Blue's Confession: Chapter 9


Matapos ang kanyang huling exam ay mag-isa munang naglakad-lakad si Audrie para libutin ang campus. Nagbabakasakali siyang makita niya si Blue. Kahit makita niya lang ito at hindi na makausap, masaya na siya roon. Kahit nalulungkot pa rin sa nangyari kahapon ay pinipilit pa rin niyang maging masigla. Noon pa man ay ganoon na siya. Ayaw niyang ipakita sa lahat na hindi talaga siya okay.
Natupad naman ang kagustuhan niyang makita si Blue, dahil naroon ito sa soccer field at mag-isang naglalaro. Sinisipa nito ng malakas ang bola saka tatakbuhin at sisipain ulit. Kinapa niya ang kanyang puso. Talagang ang binata na lang ang tanging hanap niyon. Hindi na niya namalayan ang pagpatak ng luha niya na agad din naman niyang pinahid gamit ang daliri. Hindi naman karamihan ang tao sa bahaging iyon ng lobby kaya malaya niyang napapanood si Blue.
“Haaay… ang emotera ko talaga!” nasabi na lang niya sa sarili.
Nasa second floor siya ng building kaya tiyak niyang hindi siya makikita doon ni Blue. Ilang minuto rin siyang naroon at pinanood ang binata hanggang sa naisipan niyang huwag na lang ituloy ang paglibot sa buong campus. Nakita na rin naman niya ang taong gustong makita. Tatalikod na sana siya nang maramdaman niyang may kumalabog sa likod niya at nang makitang soccer ball iyon ay humarurot na siya ng takbo.
Sigurado siyang iyon ang bolang ginagamit ni Blue at ayaw niyang makita siya nito doon kaya mabilis niyang nilisan ang kinatatayuan. Habol pa niya ang hininga nang huminto siya sa pagtakbo at masiguradong hindi na siya doon makikita ng binata. Hindi naman inaasahang makasalubong niya ang pinsan ni Blue na si Maricris. Tiyak niyang naroon ito upang asikasuhin ang pag-transfer sa SJA.
“Oh, bakit mukhang hinabol ka ng aso?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Nakita mo ba si Blue?” Tila hindi nito alam ang nangyari sa kanila ng pinsan nito.
Humihingal pa rin siya. “A-ah… hindi naman. Nag-jogging kasi ako.” She grinned. “Si Blue? Hindi ko nakita,” pagsisinungaling niya.
Tumango-tango ito na tila hindi naman kumbinsido sa sinabi niya.  “May exam ka pa ba?”
Umiling siya. “Katatapos lang kanina. Ikaw? Inaayos mo na ba ang mga enrollment mo?”
Umiling ito. Mali pala siya ng akala. “Hinahanap ko si Blue. Pauwi ka na ba?”
“Oo. Mauna na ako sa’yo, ha. Check mo sa soccer field baka naroon siya.”
Ngumiti ang babae at nagpasalamat sa kanya. Patakbong iniwan naman siya nito at nagtaka siya nang may nahulog na journal sa paanan niya. Tinawag niya ito pero hindi yata nito iyon narinig. Sinundan pa niya ito ngunit nang makita itong kasama si Blue na hawak-hawak ang bola ay napaatras siya. Saka na lang siguro niya ibabalik sa dalaga ang journal nito.
Pagdating sa bahay nila ay dumiretso siya sa kanyang silid at ibinagsak ang katawan sa kanyang kama. Niyakap na naman niya ang stuffed toy na binigay sa kanya ni Blue. Napaupo siya at nang balingan niya ang kanina’y dalang gamit napansin niyang bahagyang nakabukas ang journal na napulot kanina. Hindi rin sinasadyang nabasa niya ang nasa unang page niyon. “Letters To Audrie”
Suddenly, she felt her heart skipped and got the urge to read what’s inside the journal. Noon lang din pumasok sa isip niya na maaring kay Blue ang naturang bagay. She turned to the next page and saw her name again. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi niya matukoy na dahilan. Pero may munting tinig na nagsasabi sa kanya na basahin ang kung anumang nakasulat doon. She then took a deep breath and started to read it.
“Dear Audrie,
I saw you at the mall last time, and you were hugging that stuffed toy. I don’t know why, but I suddenly felt like I belong there… in your arms. So I came near that stall and bought Nicole the same stuffed toy so I could also buy you that one. At least, at night, when you’re hugging that toy, I would feel that you’re hugging me too. What’s with you to make me feel this way?”
Napangiti si Audrie nang mabasa ang unang bahagi ng sulat na iyon. Unti-unti ring nagbalik sa isipan niya ang araw na iyon. Ngayon nga ay yakap na niyang muli ang stuffed toy na tinutukoy nito. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa dahil pakiramdam niya kinakausap lang siya ni Blue. Kinakabahan man sa kung anong malaman niya matapos ang pagbabasa niyon ay itinuloy pa rin niya.
“Yesterday, you came to me and asked for help. You wanted me to court you… we’ll pretend to be courting you, to be exact. Funny, but I did say yes without even thinking that I don’t know how to court a woman. You see, I asked my friends, the male members of the family including my grandpa. He told me, he started with writing love letters.  So here I am now, writing to you. I don’t know if this letter goes right but I’ll try to make it look like a real love letter. Though I’m writing it in this new journal I bought a while ago. J
Hey there, Audrie! I like you a lot! How I wish I could just tell you that right away. But I can’t. So here I am again writing it here.” Natigilan siya sa nabasa. Blue likes her a lot!
“It’s been days since the last time I wrote to you. Audrie, you complete me. I don’t know when it all started but I really can’t last a day without the sight of your face now. It feels really good to be on your side all the time and tell you all those words coming from my heart. And just so you know, what you think is just an act; it’s all true for me. What I say and what I do… those sweet little things—”
Iyon lang? She turned to the next pages pero wala ng ibang nakasulat doon. Hindi niya maintindihan pero na-eexcite pa naman siya sa binabasa niya. Mahirap mag-assume pero pakiramdam niya ay pareho sila ng nararamdaman ni Blue. Bigla ay nagkaroon siya ng tapang na alamin kung anuman ang totoong nararamdaman nito sa kanya.
But what if that letter is just part of the act too? Willing ba siyang i-take ang risk kapag umamin siya sa binata? Paano kung… bahala na! She just erased the negative thoughts. Muli siyang napahiga sa kanyang kama at yakap-yakap ang journal ni Blue and she held it close to her heart. Nakatulog na siya sa ganoong posisyon.
Nagising si Audrie sa paulit-ulit na pagtunog ng kanyang ring tone. Someone’s calling her, and when she checked who, it was an unregistered number. Kinusot niya ang mga mata at sinagot ang tawag. Napabaling siya sa bintana at napansing madilim na pala sa labas.
“Yes, hello? Who’s this please?”
“Audrie, si Blue!”
Bigla ay dinagsa siya ng kaba sa dibdib hindi pa man naririnig ang kung ano pang sasabihin nang nasa kabilang linya. Subalit batid niyang hindi maganda iyon sa tono ng pananalita nito.
“Bakit? Anong nangyari sa kanya? Tell me, where is he?”
She felt her heart beat stopped nang mawala ang kausap sa kabilang linya. Anong nangyari kay Blue? Agad niyang inayos ang sarili. Pupunta siya sa bahay nito para alamin kung ano ang nangyari rito. Bahala na ang takot niya! Bahala na ang pride niya! Wala na siyang pakialam sa lahat ng iyon dahil mas importante sa kanya si Blue.
She tried to contact Blue’s cellphone but it’s out of coverage. Lalo lang tuloy siyang kinabahan. Pagkalabas ng bahay ay pasalamat siyang may dumaan agad na tricycle. Sinabi niya ang pupuntahan at nanalangin siyang sana ay walang masamang nangyari sa binata.
Malapit na siya sa lugar ng mga Saavedra at napansin niya ang mga decorations sa bawat puno. May mga series lights ang mga iyon na kulay Blue ang ilaw. Pasko na ba at ganito ang decorations dito? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Pero kahit papaano ay naibsan niyon ang kabang nasa puso niya.
“Ma’am, may mga bato pong nakaharang sa daan. Malayo pa po ba kayo mula rito?”
Napasilip siya sa kalye. May mga baton ngang nakakalat sa daan. Tiyak niyang sasakit lang ang ulo niya at mahihilo siya kapag ipipilit niyang padiretsuhin ang tricycle. Tutal ay malapit na rin naman siya ay napagdesisyunan niyang lakarin na rin lang ang patungo kina Blue.
“Lalakarin ko na lang po, Manong,” nag-abot siya ng bente sa driver at bumaba na ng tricycle.
Puno ng pagtatakang pinagmasdan niya ang daan. Puno nga ng decorations ang mga puno ngunit tila inulan naman ng bato ang kalye.Ano bang nangyari dito?
“Hey, anybody have seen my phone?” tanong ni Blue sa mga pinsan na nagtitipon-tipon video room. Nagtataka siya kung bakit naroon ang mga ito at pansin niya pang abala ang mga ito gayong ang sabi nito ay may lakad silang magpipinsan. Napatingin siya sa ibang TV monitor na naroon at tila tiningnan na rin niya ang buong ancestral house ng Saavedra. May naka-install kasing security camera sa buong kabahayan at maging sa labas. Kaya kitang-kita kung may mga taong dumarating o napapadaan sa labas kahit sa kalye lang basta sa labas ng mansyon.
Hindi yata narinig ng mga pinsan ang tanong niya kaya magtatanong na sana siyang muli nang mapansin ang pinagkakaabalahan nito. Sa isang TV monitor lang nakatutok ang mga mata nito, sa isang area kung saan nakikita ang labas ng compound.
“Why is she there?” tanong niya rito at nakangising humarap sa kanya ang mga babaeng pinsan.
“Cause she’s worried about you, Blue.” Si Fuchsia ang sumagot.
Kunot-noong tinuon niya ang tingin sa mga ito. Alam niyang maloko ang mga pinsang babae at kung anong gustong gawin ng mga ito ay ginagawa talaga nito. “Worried? Wala namang masamang nangyari sa akin, ah? Tell me, what have you done this time?”
“We’re helping our dear cousin, kaya kung ako sa’yo, Blue… Magpapa-gwapo na ako ng bongga at haharapin ang nag-aalala mong prinsesa. Face her Blue and tell her that you’re super as in super one million times in love with her!” ani Mariciris.
“Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko, umamin ka na! Alam naming takot ka lang ma-reject! Nangibabaw ang takot mo kaya hindi mo inamin sa kanya ang totoo! Sige na, Blue! Tama na ang mga walang kwentang tanong! Pa-gwapo ka na!”
“Gwapo na ako.”
“Eh, iyon naman pala. Ano pang hinihintay mo? Lumabas ka na kaya?”
He suddenly felt so excited. Tama ang mga pinsan niya. Takot siyang ma-reject at takot siyang malamang kung ano din ang nararamdaman ni Audrie. But he has to take his chances. Kanina nang sinadya niyang sipain ang bola sa kinaroroonan nito, alam na niya agad na iniiwasan siya ng dalaga dahil tumakbo agad ito palayo.
But this time, she’s outside their house and checking on him. Ano pa bang ibig sabihin niyon kundi ang nag-aalala din para sa kanya si Audrie. Binuhay ng isiping iyon ang loob niya. Palabas na sana siya nang video room nang may naalala.
“Teka, where am I going to confess to her? Sa kalye?”
“Ang arte mo! Problema mo na iyon. Kami na ang nagdala sa kanya rito, ikaw na ang bahala kung saan mo siya dadalhin kung gusto mong magpaka-romantic!”
Napakamot siya ng ulo. “Tutulungan niyo na lang ako, hindi niyo pa sinagad!”
“Eto naman, mag-effort ka naman, uy!” Nagkatawanan na lang silang magpipinsan at saka na siya tuluyang lumabas ng silid at lumabas ng bahay.
Panay pa rin ang pindot ni Audrie doorbell ngunit wala man lang nagbubukas ng gate para sa kanya. Kahit ano na lang tuloy ang pumasok sa isip niya. Na baka nasa hospital ang pamilya dahil isinugod doon si Blue o baka may mga hostage taker sa loob at si Blue ang hostage nila. Ano ba naman ‘tong mga iniisip ko! Saway niya sa sarili.
Pipindutin na sana niyang muli ang doorbell nang marinig niya ang tila pagbukas ng gate. Mabilis niyang tinakbo iyon at nagulat siya nang hindi inaasahang si Blue ang nabungaran niya. Humihingal pa ito at tila ayos naman ito. Ayos lang nga ba ito?


No comments:

Post a Comment