I Love You All Along: Chapter 7


"what??? Ano ba yang pinagsasabi mo?" inilayo ko ang sarili sa lanya at galit na rin ako.


"All these years i've waited for you at nung naging tayo na, hindi ako naging two-timer! ikaw ang sumira sa panngako mo!!! you promised na babalikan mo ako pero ano?? ha?? Nagpakasaya ka sa buhay mo at kinalimutan mo ako! Nagpapansin ako para maalala mo pero walang nangyari.. you rejected me!! pero hindi parin ako sumuko!!' Naiiyak pa rin ako at nagtitinginan pa rin kami. But this time nababasa ko ang galit sa mga mata nya.


Pero bakit? Bakit sya galit? Ako galit ako ngayon dahil sa mga pinagsasabi nya. Hindi na nagsalita pa si Rockee at tinalkuran na ako ako nito. Naiwan akong umiiyak and at that ay gulong-gulo na ang isip ko. Ano ba talagang nangyari sa amin? Natanong ko tuloy sa sarili ko. Ilang sandali pa ay lumabas na ang kuya ko at napansin nito ang pag-iyak ko.


"What's wrong? Anong nangyari?" may pag-aalalang tanong ng kuya ko.


"wala. Wag mo ng alamin." tinalikuran ko si kuya at naunang maglakad pauwi. Malalaking hakbang ang ginagaw ko dahil feeling ko ilang sandali pa ay hahagulhol na ako sa pag-iyak at babagsak na ang katawan ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.


Hinayaan na ako ni Kuya at di na ito nagtanong pa. Pagdating sa bahay ay diretso ako sa kwarto at dapa agad sa kama ko at nag-iiyak. Tumunog ang cellphone ko at si Lance ang tumatawag kaya pinilit kong sagutin ito. Pilit ko ring iniba ang boses ko para di mapansin na umiiyak ako pero walang effect pa rin, napansin pa rin nito.


"bakit ka umiiyak?" tanong ni Lance.


"Bakit ganun ang mga sinabi nya? di ko sya maintidihan eh.. parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya." umiiyak na sabi ko kay Lance na nasa kabilang linya.


"Mabuti pa siguro natulog kana muna at bukas na natin pag-usapan yan. Pupuntahan kita. okay? matulog kana Claudie."


"Cge.. punta ka dito bukas ha..Goodnight." yun lang at natapos ang pag-uusap namin.
Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.

Kinabukasan........
Medyo ayos na ang pakiramdam ko pero dahil sa kakaiyak ko kagabi ay ang laki ng eyebags ko. Haayy.. Madali lang pagaanin ang loob ko, pagkain lang ang katapat nito at alam ni kuya yun kaya pagkagising ko ay pagkain agad nakita ko.


"I know you need this." sabi ni kuya at inilapag ang isang tray ng pagkain sa sidetable malapit sa kama ko.


"Thanks kuya... pero di mo pa tin sinasagot ang tanong ko."


"Malalaman mo rin naman eh.. wag na muna ngayon."
Hindi ko na pinilit pa si kuya. Bahala na si Lord. May kailangan pa akong alamon kung bakit ganun si Rockee. Feel ko naman na mahal nya ako. Feel ko lang.


Nung araw na yun ay tinupad nga ni Lance ang sinabi nito kagabi. Nagpunta sya sa bahay. Nasa terrace kami and i told him everything that happened last night at di ko rin maintindihan ang naging expression ng mukha.

"Ewan ko ba kung bakit nya nasabi yun. Sa tingin moh? Bakit kaya?" tanong ko kay Lance pero napapnsin di sya makatingin ng diretso sa akin. "may problema ba Lance? Kanina ka pa di mapakali eh." dugtong kong tanong sa kanya.


"Ahh.. wala.. siguro akala nya di mo sya hinintay. o baka may message kang na misinterpret nya at akala nya sumuko ka na." pagpapaliwanag ni Lance.


"Hindi eh.. hindi nya mamimisinterpret ang mga message ko dahil di naman sya ganun katanga."


"Ahh.. bka di nya nareceive ang mga message mo?"


"Hello?? Lance.. impossible yan, sa kanya lang ba ako di makapagsend ng message?"
HIndi pa rin talaga mapakali so Lance at pansin na pansin ko ito.

"Ano ba talagang problema Lance? Tell me, parang iba ka ngayon eh.."


"wala nga akong problema eh.. may iniisip lang ako." sagot naman ni lance,


"Ano naman yun? sabihin mo kaya sakin?"


"Ahhh.. wala.. nevermind. don't mind me."


"You're acting strange Lance.. Don't mind you? you're my bestfriend! hindi pwede yan.."


"Basta wala to Claudie.. Isipin mo na lang kung ano talagang dahilan ni Rockee."

Haayy.. wala talaga akong maisip na pwedeng maging dahilan ni Rockee. And the kiss.. Parang walang girlfriend kung halikan ako ni Rockee ahh.. Ano ba talaga sila ni Jane? Why is this becoming so mysterious. Gosh.. hindi ko pinangarap maging detective o inspector o ano-ano pa. Bakit? Puro bakit! Aba!! Bakit na tong buhay ko ngayon ahh!! Kainis rin pala!




No comments:

Post a Comment