Rave's Confession: Chapter 4



She felt that sudden happiness with his presence and the thought that there were only the two of them at that very moment. She kept on examining his face kahit side-view lang iyon. Napansin nya ang matangos nitong ilong and way down to his lips. How was it to be kissed by him? Parang dinadama nito ang ambiance ng paligid. Tanging ang mahinang tunog na likha ng alon ng dagat at ng ihip ng hangin ang naririnig nila. Maging ang mabilis na tibok ng puso nya ay dinig na dinig na rin nya.
Nakatitig pa rin sya dito. She was enjoying the view of his face nang biglang gumalaw ang ulo nito at humarap sa kanya. Wala ng panahon para mag-iwas sya ng tingin. She was caught in the act of staring at his as if he was a god. Bigla tuloy syang nakadama ng hiya kasabay nang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi.
And now they were both looking at each other. Again, there was that force inside her that let her keep on staring at him. Then she noticed that serious look in his eyes. This time hindi na ito nakangiti. Tila ini-examine nito ang mukha nya. Lalong bumilis ang tibok ng puso nya parang ilang sandali na lang ay hindi na nya mapipigilan ang sarili na tumawa ng tumawa sa sobrang saya na nararamdaman nya kasama si Rave. But looking at him in the eyes, and him doing the same at her, they seem to be having a conversation through their eyes.
“You’re beautiful Det. I can’t help myself from staring at you,” wika nito. He moved. Hinaplos ng isang kamay nito ang mukha nya. Itinabi nito ang iilang hibla ng buhok na nagawi sa mukha nya. She felt the warmth of his hands on his face. Geez, she can’t move!
“You’re handsome as well…” biglang nasabi nya. Ewan nya kung saan sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Pero totoo naman talagang gwapo ito. Hindi rin nya itinatanggi na physically attracted sya ditto.
And then he smiled. A smile that could launch a thousand ships ika-nga. His eyes are beautiful and it seems to be smiling at her too.
At that very moment, she can’t move. Tila naparalize sya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Bigla ay gumalaw ito at mas malapit na ang mukha nito sa kanya. Still his eyes not leaving hers. Ilang inches na lang ba ang layo ng mga labi nila? She knows it was very close.She could feel his warm breath. Ang bango ng hininga nito. And then his eyes look down to her lips. Gosh! Kiss me now Rave! Or else I’ll die wishing for it!
Tila narinig nito ang hiling nya. Without any permission he totally crossed the distance between each others lips. The moment his lips touched hers she felt a strange feeling inside. Hindi nya maintindihan iyon. He kiss her with gentleness. She loves the taste of his lips. Damn! It’s not her first time to be kissed a man but Rave’s kiss is the best kiss ever! Napapikit na lang sya ang enjoyed the kiss. Tinugunan nya iyon. He opened her mouth and welcomed his teasing tongue.The kiss went deeper. At kahit malamig pa ang paligid ay parang napapaso sya sa pagdampi ng kamay niyo sa mukha nya.
Hindi nya alam kung gaano katagal ang halik na iyon but surely it would be treasured in her memory. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho silang naghahabol ng hininga.Kapwa sila hindi nakapagsalita. Kung pwede lang sana hindi na matapos ang sandaling iyon.She wondered if Rave also enjoyed the kiss they have shared.
He smiled. Sa tingin nya ay nagustuhan rin nito ang halik nya. Pero nabigla sya nang bigla syang kabigin nito palapit at niyakap ng mahigpit. Nagtataka na sya sa ikinikilos nito. He hugged her tight na para bang hindi sya nito pakakawalan pa. But then she remembered na wala silang anumang relasyon. Dinama nalang nya ang init ng yakap nito at napapikit sya. She wants to savor the moment.
“No one will ever make you cry again my Detalie. I promise.” He whispered.
She was about to close her eyes when she heard him say that. “My Detalie? I promise?” Tila dinuduyan ang puso nya nang marinig ang mga katagang iyon. Parang alam nito na ito na ang nagmamay-ari ng puso nya. Mabilis pero sa tingin nya ay mahal na nya ito. Napapikit na lang sya at tuluyang nagpadala sa sayang nararamdaman nya. She’s hoping that Rave would keep his promise. Pero nagtaka ulit sya.
No one will ever make me cry? sa isip nya. Bakit? Nakita na ba nya akong umiiyak? Bakit parang may alam ito sa kabiguang naranasan nya kamakailan lang? Anong motibo nito at ganoon ito kabait at kamaalaga sa kanya? Bakit?
  


No comments:

Post a Comment