Rave's Confession: Chapter 7



“What? Alumni Homecoming? Sasali na ba ang batch natin d’yan? Hindi pa nga tayo nakaka-graduate ng college eh!” Inilipat niya sa kabilang tenga ang cellphone at pinakinggan ulit ang sinasabi ni Jean sa kabilang linya. Classmate niya ito noong high school.
“Ayos lang naman ‘yon girl, kasi hindi naman batch natin ‘yong host. Meron naman tayong batch reunion every year diba? Kaya isabay na lang natin sa homecoming,” paliwanag nito.
“Hala sige! Kayo na lang ang bahala d’yan and contact me for any updates ha...”
“Girl, ngayong susunod na sabado na ‘yon, and bringing a date is a must!”
“Ano? At kelan pa naging compulsory ang pagsasama ng date? Ewan ko sa inyo! Basta i-text niyo na lang ako kung ano man.”
“Okay girl... just don’t forget to bring a date. You know the consequences.”
“Fine! Bye.” She ended the call.
Napahiga na lang siya matapos makausap ang kaibigan. Kagagaling lang niya sa school nang tumawag ito and told her about their coming Alumni Homecoming, where bringing a date is a must! Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung sino ang lalaking kakaladkarin niya para maging date. She doesn’t want to happen what had happened to her before. Inulan lang naman kasi siya ng tukso at siya ang madalas pagtripan nang araw na ‘yon. Kulelat na nga ang love life niya eh ginawa pang miserable pati ang buhay niya. Malay ba naman kasi niyang sya lang talaga ang walang date?
She sighed. Ano na lang ang gagawin niya? Hindi naman pwedeng hindi siya mag-attend dahil alam niyang hindi siya titigilan sa pangungulit ng mga kaibigan niya para mag-attend lang.Dagdag isipin tuloy ang home coming na iyon. Heto pa at iniisip niya ang sinabi ni Rave sa kanya kahapon. Umupo siya at nag-ala Ninoy sa mesa. Nag-iisip siya ng pwedeng gawin.Kung boyfriend pa sana niya si Martin. Ang alam niya kasi ay uuwi ito, same date ng event nila.  Kung paano nya nalaman, eh ano na lang ang silbi ng Facebook!
“Thinking of something... or someone?”
Binalingan nya ang pinagmulan ng boses na iyon. Sure enough it was from Rave. Wala naman kasing ibang taong kumakausap sa kanya mula sa bintana kundi ito lang. Oh! Ang gwapo talaga nito! Knowing na nag-i love you lang ito sa kanya kahapon. Ang sarap saguting I love you too pero hindi niya ginawa. Bigla niya kasing naisip si Martin. Ayaw niyang isipin ni Rave na gagawin niya lang itong panakip-butas. Pero kung tutuusin, hindi naman niya gagawin iyon dahil in the very first place, she likes Rave. And she had learned to love Rave too. Love?
“Yeah...” tipid na sagot niya.
“Do you mind telling me kung ano ‘yon?”
“It’s not about you Rave... eh kasi ‘yong Alumni Homecoming ng school namin nung high school eh sa susunod na Sabado na daw.” Nag-aalangan pa siyang sabihin rito.
“Wala naman akong nakikitang problema dun ah. Walang exam at walang pasok. Makakauwi ka.”
“No Rave. Ang iniisip ko lang naman wala akong date. Disaster ‘yong nangyari sa’kin before nung nag-attend ako ng reunion nang walang date. Ayokong mangyari ulit ‘yon ngayon,” sagot niya.
“Pwede kitang samahan. Ako na lang ang magiging date mo.” Nakangiting sabi nito.
No way! She said at the back of her mind. Hindi pwedeng ito ang date niya. Hindi pa naman niya ito boyfriend baka maagaw ng iba. Aba at naging possessive na siya hindi pa man sila.Ano na bang nagyayari sa’yo Detalie?
“Nakakahiya naman sa’yo Rave.”
He laughed. “Ikaw talaga... I just told you yesterday that I love you, pero ni-reject mo ‘yon. Pati ba naman itong tulong na ino-offer ko sa’yo eh hindi mo rin tatanggapin?”
“Eh nagpapakonsensya ka ba?”
“Hindi... nagpapacute lang.” He grinned and winked at her.
“You’re so not you Rave.” Huh? Tama ba ‘yong sabi niya. Parang mali ang grammar eh. Ngunit ngumiti lang ulit ito.
“Bakit mo naman nasabi ‘yan?” tanong nito.
“Kahapon lang you told me you love me. Pero dati naman kung magkasalubong tayo daig pa natin ang hindi magkapitbahay.”
No answer. Ngumiti lang ulit ito. Hindi na rin lang siya nag-usisa pa.
Ano na nga ba ang gagawin niya? Tatanggapin ba niya ang offer na tulong ni Rave. Wala nga namang masama kung tanggapin niya ang alok nitong tulong sa kanya. Mas mapapalapit siya dito at mas malalaman niya siguro ang dahilan kung bakit ito nagbago sa kanya. Parang ang bilis naman kasing mainlove ng lalaking ito. Binalingan na niya ito ulit.
She cleared her throat before she spoke. “Ahmm... Rave?”
“Yes?” He smiled. At nagkabuholbuhol na naman yata ang mga invisible wires sa utak niya nang masilayan ang ngiti nito. Nakalimutan niya tuloy ang dapat niyang sabihin.
“Pwede bang wag kang ngumiti ng ganyan? Naiinis ako eh!”
“Sorry.” Agad naman nabura ang ngiti sa mukha nito at nagseryoso iyon.
“Naku! I didn’t mean that Rave. Eh kasi naman... yang ngiti mo nakaka-distract ng utak ko eh.”
Nakagat nya ang ibabang labi sa pinakawalang salita.
Did I just tell him I love him? No! I just told him I’m distracted with his super bonggang smile!Eh! Parang ganun na rin yun! Nakakahiya ka na naman Detalie!
“Then I won’t smile.” Pero ngumiti ito ng ubod ng tamis.
“Rave naman eh!”
And she heard him laugh again. Pinagti-tripan na yata siya nito. Pero parang musika naman sa tenga niya ang tawa nito. Habang tinitingnan niya ito na tumatawa ay parang gumaan naman ang pakiramdam niya. Bakit parang gusto na niyang tuluyan ng hayaan ang sarili niyang mahalin ito. Oh! Pasalamat siya at may bintanang nakapagitan sa kanila baka kung anong kagagahan na naman ang nagawa niya at nahalikan niya ito!
Tumigil na ito sa pagtawa at seryoso ulit na tiningnan siya.
“I’ll accept your help. Pwede ba kitang maging date next Saturday?”Nahihiyang tanong niya.Hiling lang niya ay hindi marinig ng buong complex ang usapan nila ni Rave.
“Sino ba naman ako para hindian ka? Yes my Detalie...It’s my pleasure to be your date!”
Ilang oras lang naman ang byahe pauwi sa kanila pero parang ang tagal na nilang bumabyahe ni Rave. O siguro feeling niya lang iyon. Kapag kasi ito ang kasama niya ay hindi na niya matukoy ang takbo ng oras. Minsan kasi ay parang ang bilis n’yon o minsan naman ay parang kay bagal.
They are inside his car. Ngayon lang siya nakasakay sa kotse nito. Kanina rin lang naman kasi niya nakita ang kotse nito kaya hindi nya akalaing makakasama niya ito ng solo sa buong byahe. Naiisip pa naman niyang sasakay sila sa pampasaherong van at magkatabi sila nito.She even imagined being wrapped in his arms and her head leaning on his chest while she’s sleeping soundly. Oh sweet!
After their two and half hour travel, narating na rin nila ang venue ng Homecoming. Hindi na muna siya dumiretso sa kanila dahil plano niya ay pagkatapos na ng event umuwi para tuloy-tuloy na rin ang pahinga nila ni Rave. Pero isa pa sa mga dahilan ay nahihiya siyang papuntahin sa bahay nila ang lalaki. Intrigera pa naman ang mga kapitbahay nila, lalo pa at may dalang kotse si Rave, siguradong mapapansin talaga ang pagdating nila.
“Detalie!!!”
“Jean!!!!”
Halos sabay pa silang tumili nang makita ang isa’t isa bago mahigpit na nagyakapan at with matching patalon-talon pa. Jean is one of her close friends in her high school days. Naaalala pa niya na minsan ay sabay sila kung mag-emote nito.
“Buti nakarating ka! Akala namin hindi ka na mag-aattend.” Nakangiting sabi nito sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya.
“Of course not! Ako, hindi mag-aattend?” She raised her left eyebrows and flipped her hair.Taray!
“Eh akala naman kasi namin takot kang mapag-tripan ulit dahil wala kang date.” singit naman ni Nathan na abala sa pag-aayos ng table ng batch nila.
“Akala niyo kayo lang ang may date! Huh! Meron rin ako noh!” pagyayabang niya. And speaking of her date, nakalimutan man lang niyang ipakilala si Rave sa mga kaibigan niya.
“Oh... so he’s you’re date?” Binalingan naman nito si Rave na ilang metro ang layo sa kanila.Tumango lang siya. Nang lingunin niya si Rave ay tamang-tama naman na nakatingin ito sa kanya kaya kinawayan niya ito at sinenyasan na lumapit sa kanila.
“Gorgeous.” Tanging sambit ni Jasmine na ka-batch rin niya na tumabi sa kanya.
Kung nakakatunaw pa ang titig ni Jasmine ay malamang tunaw na si Rave. At kung mag-combine forces pa ang titig nila kay Rave, siguradong wala ng Rave na nag-eexist. She had to admit it that the man heading to their direction is really handsome and tempting. Tempting?Ang laswa mo mag-isip Det!
Nang tuluyan ng nakalapit sa kanila si Rave ay humawak agad siya sa braso nito. What made her do that is her instinct! It is simply telling other girls to back off from her Rave. Her Rave?Kelan pa? Possessive na naman siya rito.
“Guys, this is Rave. He’s my date. And Rave, they are my classmates, way back in high school.”  Saka niya inisa-isa ang pangalan ng mga ka-batch niya na naroon.
Nakipagkamay naman sa bawat isa si Rave. Pero hindi maiwasan na mainis kapag nakikipagkamay na ito sa mga girls na kasama nila roon dahil obvious masyado na attracted ang mga ito kay Rave. Kahit naman kasi sabihing may date na kasama ang mga ito, siguradong hindi naman karelasyon ng mga ito ang ka-date. Liban na lang sa iba na alam niyang official na mag-on. Ang iba eh talagang nagdala lang ng date para makaiwas sa panunukso ng mga kasama.
Abala na ang lahat dahil nagsisimula na ang program. Katabi niya lang si Rave na hindi rin naman masyadong nagsasalita. Maging siya ay hindi rin, hindi rin naman kasi niya alam ang sasabihin.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang program. Merong presentation ang bawat batch. Hindi niya alam kung ano ang presentation na inihanda ng mga kasama niya pero mag-aabang nalang sila kung anuman.
“Are you okay there?” tanong niya kay Rave na tila aliw na aliw sa panonood ng nag-pe-present.
“Yeah. Nakakatuwa ang mga presentations.” Nakangiting binalingan siya nito. “Ikaw, okay lang ba?” tanong naman nito sa kanya and fixed the few strands of her hair covering her face with his hands.
She nodded and took a sip of her drink. Tila bumibilis na naman ang heart beat niya.Ipinanganak ba talagang nag-uumapaw ang sweetness sa katawan itong si Rave? She needs to excuse herself. Hindi na niya ma-control ang pagwawala ng puso niya.
“Punta lang ako sa CR. Okay lang bang iwan kita dito sandali?” She asked Rave.
“Yes... no problem. Andito naman sila Nathan eh.”
Binalingan naman niya si Nathan.
“Don’t worry. Hindi ka namin ibubuking sa mga kalokohan mo noon!” nakangising sabi ni Nathan.
“Siguraduhin mo lang.” sagot naman niya.
Mabilis siyang naglakad papunta ng CR. And upon reaching there, she placed both hands on her chest, near her heart. Bakit ba ganito na lang katindi ang nararamdaman niya para kay Rave? Bakit ba hindi pa niya magawang aminin rito iyon gayong nauna na itong umamin sa kanya? Wala naman sigurong magiging problema roon. She just can’t believe it na ganoon lang kadali na nahulog ang loob nito sa kanya.
Pagkatapos niyang mag-CR ay hindi agad siya bumalik doon. Hinayaan niya lang muna si Rave tutal ay nag-eenjoy rin naman ito sa panonood ng show. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pag-iisip at pagtanaw kay Rave sa malayo nang may tumawag sa kanya mula sa likuran niya.
“Det...”
She knew that voice. Biglang umusbong ang matinding kaba sa dibdib niya. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Kahit pa matagal na niyang hindi naririnig iyon, sigurado syang kilala nya ang taong nagmamay-ari niyon. She’s sure it’s the voice of the man she used to love,Martin.
Anong ginagawa nito roon? Hindi naman niya kasi ito schoolmate noong high school sila. May ka-date ba ito kaya ito naroon? Sino naman kaya? At ano naman bang paki-alam niya kung meron man. Pero bakit ang lakas ng kabog sa digdib niya? Is she...still in love... with him???
  



No comments:

Post a Comment