Blue's Confession: Chapter 8


Malapit na ang kanilang final examination kaya abala na naman si Audrie sa pag-aaral. Pagkatapos ng semester na ito ay isang semester pa at ga-graduate na siya. Maging si Blue ay abala na rin kaya minsan na lang kung magkita sila ng binata. Tapos na niya ang kwento at hindi niya lang alam kung paano sasabihin rito na pwede na nitong itigil ng kunwaring panliligaw sa kanya. Lalo pa't nahihirapan na siya sa tuwing naiisip pa lang hindi na niya ito madalas na makakasama.Masyado na nga yata talaga siyang attached sa binata.
Nasa library siya ngayon upang maghanda para sa kanyang isang exam. Mag-isa lang siya dahil may exam rin si Michael. Kinuha niya ang kanyang notebook at tsinek kung meron pa siyang hindi na-review sa mga ibinigay sa kanilang pointers para sa exam. Nang malamang wala na ay naisipan niyang magbasa na rin lang ng kahit anong libro.
Tumayo siya at nagtungo sa mga bookshelves. Nang kumuha siya nang isang libro, lumagpas ang tingin niya sa kabilang bahagi at naroon nakita niya ang nakangising si Blue. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya. Napailing na lang siya at binalik ang libro saka nagtungo sa ibang bahagi. Ganoon pa rin. Pagkakuha niya nang aklat ay naroon ito at mukhang inaatake ng kakulitan.
When she saw him again may hawak na itong isang malaking notebook na may nakasulat na “I MISS YOU.” She just rolled her eyes and tried to be snob. Sinusubukan lang niya kung kaya niyang tiisin ang binata pero sa huli ay bigo pa rin siya.
Nang magkatagpo na sila nito ay kulang na lang na yakapin niya ito ngunit alam niyang hindi niya talaga magagawa iyon. Kaya pilit na lang siyang ngumiti at sinuntok ito sa braso.
"Aww! What have I done wrong? Na-miss mo ako no?" he teasingly smiled.
"Anong miss? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Inirapan niya ito at naglakad siya pabalik sa pwesto niya kanina.
Sumunod sa kanya ang binata at naupo naman sa bakanteng upuan sa tapat niya. "Alam mo namang exam week ngayon. Pero talaga, seryoso ito," muli nitong ibinalandra sa kanya ang notebook.
Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya sa ginawa nito kaya nagyuko siya ng ulo. Nakakahiya na talaga sa binata kapag makita na naman siya nitong namumula. Tila isang simbolo iyon ng hindi niya maitagong pagkakilig. But she’s afraid that everything should be stopped before it would become harder for her to save herself, to save her heart. Kailangan na niyang sabihin kay Blue na tapos na niya ang kwento at itigil na nila ang pagkukunwari. She then took a deep breath and looked directly to Blue’s brown eyes.
“Blue, there’s something I needed to tell you.” Napansin niya ang biglang pagbabago ng reaksyon nito, tila ba nababahala ito ngunit nagpatuloy pa rin siya. “I—I wanna thank you and—“
“Maybe we’ll talk next time. I have to go.” Mabilis itong tumayo at hinablot ang gamit na nasa upuan. Naging maagap din naman siya sa pagsunod rito.
“Blue, I have to tell you this now!” Hindi niya napigilang lakasan ang boses kaya sinaway sila ng librarian. Napalingon sa kanya ang binata nang matigilan rin ito sa pagsaway ng librarian. Ngunit nang makabawi ay lakad takbo na naman itong lumayo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nilalayuan nito. Wala naman siguro siyang nagawang masama sa binata. Nang tuluyan na silang makalabas ng library ay napasigaw na talaga siya.
“Blue, ano bang problema mo? Will you stop getting away from me?”
Hinihingal pa siya at laking pasasalamat niya dahil huminto na rin ang binata. Looking at him now, she can’t read his expressions anymore. Naguguluhan siya dahil mukhang galit ito na ewan ba niya. But she needed to tell him!
Lumapit pa siya rito at seryosong itinuon ang mata rito. “I’m done with my story, Blue. I think you should stop doing sweet things and I also think it would be better for us to get rid of each other for now.” Halos pabulong na niyang saad. She nearly cried upon saying that. Surely this would be the end of her happy moments with Blue.
“Hell I care with your story! Your done with yours but I’m not done with mine!” mataas ang boses na tugon nito.
Naguguluhan na napatingin siya sa binata. Anong ibig nitong sabihin? “W-what do you mean?” Nauutal pa niyang tanong rito. Ngunit nagsalubong lang ang kilay ng binata at masamang tingin ang itinuon sa kanya. Teka, ano bang kasalanan niya?
“Damn it! You’re selfish and what you only think about is your story! Ngayong tapos mo na ang kwento mo, you’d tell me to get rid of you? What is that suppose to mean, Audrie? I’m not a thing that if you’re done using me, you could just throw me away!”
Nangingilid na ang luha sa mga mata niya. What is he talking about? She’s just doing it to save herself! To save her heart! Sasagot pa sana siya ngunit tinalikuran na siya nito at patakbong lumayo sa kanya. At noon nga ay hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha! She was just about to tell him what she really feels but he ran away.
Lakad-takbong nagtungo si Blue sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Pagkadating doon at pagbukas niya ng pinto ng kanyang kotse ay malakas niyang inihagis ang kanyang gamit at pumasok sa loob. Ini-start niya ang kotse at mabilis na nilisan ang campus. Never in his life had he thought he would feel this way.
Naiinis siya kay Audrie at naiinis siya sa sarili niya! Kung kailan tuluyan na niyang inamin sa sarili na mahal niya ang dalaga, ay saka naman sasabihin nitong iwasan na nila ang isa’t-isa. Naiinis siya dahil hindi niya makuha ang punto nito. Kanina ay sasabihin na sana niyang totohanin na lang nila ang lahat, but hearing what she said, he backed off! Hindi pa man siya umaamin, pakiramdam niya ay na-reject na siya!
Dumiretso siya sa ancestral house ng mga Saavedra at sa kanyang silid. Malakas na isinara niya ang pinto dahilan upang mabigla ang mga pinsang naroon. Masama pa rin ang loob niya sa nangyari. Napatingin siya sa pinto nang hindi inaasahang bumukas iyon. It was his cousins.
“Wow, Blue! Since when did you learn to close the door that way?” ani Peach na tila hindi makapaniwala sa inasal niya.
“Will you just get out of my room?”
“No! Not until you tell us what’s happening to you!”
He tried to calm himself. He was never like that. Ngayon lang yata siya nagalit ng ganito sa hindi matukoy na dahilan. Sa isip niya kasi ay si Audrie ang sinisisi niya. Pakiramdam niya ay walang halaga rito ang naging samahan nila. Pero sa puso niya, hindi niya masisisi ang dalaga dahil siya mismo ay pumayag sa gusto nito noong una pa lang. He took a deep breath and faced his cousins.
“She wants us to get rid of each other and I don’t get her point. I wasn’t even able to tell her I want to be with her always and I love her!  Damn! Bakit ba ang daling maging sweet sa taong gusto mo pero ang hirap palang sabihin na mahal mo siya?” He felt like he’s a girl confessing to his cousin’s what he really feels.
“Bakit hindi mo sinabi sa amin ang tungkol dito?” Itinaas ni Maricris ang isang journal na siyang ikinagulat niya. It was his journal at pinakialaman nito iyon. Mabilis niya iyong hinablot mula rito. Gusto pa sana niyang pagalitan ang mga pinsan pero para ano pa gayong nabasa na rin ng mga ito ang journal niya. Minsan talaga iyon ang ikinaiinis niya sa mga pinsan dahil mahilig itong makialam sa mga personal niyang bagay. Lalo na ang mga babaeng pinsan.
Umiling siya. “I just want to think that it’s all true.” Ibinagsak niya ang sarili sa kama at pumikit. “Can you do me a little favor?”
“Sure, couz!” sabay pang sagot ng tatlong babae.
“I want to be alone. Please lock the door when you leave,” aniya na agad namang sinunod ng kanyang mga pinsan. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay nagmulat siya at blankong napatingin sa kisame. All he sees is Audrie’s face with her sweet smile pasted on it. Napangiti na rin siya kahit papaano. Ano na nga ba ang gagawin niya ngayong gusto na nitong mag-iwasan sila?
Ang hindi alam ni Blue, ay bumubuo na ng plano ang kanyang mga pinsan para matulungan siya.
Hindi maawat ng mga kaibigan sa pag-iyak si Audrie. Kanina nang umuwi siya ay agad niyang tinawagan ang kaibigang si Micheal at Justine at pinapunta sa bahay nila. Pakiramdam niya ay kailangan niya ng magpapatawa sa kanya ngayon. She felt her heart turned into pieces as she watched Blue ran away the last time they talked. Pakiramdam niya ay iyon na ang huling pagkakataon na makakausap niya ang binata.
Kung iyon nga ang huli, thankful pa rin siya, na minsan sa buhay niya naramdaman niya ang pagiging sweet nito kahit pa drama lang ang lahat ng iyon. Those moments with Blue will be treasured in her memory forever. Sa ngayon ay haharapin niya muna ang kalungkutan ng katotohanang tapos na ang drama nila.
“Friend, tama na ang pag-iyak. Sasabunutan na talaga kita! Hindi ba dapat masaya ka na dahil maganda iyong naging output ng story mo?” wika ni Micheal na tila naluluha na rin habang kino-comfort siya.
“Oo nga naman, girl. Saka kung anuman iyong sinabi niya sa’yo kanina, hayaan mo na lang. Forget about it and look at the brighter side!” wika naman ni Justine.
“He told me I’m selfish! Siguro nga naging selfish ako, pero masama bang iligtas ko ang puso ko? Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang sarili kong ma-in love doon, eh!” Naiinis na rin siya sa sarili niya!
“Sabi mo nga lovable siya, hindi ba—aray!” Binatukan ni Micheal si Justine.
“Loko ka, girl! Nasasaktan itong friend natin! Huwag mo ng ipaalala sa kanya na lovable, gwapo at super sweet iyong si fafa Blue!—aray! Gumaganti ka pa, ha!”
Napangiti naman siya sa kalokohan ng dalawang kaibigan para lang mapatawa siya. She’s thankful to have such sweet and funny friends na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pa ang mangyari.
“Ayan, si Blue na lang muna ang yakapin mo!” ibinigay ni Micheal sa kanya ang teddy bear na noo’y bigay ni Blue. And upon seeing it, she smiled. Hindi na talaga niya maintindihan ang emosyong nararamdaman niya. Naiiyak siya at matatawa naman saka maiinis sa sarili. Nababaliw na ba siya?
“Friend, huwag ka ng umiyak, ha? Alam mo kasi, ang love parang algebra lang iyan! Hindi mo ma-gets!” ani Micheal na ikinatawa niya. Alam kasi nito na hate niya talaga ang algebra.
“Hindi naman, friend!” kontra ni Justine. “Ang love parang plastic balloon. Medyo mahihirapan ka sa umpisa, pero kapag nakagawa ka na talaga, eh maganda naman ang resulta.” Ngumisi si Justine.
“Eh, paano kung pumutok?”
“Eh, magsisimula ulit. Sabi nga nila lahat ng bagay ay may katapusan. Oo, tama sila. Pero hindi naman ibig sabihin niyon na kapag tapos na hindi pwedeng magsimula ulit hindi ba?”
“Drama mo, girl!” tanging sambit ni Micheal. Nagkatawanan na lang silang magkakaibigan.
Saka naman bumalik sa isip niya ang sinabi ni Justine. Tama nga ito. Maaring tapos na ang drama nila ni Blue pero hindi ibig sabihin niyon ay tapos na rin sila. Makakapagsimula pa sila ng bagong samahan, iyong wala ng halong drama at totohanan na. Pero paano mangyayari iyon kung kanina ay tila galit naman ito sa kanya? Dagdag pang isang araw na lang ay tapos na ang semester at baka hindi sila nito magkikita ng sembreak.
Bahala na! Kung kailan man madudugtungan ang storya nila ni Blue, eh hihintayin niya ang araw na iyon. Ipagdarasal na lang niyang may part two nga at wala ng ending pa dahil sila na talaga forever and ever!


No comments:

Post a Comment