I Love You All Along: Chapter 9


Ang akala kong isang linggong bakasyon ni Kuya sa bahay ay umabot na ng isang buwan. Susunod daw sa kanya ang pamilya nya. Nakaalis na rin si Andrea kanina. Kasama ko si kuya sa terrace at hindi ko mahulaan ag iniisip nito.

"KUya? Kanina ka pa wala sa sarili ahh.." tanong ko dito.


"Claudie, ano ba talagang nararamdaman mo para kay Rockee?" Nakaupo sa silya sa tapat ko si Kuya.


"Alam mo na yun Kuya."


"Hanggang ngayon kahit alam mo ng buntis si Jane?"


"Ewan ko kuya.. wala pa ring nagbabago eh." bakas sa tinig ko ang matinding kalungkutan. Wala na nga pala akong naging balita tungkol kay Rockee. Pero ang unknown texter ay lagi pa ring nagtitext ng mga hindi ko maintindihan na bagay gaya ng "Mahal kita at hindi na magbabago yun.", "Kahit anong mangyari at kalimutan mo man ako, hindi ko pa rin magagawang kalimutan ka." at maraming pang kdramahan.

"Kuya, tell me please, ano bang napg-usapan nyo ni Rockee noon?"


"So you knew already kung paano kami nagkakilala. Ngayon iba naman ang gusto mong malaman..."


"Kuya, wag mo na akong paikutin please.. sabihin mo naman sakin.. baka alam o kung bakit ganun ang mga pinagsasabi sa akin ni Rockee." pamimilit ko sa kanya.


"You really wanna know??" tanong nito at tumango lang ako.


"Kahit ako nung sabihin nya sa akin hindi rin ako makapaniwala Claudie eh.. You asked him to forget you coz you already love other man. Nag-email ka daw ng ganun sa kanya. Nagka-chat pa nga daw kayo. Claudie, you promised him na hihintayin mo sya pero yun yun nga daw ang natanggap ya email mula sayo before new year. Nagkatext daw kayo and thinking na niloloko mo lang sya ay sinakayan na lang nya ang gimik mo.." mas lumapit ako kay kuya. Nabigla ako sa mga nalaman ko. Kahit kailan wala akong message na ganun sa kanya. Nagpatuloy si Kuya.

"Claudie, He loved you so much and until now mahal ka pa rin nya.. hindi nya lang matanggap na niloko mo sya."


"Pero kuya, ang tanga naman nya para hindi maiisip na imposibleng gawin ko yun!? He knows how much I love him and i promised na hihintayin ko sya tinupad ko yun.. Sya ang hindi tumupad sa pangako! I still remember first week ng january noon when i viewed his FS may mga picture na nila ni Jane na naka-post dun.. what am i suppose to feel.. nasaktan ako kuaya but still i asked him to make friends nalang with me."


"But hindi na sya nagreply diba? Hindi na sya nag-oopen ng FS nya kundi si Jane. Ipinaubaya na nya ito kay Jane."

And everthing is becoming clearer.. Natapos ang pag-uusap naming yun ni Kuya at tumambay ako sa labas ng gate sa gilid ng kalsada. Mula sa tinatambayan ko ay nakikita ko ang bahay nila Rockee. Napansin ko ang isang bulto ng lalaking papalabas mula doon, si Lance. Anong ginagawa doon ni Lance? Ilang araw rin itong hindi nagpakita sa akin at meron pa kaming naudlot na pinag-usapan. TUngkol sa Kasalanan daw nya. Ano naman kaya yun?

Naapatayo ako mula sa kinauupuan at lalapitan sana ang kaibigan ngunit napansin kong papalapit naman ito sa akin kaya hinintay ko na ito. Ilang sandali pa ay kaharap ko na ito. Magkatabi kaming nakaupo na doon.

"I know you're going to ask me anong ginawa ko doon sa bahay ni Rockee." sabi agad nito sakin pagkaupo namin.


"Yeah.. you got it right. Bakit nga ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"I'm hurt seeing you like that Claudie." humugot ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Everything na sinabi sa iyo ni Rockee ay kasalanan ko. I was the who sent that message na sumira sa inyo. Naka-chat ko si Rockee one time nung pinaopen mo sa akn ang ym account mo."
Nakatanga lang ako. Bakit nagawa ni Lance sakin to? Nagpatuloy ito.

"I pretended to be you and told him things na makakapasakit sa kanya. Ayoko na masaktan ka pa nya Claudie."


"But alam mo he's everything i ever wanted since then? Bakit mo nagawa sakin yun?" Maiiyak na naman ako nito pero wala na akong pakialam dahil yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.


Bakt parang wala na akong makakapagkatiwalaan? Ang daming naglilihim sa akin.. Ang dami kong hindi alam. Ang masakit pa ay ang mga taong malalpit sakin ang mga nagtatago ng sekreto. Bakit ba nangyayari sakin to? Nagmahal lang ako ng totoo. Mahirap ang long distance at cheap ang mapsagot sa text pero tinanggap ko yun. Inaamin kong naging tanga ako.


Inakbayan ako ni Lance at inihilig ko ang aking ulo sa balikat nya. Hindi ko naman kayang magtanim ng sama ng loob sa kanya dahil kung tutuusin kapakanan ko rin lang ang inisip nya. Yun nga lang ay mas nasaktan ako.

"Bakit ka pumunta kina Rockee?" tanong ko ult sa kanya nang maalala kong hindi pa nya ito nasasagot.


"I told him what i did." Inilayo nito ang ulo ko sa balikat nya at pinaharap ako sa kanya... "See this?" pinakita sa kin ang pasa sa may panga nya na ikinabigla ko?


"anong nangyari dito??" hindi ko napansin yun kanina ah..


"Ganti nya sa ginawa kong pagsuntok sa kanya noon." Tumawa ito at hindi ko alam kung bakit masaya pa ito sa kabila ng natamo nito.


Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang mga pinagsasabi ni Rockee at alam ko ng si Lance ang naging dahilan. At yun nga ay hindi ko ito masisisi. Nalaman ko na nga ang mga ito pero huli na ang lahat. Rockee will soon have his own family. Wala na akong naging balita sa kanila at wala na akong plano pang alamin dahil tiyak na masasaktan lang ako.

Nasa gilid pa rin kami ng kalsada when i noticed a car na huminto sa tapat ng bahay nila Rockee at lumabasmula doon si Jane at isang lalaki. Sino naman kaya ang lalaking yun? Baka kapatid ni Jane. Imposibleng boyfriend nya to dahil sila ni Rockee. Grabeh naman kung magdadala sya ng ibang lalaki sa mismong bahay nila.

"Sino kaya yun?" natanong ko kay Lance na alam kong wala ring alam.


"Hindi ko alam, baka kapatid ni Jane." Pareho lang naman pala kami ng iniisip.

Five years ago si Jane ang pinagseselosan ko noong kami pa ni Rockee. Nagseselos ako dahil kung tutuusin wala akong laban dahil malayo ako. Sila naman ni Rockee malapit sa isa't-isa. Kilala na ng pamilya ni Rockee si Jane noon pa man at naging masama pa ang tingin ng mommy ni Rockee sa akin. Hayyy.. Hanggang ngayon nagseselos pa rin ako. Pero naitatanong ko sa sarili ko minsan kung mag-asawa ba talaga ang dalawa. Ewan ko, gaya ng sabi ko, ayoko ng masaktan kaya ayaw ko na ring alamin.

Pero,sabi ko lang yun sa sarili ko. Kailangan na alamin ko dahil kung sakit lang sa puso ang pag-uusapan, immune na ako dyan. hmmm.. feeling ko nga nagiging manhid na ang puso ko, sanay na kasi.


"Claudie?" agaw ni Lance sa attention ko.


"Bakit?" tumingin ako sa kanya.


"Do you think na mag-asawa si rockee at Jane?"


"Ewan ko... Siguro..." nagkibit-balikat ako.


"Ehh.. nung suntukin ako ni Rockee wala naman akong napansin na ring eh.."


"Naku naman, jinombag ka na nga eh.. baka hindi mo lang napansin dahil masakit ang panga mo!!" nakuha ko pa ring magbiro. Kahit kailan naman kahit nasasaktan ang puso ko kaya ko pa ring magpeke ng emotions. oh diba? parang artista.


"Ikaw talaga.. totoo ang sinasabi ko. Hmm.. hayaan mo, aalamin ko nalang. Babawi ako sa kasalanang nagawa ko."


"Hindi na kailangan Lance, okay na sakin yun. Kakalungkot isipin pero ganun talaga eh.. baka we're not meant to be talaga." sabi ko.


"Asus, ngayon ka pa susuko? Matagal rin yung 5 years! Mahal kita Claudie, tutulungan kita."


"Ehh kung mahal mo ko bakit mo nagawa sa kin yun before?" di ko napigilan ang sarili kong maitanong yun at ilang sandali muna bago sumagot si Lance. Napatingin ito sa akin. Kinabahan ako.. ano na naman kaya ang sasabihin nito?


"Noon Claudie, iba ang pagmamahal ko sa'yo. Hindi yun bilang kapatid o kaibigan. Sa mga panahong yun ikaw lang ang babaeng pinagkatiwalaan ko. Well, nang mga panahong yun eh hindi ko pa nakikila ang girlfriend ko ngayon." iniwas nito ang tingin sa akin at nagpatuloy.

"Noong nalaman kong babalik talaga sa'yo si Rockee ay ginawa ko yun. I was so afraid na hindi mo na ako magawang mahalin higit pa sa pagiging kaibigan. But i realized, you'll never love me the way i wanted you to love me. True love ang naramdaman mo para kay Rockee eh. Nagseselos nga ako kasi nasa malapit lang ako noon pero di mo ako napapansin. Tumingin ka nga sakin," tumigil muna ito sa pagsasalita. Tumingin ako sa kanya at nagpatuloy ito.


"Sabihin mo nga sakin, Gwapo ako di ba??"

Sa sinabi nyang yun ay hindi ko napigilan ang tumawa. Seryoso sya kanina at bigla nalang nagtanong ng ganito.


"Hey! why are you laughing? Seryoso ako dun ha..."


"Oo naman! Gwapo ka, kaibigan kita eh.."


"Bakit di mo ako napapansin noon?"


"Alam mo na kung bakit.."

Natapos ang pag-uusap naming iyo ni Lance. Before he left, nag-promise itong aalamin kung mag-asawa ba talaga si Rockee at Jane. Well.. im still praying na hindi.




No comments:

Post a Comment