I Love You All Along: Chapter 8


Balisa pa rin si Lance, may iniisip ito na hindi ko mahulaan kung ano, dahil kung lovelife hindi nya problema yun ayos na ang relationship nila ng girlfriend nya. Kung tutuusin ay naiinggit ako sa kanya dahil happy siya sa lovelife nya.


"Lance, ano ba talagang iniisip mo? Nag-aalala ako sa'yo eh. Sabihin mo na sakin please naman." i'm begging him dahil hindi rin ako mapakali sa ginagawa nya.


"Claudie, you're like a sister to me. Wala akong kapatid at mula nung makilala kita alam mong minahal kita. Alam mo kung gaano ka kaimportante sakin."


"Alam ko naman yan eh... bakit ayaw mong sabihin?"


"Kasi..may kasalanan ako sayo.." mahinang ang pagkasabi nito.

Si Lance? May kasalanan sakin? pero ano? Kinabahan tuloy ako... Hindi maari ang iniisip ko. Baka may kinalaman si Lance kung bakit nagkaganoon si Rockee. Ipapatuloy na sana ni Lance ang sasabihin ng tumunog ang cellphone ko, si Andrea ang tumatawag.


"Oh, hello andrea, bat ka napatawag?" tanong ko sa nasa kabilang linya.


"There's something you should know, I've heard kanina Jane is pregnant, then maybe mag-asawa na talaga sila ni Rockee."


"Whaat??" Masakit sa puso ang narinig ko ah. Nakatingin lang sa akin si Lance. Nabigla ako sa nalaman. Buntis si Jane? Paano na ako? What about yung kiss? Ano ba naman ako, ang tanga ko talaga. Nagpadala lang ako. Kiss lang yun at marami ngang iba dyan na kahit di magkaano-ano naghahalikan.

Grabe ang sakit. Parang nadurog ang puso ko at tumigil ito sa pag-beat. Tumulo ang luha ko at ewan kung bakit, siguro dahil sa wala na talagang pag-asa. Magiging ama na ang lalaking pinaka-love ko at syempre noh! hindi naman ako ganun kasama para mangsira ng pamilya.

"Girl? okay ka lang? Kalimutan mo na kasi sya." sabi ni ANdrea na nsa kabilang linya.


"Yeah. Sige, mamaya nalang ulit." yun lang then i pressed the end button.


"You're crying again." malungkot na sabi ni Lance, kumuha ito ng panyo at ibinigay sakin.


"Wala na talagang pag-asa Lance." Napahagulhol na ako. Niyakap ako ni Lance at gaya ng dati sya pa rin ang nandyan para sa'kin sa tuwing iniiyakan ko si Rockee. Mabigat ang pakiradam ko. Simula ng makita ko si Rockee ay araw-araw na akong nagiging ganito. At ano ang kasalanan ni Lance? Di ko na naitanong pa ito dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko.

Dalawang linggo rin matapos ang mga nangari at ang malaman ang pagkakabuntis ni Jane ay hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay. Nalaman ko na rin lang na aalis na si Andrea sa susunod na araw kaya kailang kong pumunta sa kanila para naman kahit papaano ay makabonding ko ang aking kaibigan. Nag-eempake na sya at pinapanood ko lang sya habang busy sa ginagawa nya.

"Ikaw ba malungkot dahil aalis na ako o dahil dyan sa kabiguan mo sa lovelife moh?" sabi ni Andrea at inilagay sa maleta ang tinupi nyang damit.


"Pareho yata girl.. Iiwan mo na ako ehh.. Wala na akong ka-chismisan dito." malungkot kong saad sa kaibigan.


"Asus.. nagdrama ka pa. Hayaan mo sasabihan ko si Lance lagi magpunta sa inyo para may kachismis ka pa rin."


"Gaga ka talaga, baka awayin ako ng girlfriend nun pag lagi nlang tatambay sa bahay ang lalaking yun ano."


"Eh anong gusto mong gawin ko? Tawagan ka lagi? Bisitahin mo nalang ako dun."


"Ayoko.. baka makakita ako ng pwedeng mapangasawa dun!" pabirong sabi ko kay Andrea at nagkatawanan kami.


"Basta girl, wag kang mawalan ng pag-asa at may darating ring bago."


"Pero girl, alam mo? ipnagtataka ko pa rin kung bakit magkakilala si Kuya at si Rockee eh."


"Claudie, sasabihin ko na lang sayo to ha, di naman nasyadong importanteng malaman mo kung pano nagkakilala ang dalawa eh. " sabi ni Andrea. Nagtataka pa rin taaga ako.


"Eh.. Bakit nga? Paano?"


"May kaibigan si Jane na kaibigan rin ng hipag mo. They met sa isang party. "

HIndi ako nagtataka kung paano nalaman ni Andrea yun dahil ang hipag ko at si Andrea ay magpinsan. Pero bakit hindi sinabi sakin ni Andrea ito noon pa?

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?" tanong ko dito.


"Gurl, after the party ko rinlang nalaman.. Tumawag kasi si Ate Kyla at tinanong ko sa kanya kung may kilala syang Rockee at yun sinabi nya sa'kin. Natamaan pa nga raw si Rockee ng kuya mo eh nang makilala nya ito."


"Ganun? Kaya pala hindi sinasabi ni kuya. Pero paano sila naging magkaibigan kung ganun ang naging unang pagkikita nila? " medyo naliwanagan na rin ako. Nagpatuloy pa si Andrea.


"Nagkausap ang dalawa at hindi na daw nagkwento si Kuya Charlie kay Ate kyla tungkol sa napag-usapan nila ni Rockee." dun natapos ang kwento ni Andrea tungkol sa nalaman nya.


Napatango na lang ako. Ngayon naman ang gusto kong malaman ay kung ano ang pinag-usapan ng dalawa at bakit sila naging magkaibigan kung galit si Kuya kay Rockee dahil sa ginawa nito sa akin? Again, Bakit na naman ang tanong ko sa sarili. Bakit nga ba?




No comments:

Post a Comment