“Det, sige na sumama ka
na...” Pamimilit ng classmate nyang si Erra na sumama sya sa batch outing
nila.Pinag-iisipan pa kasi nya kung sasama sya o hindi.Tinatamad sya o baka
hindi sya mag-enjoy. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit ayaw nyang
sumama. At isa pa, wala naman doon ang nagpapasaya sa kanya.
“Ang kulit mo!
Pag-iisipan ko pa nga eh! Over night ba yan?” Tanong nya at saka inilapag ang
mga gamit sa table. Nasa canteen sila. Vacant period nya kasi kaya
doon na muna sya tatambay at para makapag-snack na rin.
“Oo overnight syempre. Kilala
mo naman mga batchmates natin eh. Saka para ka namang others!Ikaw pa na
game ka sa mga ganito, tapos ngayon nag-iinarte ka dyan!” Inirapan sya nito at
naglakad ito patungo sa counter para bumili ng pagkain. Sumunod naman sya.
“Oo na nga! As if
naman titigilan mo ako kung hindi ako sumama!” Napangiwi na lang sya at saka
sumabay na dito. Ngumisi ito dahil napilit rin sya nito.
Nagmamadaling kinuha ni
Detalie ang kanyang bag mula sa likod ng sasakyan ng classmate nya. Nakisabay
lang sya dito para makatipid na rin ng pamasahe. Kasabay nya si Erra na
maglakad papasok ng resort kung saan sila mag-oovernight. Sa pagkakaalam
nya ay iyong classmate rin nya na may-ari ng sasakyan ang may-ari ng resort. Exclusive
daw ang resort that time para solo ng batch nila ang lugar.
Namangha sya sa ganda ng
landscape na nadaanan nya. Nasa unahan pa ang beach at nadaanan nila ang
isang napakagandang bahay. Parang luma na ang bahay at sa tingin nya ay andoon
na iyon mula pa noong panahon pa ng mga Kastila at tila maayos lang ang
maintenance.
Pero mas nagulat sya
nang makarating sa beach. Hindi lang batch nila ang nandoon kundi pati ang
batch nila Rave! Parang tumatalon sa tuwa ang puso nya. She’s now hoping
na kasama ng mga ito si Rave. Abot tenga ang ngiti nya habang naglalakad
papalapit sa kanyang mga batchmates. Pero ang kanyang mga mata ay
pasimpleng sinisilip ang kinaroroonan ng kabilang grupo. Hinahanap nya si
Rave.
“Hindi mo sinabi sa akin
na andito rin pala ang mga fifth year,” pabulong na sabi nya kay Erra.
“Hindi ka kasi
nagtanong. Daming papables! Let’s get them!” Nakangisi pa ito at saka
naki-join na rin sa kanilang ibang kasama.
Abala pa rin sya. Abala
sya sa paghahanap kay Rave. Hindi nya kasi pinapahalatang may hinahanap
sya sa kabilang grupo. Masaya naman pala ang outing nila. Maingay at
nagkakagulo ang iba. Maraming tuksuhan, hiyawan at kahit ano pang mas
lalon nagpaingay sa lahat. Nakiki-join na rin lang naman sya. Pero
hindi nya pa rin maiwasang sumulyap sa kabilang grupo. And finally, nakita
rin nya ang hinahanap na bitamina sa mata. Si Rave!
Nang medyo dumilim na ay
nagsiuwian na ang iba. Ang ibang nagpaiwan naman ay nagsimula ng
mag-inuman. Samantalang ang iba ay mas ginustong tumambay na lang sa
baybaying dagat. Karamihan sa nagpaiwan ay ang hindi talaga umuuwi sa
bahay nila, iyong mga sa boarding house lang tumutuloy. Kasama rin sya sa
nagpaiwan. Napansin nya kasing hindi pa umuuwi ang kabilang grupo kay
napagdesisyunan na rin nyang magpaiwan.
Abala ang mga kasama nya
sa pag-iinuman. Kahit sya ay medyo tipsy na rin. Kaya para makaiwas
ng tagay ay lumabas muna sya ng cottage at nagtungo sa baybaying dagat.
Madilim na ang paligid
at malamig na rin ang hangin doon. Wala pa naman syang dalang jacket kaya
niyakap na lang nya ang sarili. Umupo sya sa buhangin at saka pinagmasdan
ang buwan na syang tanglaw sa madilim na paligid. Tama lang ang layo nya
para hindi sya makita ng mga kasama nya.
Ngunit parang gusto nyang
pagsisihan ang paglayo sa mga kasama. Naramdaman tuloy nya ang kahungkagan
ng kanyang puso. Parang bigla iyon binalot ng lamig. Naaalala na
naman nya si Joseph. Napapikit sya at dinama ang lamig ng hangin doon at
muli ay nag-krus ang braso nya sa lamig. Tatayo na sana sya upang bumalik
sa kinaroonan ng mga kasama at para na rin maiwasang bumalik sa kanyang isipan
ang nakaraan, napansin nyang may isang taong papalapit sa direksyon nya.
Hindi nya ito makita
dahil madilim pero sa pigura nito ay parang may hula na sya kung sino iyon. Parang
may pwersang pumipigil sa kanya na umalis sa kinatatayuan at hintayin ang kung
sino mang papalapit sa kanya.
Hindi nga sya nagkamali
ng hinala. It was Race getting near her. Kitang kita na nya ang mukha
nito. It seems that the moonlight made him look more handsome. Nakangiti
pa rin ito na papalapit sa kanya.
“Hi Rave!” Bati nya dito
nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.
“Hi! Malamig dito
ah, saka madilim pa. Delikado para sa isang babaeng magandang tulad mo ang
mag-isang tumambay dito.” Panenermon nito nang hindi man lang nabubura ang
ngiti sa mga labi nito.
“Malamig nga, pabalik na
sana ako sa cottage bago ka pa dumating,” sagot nya at saka biglang umihip ang
malakas na hangin. Mas napahigpit ang pagyakap nya sa sarili. Napansin
naman nyang hinubad ni Rave ang jacket nito.
“Here, isuot mo na muna. This
will keep you warm.” Tinulungan pa sya nitong maisuot ang jacket. Naisip
nya tuloy n asana yakap nalang ang ini-offer nito at siguradong hindi na sya
lalamigin. Napangiti na lang sya sa isiping iyon. Buti na nga lang at
hindi nito napansin dahil nakaupo na ito sa buhangin. Umupo naman sya sa
tabi nito, but she still managed to keep a one meter distance from him.
“I thought babalik ka na
sa cottage nyo?” tanong nito.
Nadismaya tuloy sya sa
narinig at akmang tatayo na sya ay pinigilan naman sya nito. Hinawakan siya
nito sa braso. Kahit naka-jacket pa sya ay kakaiba ang naramdam nya sa
simpleng paghawak nito sa kanya. Parang gusto nyang hawakan na lang sya
nito forever!
“I was just kidding. Hindi
ka naman pala mabiro. You can join me here Det. Kaya rin naman ako
pumunta ditto para makasama ka.” He smiled and finally moved near her.
Katahimikan. They
were so near but it seems na ang layo nila sa isa’t isa dahil wala man lang
nag-a-attempt magsalita sa kanila. They were both staring at the moon nang
matukso syang lingunin ito. Nakatingala ito sa langit with his eyes
closed. Malaya nyang natitigan ang gwapong mukha nito kahit ang liwanag
lang na mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw nang mga sandaling iyon.
No comments:
Post a Comment