Rave's Confession: Chapter 6


Palakad-lakad lang si Detalie sa loob ng mall ng hapon ring iyon. Wala naman kasi syang magawa sa apartment kaya naisipan na rin lang nyang gumala at mag-window shopping... mag-isa!
“Ang boring... Lagi na lang akong ganito... Ang hirap ng walang love life! Poorness na ang bulsa... pati puso emptiness pa! Hay naku!” Kinakausap na lang niya ang sarili habang patingin-tingin sa mga nakadisplay sa department store. Patuloy pa rin sya sa paglilibot nang may napansin sya at agad nilapitan iyon.
“Anng cuute mo naman!!! Magkano ka ba???” gigil na kinurot at niyakap ang stuffed toy. Wala na rin syang pakialam kung napatingin sa direksyon nya ang ibang tao. Eh ano naman kung parang bata sya kung panggigilan ang laruang iyon, eh sa yun ang feel nya!
“Ayh! Kailangan parang mag-present ng receipt na at least 500 pesos para mabili kita ng mura... Ano ba naman yan... hindi kita afford friend... so paano, bye na lang...” Malungkot pa sya nang ibinalik nya sa estante ang stuffed toy.
Napapagod na sya sa kakalakad. Puro na lang sya lakad... wala man lang bili! Ang hirap talaga ng walang budget. Umupo muna sya para naman makapagpahinga. Maya-maya na rin lang sya kakain para diretso dinner na. Ganoon lang talaga sya kapag nagagawi sa mall.Pagkain lang ang nasa budget!
Patingin-tingin lang sya sa dumadaan sa harap nya. Hindi na naman nya maiwasang ma-inggit sa mga magkasintahan na holding hands while walking pa ang drama. Kelan nga ba nya huling naramdaman na may humawak ng kamay nya? O kelan nga ba huling nahawakan ng lalaking mahal nya ang kamay nya? Napangiwi sya sa isiping iyon.
Ano na naman ba yang iniisip mo Detalie! Wag ka ng umasa pa!
She sighed. “Haay... nakakalungkot na talagang gumala mag-isa.”
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong gumala ka mag-isa?”
Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses na yun. May kung sino kasi na tumabi sa kanya.And she wasn’t expecting it to be Rave! Pero ito nga ang tumabi sa kanya.
“Rave???”
Inilinga pa nito ang tingin sa paligid bago ito nakangiting humarap sa kanya. “Ako nga... Wala naman sigurong ibang Rave dito.”
With a sight of him, she was suddenly caught by his heart thumping smile. Talagang bumibilis ang tibok ng puso nya. Hindi man lang nya alam ang tamang sasabihin. Bakit ba ganoon na lang katindi ang epekto ng ngiti ni Rave sa kanya.
She then smiled back at him. “Andito ka rin pala.” Tipid na sabi nya.
“Oo nga eh... mag-isa rin ako. Nakakalungkot pa namang gumala mag-isa.” Ginaya pa nito ang tono ng pagkakasabi nya niyon kanina. Tumayo ito at sabay hila ng kamay nya.
“Tara, maglibot pa tayo saka kain tayo maya-maya.” Masiglang sabi nito habang siya naman ay nakatitig lang sa kamay nya na hawak nito.
The moment he held her hand, she suddenly felt strange. Parang nung gabi lang sa beach. She can now feel the warmth of his hands against hers. Masarap sa pakiramdam na tila ba hindi sya nito papakawalan. She felt like floating in the air as they were walking together. In love na ba sya? Sa simpleng bagay na ginagawa nito sa kanya ay bumibilis ang tibok ng puso nya.Hindi na sya sigurado sa anumang nararamdaman nya para rito, pero kung ano man yun eh bahala na si Bro!
“Eehh Rave, saan ba tayo pupunta?” tanong nya rito habang habol nya ang bilis ng paglalakad nito. Ano ba naman yan! Kinakaladkad ang beauty nya! Floating nga... with a speed of light naman!
Ilang sandali rin silang naglakad nang biglang huminto si Rave. Natigilan rin sya nang biglang hilain sya nito palapit sa estante ng stuffed toy na nagustuhan nya kanina.
“You like this, right?” tanong nito habang hawak-hawak ang isang stuffed toy. Same color at same design iyon ng kinuha nya kanina. Napatingin lang sya sa nakangiting mukha nito.
Umiling sya. “No... I don’t like those kind of stuffs that much.” She lied. She was trying to deny na gusto nya ang naturang bagay pero hindi yata na-convince ito.
“Nice try. But you’re such a bad liar. Let’s go.”
“Wait!”
Humarap naman ito sa kanya. His one hand is still holding hers while the other one is carrying the toy. “Yes? May problema ba?”
Tumango siya. “Are you gonna buy that?” Tinuro nya ang dala nito saka ulit lumapad ang ngiti nito.
“Oo... Hindi ko ba pwedeng bilhin ‘to?”
“Hindi naman sa gano’n. Pero nakakahiya naman sa’yo.”
“Bakit ka mahihiya? Ipangreregalo ko lang naman ‘to eh.”
“Pero hindi mo naman kelangang gawin yun.” Binitiwan nya ang kamay nito saka kinuha ang stuffed toy na hawak nito at ibinalik sa estante.
Kinuha nito ulit ang laruan. “bibilhin ko ito, okay? Saka wag kang mahiya... wala naman akong sinabing bibilhin ko para sa’yo to eh.”
Ano raw? Parang isang balde ng napakalamig na tubig ang ibinuhos sa kanya nang marinig ang sinabi nito. Saka lang naman kasi sya natauhan. Bakit nga ba sya nahihiya eh wala nga naman talaga itong sinabi na para sa kanya ang bibilhin nito. Tinanong lang naman sya kung gusto nya iyon.
Ang gaga mo talaga detalie! Nakakahiya ka!
Hindi na nya matiis ang manatili pa sa harap nito kaya agad syang tumakbo palayo rito.Narinig nyang tinawag sya nito pero hindi na sya lumingon pa. Hindi na rin nya alam kung sinubukan pa sya nitong habulin pero hindi lang sya kay Rave nahiya kundi pati na rin sa sarili nya. Lumagpas naman yata kasi sa langit ang pagka-assuming nya. Umasa pa sya!
She ran out of the mall at sumakay pauwi. Her hands are trembling as her knees were shaking.Ramdam na ramdam nya iyon kahit pa nakaupo sya. Ang gusto lang nya ngayon ay makauwi at mapag-isa. And as soon as the car stopped outside the gate of the complex at nagbayad sya ng pamasahe ay bumaba na sya agad roon at diretsong nagpunta at pumasok sa door nila.
Pagkapasok sa kwarto nila ay napadapa agad sya sa higaan at isinubsob ang mukha sa unan.  She screamed as loud as she could, pero hindi rin naman dinig iyon iba dahil nga nakasubsob ang mukha nya sa unan. She can’t blame Rave for what she was feeling right now dahil sya ang umaasa at nag-aasume.
Nakatulog sya sa kakaisip ng kahihiyang sinapit nya kanina. Hindi naman sya umiyak, impit na parang tangang sumisigaw lang sya habang nakasubsob ang mukha sa unan. She took a deep breath and decided to just forget everything that had happened. Babangon na sana sya nang mahagip ng tingin nya ang isang taong nasa kabilang bintana. She felt the sudden rush of heat on her cheeks. Hindi nya alam kung dahil sa mahihiya pa rin sya rito dahil sa ginawa nya kanina o dahil sa nakita na naman nya ang gwapong mukha nito.
“Det...” Sabi nito at saka dahan-dahan na iniangat ang stuffed toy para ipakita sa kanya.
“Sorry nga pala kanina.” mahinang sagot naman nya.
“Ako nga ang dapat mag-sorry eh. Hindi ko dapat sinabi ang gano’n sa’yo. But really this is for you and i bought this only for you Det...”
She can feel sincerity in his voice and it seemed to touch her heart. Parang kanina lang ay hiyang-hiya sya kay Rave pero ngayon ay tila gusto na nya itong lapitan at hagkan. Hagkan?How does it feel to be kissed by him again? Detalie! Utak mo, naglalakbay na naman!
“Ikaw naman kasi eh...” kunwari eh nagtatampo pa sya at saka lang ngumiti.
“Tanggapin mo ito ha...” tila nagmamakaawa pa ito.
Tumango sya at wala mang anumang salita ay sabay pa silang tumalikod at nagtungo sa ibaba. Ang bilis pa ni Rave dahil hindi pa man sya nakakababa talaga ng hagdan ay narinig na nya ang pagkatok nito. Pagkababa at binuksan naman nya agad ang pinto kung saan nabungaran nya ang napaka-gwapong mukha nito na hawak-hawak ang stuffed toy habang kagat-kagat nito ang isang long stemmed white rose at may sticky note pa itong inilagay sa noo na may nakasulat na “DETALIE, FOR YOU...”
Hindi nya tuloy alam kung paaano sya mag-rereact. Seeing Rave like this is very sweet and romantic para sa kanya. Natutuwa ang puso nya pero bigla rin naman syang kinabahan sa kung anumang negatibong ideyang iyon na pumasok sa isip nya. Iniabot nita ang stuffed toy sa kanya at tinggap nya ito.
“Thanks Rave...”
“This is for you too...” Napaatras sya nang bigla ay lumuhod ito at inilahad sa kanya ang bulaklak.
Ang haba ng hair ko!
“Ang corny mo! Salamat!” Natatawang sagot nya at kinuha rito ang bulaklak at tinggal ang sticky note na nasa noo nito, “Saka, akin na rin ‘to.”
Tatayo na sana nito nang biglang tumunog ang cellphone nyang nakalagay sa mesa.Natamaan ng siko nya si Rave nang tatalikod na sana sya para kunin ang cellphone.
“Naku Rave!!! Sorry!” Nag-aalalang sambit nya agad. She put the toy and the flower on the chair near her at tinulungan nya itong tumayo at saka naman tumigil sa pagtunog ang cellphone.
Hindi nya inasahan na mapapahamak na naman sya sa ginawa nya. She helped him stand up at nahuli nito ang mata nya. And now they’re staring at each other and holding each other’s hands. Napaatras sya pero sumunod naman ito.
Then slowly his lips reached hers. Tila tumigil ang oras at nawala ang ibang tao sa mundo.Naalala nya ang naramdaman nya noong gabing nasa beach sila. She closed her eyes and responded to his kiss. Napahawak naman sya sa batok nito habang ang kamay naman nito ay nasa beywang nya. She is in love with him! And this time she is sure of it. Their lips parted pero wala nagsalita agad sa kanila hanggang ito na mismo ang bumasag ng katahimikan.
“I love you Det...”
Whaaattt??? Pwede bang ulitin nito ang sinabi? He loves her and does he mean it?




No comments:

Post a Comment