Chapter 10
Ilang araw na rin mula ng huli kaming nagkita ni Lance. Dahil wala nga akong trabaho ay hindi ako lumalabas ng bahay. Mamaya ay aalis na ang kuya ko. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko sa terrace si kuya at hawak nito ang gitara. Napansin ko rin ang frame na nasa table. Yun yung song na kinompose ko para kay Rockee noon. Umupo ako sa chair sa tapat ni kuya at kinuha ang frame. Well itinago ko na ito at bakit kaya kinuha pa ni kuya ito.
PROMISES
I
the colors of my life begin to fade
since the day u left, something disappeared
sorrows and pains begin to show
for you've only left me with promises
baby, i hope it's true
Refrain:
you promise it's us forever
baby i thought of that too
you promise you'll come back to me
baby i'll wait for you
chorus:
coz these promises give me strength
to live each day like i'm with you
ant to think it's us forever
it seems like a dream come true..
II
now i've learned to live my life alone
though it's not like those days with you, i know i could hang on
sorrows and pains still show
for keeping these promises u've left
will never help me get over you
Refrain 2:
you promise it's us forever
there will be no forever with you
you promise you'll come back to me
i know you'll never do
coz now i'll forget your promises
and i'll forget you too..
i know it will not be so easy
but baby i know i'll do...
Naalala ko tuloy noon. College pa ako,marami akong nasusulat kapag naaalala ko si Rockee. Ngayon naman minsan nalang kung magsulat ako dahil masyado akong nababagabag sa pagdating ni Rockee.
"Bakit mo kinuha to?" tanong ko kay kuya.
"Wala lang, nakita ko kasi kanina." sagot nito at inilagay na ang gitara sa mesa.
"Aalis ka na mamaya, ikumusta mo nalang ako kina mama."
"Bakit? Wala ka pa ring plano umuwi sa atin? Sama ka nalang sa akin para matuwa sila mama." patawang sabi nito.
"Baka mabigla pa sila dahil ang dalawa nalang anak na hindi umuwi sa lugarna yun ay bigla nalang nagpakita kahit walang okasyon." sagot ko naman sa kanya.
"Mabuti nga yun eh para naman makapag-isip ka na kung anong gagawin mo sa buhay mo. Tumulong ka nalang sa kanila sa business natin doon."
"Yeah, Naisip ko nga rin yan eh. Para malayo na rin ako sa mga taong nagpapabigat ng feelings ko."
"Ang drama mo! Sumama ka na sakin mamaya...!"
"Hindi pa ako nag-eempake."
"Eh mag-empake ka ngayon!"
Well, yun nga at nag-empake ako. Mabuti na rin yung malayo kay Rockee. Ewan ko nga kung makakabuti kasi kahit naman noon, malayo sya ganun pa rin. Haayyy..
Tapos na akong mag-empake. May dalawang oras pa bago kami umalis ni kuya papunta ng pier. I get my phone at tinawagan si Lance. Nag-ring naat ilang sandali pa ay may sumagot na.
"Claudie? Bakit ka napatawag?" tanong agad nito.
"Im going home Lance, mamaya na ang alis ko."
"Wrong timing ka naman, hindi na kita maihahatid kasi may date kami ng girlfriend ko mamaya. 2nd anniversary namin eh.. Sorry tlaga Claudie."
"Okay lang yun. Tumawag lang naman ako para ipaalam sayo na aalis ako eh."
"Magtatagal ka ba dun?"
"Ewan ko. Hindi siguro. depende lang."
"About dun kay Rockee at Jane.."
"Wag mo ng sabihin. Ayoko ng alamin."
"Ganun ba? Sige, ikaw ang bahala.. choice mo yan eh. Ingat nalang kayo ha.. basta pag may problema call me nalang."
"Hmm.. okay, thanks Lance. Goodluck sa date nyo mamaya. Kailan ba ako makakatanggap ng invitation para sa kasal nyo?"biro ko sa kaibigan.
"Hayaan mo malapit na." sagot naman nito.
"Talaga??? well sige! Aasahan ko yan."
"Cge Claudie bye na ha.. maghahanda pa ako eh."
"Cge, bye."
Buti pa ang mga bestfriend ko. Si Andrea may career na, si Lance naman both. Career at lovelife. Ako? si Claudie ay walang wala pa rin. Kailan naman kaya ako sasaya? Masaya naman ako pero hindi sa Lovelife.
Two hours is over at aalis na kami papuntang pier, kasama ko sa kotse ang driver namin at si kuya. Tahimikkami sa sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si unknown texter na naman. Bakit ba pasulpot-sulpot lang to.
"Soon you'll be mine. Wherever you are my heart belongs to you." basa ko sa text nito. Ayy naku, ang OA naman nito. Nagreply ako. "Cno kaba talaga?" gaya ng dati hindi ulit ito nagreply.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pier. Inihanda na ni Kuya ang ticket namin.
"Tatay Ferds, kayo na muna ang bahala sa bahay ha. Ingat po kayo." sabi ko sa driver namin.
"Walang problema. Cge, mag-ingat rin kayo ha. Ikumusta nyo nalang ako sa magulang nyo." sabi naman ng may edad ng lalaki.
Nagpaalam na kami ni kuya sa kanya at nagtungo na sa barkong sasakyan namin. Madali lang ang naging byahe namin. Ilang oras pa narating na namin ang lugar namin. malaki rin ang pinagbago ng Naval. pero madaling araw na ng dumating kami kaya wala pang masyadong tao. Sakay sa isang tricycle ay narating namin ang bahay namin.
Bongga na ah! Ngayon ko lang nakitang nag-evolve na pala ng ganitoang bahay namin. Kahit medyo madilim pa ay pansinko na agad ito. Nagbayad na kami ng pamasahe. Hindi naman kasi ganun kalaki ang lugar namin at hindi pa uso ang taxi.
Nasorpresa ang lahat sa pagdating namin ni kuya, gaya ng inaasahan namin. Pero dahil nga kakarating pa lang namin at medyo pagod pa sa byahe ayy hinayaan na rin munanila kamingmagpahinga. Bukas na ang interview. Grabe! Napagod ako ah.. Pumasok ako sa kwarto ko. Ganun pa rin, wlang pinagbago. walang natutulog dito at pinalilinisan lang sa mga katulong. Humiga agad ako sa kama at nakatulog.
"I ask you to wait for me Claudie at nangako kang hihintayin mo ako." sabi ni Rockee sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko.
"Yeah,.. tumupad naman ako sa pangako ko. Ikaw ang hindi Rockee pero naghintay pa rin ako." sagot ko sa kanya. Ngayon ay malapit na malapit na sya. Kitang kita ko ang expression sa mukha nya, hindi sya galit gaya ng inaasahan ko.
"Alam ko. I came back for you pero may mga taong sadyang sumira sa ating dalawa." sabi nito at alam kong si Lance ang tinutukoy nito. Nagpatuloy ito.
"Claudie I love you. I still love you at sa nagdaang panahonay ikaw lang ang minahal ko at wala ng iba."
Napatanga ako. At sa mga sandaling yun ay gusto ka nang sabihin na mahal din kita pero hindi na ako makapg-salita. Naghihintay sya sa sagot ko. Hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko. Nooooo!
Tulad ng dati, nagising ako. Panaginip na naman. Naalala ko tuloy, sa tuwing nananaginip ako ng ganito ay nagkikita kami ni Rockee at may mga di inaasahang pangyayari. Imposible ang iniisip ko ngayon. Wala dito si Rockee at malayo kami.
Napansin kong tanghalina pala. Mataas na ang araw. Bumangon ako at naligo agad. I get my phone at pinalitan ng battery ito. Nag-empty battery kasi kagabi at hindi ko agad napalitan dahil pagon ako sa byahe. Ini-on ko ang aking cellphone at my message, mula kay Lance. Binasa ko ito. "hndi pwdng di mo mlaman to Claudie, Rockee and Jane, hnd cla mag-asawa. Wla na clang relasyon noon pa! Hahabol si Rockee sa yo dyan! he asked me ur address."
Muntik ng mahulog ang cellphone sa pagkabigla ko. Parang ang saya ko! Hindi ko maintindihan.. Gusto ko pang alamin ang iba pang impormasyon pero sa tingin ko sa oras na ito ay hindi ko na iyn kailang. sapat na ang malaman kong hindi pala commited si Rockee kay Jane.
Kung humabol si Rockee, sa oras na ito ay dapat nakarating na sya. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala ngunit walang tao. NArinig ko ang mga munting tawanan mula sa garden. Andun ang pamilya ko at si.. si Rockee!
Parang sa tv to ah!! patakbo akong lumapit sa kanila.
"Siguro kailangan nyong mag-usap." sabi ng papa ko at tinapik ang balikat ni Rockee.
"Ayusin mo nalng ang pakikipag-usap dyan sa kapatid ko ha,. Baka umiyak na naman yan." sabi naman ni Kuya charlie.
"Tayo, at marami pang kailangang pag-usapan ang ating lovebirds. Tayo na Kuya!" sabi naman ng bunso naming si Cedrick. at inakbayan si kuya. Nag-alisan sila at kami nalang ni Rockee ang naiwan.
Lumapit sa kin si Rockee. Palapit sya ng palapit at naramdaman ko na naman ang hindi normal kong heartbeat. Prang matutunaw na ako. Gaya ng sabi sa text message, magugunaw na ang mundo ay wala akong paki-alam. Nasa harapko si Rockee at excited ako sa magiging usapan namin.
No comments:
Post a Comment