
Her hearts beating so
fast and she can’t help herself from looking at him. She can’t even turn her
eyes away from his because they’re both gazing intently at each other. Nanlaki
ang mata niya nang walang sabing kinabig siya nito at hinagkan sa mga labi. For
the second time, she felt his soft lips on hers. He gently moved as if waiting
for her to respond. Hindi man marunong kung ano ang tamang gagawin ay sinubukan
pa rin niya hanggang sa hindi niya mapigilan ang sariling mapakapit sa batok nito.
Now she thinks she’s
responding well to his kisses. Hindi man sabihin na mahal siya nito, sa halik
na pinagsasaluhan nila ngayon ay damang-dama na niya iyon. They shared a very
sweet and gentle kisses she never imagined she could have in her entire life.
When their lips parted, they had their moment of silence. Their eyes met and he
held her on his lean arms. Wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang gumanti sa
mahigpit na yakap nito. Hindi na rin niya napigilan ang pagpatak ng luhang
kanina pa niya pinipigilan.
She can hear his
heartbeat now. Tila kinakabahan rin ito. Ngunit kung anuman ang dahilan ng
kabang iyon, kailangan na rin niyang basagin ang katahimikang namamagitan sa
kanila upang maayos na ang lahat.
“Audrie—.”
“Blue—.”
Nag-uusap ang mga matang
nagkatitigan sila. Tumango ito na tila ba sinasabing siya na ang unang
magsalita.
“Someone called me and
sounded so worried about you that’s why I rushed here.”
He showed off his heart
thumping smile and touched her face. “That was my cousin helping me. Thank’s to
them and you’re here now.”
“Anong ibig mong
sabihin, Blue?” Gusto niyang matawa sa tinatakbo ng isip niya. Pakulo lang ba
ng mga pinsan nito ang pagtawag sa kanya at nagkunwaring nag-aalala upang
isipin niyang may masamang nangyari sa binata? Ibig sabihin din ba niyon
sinadya talaga ni Maricris na ihulog ang journal ni Blue sa tapat niya?
“Audrie… hindi ko alam
kung paano ako magsisimula pero kailangan mong malaman na—”
“Na gustong-gusto mo
ako?” Nakangiting dugtong niya sa sasabihin nito.
Umiling ito dahilan
upang masalubong ang kilay niya sa pagtataka. Nagkamali ba siya ng akala? Hindi
ba totoo ang mga nabasa niyang sulat nito? Assuming na naman ba siya?
“Not anymore, Audrie. I
don’t just like you now. Because you see, this man right in front of you is
super as in super one million times in love with you!”
Sunod-sunod na naman sa
pagpatak ang mga luha niya. Tama ba ang narinig niyang mahal na mahal siya ni
Blue? “W-walang halong drama?” Umiiyak pa rin niyang wika.
He dried her tears with
his fingers. “Walang halong drama, Audrie. I love you so much and I find it
hard to tell you that before. Though sinubukan ko iyon noong sa game namin, but
when I saw you left, akala ko nabigla kita. Akala ko ayaw mo sa akin.
Everything I did for
you… it was all from my heart and just pretended it was not. Araw-araw gusto
kong napapangiti kita. Gusto kong maging dahilan ng bawat pagngiti mo. You
know, this feeling is so new to me kaya hindi ko alam kung paanong ipaalam
sa’yo.” Ginagap ni Blue ang dalawang kamay niya at muli ay mataman siyang
tinitigan sa mga mata.
“When you told me to get
rid of you, inaamin ko nainis ako sa’yo at sa sarili ko. Dahil pakiramdam ko
wala na akong silbi sa’yo kaya tinataboy mo na ako. I’m sorry for thinking that
way.”
Pinilit niyang ngumiti
kahit naiiyak pa rin siya sa sobrang saya na nadarama. Blue is confessing his
love to her but she can’t even utter a word.
“God, Audrie! I love you
so much! Please say something. If you want me to court you forever, tell me and
I’ll do that for you! If you don’t feel the same way, I will patiently wait
hanggang sa mahalin mo rin ako.”
Napayakap siya sa binata
sa hindi mapigilang emosyon. “Loko ka! Hindi mo na kailangang gawin iyon. Dahil
mahal na mahal din kita Blue! Walang halong drama!”
Tuwang-tuwang niyakap
din siya ng binata. Hindi siya makapaniwalang pareho sila ng nararamdaman nito.
Hindi niya akalaing magiging masaya din pala ang love story niya at nakamit pa
niya ang hero na pangarap niya.
“Audrie?”
“Hmm?” She lovingly
looked straight at him.
“Can I change my
relationship status now?” nakangiting tanong ni Blue sa kanya.
Kunot-noong itinuon
naman niya ang tingin rito. “Bakit naman ako ang tinatanong mo?”
“Because I want it to be
in a relationship with, Audrie. Will you confirm my relationship request and
accept me to be your boyfriend?”
Hindi niya napigilan ang
sarili na mapatili sa tanong nito. Abot-langit na ang saya niya nang malamang
mahal siya nito at nadagdagan pa ngayong hinihiling nitong maging boyfriend
niya.
“Oo naman!” tanging
sambit niya at malugod siyang hinalikan ng binata sa mga labi. Buong puso naman
niyang tinugon iyon. Kami na talaga! Trulalu na ‘to!!!
“Talaga, girl? As in
totoong kayo na ni Fafa Blue at naagaw mo na talaga siya sa akin?” ani Micheal.
Natawa na lang si Audrie sa hirit nito. Sila na nga ni Blue at masayang-masaya
siya dahil doon. May isang bagay nga lang siyang nakalimutang ibalik rito noong
gabing naging sila. Ang journal nito kung saan nakuha niya ang lakas ng loob
umamin rito.
“Yeah, kaming-kami na
talaga!” puno ng galak namang tugon niya. Gabing-gabi na pero naroon pa rin sila
sa bahay nila Justine.
“Paano iyan, Micheal?
Ikaw na lang ang walang love life?” natatawa pang tukso si Justine sa kaibigan.
“Tseee!!! Makakahanap
din ako ng totoong magmamahal sa akin, no!”
Nagkwentuhan pa silang
magkakaibigan at kahit saan na umabot ang usapan nila nang biglang mag-ring ang
cellphone niya. Napangiti siya nang makitang si Blue ang tumatawag.
“Hello, can I disturb
you for a while?” tanong agad nito.
“Adik! Hindi ka disturbo
sa akin, no! Ano bang maipaglilingkod ko sa’yo kamahalan?”
“Baka pwedeng magkita
naman tayo ngayong araw.”
“Yes, saan ba?”
“Lumingon ka lang…”
Nang lumingon siya ay
hindi niya mapigilan ang mapangiti sa nakita. Tila punong puno ng mga bituin
ang langit pero tiyak niyang hindi mga bituin iyon. “Can you join me here
outside?” wika pa ng binata.
Hinanap ito ng kanyang
mga mata at naroon nga ito sa labas saka niya mabilis na pinuntahan ito. Hindi
mabura ang ngiti niya habang sinusundan ng kanyang mga mata ang nagliliparang
umiilaw na bagay sa ere. Nang tuluyan na siyang makalapit kay Blue ay noon niya
nalaman kung ano ang mga iyon. Sky lanterns. Kasama nito ang mga pinsan na
siyang nagsindi ng ilan na nasa ere na.
“Anong gimik na naman
ito, ha?” nakangiting tanong niya sa nobyo.
“Hmm… I just wanna make
a wish, girlfriend. And I want you to make a wish too.” Inabutan siya nito ng
marker ay masigla naman niyang sinunod ang lahat ng instructions nito. Sa
pinakamalaking sky lantern nila sinulat ang wish nilang dalawa.
Kung tutuusin ay wala na
rin naman siyang mahihiling pa dahil binigay na sa kanya ng Panginoon ang
binata. Kaya hiniling na lang niyang maging matatag sila sa bawat pagsubok na
pagdadaan nila sa pagdaan ng panahon. Sinindihan na nila iyon at ilang saglit
pa ay lumutang na nga sa ere ang pinakamalaking sky lantern sa lahat.
Sinundan lang nila iyon
ng tingin hanggang sa tuluyan na nga itong naglaho. Muli ay hindi niya
maipaliwanag ang sayang nadarama at ang tanging dahilan niyon ay ang binata na
nasa tabi niya. Nang bumaling siya rito ay may naalala siya.
“Blue, iyong journal mo
nga pala nasa akin,” nakangising aniya rito.
“Kaya naman pala
nawawala, eh. Pwede ko bang bawiin iyon?”
“Pwede bang huwag na
lang?” she smile sweetly and he gathered her in his arms.
Nagpa-cute ito. “Hmm… I
want it back, girlfriend. But don’t worry, I’ll give it back to you on our
wedding day.”
“Nasaan na ba iyong
boyfriend ko at nang makapag-moment naman kami?” Naagaw ang pansin nila sa
sinabing iyon ni Justine. Dahilan upang magkatawanan silang lahat nanaroon.
Hindi pa yata tapos ang gimik ni Blue dahil nagyaya pa itong pumunta sila sa
music lounge ng Vicky’s dahil manlilibre umano ito. Iyon pala, hindi pa ito
nakontento sa gimik nitong sky lantern at gusto pa nitong kumanta.
Nang mag-open na ang
stage for free jam ay agad na naming nag-volunteer ang nobyo. Tuwang-tuwa naman
siyang pinagmasdan ito sa stage. Nagulat lang siya nang tawagin siya nito upang
samahan ito sa stage. Pinaunlakan naman niya ito.
“Hey guys! I’m back at
this stage again. But this time, I’m with the very special girl in my life,
Audrie. Now, I’ll be singing a song and sana lang… she’ll sing with
me.”
Nagsigawan ang mga tao
at naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya sa hiya. She felt Blue’s hand
held her’s tightly as the intro of the song started playing.
“Lying here with you
listening to the rain. Smiling just to see the smile upon your face. These are
the moments I thank God that I’m alive. These are the moments I’ll remember all
my life. I found all I’ve waited for. And I could not ask for more.”
Lalo lang nagtilian ang
mga tao nang sa second verse ay napakanta na rin siya. Damang-dama na niya ang
pagkanta habang magkahawak ang kamay nila ng lalaking mahal niya. At sa huling
bahagi ng kanta ay nag-duet na nga sila.
“I could not ask for
more than this time together. I could not ask for more than this time with you.
Every prayer has been answere. Every dream I have’s come true. And right here
in this moment is right where I’m meant to be. Here with you, here with me.”
The song ended with a
kiss and crowd just even shouted for more. Napangiti na lang sila ni Blue sa
maraming tao at magkahawak kamay pa ring bumaba ng stage. And soon as they sat
down, he utter those words she loves to hear.
“I love you, Audrie.”
“I love you too, Blue.”
Wakas
Ate Clikki... Thanks 4 posting it too bad.. IS is closed :'(... I love ur story and Blue's Confession's ending.... :)
ReplyDeletethanks bhabylub for reading Blue's Confession.. :D --decision nila yun eh.. wala na tayong magagawa.. :(
ReplyDeleteate clikki, ang ganda naman! nakakakiligggg!!! Weeeee :) Audrie and Blue Forever :)
ReplyDeletehehehe... si Xeena at Grey kaya, kelan matatapos ang story nila?? hahaha... si Grey ang pinsan ni Blue... :D
Deleteganda kakilig ^_^
ReplyDeleteGALING! soooo awesome... I love you for making this :D
ReplyDeleteMORE! MORE! MORE! mmmore to come? and soon? SANA LANG! LOVES A LOT TO YOU & YOUR STORIES :DD
Whew!! Wahhhh!! Angkyut ng storyy kakakilig.. Nabasa ko na po ata to sa IS dati pero hindi pa po tapos nuon.. Yieeehhhh
ReplyDeleteyeah, hindi nga natapos yung posting nito sa IS kasi nag-close yung site.. kaya pinost ko na dito.. thanks for reading, Linsey!
Delete