Gising na gising na ang diwa ni Detalie pero hindi pa rin sya bumabangon. Pang-ilang araw na ba ngayon since that night at the beach? She lost her track with time. Madalas na kasing si Rave na lang ang iniisip nya at ang mga sinabi pa nito. Nag-unat sya at muntik pang mahulog ang cellphone nya nang masagi ito ng kanyang kamay. Buti na lang at nagging maagap sya. Kinuha nya ito para i-check na rin kung may nag-text. May dalawang unread messages sya at dalawang missed calls. But she was shocked nang malaman kung kanino galing ang mga iyon. It was from Rave!
She had always kept his number ever since nagkaroon sya ng number nito. But she never had the courage and guts to text him. Kung paano man sya nagkaroon ng number nito ay hindi nya makakalimutan. Naghanap sya sa facebook at sa cellphone ng common friends nila, pero nakuha nya talaga ito nang minsang nagkasabay silang magpa-load. Una kasi itong nagsulat ng number nito kaya minimorize nya agad iyon. Good thing she was good in memorization. She opened and read the two messages.
“Good morning Det!! :D” the first message.
“Gumcng kna! Ganda mo pRin kht 2log.”
Napangiti sya sa hindi malamang dahilan. Parang tumatalon na naman ang puso nya sa tuwa. Kinikilig sya. At saka naiisip nyang pinapanood sya nito kanina habang natutulog sya. Buti na lang at hindi tumutulo laway nya kanina, nakakahiya yun for sure! Hindi nya binura ang message at nagreply sya rito.
“Good morning 2 Rave! J”
Narinig pa nya ang pagtunog ng message alert tone na mula sa katapat na kwarto saka sya napatingin sa bintana. Naisip nyang baka bumalik na muna sa pagtulog ang binata. Ipipikit n asana nya uli ang mga mata nang mapansin nyang may humawi ng kurtina sa bintana ng kwarto nito. And there was Rave with his god-like smile. A lovely morning sight!
“Hi! Buti naman at gising ka na… I though you’ll be sleeping the whole day. Wala pa naming pasok ngayon.”
“Ha…ah, eh oo nga.”
Ang gwapo nya talaga. She sighed nang hindi nito napapansin. Huh? Nabigla sya. Late reaction kung tutuusin. Saka lang kasi nya naalala na hindi pa pala sya nakapag-ayos kahit pagsuklay man lang. Nahiya tuloy sya nang tumawa ito dahil napansin ang pagkataranta nya.
“You don’t need to do that Det. Ha-ha! Maganda ka pa rin naman kahit hindi nkaayos.” Malapad ang ngiting sabi nito.
Hindi sya sigurado kung pinamulahan sya sa sinabi nito. Inilapit pa nito ang mukha sa bintana parang hindi na kailangan lakasan ang boses.
“Nakakahiya naman kasi sa’yo eh…” sagot niya rito at saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nya. She’s not sure kung nahihiya ba talaga sya o kinikilig sya. Sino ba naming hindi kikiligin kung sabihan sya ng maganda kahit kagigising at walang kahit anong bahid ng pampaganda sa mukha kahit polbo lang sana, lalo na at isang napakagwapong likha pa ni Lord ang magsabi niyon?
“Nahihiya ka sa ‘kin? You don’t have to, parang hindi naman tayo magkapitbahay nyan. Magkatapat pa ang kwarto natin, ibang unit nga lang.” Tumawa ito. Ang sarap namang pakinggan ng tawa nito.
“Don’t look at me like that Det. Parang kakainin mo ako ng buhay eh.”
What??? Napakagat labi sya nang marinig ang sabi nito. Gosh! Ganoon ba talaga sya makatitig rito? Detalie, nakakhiya ka!
She looked at her phone again then something came into her mind. Na-curious sya. Si Rave, ito ang unang nagtext sa kanya. Ibig sabihin meron itong number nya. Yes lang naman ang most probable na sagot. How come?
“Hey, you! Hindi ko maalala na binigyan kita ng number ko. Bakit meron kang number ko? Sinong nagbigay sa’yo?”
Totoo naman talagang wala syang maalalang incident na binigyan nya ito ng number nya o humingi ito. She looked at him trying to read the answer base on his facial expression but she failed. Parang nabitag lang ang puso nya nang ngumiti ito. Ang ngiting iyon na nagpapakilig sa kanya!
“How sure are that it was me? At kung ako nga iyon, how come you know? Hindi ko rin maalalang binigay ko sa’yo ang number ko.”
Oo nga naman, how come? Hindi nya inasahan ang sagot na iyon ni Rave. Ang gaga mo talaga Detalie! Nang mga sandaling iyon ay parang gusto na nyang lamunin na lang sya ng lupa o kaya ay mag-evaporate na lang! Gusto nyang sabunutan ang sarili sa nagging tanong nya na siya rin lang pala ang mako-corner at tila mapapahiya. Wala syang maisip na sagot.
“Ha-ah… ka-kasi…” Speak up Datalie! “Ka-kasi—ay! Palaka!” Nagulat sya nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone nya. Erra is calling. “Excuse me.”
“Thank God you called! You saved me Erra!” She was saved by the phone call. Thanks a lot to Erra. Feeling nya kanina ay nasa hot seat sya na kailangan talagang sagutan ang tanong.
Napangiti lang si Rave habang sinusundan ng tingin ang tumalikod at naglalakad na palayo ng bintana na si Detalie, Halatang nataranta ito sa tanong. He doesn’t mean it to be that way. Hindi nya lang maintindihan kung bakit ito nagkaganoon. Maging sya ay hindi rin naman napaghandaan ang tanong nito. Alangan naman kasing sabihin nyang he had kept her number noon pa man. He smiled when certain scene flashed back in his mind.
Nagpapa-load sya noon nang biglang may dumating na babae. Si Detalie iyon. Magpapa-load rin yata. Katatapos lang nya isulat ang number nya at naibigay na rin sa kanya ang sukli kaya umalis na sya sa tindahan. Then he suddenly got curious about her.
She’s the girl sa tapat na apartment na tinutuluyan nya. Hindi naman nya pinapansin ito at hindi rin sya pinapansin nito. Magkapitbahay nga sila pero daig pa nila ang hindi magkakilala. Naramdaman na lang nya that time na gusto nyang makuha ang number nito pero ayaw naman nyang personal na hingin ito rito. He went back to the store at nagpa-load ulit. Nang tumalikod ang tindera ay saka nya mabilisang kinopya ang number ni Detalie. Ngiting-ngiti pa sya habang naglalakad pabalik ng apartment. Pero kahit may number sya nito, nahiya naman syang i-text ito. They’re obviously not even friend those times.
“Hi, I’m back!”
Bumalik sa kasalukuyan ang lumilipad nyang isip nang bumalik si Detalie sa bintana. There she is again with her face na nagpapagaan ng pakiramdam nya. He always feel like he wants to protect her. He has his reasons.
Sobrang thankful si Detalie dahil kahit papaano ay nakaiwas sya kanina sa tanong ni Rave. Pero hindi pa rin mawala sa isip nya kung paano ito nagkaroon ng number nya. She can’t assume. Ang haba naman ng hair nya kung isipin nyang may gusto sa kanya si Rave o interesado ito sa kanya. Pero possible rin naman siguro yun. Para saan pang hinalikan sya nito. Owh? Sino ba talaga ang humalik kanino? Parang pareho naman nilang nagustuhan iyon that time.
“Oh so you’re back,” sagot ni Rave sa kanya ng nakangiti.
“Of course, naghihintay ako ng sagot sa pending question ko sa’yo eh!” she grinned. Parang nakalimutan nyang kanina eh nanginginig na sya sa kaba kung paano makakahanap ng sagot sa tanong nito at ngayon ay ibinalik na naman nya ang topic. Di ka talaga nag-iisip Detalie!
“Oh… that. Well, good that you’re back. I’m waiting for an answer to my pending question for you as well.”
Nagsalubong ang kilay nya at naningkit ang mata nya sa sinabi nito. Ano na nga ba ang isasagot nya??? Oh Detalie! Dapat di ka na lang nagsasalita! Change topic please!!! Desperado rin yata itong malaman ang sagot nya! Nakakainis! Hindi sya pwedeng magpatalo rito.
“Ako ang naunang nagtanong kaya ikaw ang maunang sumagot.” Sabi nya.
“Detalie, bakit ako ang tinatanong mo? Parang sigurado kang ako ang nagtext ah.”
“Eh syempre kasi nang magreply ako tumunog naman ang cellphone mo. Narinig ko kaya.”
“May ka-text ako. Baka nagkataon lang.”
“Fine.” Inirapan nya ito. At least hindi sya napaamin. Never yata syang aamin. Nakakahiya iyon pag nagkataon. Pareho yata silang walang planong umamin kaya tinigilan na nya ito bago pa man sya matalo.
“Galit ka?”
“Of course not! Kung hindi ikaw iyon eh malamang admirer ko. Sabi nya kasi maganda ako kahit tulog.” Ang daldal nya. Noon lang sya nagging madaldal habang kausap ito. Nakakapanibago. Conversation sa bintana? Ha-ha!
“Admirer? Ohhh… hindi naman siguro.” Sagot nito.
“At bakit hindi? Hindi naman ikaw iyon di ba? Admirer ko iyon for sure, unless kung ikaw iyon…” She grinned. Napatingin naman ito sa kanya.
No comments:
Post a Comment