
Nagawa na ng binata na
bisitahin siya sa bahay nila na tila totoong manliligaw. Halos araw-araw din
siya hatid-sundo nito. Marami na ring usisera ang nagtatanong sa kanya kung
boyfriend ba niya ang binata subalit wala siyang masagot. Kung sana lang
pwede niyang sabihing “oo”.
She smiled while
thinking of him, while thinking of one particular moment, the moment when his
lips touched hers. Wala yatang araw na hindi niya hiniling kay Bro na muli
siyang halikan ni Blue.
“Ehem! Kung hindi naman
kami nakakaabala sa pag-iisip mo, Miss Martinez, itatanong ko lang sana kung
may balak ka pang makinig sa klase ko.”
Gulat na napatingin siya
nagsalita. “A-ah… sorry po ma’am,” she grinned and showed a peace sign.
Umiiling na tinalikuran
siya ng guro. “Before I continue my discussion, I will just first give the
floor to our visitor,” dinig niyang sabi ng guro nila. So she just turned her
head to look outside the window. Tiyak niyang announcement lang ang sasabihin
ng kung sinumang bisita.
“Good morning everyone!”
Natigilan siya nang
marinig ang pamilyar na boses na iyon. She then turned back her head and— no
way! Si Blue! What the hell is he going to do this time?
“Pasensya na kayo, I
just can’t wait to give…” lumabas itong saglit at pagbalik nito ay may dala na
itong isang bouquet ng rosas at isang box ng chocolate, “to give this to the
girl who makes me very happy,” anito saka naglakad palapit sa kanya.
Pinandilatan niya ito
kahit alam niyang nakatuon ang mga mata ng lahat sa kanilang dalawa. Ngumisi
lang si Blue. Ramdam yata nito ang abot-langit na hiyang nadarama niya. Hindi
pa ito nakuntento at talagang lumuhod pa sa harap niya.
Nag-init ang kanyang mga
pisngi sa hiya at pakiramdam niya ay pinamumulahan na siya ng todo. Tinanggap
niya ang binibigay nito kasabay ng malakas na hiyawan ng kanyang mga kaklase.
Tumayo na si Blue at nginitian siya. Pagkatapos ay nilapitan na nito ang guro
nila at nagpasalamat rito saka lumabas ng classroom. Nang balingan naman siya
ng kanilang guro ay tinakip niya sa mukha ang bulaklak dahil sa sobrang hiya.
“You should have seen
your face kanina, Audrie!” Tatawa-tawang sabi ni Blue nang magkita na sila nito
sa Mini Forest.
Mahinang tinampal niya
ito sa balikat, “Loko ka naman kasi, eh! Hindi ko tuloy alam kung tinutulungan
mo ba talaga ako o pinagtitripan mo lang. Aba, napapadalas naman kasi ang
pagpapahiya mo sa akin!”
“Of course I’m helping
you. Gaya ng sabi ko sa’yo noong nagsisimula pa lang tayo, I want to
do it my way. So, kelan ko ba maririnig ang matamis mong oo?” he teasingly
smiled.
“Kapag naging totohanan
na ang lahat.”
“Really?”
“Yes, and I know
imposibleng mangyari iyon. But don’t worry Blue, I’m almost done with my story,
konting effort mo pa at matatapos ko na iyon.”
Sumandal ito sa puno,
“Well, how I wish wala na lang ending iyang story na sinusulat mo.”
“Sige ka, forever mo rin
akong liligawan kapag gano’n nga.”
“That’s very much fine
with me. Nag-e-enjoy naman akong ligawan ka.”
She let out a short
laugh, “You’re crazy, Blue!”
“Yes,” anito at mataman
siyang tinitigan, “I’m crary for you!”
Humagalpak siya ng tawa,
“Infairness, marunong ka na rin sa ganyang mga banat, ha!”
Natawa na rin ito, “Oo
nga. And to tell you, there are a lot of things na natutunan ko ng dahil
sa’yo.”
“And what are those
things?”
Ngumiti lang si Blue at
hindi sinagot ang tanong niya. Napaisip tuloy siya kung ano ang natutunan nito
sa naging samahan nila. Isa na siguro sa natutunan nito ang kung paano
manligaw.
“May game nga pala kami
sa Friday and I want you to watch, Aud. Alam mo na, for inspiration!”
“Ha-ha! Manonood talaga
ako. Sabi ko pa nga noon hindi ba, ako ang number one cheerer mo.”
He then pressed her
nose, “Aasahan ko iyan, ha! Kapag hindi ka nanood magtatampo talaga ako sa’yo.”
Hindi na naman niya
napigilan ang matawa sa sinabi nito. “Yuck! Hindi bagay sa’yo. Parang babae ka
na naman sa pagtatampo effect mo!”
“I still have something
to give to you,” binuksan nito ang bag at may kinuha roon. Nagulat pa nang
makita ang isang figurine na pormang isla at may nakasulat na “Audrie loves
Blue.” Is she that obvious para malaman nito ang nararamdaman niya?
“Wha—,”
“It’s not me. It’s your
favorite color. Ako mismo ang nag knead ng clay at gumawa niyan,” putol nito sa
sasabihin niya.
Napatango na lang siya
at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. Oo, paborito niya ang Blue at mahal
niya ang lalaking nagngangalang Blue.
That day, she received
at bouquet of roses, a box of chocolate and a figurine made especially by Blue. Doon nakakatutok
ang mga mata niya habang nag-iisip ng kasunod na eksena para kwentong ginagawa
niya. Konti na lang talaga at matatapos na niya iyon. Then she will thank Blue
and get rid of him. She had always thought that falling in love is never easy,
lalo pa at wala siyang ideya sa feeling ng taong minamahal niya.
“Girl, libre mo ako
pagkain, ha!” nakangising wika ni Michael sa kanya. Hinihintay nila si Justine
at magkasama silang manood ng soccer game. Inter-school tournament iyon at
kabilang ang team ng SJA sa mga kasali.
“Libre ka riyan! Kay
Justine ka magpalibre, maraming pera iyon! Nasaan na ba ang babaeng iyon?”
“Malay ko, baka
nagpapa-beauty pa! O, eto na pala,” ani Michael at kinawayan ang kaibigan.
Namataan rin niya ato at kumaway na rin. Nakita rin sila ni Justine at lumapit
na sa kanila.
“Pasensya na. Si Dad
kasi naghatid sa akin dahil nauna na si Henrick.”
“Keri lang, girl. Let’s
go na at baka magsimula na ang game ng mga fafa niyo!” Makulit na sabi ni
Michael at sabay na nga silang pumasok sa venue ng laro.
Naghanap sila nang
magandang pwesto at doon ay nakita rin niya ang mga babaeng pinsan ni Blue.
Napatingin siya sa field at naroon na ang mga players. Hinanap niya si Blue na
agad din naman niyang nakita. She smiled when he waved at her. Nakita din pala
siya nito.
“Haba ng hair mo, girl!”
Napangiti na lang siya
sa wikang iyon ni Michael. Ang totoo ay kinikilig siya. Pero hindi niya alam
kung bakit tila kinakabahan siya nang mga sandaling iyon. Naisip niyang baka
dahil nagsisimula na ang laro. But their team is doing well kaya wala siyang
dapat ikabahala.
Itinuon na niya ang
atensyon sa laro. She cheered louder than the others like what she promised to
Blue. Lalo pang napapalakas ang cheer niya kapag tumitingin sa gawi nila ang
binata. Nang matapos ang first half, lamang ang team ng SJA. Sinundan naman ng
mata niya si Blue ngunit mas naagaw ang pansin niya ng mga pinsan nito.
Si Peach at Maricris ay
kapwa may dalang remote control. Kinakalabit siya ni Michael pero hindi niya
pinansin iyon. Nang makita siya ni Fuchsia itinuro nito ang field at doon
nagulat siya sa nakita.
“Ikaw na talaga,
girl!!!” sabay pang sigaw ni Michael at Justine.
She looked at the field
and saw a banner with a caption, “I LOVE YOU, AUDRIE!” Nakalutang sa ere iyon
dahil sa dalawang may kalakihang laruang helicopters na sa tingin niya ay
siyang pinapalipad ng magpinsan.
Napatingin din siya kay
Blue at kahit sa malayo, kitang-kita niya ang abot-tenga na ngiti nito. Hindi
siya makapagsalita dahil wala siyang masabi. Ang mata ng mga nakakakilala sa kanya
ay talagang nakatuon na sa kanya. Dama niyang kinikilig ang mga ito sa
nasaksihan. Siya naman ay magkahalong kilig, kaba, takot at hiya ang nadarama.
Sino ba naman ang hindi
kikiligin sa sorpresang iyon? Hiya dahil sa pinagtitinginan na siya ng mga nakakakilala
sa kanya. Kaba at takot dahil iyon ang unang pagkakataong nag-I love you ang
binata sa kanya. Totoo ba iyon o pagkukunwari pa rin?
Nang balingan siya ni
Michael, she faked a smile at pinigilan ang luha na tila babagsak na. Ilang
sandali pa ay wala na sa gitna ng field ang banner at nagsimula na ang second
half.
“Girl, okay ka lang?”
tanong sa kanya ni Michael.
Hindi niya ito sinagot
saka siya mabilis na tumayo at nilisan ang lugar. Hindi niya alam na sinundan
pala siya ng kanyang kaibigan at pinigilan siya bago pa man tuluyang makalabas.
Tumulo na ang luha niya at hindi na niya iyon maitatago pa sa kaibigan.
Puno nang simpatya
namang niyakap siya ni Micheal. “Sabi ko naman kasi sa’yo, girl, eh. Huwag ka
ng umiyak.”
“Sorry, hindi ko lang
mapigilan ang maiyak. Micheal, in love na ako kay Blue.”
Matapos ang araw na iyon
ay tinutukan na lang niya ang pagtapos ng kanyang ginagawang kwento. Nanalo ang
team ng SJA nang araw iyon at masaya siya para sa tagumpay ng team ni Blue.
Nang magkita sila nito after that day, laking pasalamat niya na hindi nila napag-uusapan
ang tungkol sa banner na iyon. Ayaw din naman niyang magtanong kung totoo iyon
o kunwari rin lang. Baka masaktan lang siya sa magiging sagot nito.
They still spend some
time together, but unlike before, she now kept her distance. Sa tuwing malapit
na malapit kasi siya rito ay hindi niya maiwasang isipin kung mahal din siya
nito.
“Audrie…”
Napatingin siya sa
binata nang tawagin siya nito. Nasa Mini Forest na naman
sila noon dahil iyon na ang naging tagpuan nilang dalawa kapag wala
silang pasok. “Bakit?”
“Kapag natapos mo na
iyong ginagawa mong story, sabihin mo sa akin.”
Parang tinusok ang puso
niya sa sinabi nitong iyon. “Oo naman, bibigyan pa nga kita ng kopya hindi ba?”
pilit niyang pinasigla ang boses niya.
“Thanks. There’s also
something I want to give you, maybe not now but sooner.”
Tumango siya. “Okay.”
Napatingin siyang muli
rito nang bigla ay tumawa ito. Anong nakakatawa? “I’m not used to this. Ang
tahimik mo, something wrong?”
Umiling siya. “Ano ka
ba? Nag-iisip ako ng magandang ending nang story ko, kaya huwag kang maingay,
okay?” palusot niya.
“Sabihin mo naman kasi,
dapat kasali ako sa kwentong gawa mo, ha!”
Talagang kasali ka, ikaw
ang hero, eh! “Oo, kasali ka talaga. Ikaw iyong magbabalut na suki niyong
hero at heroine.”
Kunot-noong tiningnan
siya nito. “Magbabalut? Mukha ba akong magbabalut, sa’yo?”
Natawa na siya sa hirit
nito. “Hoy, pasimple ka lang kung makapanlait sa mga magbabalut, ha! Mayaman ka
na kasi sa totoong buhay, kaya try mo namang maging magbabalut kahit sa kwento
lang!”
“Ang sama talaga nito!
Just let me be your hero, baby!”
She laughed again. Ikaw
naman talaga ang hero! “Ayoko. Ikaw na nga sa totoong buhay, ikaw pa
sa kwento. Nakakasawa!”
“Talaga? Ako ang hero mo
in real life?”
Ha? Sinabi ko ba iyon?
Naman! “Oo,
super hero! Ikaw si Darna, eh!” walang kwentang palusot niya. Pero mainam na
iyon kaysa aminin niyang ito nga ang hero para sa kanya.
“Ngayon, sabihin mo nga
sa akin kung sino ang nangti-trip?”
Mataman siyang tinitigan
nito at nagtagpo pa ang mga mata nila. Nagflashback na naman sa isip niya ang
mga sweet na bagay na ginawa nito para sa kanya. This really has to end
cause I can’t take it anymore!!!
No comments:
Post a Comment