Prologue
"Hindi ko inaasahan na mangyayari sa atin to Martin!" sagot nya sa kausap sa kabilang linya, kasabay nun ay naramdaman nyang parang dinudurog ang kanyang puso dala na rin ng sobrang sakit na kanyang nadarama nang mga sandaling iyon.
Bigla rin siyang nakadama ng lungkot sa dibdib nang dahil sa nabitiwang salita. Mahal nya si Martin. Ramdam nyang mahal rin sya nito. Pero ngayon, naguguluhan sya. Di na nya maramdaman ang pagmamahal na dati ay pinaparamdam nito sa kanya. Mababaw lang ang kanyang kaligayahan kaya hindi sya mahirap pasayahin.
Long distance ang relationship nila ni Joseph. Nasa Leyte sya, at ito naman ay sa
Kung dati ay nasasanay na siya na ganoon sila, on and off, ngayon ay takot na ang kanyang nararamdaman. May ibang party na kasi na involve. What if he will really choose her and not me? Paano naman ako? Paano nalang ang pinangarap kong happy ending with him? Kahit sabihing hindi siya dapat nag-eexpect ng ganun, hindi rin naman kasi nya inaasahan ang mga pinagsasabi nito ngayon. Right now, she don't how i'd handle the pain.
"I'm really sorry Det, ayokong saktan ka pero alam kong nagawa ko na. Hayaan mo na muna ako." sagot nito.
"You're so weak. Ok fine, eh di hahayaan kita kung yan ang gusto mo. Goodbye to you, and please, wag ka ng tumawag at magtext sakin. This is really over. Ayoko na rin! Bye!" yun lang at pinindot nya ang end button at tuluyan ng pinakawalan ang luhang kanina pa pinipigilan. Hurt. Confused. Alone. Nasasaktan siya dahil feeling nya ay isang malaking parte ng buhay nya ang nawala. Ibang klaseng saya ang naramdaman nya kay Martin kaya hirap talaga syang isipin na tapos na sila. Confused kasi di nya alam kung saan at papaano sya magsisimulang muli. Alone, kasi masyado na syang nasanay na ito ang nakakatext at nakakausap lagi. Wala pa naman ngayon ang pamilya nya para damayan sya.
Is this really goodbye Martin? tanong nya sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang cellphone. Umaasa pa rin syang magtetext ito sa kanya at aayusin nila ang kung ano mang problema meron sila, pero ilang oras na rin ang nagdaan at wala pa ring text message mula sa rito. She felt hopeless.
Paulit-ulit nyang naririnig ang isa pang bagay na sinabi nito sa kanya kanina na dahilan ng pagkalito niya. Nakakasakal ba talaga ang pagmamahal ko? Ngayon nalilito na naman siya. Paano na nga ba sya magmamahal ulit kung takot na syang baka masakal nya sa sobrang pagmamahal ang taong pagbibigyan nya n'yon?
Mas dumami ang katanungan sa isip nya. Bakit nga ba pag di ko pinapakita at pinaparamdam ang pagmamahal ko iniisip nyang di ko sya mahal, pero nung ginawa ko naman yun eh nasakal naman sya.
Napayakap sya sa stufftoy na bigay nito nung nakaraang monthsary nila. Paano na nga ba to ngayon?
Nakatulog ako sa kakaiyak at pagkagising ay mabigat ang pakiramdam ko. Naalala ko na naman na hindi na sya akin. Naiisip ko at natatanong sa aking sarili kung ano na ang ginagawa nya ng mga sandaling ito. Gusto ko na syang itext pero pinipigilan ko. Dati na akong nasabihang nagpapakamartyr kaya kahit papaano eh naisip kong nagkaroon ng konting pride. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa kong pagpigil sa sarili pero naisip ko, baka naman mamiss nya ako pag di ko sya tinext. Talagang umaasa pa rin ako.
Chapter 1
Pride. Sinubukan ko ng magkaroon nun. Tatlong buwan na mula nang maghiwalay kami ay talagang tiniis kong hindi makipag-communicate sa kanya. I was hoping na sya ang gagawa ng move pero wala. Sa loob ng tatlong buwan ay wala akong natanggap na kahit ano mula sa kanya. Kahit balita tungkol sa kanya mula sa mga kaibigan nya ay wala akong narinig.
Nasa isang internet café ako at abala sa pagtitipa ng update para sa blog ko. Nang matapos ko iyon at na-post ko na sa blog ko ay napagdesisyunan ko ng umuwi. Pagbukas ko ng pinto ay malakas na hangin ang sumalubong sakin. Hindi ko namalayan kanina na malakas nap ala ang ulan sa labas.
Kelangan ko ng umuwi. Ay bakit ngayon pa umulan ng ganito. Bulong ko sa sarili at niyakap ang aking sarili dahil sa lamig. Wala akong dalang payong kaya di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Papasok
“Uuwi ka na?” tanong ng lalaki sakin. Strange. Ngayon lang sya nakipag-usap sakin.
“Oo pero wala akong payong eh… maya-maya nalang siguro ako uuwi pagtumila na ang ulan.”sagot ko na nanginginig na rin sa lamig.
“Sabay ka na sakin. May payong ako.” Offer niya.
Hmmm… sino ba siya? Siya lang naman ang lalaking muling nagpakilig sakin mula nang maghiwalay kami ni Martin. He’s the guy next door na madalas kong silipin sa bintana. Magkatapat lang kasi ang apartment na tinutuluyan namin at ang mas bongga ay magkatapat ang kwarto namin. And he’s name is Rave.
Pareho kami ng kurso. Accountancy din sya, ahead nga lang siya sakin ng isang taon, bale graduating na sya this school year. Bakit pa nga ba ngayon lang pinagtagpo ang landas namin eh.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nahihiya ako pero ang puso ko ay tumatalon-talon na sa sobrang tuwa. Kahit kasi kapitbahay kami ni Rave ay hindi kami nag-uusap. Kahit nagkakasalubong kami sa school ay hindi man lang kami nagngingitian. Parang hindi lang kami magkakilala. At ngayon, heto sya at nagmamagandang loob na isabay ako pag-uwi.
“Sabay ka na sakin.” Alok nya ulit sakin. Wala na akong ibang nasabi at tumango nalang ako. Saka nya binuksan ang payong nya.
Ang haba ng hair mo Detalie!!!! Napangiti pa ako ng maisip ko yun. Lumapit na ako at naki-share ng payong niya. Oh God! How could this man beside me made me feel this great! Napakalapit ng katawan naming sa isa’t isa habang naglalakad kami pauwi. Please don’t let this feeling end…kanta sa likod ng isip ko.
“Pansin kong madalas kang ginagabi sa internet café ah.” Sabi nya. Nagtaka tuloy ako kung bakit nya alam yun. Siguro binabantayan nya ako. Napangiti ako sa naisip kong iyon.
“Ah… kasi araw-araw ako gumagawa ng update para sa blog ko. Ikaw? Bakit ka ginabi sa internet café.” Tanong ko naman sa kanya.
“Wala lang.” sagot niya nang biglang lumakas ang hangin. Napayakap sya sakin ng hindi inaasahan. Feeling ko tuloy ay kasama ko ang aking knight and shining armor. Nang marealize ang ginawa nya ay agad syang dumistansya. Nang mga sandaling iyon a dinadalangin ko na
“Salamat nga pala…” sabi ko na bahagyang nakaharap sa kanya at kamay ko ay hawak na ang door knob.
“No problem. Good night Det,” sagot niya kasabay ng isang napakatamis na ngiti.
“Good night.” Sagot ko naman at pumasok na agad sa unit namin.
Magkatapat lang ang door ng unit na tinutuluyan namin. At pagkasara ko ng pinto ay napayakap ako sa aking sarili sa sobrang kilig. Nakasandal lang ako sa likod ng pinto at inalala ang sandaling pumalibot ang braso nya sa akin. Ang sandaling tila pinoprotektahan nya ako. At bakit nga ba ako nag-iisip ng ganito? Asa pa ako! Sa isip ko lang ay
Hanggang sa pagpunta ko sa kwarto ay siya pa rin ang nasa isip ko. Bago ako matulog ay ganoon pa rin. Tila hindi na mabura ang ngiti sa mukha ko. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa kanya at paghahangad na
Krriiinggg!!!!!
Naalimpungatan si Detalie sa malakas na pagtunog ng kanyang alarm clock. Alas sais pa lang naman ng umaga at sinasadya nyang i-set sa ganoong oras ang kanyang alarm clock para mabigyan ng allowance ang sarili bago pa man bumangon. Inaabot nya ang alarm clock at ini-off iyon. Di naman sinasadyang nagawi ang tingin nya sa bintana at syang pagbubukas ng tao sa tapat na kwarto. And there she saw Rave with his shirts off.
“Thanks sa magandang view Lord,” mahinang sambit nya at napangiti siya sa nasabi habang pasimple pa ring tinitingnan si Rave at nagkunwaring nakapikit. Pero sa kaliit-liitang bukas ng kanyang mata ay kitang kita nya pa rin si Rave na… nakatingin at nakangiti sa kanya!
Napabalikwas sya ng bangon at kinusot ang mga mata. Hindi nga sya nagkamali ng akala. Siya ang tinitingnan ni Rave at nakangiti pa ito sa kanya.
“Good morning!” pasimpleng bati nito sa kanya. Tila hindi pa rin siya makapaniwala. Ang lalaking bumabati sa kanya ngayon ay dating pinagsasarahan lang siya ng bintana. How she wish that the next mornings would be like this. With his simple greeting at tila kumpleto na ang araw nya kahit kasisimula pa lang niyon.
“Do I look scary and unbelievable?” untag na tanong nito sa kanya. Saka lang nya napaniwala ang sarili na totoo nga ang nangyayari. Kinusot nya ulit ang mga mata bago sumagot.
“Ah-h, good morning nga din pala sa’yo. Pasensya ka na, matutulog pa yata ang utak ko eh,” pabirong sagot niya dito. Nakatitig pa rin sya kay Rave, sa mukha nito at pababa sa katawan nito. Hoy detalie! Anong iniisip mo dyan, wag ganyan! Bad yan!
“Oh! I’m sorry!” biglang paghingi ng paumanhin nito sa kanya. Kumuha ito ng tshirt at saka isinuot. “Pasenya ka na, kagigisng ko rin lang eh.” Dugtong nito.
Tumango na lang siya at ngumiti. Hindi nya alam kung mukhang nagpapacute siya sa sobrang lapad ng ngiti nya. Pero hindi nya talaga mapigilan ang mapangiti ng ganoon. Kung ang lalaki ba namang mabubungaran mo sa pagdilat ng iyong mga mata ay ang lalaking lihim mo hinahangaan.
No comments:
Post a Comment