Chapter 1
It's been 5 years na wala akong boyfriend. Masyado yata akong naging affected sa paghihiwalay namin ng ex ko na hanggang ngayon ay wala pa rin akong ipinalit sa kanya. I still love him, "very much!".
Though lagi ko ng sinasabi sa sarili ko na i will forget him na. Five years ko na ring pilit syang kinakalimutan, but no effect pa rin. I'm still suffering the agony of his lose. Hay.. para akong namatayan.
"Papa naman... pasamahin mo na ako sa office mo. Sira yung laptop ko at gusto kong magchat.. wala akong magawa dito sa bahay.. please..." pamimilit ko kay Papa. Actually hindi office days pero may gagawin lang si papa sa office kaya gusto kong sumama.
May trabaho nga ako at wala kang magagamit na computer dun kasi andun ang Tito mo." pagtanggi nya. Si Tito, ktrabaho nya pero nasanay na rin akong tawagin itong Tito dahil sa religious organization na member rin ang pamilya nito, gayundin ang family namin.
" Pa. .. please naman.. pasamahin mo nalang ako. Tatambay nalang ako dun. o kaya pupunta ako sa bahay nila Andrea." pamimilit ko pa rin habang tinatago na ang cellphone at wallet ko. I'm sure di na makakatanggi si Papa.
"Hala! Sige. Bahala ka na!" wala nang magawa ang papa ko kundi ang pumayag. Kahit noon pa man ay minsan lang kung tumanggi si papa sa mga gusto. Kahit kailan naman kasi hindi ako humihiling ng hindi makabubuti sakin.
Umalis na kami ng bahay at ilang minuto pa ay nasa office na kami ng papa ko. At maraming salamat kay Lord at wala si Tito. Solong-solo ko ang computer. At gaya ng nakasanayan, nag-chachat lang ako kung kani-kanino lang. at dun nagsimula ang ang lahat.
"Hi! Maganda ka ba?" basa ko sa message na natanggap ko from an unknown sender. Gago o gaga naman pala to eh. Bakit? Gwapo o maganda ba sya para tanungin ako ng ganun?
Hindi ko alang kung sino yun but i'm sure isa yun sa mga kchat ko. may huningi kasi ng number ko sa chatroom na yun then ibinigay ko naman.
"Sino nagtext sa kin?!?" message ko dun sa chatroom. pero sa cp ko nagreply si unknown texter.
"Rockee. Pcenxa na sa frst txt ko." reply nito. Bigla naman naging isang mabait na santo ang text nito.
"okey fine! watever! taga san ka ba?" reply ko dito gamit ang cellphone.
Patuloy pa rin ako sa pagchat while katext sya. Napag-alaman kong from cebu sya at marami pa syang sinabi na tungkol sa kanya.
Dalawang oras rin yata kaming nagkatext ng bigla syang hindi na nagreply. at naalala ko hindi ko pa sya nainvite sa FS. I viewed his profile pero private ito kaya di ko nakita ang pagmumukha nya at ang primary photo nya ay jersey ang picture. Kaya naisip ko, baka panget!!!!
the next day...
Nagtext sya ulit sa akin. Hanggang naging regular textmates kami hanggang sa nanligaw sya at naging kami. Dun ko lang naisip na hindi ko pa pala sya nakikita. Kahit picture nya lang.
One day magkausap kami sa phone...
minsan kasi dala ng kagagahan ko ay naniniwala akong kayang mag-workout ng isang long distance relationship.
"Describe mo naman sarili mo. Di ko pa kasi naview yung profile mo. Di ko pa nakikita ang mga pictures mo." sabi ko sa kanya. that time, alam ko inlove na ako. Madali talaga akong mainlove especially that i found him very easy to be loved. And feeling ko rin naman kasi totoo sya sakin kahit malayo kami.
"Bakit pa? pagnalaman mo bang di ako gwapo, makikipaghiwalay ka sakin?" sagot nito. parang kinabahan ako dun ah. Ano nga ba? Yung mga past bf ko kasi, masasabi kong gwapo sila kasi naging crush ko yung mga walang hiyang mga yun. Di ako agad nakasagot.
"Ano? makikipaghiwalay ka ba pag nalaman mong di ako gwapo at makita mo na yung picture ko?" ulit nito..
"Ahh.. hindi naman.. hindi ako ganun ano..Hindi naman ako after sa kgwapuhan eh.. di rin naman ako maganda." pasimple kong sagot, but deep inside kinabahan ako. Naku naman!! pano nga kung hindi talaga gwapo to... ok na sigura kahit di gwapo basta di todong panget!!!!!
"Alam mo? To be honest mahal na kita eh.. ewan ko ba kung bakit ngayon lang kita nakilala." sabi ko sa kanya. Totoo naman yun eh. MAhal ko na talaga sya.
"HIndi mo ako nakita noon dahil GWapo ang hinahanap mo. MAhal rin naman kit eh." sagot nito.
Hindi na ako nakasagot pa.at nagpaalam na muna ako sa kanya. isang malakas na sigaw ang narining ko. My mother calling me again.
"CLAUDIE!!!!!!"
Yeah.. I'm Claudie. Claudia ang totoo kong pangalan. Pangalawa sa tatlong magkakapatid. I have my kuya and a little brother.
Naaalarma ako pagsumisigaw na si mama kasi papagalitan ako nun pagnakita akong hawak ko na naman ang cellphone. ewan ko ba kung bakit allergy syang makita akong hawak ko ang cp ko. Ginagawa ko naman ang trabaho ko sa bahay.
Bakasyon kasi kaya nasa bahay lang ako. Isang buwan pa at pasukan na ulit. Dalawang linggo na rin kami ni Rockee pero yung feelings ko sa kanya parang ang tagal-tagal na namin.
Natapos rin ang bakasyon. AT last! balik sa dorm na naman ako. Kami pa rin ni Rockee. Ang saya ng relasyon namin but it came a day ng ipinaalam nya sakin na may result ang exam na sabi nya ay nagtake daw sya para airforce. Well i forgot about that. Noong bakasyon pa lang ay binanggit na nya sakin yun. pero dahil sa airforce2 nyang yan.. nagsimulang magulo ang relasyon namin.
"Partz naman.. intindihin mo ko,. busy na talaga eh." yan ang lagi nyang sinasabi sakin. Nagkahiwalay kami at nagkabalikan rin agad.
"Partz, mahihintay mo ako diba? hihintayin mo ko? 6 months lang naman eh." sabi nya sa akin. Okay lang naman sakin yun eh. It's for his own good. ang iniisip ko lang baka hindi nya totohanin na babalikan ako.
" Syempre naman.. kaya ko.. ako pa!! mahal kita eh.. hihintayin kita.. diba nga you promised after that magkikita na tayo in person. Excited akong marinig ang boses mo at makita ka ng harap-harapan." sabi ko sa kanya at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko. Masakit, natatakot ako. Pero wala akong choice kundi ang tanggapin ang lahat.
Pero, dumating rin ang araw na kinatatakutan ko. ang magkahiwalay kami. At sa ikalawang pagkakataong nagkahiwalay kami ay hindi na kami nagkabalikan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Then a week after our break up i received a text from him.. may message daw sya sa kin sa FS at basahin ko nalang. NAgmadali akong pumunta sa Cafe at ang message nya...
"PArtz.. kumusta ka na? Miss na kita. Busy na talaga ako. Sa ngayon wala pa akong ipinalit sayo. MAsakit pa yung puso ko dahil sa mga biglaang pangyayari. Mahihintay mo pa ako di ba? Siguro magkakabalikan pa tayo, o Hindi na. Wag ka ng umiyak jan.. emo ka talaga.. ingat ka lage ha. cge kasi may gagawin pa ako. magemail ka lang. pipilitin kong mkareply."
yun na ang huling email nya sakin. I tried to forget him but nahirapan ako.
How can i forget him if everytime nakikinig ako ng mga songs ay ang themsong namin para sa isat-isa ang pinakikinggan ko? How can i forget him kung everytime nag-internet ako ay profile nya sa FS ang titingnan ko.
Ilang araw at buwan ang dumaan.. Nag-ring ang cp nya!! NAgkatext kami at sabi nya sakin when i asked him if magkakabalikan pa ba kami. he said. "Oo..magkakabalikan pa tayo. Promise. Hintayin mo lang ako." bagong taon na nun. January1,2004. Umasa ako pero, i found out na nagkabalikan sila ng ex-gf nya. Ewan ko ba kung bakit pa ako umaasa. kaya tuloy nasasaktan ako.
Sa pinaghalong inis at galit ko, para sa kanya at sa sarili ko ay nakaisip ako ng mga kalokohan. Nagpapansin ako.
At ang huling nagkausap talaga kami ay nung pinagalitan nya ako sa mga kalokohang yun na ginawa ko. Una, pagpalit ng password nya sa FS. Pangalawa, Pag-open ng YM account nya at pangatlo, binastos ko daw ang mama nya.
No comments:
Post a Comment