Rave's Confession: Chapter 2



Mabilis na naglalakad si Detalie papunta sa school nila.  Ten minutes na kasi siyang late at may quiz pa naman sila sa subject na papasukan nya. Accounting iyon at major pa nya. Ganoon na lang ang pagkadismaya nya nang papasok na sya ng gate at hinarang siya ng guard. At saka nya na lang napansin na wala siyang ID!
“Manong guard, please naman, late na po ako… papasukin nyo na lang po ako. May quiz pa kami eh,” pagmamakaawa niya sa guard. Pero parang minamalas yata sya at hindi nadala ng pagpapacute at pagmamakaawa ang guard ng school nila.
Tumalikod na sya at babalik na lang sana ng apartment nang matanaw nyang paparating si Rave. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso nya. Napapansin nyang tila madalas na silang pinagtatagpo ni Rave. At ang pagmamadali niya ay nakalimutan na yata niya.Parang napako ang paa nya sa kinatatayuan nya at nakatitig na lang sa parating na lalaki. Nakangiti pa naman ito and she wasn’t even sure if he is smiling at her.
Nang makalapit na ito ay nabigla siya nang iabot nito sa kanya ang ID nya. Yes, it was her ID! He’s her savior again this time. At paano nga ba nalaman nitong wala syang ID? At sa pagkakaalam nya ay walang pasok ito pero nag-effort pa rin na sumunod sa kanya para lang ibigay ang naturang bagay. Is he somewhat monitoring her activities? Napangiti sya sa naisip nyang yun.
“Nakalimutan mo pala yan, tinatawag ka kanina ng roommate mo, nakalayo ka na siguro nun,” pahayag nito. Medyo hinahabol ba nito ang hininga. Sa palagay nya ay nagmadali rin itong sundan sya. That was so nice of him naman! I super like him na. Napangiti ulit sya.
“Ay, salamat nga pala. Naabala pa tuloy kita. Maraming salamat talaga, thank you” paulit-ulit na pagpapasalamat niya at isinabit na ang ID nya. “Sige, Rave, papasok na ako, late na ako eh,” pagpapaalam niya dito saka tumalikod at mabilis na naglakad papasok ng school. Ngunit hindi pa man din sya nakakalayo ay tinawag ulit siya ni Rave, napalingon siya dito.
“Det,” tawag nito.
“Bakit?”
“Take care,”
“I will. Ikaw din,”nakangiting sagot nya. Parang nagbubunyi ang puso nya nang mga sandaling iyon. Kahit kasi hindi nya maintindihan ang kinikilos ni Rave ay pabor naman iyon sa kanya.Ang dating nakakasalubong nya lang na walang pansinan, ngayon ay parang boyfriend na nya kung makapag-exert ng effort para gawin ang bagay na iyon kanina para sa kanya.
Lakad-takbo sya patungo sa classroom nila. Sobrang late na siya, at kung nag-quiz nga sila ay baka kulangin na sya sa oras para sagutan iyon. Dalangin nya na lang ay sana hindi natuloy ang quiz nila o kaya ay sana wala ang teacher nila. Kung kanina ay iniisip nyang minamalas sya, ngayon naman ay tila umaayon ang panahon sa kanya. Dininig ng Panginoon ang dalangin nya. Wala pa ang teacher nila at ang sabi ay hindi na daw yata darating. Salamat naman!
Lunch break.
“Det, sabay na tayong mag-lunch!” Mula sa likod nya ang pinanggalingan ng boses na iyon.And the voice seemed to be so familiar. Lumingon sya and there again, it was Rave standing in front of her. Inviting her to have lunch with him. Mag-iisip pa ba sya?
“Sure.” Ngumiti sya ng ubod ng tamis at saka sabay silang naglakad papunta ng canteen.
Nagtaka sya kung bakit nasa school ito ng ganoong oras. Ang alam nya kasi ay mamayang hapon pa ang klase nito. Deep inside her, she felt very happy. Habang naglalakad sila papuntang canteen ay hindi mabura-bura ang ngiti niya kahit wala naman silang imikan nito habang naglalakad.
This man’s really acting so strange towards her. A day before, they were strangers to each other, and now, they seem to know each other for a long time. Napangiti ulit sya sa naisip nyang iyon.
“You’re smiling.” Nahuli siya nitong nakangiti. Bigla tuloy nyang naramdaman ang pag-init ng kanyang pisngi. Ohmygosh!
“Yeah, I think I am.” Nahihiyang sagot nya at iniyuko ang ulo.
“Just keep smiling. You look more beautiful when you do that.” Ngumisi pa ito at tinitigan sya.Napatitig na rin sya sa mga mata nito. Oh please don’t look at me like that!
Tila nanghihina na ang kanyang sa titig pa lang nito. At lalong bumilis ang tibok ng puso nyang nang ngumiti pa ito. This man never failed tomake me feel so happy and uneasy!Hindi sya mapalagay sa titig nito. Kung makatingin kasi ito sa kanya ay parang wala na itong ibang gustong titigan kundi sya lang!
“Nag-iilusyon ka lang Detalie!” saway nya sa isip nya.
“So what do you eat for lunch? It’s my treat!” tanong nito. Hindi na nya namalayan na nasa canteen na pala sila. Kahit naman kasi maraming tao sa paligid, sa mga mata niya ay itong lang ang tanging tao na nakikita nya. Gusto nyang isipin na nasa isang restaurant sila with a very romantic setting. A table for two, maybe it can be a candlelit dinner with soft music that could captivate one’s soul.
“Det? Anong gusto mo for lunch? Treat ko.” Maya-maya ay ulit na tanong nito sa kanya.
Ano ka ba naman Detalie! Ang init ng sikat ng araw at isang romantic dinner ang pinapangarap mo dyan! Nagising rin siya sa kanyang pantasya pero sa puso nya ay hindi pa rin nawawala ang pag-asa na minsan ay mangyayari rin ang pantasya nyang iyon.
Isang order ng chicken curry, pork adobo at ginataang kalabasa ang inorder nila. Paborito nya talaga ang chicken cury kaya iyon ang pinili nya. Ang pork adobo naman at ginataang kalabasa ay kay Rave. Simple rin lang naman pala ito. Kahit sa choice ng food. Di gaya ng iba na kunwari eh hindi kumakain sa school canteen kay nabubutas ang bulsa sa pagiging trying hard maging sosyal.
But Rave, he’s different. Mayaman ito but never nyang narinig sa mga schoolmates nya na mayabang ito. Simple rin lang ito, bagay na nagustuhan nya rin dito. Ang alam nya ay nabibilang ito sa pinakamayang pamilya sa hometown nito. Ngunit kung titingnan mo ito, hindi mo masasabing sobrang yaman nito dahil sa pagiging simple nito sa lahat ng bagay.
Habang kumakain ay panay ang kwentuhan nila. Kahit ano lang ang topic. Pamilya, studies, hobbies hanggang umabot sa love life. Kinabahan tuloy siya.
“Kumusta ang lovelife mo? May boyfriend ka ba?” Nakangiting tanong nito.
Hindi nya alam kung ngingiti sya o iiyak sya. Biglang parang isang buhawi na naalala nya ang nakaraan. Ang nangyaring paghihiwalay nila ni Joseph. Kahit saang banda kasi ay hindi nya pa rin maintindihan kung ano ang naging kasalanan nya sa relasyon nila ni Joseph noon. Naalala nya kung gaano sya kasaya noong sila pa at kung paano sya nasaktan noong naghiwalay sila nito. Mula noon ay wala pa rin syang naririnig mula dito. Hindi na rin naman nya sinubukang makipag-communicate dito.
“Hey! What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito. Hindi na nya namalayan na may namumuong luha na pala sa gilid ng mga mata nya. Napansin yata iyon ng lalaki. Agad naman niyang pinunasan iyon at saka ngumisi.
“Wala, ayos lang ako. Medyo may naalala lang na hindi maganda. So, you’re asking me kung may bf na ako... hmm,” kunwari ay nag-iisip pa sya.
“Wala na akong bf. Three months na rin. Since then wala na rin kaming naging communication nung ex ko. Ikaw? May girlfriend ka ba?” ganting tanong nya dito. And now she’s waiting for his answer. Hindi nya alam kung naeexcite syang malaman kung may gf ito o wala. But she’s hoping he has none!
“Wala akong girlfriend. I won’t be here eating lunch with you kung meron.” Natatawa pang sagot nito. Ano nga bang nakakatawa doon? Pero nakitawa na rin sya. Tawa dahil sobrang saya at naaaninag nyang pag-asa! Kahit naman papaano ay umaasa syang magkakagusto rin ito sa kanya. Sana nga ay ito na ang sagot sa dasal nya. Na sana ay makita na ang lalaking aalagaan at pakamamahalin sya. Iyong pagmamahal na hindi nag-eexpire!





1 comment:

  1. sayang walang like botton :) hehe i super like po nito sana matapos ko XD

    ReplyDelete